Chapter 13

Nang makatayo ay diretso ko'ng tiningnan ang lalaking kanina pa'ng nanlilisik ang mata kay Duke. He seems so hard, parang walang makakapigil kung magwawala man siya ngayon. Buti na lamang nga at wala halos tao sa canteen kaya walang nakapansin sa nangyari, kung nagkataon na maraming nakakita ay siguradong hindi ko na gugustuhin pa'ng pumasok sa school.
Ramdam ko pa rin ang pamumula at pag iinit ng pisngi ko. Sino ba namang hindi? Sabihin man na hindi sa lips iyon pero nahagip pa rin yung gilid ng lips niya. At isa pa, si Duke iyon. I don't want to feel awkward when he's around pero mukhang palagi ko'ng maaalala yung scene ngayon.
"I told you to back off." Napalingon ako kay Hanz nang magsalita ito, masama pa rin ang tingin niya kay Duke.
"That was an accident and bakit ako magbaback-off?" Sarakstisko ang pagsasalita ni Duke, magkaaway ba sila?
"You assume to much, I guess. You can hang around for now but when the results came out, I'll surely drag her away from you." Ano ba'ng pinag-aawayan nila at dito pa talaga sa canteen? Mukhang nagalit na rin si Duke kasi sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa lamesa.
"You are the one who's assuming too much. The results may agreed or not to your speculation but the person involved will surely disagree on it." Akala ko magkaibigan sila kaya madalas si Hanz sa Isla. Base on what I'm hearing from them, mukhang may pinag aawayan sila. They are not dragging some names and keep on addressing someone as 'she' and 'her', so I assume na babae talaga yung pinag aawayan nila. Huwag naman sanang si Ruth kasi nakakairita na.
"Why not? I let her slipped on me for 4 years and I will not let it again for another year." Okay, gets ko na kung sino. Si Brie na naman, at least hindi si Ruth.
"Tumigil na nga kayo, mauna na ako Duke kasi may kalase pa ako. Ahm, sorry nga pala sa nangyari." Sa iba ako nakatingin kasi nahihiya pa rin talaga ako.
"No worries, it was an accident. Sige na, pumunta ka na sa klase mo kasi baka ma-late ka pa." Tumingin na ako sa kanya and nakangiti naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Ako lang naman ang nag iisip ng iba, tama naman si Duke na aksidente lang ang nangyari. Nagpaalam na ako ulit at hindi na tumingin pa kay Hanz pero bago pa ako makaalis ay hinila na ako nito kung saan.
"Ano ba, saan mo ba ako dadalhin?" Nakakainis talaga ito, akala mo pagmamay ari ako kung umarte siya.
"Stop seeing Duke, at ano yung nakita ko sa canteen?" Inirapan ko lamang ito at aalis na sana.
"I am talking to you, Elisa. You're too naive na hindi mo napapansin yung mga signals ni Duke sa'yo."
"Are you deaf? Sabi nga namin na aksidente lang iyon. Saka ano ba ang ikinagagalit mo eh wala naman kaming ginagawa sa'yong masama?" Hindi ko na talaga mapigilan yung inis ko sa kanya. Napaka demanding niya at parang gusto niya ako'ng i-control everytime he wants to.
"Hindi kita pinapakialaman kapag magkasama kayo ni Ms. Estefano, so stop acting as someone special kasi first of all ay hindi naman tayo magkakilala." Hindi ko na talaga hinayaang pigilan niya pa ako. Siguradong nasa room na si prof, sa 4th floor pa naman ang klase ko. Napaka-bossy eh hindi naman kami close. I just know his name and wala nang iba.
Pagkarating ko sa may pinto ng room ay nag aalangan ako'ng kumatok, nakakahiya naman kasi. May quiz pa naman kami sa subject na ito, naglakas-loob na lang ako'ng kumatok habang nakapikit.
"Good morning po Ma'am, sorry po at late ako." Tinaasan lamang ako nito ng kilay at itinuro ang vacant seat. Buti na lamang at hindi siya nagalit, siguro ay naisip niya na hindi naman talaga ako madalas ma-late kaya pinalampas niya na lamang.
Napansin ko na one seat a part sila, siguro ay dahil sa quiz. Buti na lang talaga at prepared ako para sa mga ganitong exam. It took us half an hour bago matapos sa quiz at naririnig ko pa ang reklamo nila na mahirap raw ang mga tanong. Hindi naman siya ganoon kahirap ah, and 15 items lang naman. I don't understand them, gusto nila nang mataas na grades pero ayaw nila ng exams and recitation.
I love the program that I've chosen kaya naman hands-on talaga ako sa mga subjects, especially the major. I love how Theory of Personality discussed every theory of different psychologist or behaviorist. Ang hate ko lang sa TOP ay yung temporary teacher namin.
Nang matapos ang klase ay hinintay na namin ang next professor na si Ms. Contempo. Hindi rin naman ganoon kahirap ang mga topics sa Contemporary, more on economics lang and civilization.
