Nasa cafe ako ngayon at wala masyadong customer kaya naman umupo muna ako. Natapos ko na rin kasi ang pagpupunas sa mga table. "Elisa." Napapiksi naman ako nang tinawag ako ni Jake. "Ay sorry, nagulat ata kita. Sasabihin ko sana na hindi na bumalik ulit dito yung lalaking sinasabi ko sa'yo na hinahanap ka." Isa pa iyan sa isipin ko, wala talaga ako'ng maisip na matandang lalaki na kakilala ko. Kung babae pa ay baka si Nanay, pero lalaki? "Hayaan mo na, baka nagkamali lang iyon ng punta." Pagsasawalang-bahala ko dito. "Siguro nga, pero sinabi niya kasi ang Elisa kaya alam ko'ng ikaw ang kailangan niya. Nagkamali pa nga siya, ang una niyang nasabi na pangalan ay Brie tapos binago niya lang." Napalingon naman ako kay Jake dahil sa kanyang sinabi. Hindi kaya si Mr. Cruz ito? Bumalik na kami sa trabaho nang may pumasok na customer, agad naman ako'ng lumapit dahil wala si Ella. Ako lang ang available para kumuha ng orders kaya pabor na rin sa akin na hindi ganoon karami ang customers ngayon. Nang matapos ang shift ko ay nagpaalam na ako kay Jake, araw rin ng sahod ngayon kaya may pera ako na ibu-budget. Nasa may tabing-dagat pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Nanay. "Elisaaa. Hayop ka talagang bata ka." Hayst. Mukhang balik sa dati na talaga siya ulit. "Nay." Lumapit ako dito agad nang makita ko'ng natumba ito, but instead of saying thank you na sobrang labo na mangyari ay sinampal lamang ako nito. Naliyo ako sa sobrang lakas non, iba yung sampal niya parang sobra yung galit. Buti na lamang at gabing-gabi na kaya kami na lamang ang tao sa labas. Kahit ganoon, pinilit ko pa rin siyang itayo at dalhin sa loob ng bahay. "Hayop ka, Elisa. Malas ka sa buhay ko. Sana ay hindi ka na lamang kinuha ni Minggoy." Kahit alam ko nang hindi nila ako totoong anak ay napaiyak pa rin ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko rin naman ito ginusto, yung mahiwalay sa totoong pamilya at mabuhay nang walang maalala. "Lasing ka na po Nay, tara na po sa kwarto." Isang sampal na naman ang naramdaman ko, pero kumpara sa kanina ay mas mahina ito. "Sabi ni Minggoy ay ayos lang. Swerte ka raw sa amin kaya tinanggap rin kita. Pero ikaw pa pala ang papatay sa kanya." "Tama na Nay." Hindi ko na mapigilang sumigaw. "Hindi ko rin naman ginustong mamatay si Tatay." Sigaw ko pa ulit, hindi ko na rin mapigilan ang pag iyak. "Hindi ko ginusto na balikan yung tsinelas para mapahamak siya. Regalo niyo kasi sa akin iyon kaya gusto ko'ng pahalagahan, kung alam ko na dahil lang doon ay mawawala sa atin si Tatay ay hindi ko na sana ipinilit." "Nay, hindi lang ikaw yung nawalan. Nang mawala sa akin si Tatay ay nawala ka na rin sa akin. Nag-iba ka, hindi mo na ako trinato bilang anak kahit pa ano'ng pagmamahal ang ipakita ko sa inyo." "Kahit sundin ko ang gusto niyo at kahit palagi ko'ng saluhin yung sampal at hampas niyo, hindi ako nagreklamo. Iniisip ko na kasalanan ko naman talaga, pero hindi ko po ginusto." Iyak ako ng iyak, hindi ko na kaya yung mga sinasabi niya. Pinilit ko namang hindi manumbat pero sobra na kasi siya. "Hindi po ako nagalit nang ikulong niyo ako sa kwarto sa apat na araw na burol ni Tatay. Kahit ano'ng pagmamakaawa ko noon na makita man lang siya kahit sa huli ay hindi mo ako napagbigyan. Hinding-hindi ako nagtanim ng sama ng loob kasi alam ko'ng kasalanan ko." Hindi ko na kinaya kaya tumakbo na ako papunta sa kwarto at doon umiyak ng umiyak. Naririnig ko rin yung iyak ni Nanay, nakonsensya