"Oh nadyan na pala si Ms. De Guzman." Nag aalangan pa si Dean kung susundan niya pa ba ang kaniyang sinabi dahil napansin niya na rin na umiiyak ang tinawag niyang Ms. De Guzman. Pamilyar siya, ang surname niya ay katulad ng nabasa ko'ng pangalan sa envelope na nakita ko sa kwarto ni Nanay. Except on that ay sobrang pamilyar niya talaga, ang bigat ng pakiramdam ko nang makita ko siya. Parang gusto ko'ng sabayan yung pag iyak niya kasi feeling ko nasasaktan rin ako. "Ahm. Are you okay Ms. De Guzman?" Sa wakas ay may nagsalita rin, para namang natauhan si Ms. De Guzman dahil agad niyang pinunasan ang mga luha niya at inayos ang sarili. Hilaw siyang ngumiti sa amin bago lumakad palapit. "Yes po, Dean. May naalala lang ako nang makita ko siya, she seems so familiar with me. Pasensya na kung nakapagdrama ako agad." Nilakipan nito ng mahinang tawa ang sinabi pero halata pa rin na pilit iyon. "It's okay, iyan rin ang sinabi sa akin ni Mr. and Mrs. Cruz nang ininvite namin sila para sa program ng school." Nagulat naman ako sa narinig, mukhang hindi lang pala ako ang nagulat. Hindi mo kasi alam na ganoon na-curious sa akin sina Mr. and Mrs. Cruz para sabihin pa ito kay Dean. I wonder if they asked something personal about me, kung ako ang tatanungin nila ay baka wala rin ako'ng maisagot. "Okay, let's go back to what I am saying Ms. Soriano. Since nandito na si Ms. De Guzman, I will personally introduce both of you to each other." Pag iiba ni Dean ng topic. "Ms. De Guzman ,this is Ms. Soriano our candidate for Quiz Bee. She's always on top sa department namin kaya siya rin ang napili ng mga professor. Ito naman si Ms. De Guzman Ms. Soriano, she's from Manila and a registered psychometrician. Sinuggest siya sa amin ng head kasi kilala siya iba't ibang school. We do believe na both of you are perfect match when it comes to this. We are expecting high from the both of you." Mahabang paliwanag ng Dean. Nakaka pressure yung mga sinabi niya, parang bawal talaga ako'ng umuwi na talunan even wala naman talaga ako'ng balak. "Nice to meet you po." Magalang ko'ng sabi kay Ms. De Guzman at nakipag-kamay pa rito. "Nice to see you again." Parang sobrang saya niya and ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Teka, nice to see you again? Nagkita na na kami. "Again?" Pagkukumpirma ko sa sinabi nito. "Ow sorry. I mean is, nice to meet you too Ms. Soriano. What's your name?" "Elisa Soriano pa, you can call me Elisa instead of Ms. Soriano." Pagpapakilala ko dito, masyado kasing formal a g Ms. Soriano. "Sure, Elisa. I'm Agatha Kaye De Guzman, a registered psychometrician and I will be your mentor." Paulit-ulit sila ha, alam ko na kaya. Hindi niya na rin ata kayang ngumiti ng totoo, medyo tabingi kasi yung ngiti niya. Ang gaan ng loob ko sa kanya, parang pakiramdam ko namiss ko siya kahit di ko naman talaga siya kilala. "Oh siya, you can go back to your class Ms. Soriano. Then for Ms. De Guzman, kindly use these books for reference also." Ngumiti lamang ako kay Dean at nagpaalam na. Hindi ko alam pero automatic ako'ng tumigil para intayin si Ms. De Guzman, parang gusto ko kasi na sabay kaming maglakad. "Matalino ka pa rin." Hindi ko alam kung ako ba ang sinasabihan niya, pero dalawa lang kasi kami dito. 'Pa rin?' "Po?" Tanong ko na lamang dahil di ko rin naman siya gets. "Ow, nothing. I just remembered something, someone rather." Nakitawa na lang ako kahit walang nakakatawa. Simula nang makilala ko si Hanz, marami na rin ako'ng nakilalang weird. They act so strange and lahat connected kay Brie. Nagpaalam na ako na babalik sa room, pero nagulat na lang ako nang yakapin ako nito. Sobrang higpit, niyakap ko siya pabalik kasi feeling ko nga namimiss ko na siya. So weird talaga, pati ako weird na rin ata. "Sorry, I just missed someone then nang makita kita is naalala ko siya. Pasensya ka na ha, sige na you can go back to your class. See you later." Hindi niya na ako hinintay sumagot at tumalikod na agad siya, ang bilis niyang bumaba sa hagdan ha. After hours of class ay nag dismiss na rin si Ma'am Jonna kaya sa library na ako dumiretso. Doon kasi kami nagrereview