"Good morning class. Since malapit na ang finals niyo, I'll give you some pdf files as your reviewer." Malapit na pala ang finals, hindi ko man lang naalala. Puro Quiz bee kasi ang pinapaaral sa akin kaya medyo nakalimutan ko na yung dates for major exams.
"Ang bait talaga ni Ma'am." Napairap na lang ako sa narinig. Ang sipsip ha, nasa mga notes lang rin naman ang mga exams.
"Tigilan mo ako Mr. Salvacion, you're still not passing your output. I am giving everyone a consideration pero mukhang inaabuso niyo naman ata." Natahimik naman si Justine, siguro ay napahiya kahit pa hindi naman pagalit ang boses ni Ma'am. She just sounds strict kasi matagal na naman talagang tapos ang given deadline ni Ma'am for that output, and it's just a research about certain topic. Hindi ko alam sa iba kung bakit hirap na hirap sila pero kapag hangouts ay active lagi.
It's true that we have different capacity, pero yung lumampas ng ilang days after the said deadline is unacceptable. Lalo na at we have given enough time and consideration. Nevertheless, it's their grades so bahala sila.
After some chitchats, nagpatuloy na si Ma'am sa discussion about globalization then nang mag time na ay una-unahan ang mga kaklase ko sa paglabas.
"Uy Elisa, sumabay ka na sa amin sa kumain." Pagtawag sa akin ni Angela. This is one of the good traits I like from my classmates, hindi mo man sila best friend but still they're your friends. Madali silang pakisamahan at hindi ka makakaramdam ng awkwardness.
"Oo ba, nag a-adjust pa rin ako kasi wala nga si Bert." Sagot ko na lamang dito. Sana ay okay lang lagi si Bert, sigurado naman ako na hindi iyon mauubusan ng kachikahan kasi ang ingay niya.
Pagkarating namin sa canteen ay sabay-sabay kaming pumila. Macaroni lang ang gusto ko'ng orderin since hindi pa ako masyadong nagugutom. Paalis na sana ako nang may kumuha sa tray ko at siya na ang nagdala nito papunta sa iba'ng table.
"What do you think are you doing?" Hindi ako nito pinansin at umupo na lamang.
"Eat some rice, kaya ka pumapayat." I wonder kung gaano kakapal yung mukha niya para hindi mapansin na inis talaga ako sa mga ginagawa niyang ito. He act like it doesn't bother him.
"Ano pa ba ang kailangan mo? I am not Brie. Kapag nandyan si Ruth ay wala lang ako tapos kapag wala siya saka mo ako lalapitan? You are acting strange and unmannered." Hindi ko na talaga mapigilan pero mas nakakainis na hindi man lang siya nagreact at iniabot lang yung pagkain ko na may kasama ng rice and adobo sa tray. Mas pinili ko na lang rin hindi magsalita ulit kasi wala naman ako'ng napapala.
"By next week, we have an event gathering and I need a date." So?
"I want you to be my date." Nagulat naman ako sa sinabi niya. He's not asking me to be his date, more on demanding me. Parang wala ako'ng choice and the answer should only be a yes.
"Busy ako, saka bakit hindi si Ms. Estefano ang yayain mo?" Tama naman diba? Si Ruth yung lagi niyang kasama tapos ako ang yayayain niya.
"Stop dragging Ruth's name in our conversation." Nasaktan ako sa sinabi niya. Parang ayaw niya na may nasasabing masama kay Ruth kaya ipinagtatanggol niya ito.
"Ayoko, marami ako'ng kailangan gawin at hindi ko priority ang pagpunta sa party."
"Coming from someone who got drunk and dance with crowd of people." Naramdaman ko naman ang biglang pamumula ng mukha ko dahil sa kanyang sinabi, nakakainis siya ha.
"Bert is my friend for a year and mas close ko siya kesa sa'yo. Si Ms. Estefano na lang ang isama mo." Pagtanggi ko pa rin dito.
"I don't care, have a time for that event. I'll fetch you at 5:00 in the afternoon. Don't worry on what you will wear, that's on me." Wala nang nagsalita pa sa amin at mukhang hindi niya rin naman ako hahayaang tumanggi. Naka-fix na rin yung mga gagamitin so hindi niya talaga ako binigyan ng choice. Binilisan ko na lamang ang pagkain para makaalis na ako dito. Sa library na lang ulit ako tatambay para makapag review ako sa ibang subject.
"Mauna na ako." Maikli ko'ng sabi dito at inayos ko na ang mga gamit ko. Hindi ito nagsalita pero hinawakan niya ako sa braso. Napansin ko namang marami ang nakatingin sa amin, issue na ito for sure.
"Bitaw." Masama na ang tingin ko kay Hanz, napipikon na talaga ako sa iniaarte niya.
"Stay away from Duke. Do not entertain him." Sino ba siya sa akala niya? Pinilit ko'ng tanggalin yung pagkakahawak niya at nang maalis ko ito ay dire-diretso ako'ng umalis. There's no way that I'll follow what he wants.

Komento sa Aklat (59)

  • avatar
    Dandrei Espiritu

    maganda

    03/10/2025

      0
  • avatar
    Adelino Matalubos Guion

    magandang kwento

    13/04/2025

      0
  • avatar
    Sanchez corralMaryjoy

    the story releted

    29/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata