"Hanz, ano'ng ginagawa mo rito?" Pareho'ng nakakunot ang kanilang noo at mukhang mag aaway pa ata. "I'm the one who should ask you that. Bakit ka nandito at hinidi binabantayan si Tito?" Mas galit yung boses ni Hanz ngayon, parang handa siyang hilahin palabas ng gate si Ms. De Guzman. "May mga nurse naman at saka kinuha ako'ng mentor dito para sa gaganaping Quiz Bee. I'm not expecting to see her here, so ikaw?" Sarakstisko yung mga boses nila ha, mukhang hindi sila friends. "You will just ruin everything that I plan, siguradong papangunahan mo ako kasi nakita mo na rin siya." "I think you got it wrong. Don't you remember that you're the one who ruined everything?" Walang nagpapatalo sa kanila at parehas masama ang tingin sa isa't isa kaya naman sumingit na ako para makaalis na ako dito. "Ms. De Guzman, thank you po sa pagbibigay nito. Mauna na po ako." Yumuko na ako para magpaalam pero hinila ako ni Hanz paalis. Ano ba yan, hindi na nga ako nakapunta sa C.R tapos hindi ko pa rin sila matakasan. "Let's eat pero dumaan muna tayo sa 'Minas' para ma-cover yang pasa mo." Ang gentle nang pagkakahila niya sa akin. Hindi na ako tumugon kasi gusto ko rin matakpan na ito'ng nasa pisngi ko, masyado na kasing agaw-pansin. Hindi ata busy sa buhay si Hanz kasi pasulpot-sulpot na lang lagi siya. Hindi ko na rin napapansin si Ruth na nakalingkis sa kanya. Sumakay lang kami sa kotse then bumaba sa isang shop na may name na 'Minas'. Mukha siyang salon pero may make-up set rin sa isang area. May lumapit sa akin na mukhang may lahi na babae at pinaupo ako sa sofa. Nilagyan niya lang ng cream ang mukha ko at hindi ko na alam kung ano ang tawag sa iba niya pa'ng inilagay pero nang pinatingin niya ako sa salamin ay ang fresh ko tingnan. Walang bakas ng pasa, pagod at hirap. "Tara na kumain, sa may fast food tayo." Date ba ito? "Sa Jollibee na lang, miss ko na yung manok nila at gravy." Mas pinili ko na lang maging casual para hindi kami awkward. "Sure, kung saan mo gusto." OMG talaga, ngumiti siya sa akin. Namula ang pisngi ko at nag iinit rin, parang gusto ko'ng umirit. ••• "Akin na lang kasi." Kanina ko pa hinihingi sa kanya yung chicken skin pero ayaw niya. "You have your own, let me eat mine. If kulang pa iyan sa'yo ay umorder na lang ulit tayo." Napasimangot naman ako sa sinabi niya, ang hilig niya gumastos ha porket mapera. "Huwag na, kumain na lang tayo." Sabi ko na lang kasi baka ilang chicken joy pa ulit yung mabili niya. Isinawsaw ko yung fries sa sundae kaya napapikit ako, ang sarap talaga. "Ayaw mo ba ng fries?" Pansin ko kasing inilipat niya ito ng puwesto at puro kanin lang ang kinakain niya. "No, but you can have it if you want." Parang pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig kaya kinuha ko na agad ang fries niya kasi baka magbago pa siya ng isip. "Ang sarap kaya ng fries pero mas masarap kung ibibigay mo sa akin yung chicken skin." Pagpaparinig ko dito tapos kunwari sa iba ako nakatingin pero pansin ko naman ang pag-irap niya. "I told you na pwede tayong bumili ulit if gusto mo. Hindi ko ibibigay sa'yo ito." Siguro favorite niya rin ang chicken skin kaya ayaw niya talagang ibigay, edi don't. "Hindi na nga, ang aksaya mo sa pera eh marami na ito'ng naorder mo." Inirapan ko ito at nagpatuloy na sa pagdidip ng fries sa sundae. Matagal kami bago nakatapos sa pagkain kasi bukod sa marami yung inorder niya ay para rin siyang babae kung kumain. "Do you still have class?" Nasa may parking lot na kami ngayon, hindi ko alam kung may balak pa ba siyang puntahan. "Wala na naman, puro vacant na lang pero may trabaho ako mamayang 5:00 p.m sa cafe." May isa pa dapat ako'ng klase pero na-move na yung time niya sa morning class kaya puro vacant na ang hapon ko. "Good, I want to bring you somewhere." "Saan naman?" May nalalaman pa siyang somewhere-somewhere. "It's a surprise, kay pumasok ka na para mabilis tayong makarating dahil may work ka pa mamaya." Sumakay na rin naman ako agad. Hindi na ako umaangal pa since gusto ko rin naman siyang kasama at wala rin ako'ng plano ngayong hapon bago ang trabaho ko. "Pwede ko ba'ng i-open yung stereo?" Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta pero malamig yung dinaraanan namin kaya feel ko mag music. May ganito palang lugar sa Sta. Ana, hindi naman kasi ako mahilig umalis kaya hindi ko rin alam. "Sure, suit yourself." Sagot nito sa akin kaya inopen ko agad ang stereo niya. The One That Got Away ni Katy Perry yung kanta kaya naman feel na feel ko kahit hindi ako broken. Hindi ko alam pero ang sarap lang mag chill sa mga sad songs kahit hindi mo naman talaga nararaasan pa yung pinanghuhugutan nila. Hindi ko na napigilang sabayan yung kanta kasi nadadala na talaga ako sa lyrics. Narinig ko ang mahinang tawa ng katabi ko kaya napalingon ako dito. Siguro ay mas ramdam niya ito kesa sa akin. That maybe in another life ay magiging sila ulit ni Brie and mas aalagaan niya na ito. He will do his best on that time para lang mag stay na ito sa kanya, I felt sad. Ang saya ko lang kanina pero nalulungkot na ako ngayon, siguro ay dahil nakikita niya sa akin si Brie kaya niya lang ako kinukulit sa ngayon. But if something or someone gives a proof na hindi kami iisa ay siguradong lalayo na siya at hahanapin na ulit ang totoong Brie. Life really sucks. Ini-next ko na lamang ang kanta bago pa ako mag breakdown dito at mapahiya sa harap niya, that sucks more I think. Gosh! Sabi ko ayaw ko magdrama pero bakit ganito yung kanta? Ben&Ben naman. I can't take this kaya ini-off ko na lang. How can a song gave us a heartache? I want to chill kasi malamig yung panahon pero parang mas nanlamig ako sa nararamdaman ko. Nagtaka ata si Hanz kasi ini-off ko agad yung stereo pero inunahan ko na siya at sinabing ayaw ko pala kasi maingay. "Malayo pa ba tayo?" Tumingin ako sa phone para tingnan ang oras and 2:08 p.m na. Kung malayo ang pupuntahan namin ay baka ma-late ako sa trabaho. "Malapit na, just another boundary and we'll be there." Sagot nito sa akin kaya naman humarap na lang ako sa bintana at tiningnan yung mga punong nadadaanan. Ang lakas maka-nature vibes ng lugar na'to, parang mas gugustuhin ko na lang dito kesa sa school pero mas gusto ko pa rin sa Isla kahit na magkaiba yung vibes nito at nang sa dagat.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda
03/10/2025
0magandang kwento
13/04/2025
0the story releted
29/11/2024
0Tingnan Lahat