para tahimik rin and madaling makapag focus. Bert sent me a message during class, gusto ko'ng maiyak nang maalala ko ang sinabi niya. Pinipilit raw kasi siyang sa America na mag aral, kaya pala problemado siya these past few days. At the end, wala rin siyang nagawa and sa text na lang siya nakapagpaalam sa akin. Nakakalungkot, sobra. Si Bert na lang kasi ang maiituring ko'ng best friend sa klase kahit pa halos friends kaming lahat sa room. I have no choice naman but to support him and pagaanin yung loob niya, we promised to keep our communication para lagi pa rin kaming updated sa isa't isa. Hirap na hirap ako magreply kanina kasi nga may klase pero pinilit ko pa rin para makapag paalam ako kay Bert. Namimiss ko na siya agad, wala nang magyayaya sa akin sa mga galaan at magpalakas ng loob ko kapag may problema. Sa kaiisip ko kay Bert ay hindi ko napansin na nasa library na pala ako. Pumasok na agad ako sa loob at nag swipe ng I.D dumiretso ako sa usual spot nag pagrereview. Nakita ko naman si Ms. De Guzman na nag aayos ng glasses niya habang may Introduction to Psychology siyang book na naka-open sa table. "Hello po, na-late po ba ako?" Alam ko namang hindi, pero masyado kasi siyang maaga dito kaya baka iba ang alam niyang schedule namin and isipin niya na pa-late late ako. "Of course not, Elisa. Inagahan ko lang talaga ang pagpunta para makapag browse ako ng book." Ang gaan ng ngiti niya, hindi nakakasawang tingnan. Nag start na rin kaming mag review since 2 hours lang ang nakalaan namim para dito. She seems so hands-on sa mga handle niya and malinaw niya naeexplain yung mga theories. Kaya siguro aiya Top 3 in board exam dahil matalino talaga siya. Nasa thories kami ni Klein nang may tumawag sa kanya, 15 minutes na lang rin naman and tapos na kami. Hindi niya ito sinagot kasi nga nasa library kami, naka-silent naman so ayos lang. Tutuloy na sana kami sa pagrereview pero may tumawag ulit sa phone niya. "Can we continue this next time, ilang minutes na lang rin naman. Baka kasi emergency ito dahil family contact." Parang nag aalangan pa siya magpaalam, siguro ay dahil unethical iyon para sa kanila but I understand naman. "Yes po Ms. De Guzman, malapit na rin naman po mag time and marami na tayong tackled within two hours." Pagpapagaan ko ng loob nito and para malaman niya rin na ayos lang talaga. Nagpasalamat naman ito at umalis na rin agad. Wala kaming pasok sa cafe ngayon kaya sasaglit muna ako sa 'Formosa', malaking pamilihan ito dito sa Sta.Ana. May mga pagkain, appliances, school supplies at marami pang iba't ibang paninda. Hindi siya mall pero complete package na, halos lahat ng kailangan ay naandon na at mura lang rin yung mga products nila. Pumara na ako ng jeep, kapag ganitong oras ay maluwag ang mga sasakyan kaya nakasakay rin ako agad. Pagdating sa Formosa ay namili na agad ako ng mga kakailanganin ko sa Quiz Bee at sa pagrereview, nagsama na rin ako ng pagkain para hindi na ako mahirapan kapag nagugutom sa gabi. "Ay." Nagulat ako kasi may bumunggo sa likuran ko, napasandal ako sa mga snacks kaya may ilang pumatak sa sahig. Nilingon ko ito at kumunot ang aking noo, nananadya ba siya? "Ow sorry Elisa, ikaw pala yan." Peke yung ngiti niya, nakakairita rin siya. Hindi mo na siya sinagot at nilimot ko na lang yung mga pumatak na snacks. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Hindi ba obvious? "Namimili?" Patanong na sagot ko dito. Mukhang napikon naman siya dahil pasimple niya ako'ng inirapan. "Hanz, come here." Magkasama pala sila, bakit pa ba ako magtataka? Mukhang tuta ni Ruth itong si Hanz, walang sariling desisyon. Baka naman gusto niya rin, nakakainis talaga. Umalis na ako sa puwesto ko at lumipat sa school supplies area. Inaabot ko yung envelope na nasa mataas na part pero hindi ko makuha, tatawag na sana ako ng saleslady pero may umabot na nang envelope. "Here, do you need anything?" Duh. Saleslady ba siya? Hindi ko sinagot ang tanging niya at nagpasalamat na lang.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda
03/10/2025
0magandang kwento
13/04/2025
0the story releted
29/11/2024
0Tingnan Lahat