"Hi Elisa." Bati sa akin nila Ella at Jake pagkapasok kaya binati ko rin sila pabalik bago pumunta sa locker area at magpalit. "Uy Elisa, boyfriend mo ba yung gwapong naghatid sa'yo kanina?" Ang chismoso naman nitong si Jake, nagkakalalaki eh. "Hindi ah, kaibigan ko lang iyon." "Ang taray naman, pang showbiz ang sagot" Natawa na lang ako sa sinabi ni Ella. Magkaibigan lang naman talaga kami ni Hanz kaya wala ako'ng iba'ng explanation para doon. Nagpatuloy na kami sa pagtatrabaho nang biglang pumasok ang Tita ni Bert. "Balita ko may gustong bumili ng cafe pero ayaw ibenta ni Ma'am." Ang chismoso talaga. "Narinig ko rin iyan, malaking halaga raw yung iniaalok pero ayaw pa rin." Talaga? Maganda kasi yung pwesto ng cafe pero mas marami naman yung maganda ang pwesto kesa dito kaya bakit ito pa rin ang bibilhin nila? "Bumalik na tayo sa trabaho, baka marinig pa tayo ni Ma'am." Sabi ko na lamang kaya bumalik na kami sa kanya-kanyang trabaho. After ng 5 hours shift ko ay pumunta na ako sa locker para magpalit ulit ng suot. Naalala ko'ng susunduin nga pala ako ni Hanz kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. Habang papalabas ay nakangiti pa rin ako pero nawala iyon nang mapansin ko'ng may kasama si Hanz sa kotse. Akala ko pa naman moment namin ito, kasali pa rin pala si Ruth. Since nasa unahan siya ay ako na ang umupo sa hulihan, kusa ko na itong binuksan at nakita ko pa ang pag-irap ni Ruth. "I thought sanay ka naman nang umuwing mag-isa sa Isla, hindi ko alam na kailangan mo pa pala nang susundo sa'yo." Pasaring nito sa akin, hindi ko naman alam if napansin ni Hanz na sarakstisko yung boses ni Ruth kaya mas pinili niya na lang talagang hindi ito pansinin. "Nag volunteer kasi si Hanz, so pumayag ako. Ganoon talaga kapag medyo close na, comfortable sa isa't isa." Ngumiti pa ako dito para mas lalo ito'ng maasar. "Ikaw, hindi mo ba kayang umuwi mag-isa kaya palagi ka'ng umaasa kay Hanz?" Tingnan lang natin kung hanggang saan yung yabang niya. Akala niya siguro porket professor ko siya sa isang major subject ay hahayaan ko lang yung mga sinasabi niya, si Sir pa rin ang magbibigay sa amin ng grades kaya hindi niya ako matatarayan. "How dare you?" Dinuro pa ako nito pero hinampas ni Hanz yung kamay niya, hindi naman malakas iyon kasi parang tapik lang pero obvious naman na napahiya siya. Gusto ko'ng matawa kasi hindi maipinta yung itsura niya. "Don't you dare, kung ayaw mo'ng umuwing mag-isa." Ngumiti ako kay Ruth para mas mainis siya. Akala niya ata porket magkatabi sila sa unahan ay maiinis niya na talaga ako. "Seriously Hanz, bakit siya pa ang kinakampihan mo? Narinig mo naman yung mga sinabi niya sa akin." Para siyang bata na nagtatantrums and ang OA niya sa part na yon ha. "Shut up. You're so immature Ruth, hindi ka pa rin nagbabago." Matagal na ba silang close para masabi niya iyon? Siguro nga, highschool friends nga pala si Duke at Hanz kaya kakilala niya na rin for sure noon si Ruth. "You were blinded by your illusions na siya si Brie kaya mas hindi mo matanggap na wala na siya. You lost the chance Hanz, matagal nang wala." Itinigil ni Hanz ang sasakyan sa gitna mismo ng daan, hindi naman madilim kasi puro ilaw pa rin and may mga tindahan pa'ng bukas. "Go down." Napanganga ako sa narinig, parehas kaming hindi makapaniwala ni Ruth. Talagang papauwiin niyang mag isa si Ruth? "Ano ba Hanz!" Sigaw ni Ruth at may mga napapalingon na rin sa amin, gabi na pero marami pa rin ang open na tindahan. "Bumaba ka bago kita kaladkarin. You can't threat me na isusumbong mo ako sa Ama or Kuya mo, I won't tolerate you lalo na at isinasali mo dito ang asawa ko na nawala dahil rin sa'yo." Galit na galit si Hanz, kitang-kita ko yung ugat sa mga kamay niya kahit gabi na. Isinisisi niya rin kay Ruth ang pagkawala ni Brie, ibig-sabihin may twist pa. Mukhang chismosa ata ako don ah. Nilingon ko si Ruth at napansin na dali-dali itong lumabas habang umiiyak. Medyo naawa naman ako pero medyo lang kasi masama naman talaga ang ugali niya. Hindi na ito nilingon ni Hanz nang makababa at agad rin pinaandar ang sasakyan. