Homepage/Philippines Young Billionaire’s Club series 1: Stripped/
Chapter 78
Dahan-dahan kong sinapo ang magkabilang gilid ng mukha nito at marahang hinila patungo sa akin. Tinitigan ko ang malulungkot na mga mata ni Seth. “This year will be different, Seth. I promise.” pangako ko.
Isang pangako na hindi lang para kay Seth ngunit para na rin sa akin. Sisiguraduhin kong higit sinoman, kaming dalawa nito ang magiging masaya sa okasyong nalalapit. Kung paano, pag-iisipan kong mabuti. Isa lang ang sigurado ako, hindi mag-iisa at malulungkot si Seth sa araw ng Pasko.
Unti-unting bumaba ang labi ni Seth sa akin at sa isang iglap, natawid nito ang distansyang nakapagitan sa aming mga mukha.
Walang pag-aatubiling ginantihan ko ang bawat pagdampi ng labi nito sa akin. Ngayon pa ba naman ako mangingimi, kung kailan alam ko ng mahal na rin pala ako ni Seth.
Buong puso at nag-uumapaw ang galak sa puso ko na lalong iparamdam kay Seth ang aking pagmamahal.
Mahal na mahal ko si Seth at masaya akong itatak sa aking isipan na iisa na ang ritmo na sinasayaw ng aming mga puso.
MATULING lumipas ang mga araw. Hindi ko na namalayan ang bawat pagdaan ng bawat minuto lalo pa ngayong ang saya ng nararamdaman ko.
Seth was a great lover. Isang bagay na kung noon ko iisipin ay hindi ko mapapaniwalaan. Noong mga panahong una kong pagkakakilala sa kaniya.
Hindi ko pa rin nakalilimutan kung gaano ka-seryoso at kalamig ang bawat tingin na ipinupukol niya sa akin noon. Isang emosyon na kabaliktaran sa mga ipinapakita at ipinararamdam nito sa akin nitong mga nagdaang mga linggo.
Maayos ang samahan namin ni Seth noong hindi pa nito sinasabi sa akin ang kaniyang nararamdaman ngunit mas lalong maayos at masaya ang namamagitan sa amin ngayon. Walang araw na hindi ako napapausal ng pasasalamat sa Diyos dahil sa wakas, masasabi kong hindi pala ako kinalimutan ng Poong Maykapal. He finally given me the happiness I deserve. Hindi pa man buo ang kasiyahan ko dahil sa sarili kong pamilya ngunit sapat na sa akin ito sa ngayon. Walang hindi madaan sa dasal, isang paniniwala na higit ko lalong pinanghahawakan ngayon.
Masigla akong bumangon kaninang umaga at bagamat hindi ko na naabutan si Seth dahil maaga itong umalis dahil sabi nito kagabi ay may breakfast meeting ito sa mga assistants nito upang magbilin para s aaming bakasyon.
Abala ako ngayon sa pag-aayos ng mga dadalhin kong gamit para sa plano naming pagbabakasyon ni Seth sa Isla Isabela. Doon ko na lamang hiniling na iselebra ang kapaskuhan at sabi ni Seth sa graduation ko, sisiguraduhin niyang sa ibang bansa na kami magse-celebrate.
Naantala ang aktong paglalagay ko ng mga damit sa maleta nang gambalain ako ng katok sa pintuan.
“Ms. Gonzales? Tumawag ang receptionist. May naghahanap po sa inyo sa lobby.” narinig kong wika ni Adelaida.
Agad na nagtaka ako sa sinabi nito. May naghahanap sa akin sa lobby? Si Angela at Mccoy lang ang nakaka-alam kung saan ako nakatira ngayon. Hindi naman basta pupunta rito ang mga ito ng walang pasabi.
“Sino raw po?” malakas na tanong ko upang marinig ni Adelaida. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig.
“Hindi sinabi ang pangalan pero ang sabi ay kapatid niyo raw.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kapatid? Si Kuya Eric?!
“Pa-aakyatin ko ba, Ms. Gonzales?”
Anong ginagawa ni Kuya Eric dito?
Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang pintuan at hinarap si Adelaida. “Huwag!” natataranta kong wika.
Bumakas naman kaagad ang pagtataka sa mukha ng kaharap dahil sa reaksyon ko.
“A-ako na lang ang bababa.” wika ko.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang kasuotan ko at nang matiyak na maayos naman ay malalaki ang mga hakbang na nag tungo ako sa elevator.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi na ako magtataka kung paanong nalaman ni Kuya Eric ang tinitirhan ko ngayon. Kilalang tao si Seth at hindi mahihirapan ang sinoman na alamin kung saan ito nakatira.
Nanginginig ang mga kamay nang pindutin ko ang floor kung nasaan ang lobby. Ano na namang problema ang ihahatid sa akin ng magaling kong kapatid? Ang buong akala ko ay tuluyan na ako nitong titigilan heto at guguluhin na naman ako.
Ramdam ko ang namumuong pawis sa gilid ng aking noo kahit pa malamig naman sa loob ng elevator. Hindi ako mapalagay na pinanood ang pag-iiba ng mga numero sa itaas nitong pintuan ng kinasasakyan.
Kung manghihingi na naman ng pera si Kuya Eric, wala itong maasahan sa akin. Matagal ko ng tinapos ang pangungunsinti rito, wala na itong makukuha pa.
Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa lobby na ako, higit na lumakas ang kaba ko. Pasumandali akong pumikit upang humugot ng malalim na hininga. Hindi man nabawasan ang kaba na nararamdaman ko ngunit malaki ang naitulong nito.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at may karamihan man ang mga tao rito na paroo’t parito ngunit hindi ko nakita si Kuya Eric.
Nilapitan ko ang receptionist. “Excuse me, Miss.” wika ko.
Agad na nakilala ako nito. “Ms. Gonzales, naroon po ang naghahanap sa’yo.” itinuro ng babae ang panig kung nasaan mga couch na nagsisilbing waiting area.
Kasabay ng paghakbang ko patungo sa itinuro nito ay pinapasadahan ko ng tingin ang mga nakaupo.
Napaawang ang bibig ko nang hindi si Kuya Eric ang mahagip ng paningin ko. Hindi ang panganay na kapatid ang naghahanap sa akin.
Nagsalubong ang tingin namin ng maluha-luhang si Jam at nang makilala ako ay agad ng tumayo sa kinauupuan at tumakbo palapit sa akin.
“Ate!” mabilis na yumakap ng mahigpit sa akin si Jam at humagulgol ng iyak.
“Jam? Anong nangyari?”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
06/06/2022
1I like this story sow good
18/11/2024
0😍🥰
23/04/2024
0Tingnan Lahat