ako sa mga sinabi ko. Hindi ko na napigilan pa kaya nakapaglabas ako nang sama ng loob. Siguro ay dahil na rin sa kalituhan sa mga nangyayari ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko'ng sabihin ang mga iyon. Bumangon ako at humarap sa salamin, namumula yung pisngi ko dahil sa sampal ni Nanay pero mas masakit yung nararamdaman ko kesa sa sampal. Pakiramdam ko ay nanlilimos ako nang pagmamahal, at dahil hindi ko siya totoong magulang ay nahihirapan siyang ibigay iyon sa akin. Kahit pa ganoon, siya pa rin ang Nanay na kinikilala ko. Nang nabubuhay pa si Tatay ay mahal na mahal nila ako, lahat ay halos ibinibigay nila sa akin. Sadyang malaking kawalan sa amin si Tatay kaya nang mawala siya ay nagbago halos lahat pati na rin ang trato sa akin ni Nanay. ••• Nasa library ako ngayon habang hinihintay si Ms. De Guzman, nag message siya sa akin na medyo malelate siya kaya nagreview muna ako nang sa akin. "Oh my G, Elisa. Sorry kung na-late ako ha, nag print kasi ako nang pwede ko'ng ipa-exam sa'yo." Nakakagulat naman siya, bigla na lang nagsasalita. "Okay lang po, kakarating ko lang rin naman po halos." Sagot ko dito at nginitian para ipakitang okay lang pero nawala ang ngiti ni Ms. De Guzman nang mapatingin siya sa pisngi ko. Bigla niya itong hinawakan kaya napapiksi ako dahil medyo mahapdi iyo. Dali-dali naman ako'ng umiwas nang tingin sa kanya. "What happened to your cheek? Namamaga." Seryoso yung boses niya at parang galit. "Nauntog po kasi ako sa kahoy, hindi ko po napansin." Pagsisinungaling ko dito pero mukhang hindi siya naniniwala. "Tara na po mag review para marami tayong ma-tackle at makapag exam rin po ako within 2 hours." Sabi ko na lamang para maiba ang topic namin. Mukha namang may sasabihin pa siya pero nag open na ako ng book para ipakitang gusto ko na talaga mag review. Hindi kasi ako maalam mag cover ng mga pasa gamit ang make-up kaya hinayaan ko na lang. Pansin ko rin ang pagtingin sa akin ng mga kaklase ko pero wala ni isa ang nagtangkang magtanong which makes me feel thankful kasi hindi ko rin alam kung paano mag e-explain. "Focus also sa mga operant and classical conditioning at sa Thorndike's Theory kasi last time marami silang questions about that. But it doesn't mean na hindi ka magfofocus sa iba'ng topic ha. Balance your time para mapag aralan mo lahat and balance also your time para sa iba'ng bagay. Huwag mong alisin yung time mo for peace of mind." Nakikinig lang ako sa mga itinuturo ni Ms. De Guzman, she's a great mentor and madali niyang nadidiscuss ang bawat topic. Napapansin ko rin na hindi niya mapigilan ang pagtingin sa pisngi ko kaya medyo naiilang ako. After namin ay nagpaalam ako agad para dumiretso sa C.R. "Bakit ka may pasa?" "Ay palaka!" My gosh, nakakagulat siya. Bakit ba siya laging nasa school? Wala ba siyang trabaho? "Napahampas lang sa kahoy." Maikli ko'ng sagot dito pero katulad ni Ms. De Guzman ay mukhang hindi rin siya naniniwala. "You can't fool me, I know when you're lying." Talaga lang ha? "Edi huwag kang maniwala, as if pinipilit kita." Inirapan ko na lamang ito at pupunta na sana sa direksyon ng C.R nang may tumawag sa akin. "Elisa nakalimutan mo yun--" Hindi na naituloy ni Ms. De Guzman ang kanyang sasabihin dahil mukhang nagulat siya nang makita kung sino ang kasama ko. "Agatha?" Magkakilala sila?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda
03/10/2025
0magandang kwento
13/04/2025
0the story releted
29/11/2024
0Tingnan Lahat