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita, siguro ay parehas pa namin ina-absorb ang nangyari. Nang makarating sa pier ay may lalaki ulit lumapit sa amin para kuhanin ang susi kay Hanz. Bakit kaya sa Isla pa rin siya umuuwi eh mukhang ayaw niya naman kay Ruth at magkagalit sila ni Duke? "May bahay ka ba sa Isla?" Hindi ko na napigilan pang magtanong dahil nagtataka talaga ako. "Meron, bumili ako ng kubo malapit sa bahay nila Gov." Sagot nito sa akin, kaya naman pala doon lagi siya galing kasi nandoon ang bahay niya. Mukhang hindi pa alam iyon ni Grace kasi wala siyang sinasabi sa akin. Basta kasi may balita si Grace tungkol sa mga gwapo raw ay sinasabi niya sa akin kahit wala naman ako halos pakialam. Hindi na ako ulit nagsalita pa kasi wala naman talaga ako'ng masabi. Mukha rin namang hindi pa siya okay sa nangyari kanina kaya mas pinili ko na lang tumahimik. "Ruth is a hypocrite." Ha? It is not good to badmouth a woman even a man kahit pa may galit ka dito, pero kung si Ruth lang naman ay ayos lang. "She used to tempt me before but I avoided her. I never entertained her until something happened, not between us but something that turned the situation into this mess." So malaking parte pala si Ruth nang nangyayari ngayon, kung bakit nawala si Brie at kung bakit ito naaksidente. Sa itsura pa lang naman niya ay mukhang hindi na talaga siya gagawa nang maganda. She looks attractive but not in the inside. "Pero bakit mo pa rin siya laging kasama?" Kasi kung ayaw niya kay Ruth, bakit hinahayaan niya itong sumama pa rin sa kanya? Isa si Ruth sa reason kung bakit wala sa kanya si Brie pero hindi niya naman inaalis si Ruth sa picture, that's somehow betrayal. "Gov requested to accompany Ruth for a meantime kasi ngayon lang ulit ito umuwi sa bansa. Sabi nila ay they used me as a reason kaya napapayag nila si Ruth, malaki ang utang na loob ko kay Gov dahil private investigator niya ang nagturo sa'yo sa akin." Nagulat naman ako doon. Pero hindi ko pa rin gets yung part ni Ruth, he can still declined it and i-explain kung bakit ayaw niya kahit may utang na loob pa siya kay Gov. If I am that person and malaki yung kasalanan sa akin nung tao, I won't entertain him in any possible way. You put me in a shit life and then you want me to brings you comfort? That was so absurd. Hanz reason for me can't justify his actions for Ruth. Pinili ko na lamang hindi sumagot para hindi na rin siya magsalita. I'm upset from what I've heard kahit na hindi naman ako kasali sa kwento nila. "Thank you sa pagsundo at pagdadala sa akin kanina sa burol." Sabi ko kay Hanz nang makababa kami sa bangka, magkaiba yung way namin kaya nagpaalam na ako agad. "You're welcome and thank you rin, napasaya mo ako. Ihahatid na kita kasi gabi na." Tatanggi pa sana ako nang may tumawag sa akin. "Uy Elisa." Boses iyon ni Grace, gabing-gabi na pero nasa labas pa siya? "Hindi na, nandyan yung kaibigan ko kaya sabay na kami pauwi. Umuwi ka na rin para makapagpahinga ka." Kumaway pa ako dito at patakbong lumapit kay Grace. Nang makalapit ako ay kinurot ako nito sa may tagiliran. "Aray, ano ba!" Asik ko dito dahil masakit naman talaga. "Tse, tigilan mo ako. Bakit kasama mo si pogi? Ay hindi lang basta magkasama, magkausap pa talaga kayo." Sinusundot-sundot pa ako nito habang nagsasalita. "Nagkasabay lang kami sa pier, at dahil iisa naman ang pupuntahan namin kaya nagsabay na rin kami sa bangka." Pagpapaliwanag ko dito kasi hanggat wala ako'ng sinasabing paliwanag ay siguradong hindi niya ako titigilan. "Sus naman, inaagawan mo ako ha. Pero sige sa'yo na, para naman magka boyfriend ka." Inirapan ko lamang ito at tinapik ang kamay dahil hindi na siya tumigil sa pagsundot sa tagiliran ko, tinawanan lang naman ako nito at niyayang umuwi. "Teka, bakit nasa labas ka pa eh gabing-gabi na." Parang hindi naman mapakali si Grace dahil sa tanong ko. Hindi na siya makatingin ngayon sa akin. "May problema ba?" Mas nabalisa siya, ang weird ha. "Wala, may nakita lang ako'ng kakilala kanina eh napasarap ang kwentuhan kaya ginabi na ako." Halatang nagsisinungaling siya pero hindi ko na lamang inusisa pa dahil baka ayaw niyang ikwento. Pagkarating ko sa bahay ay hinanap ko agad si Nanay, pero wala siya rito. Gabi na ah, baka nasa mga kasamahan niya na naman. Dumiretso na lang ako sa kwarto para magpahinga pero hindi pa ako nakakapasok ay narinig ko na ang pagkalampag ng pinto. "Saan po kayo galing Nay?" Magulo yung suot niya pero hindi siya lasing, may lipstick rin siyang suot ngayon na nakakapanibago. Hindi kasi mahilig si Nanay sa make-up, nangangati raw ang labi at mukha niya kapag may inilalagay siyang make-up. "Ano ba ang pakialam mo? Ito dalawang-libo, ibayad mo sa kuryente bukas. Baka sabihin mo di ako nagbibigay dito sa bahay, aba umayos ka." Kumunot lamang ang noo ko dahil may pera si Nanay, ayaw niya kasing magtrabaho dahil sabi niya ay ako raw ang gumawa noon. "Saan po galing ang pera niyo Nay?" Mukhang nainsulto siya kasi ibinato niya sa akin yung walis sa tabi niya. "At ano'ng gusto mo'ng palabasin, na nagnakaw ako? Hayop ka talaga." Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, wala kasi siyang trabaho tapos bigla niya ako'ng binigyan ng pera. Hindi na lamang ako sumagot at nagpasalamat na lang, pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda
03/10/2025
0magandang kwento
13/04/2025
0the story releted
29/11/2024
0Tingnan Lahat