Chapter 75

AGAD na sumigid ang kaba sa dibdib ko kahit pa sabihin na wala naman akong ginagawang masama at wala namang malisya para sa akin ang paghalik ni Mccoy sa pisngi ko.
Mas kinakabahan ako sa tingin na ipinukol sa akin ni Seth. Tila ba sumigid sa buto ko ang lamig ng titig nito at hindi pa man ako nagsasalita ay mukhang kailangan ko ng ipagtanggol ang sarili sa kaniya.
“S-sige na, Mccoy. Narito na ang sundo ko. Bye.” Natataranta kong paalam sa kaibigan. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang passenger’s side at agad na lumulan sa loob.
Hindi ko pa man naikakabit ang seatbelt ay agad nang pinaharurot ni Seth palayo ang kotse. “S-sandali.” Pigil ko ngunit tila naman bingi ang binata na walang narinig.
Nang maiayos ko na ang seatbelt ay sumulyap ako kay Seth. “S-seth?”
Nanatiling nakatuon ang atensyon at ang mga mata nito sa kalsada at wala ni isang salita na lumabas sa labi nito.
Huminga ako ng malalim at napakagat-labi. “H-hindi ko alam na susunduin mo pa ako. A-akala ko ang usapan natin ay sa bahay na lang tayo magkikita.”
Ilang sandaling dumaan ang katahimikan at nang nasa intersection na kami at tumigil ang kotse dulot ng red light ay marahas akong nilingon ng katabi.
Halos pangilabutan ako nang sa wakas ay magsalita ang binata. “Good thing I fetched you. If not, kailan mo sasabihin sa akin ang namamagitan sa inyo ng Mccoy na ‘yon?” Kasing lamig ng tono ng boses ang mga matang tanong ni Seth sa akin.
Mabilis akong humawak sa braso nito. “Nagkakamali ka, Seth. Kaibigan ko lang si Mccoy at hindi tulad ng inaakala mo ang nakita mo. He just said goodbye before we part ways.”
“With a kiss on the cheek?” Nanunuyang agad na tanong nito.
Bahagya akong lumapit sa binata. “It was just a kiss from a friend, Seth. Hindi mo kailangang pag-isipan ng masama iyon.”
Nag-green na ang ilaw sa stoplight at bumalik na ang atensyon ni seth sa kalsada.
Tumuon man ulit sa daan ang mga mata nito ngunit hindi nakaligtas sa akin ang sarkastiko nitong ngiti. “Yes, maybe for you it was just a friendly peck on the cheeks. How about him?”
Napipilan ako sa sinabi nito.
“See? You cannot defend him now, Jearelle.” Matigas na wika ni Seth. “We both knew I am right. May gusto sa’yo ang Mccoy na iyon. Don’t try to deny it. Lalaki rin ako, Jearelle. Kilala ko ang likaw ng bituka ng kapwa ko lalaki.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela.
Umilap ang mga mata ko. Kung nagkataon na hindi sinabi sa akin ni Mccoy ang mga sinabi nito kanina sa cafe, malamang na igigiit at ipagtatanggol ko ito kay Seth. Ngunit hindi ko na alam ngayon kung paano dahil tama naman si Seth sa mga sinasabi nito.
Isang bagay na hindi ko pa rin mapaniwalaan. All along, pareho naman pala ang nararamdaman namin ni Mccoy sa isa’t-isa. Kung hindi dumating sa buhay ko si Seth, malamang hanggang ngayon ay si Mccoy pa rin ang minamahal ko.
Kakaiba talaga magbiro ang tadhana.
“So what were you doing in that place? Malayo na iyon sa campus and he was with you.” Tanong ni Seth nang hindi na ako makasagot sa mga sinabi nito.
Sasabihin ko ba kay Seth ang totoong dahilan kung bakit kami magkasama ni Mccoy? Lalo itong magagalit at iyon ang pinaka-huling bagay na nais kong mangyari.
“N-nagpatulong lang sa isang project si Mccoy at sa cafe na iyon tahimik na makakapag-usap kami kaya doon kami nagpunta.” Mahina kong sagot. Pinaka-ayoko man ang nagsisinungaling pero simula ng makilala ko si Seth, tila ba nagiging normal na sa akin ang makapag-bitaw ng mga kasinungalingan.
Sinulyapan ako ni Seth at agad din namang bumalik sa daan ang tingin nito. “Really?”
Minabuti ko na lang na ibahin na ang usapan. “Saan nga pala tayo pupunta mamaya? Tuloy ba tayo?” Tanong ko.
Tumango si Seth.
Ilang sandali akong nag-alangan na lumapit pa lalo sa binata pero ginawa ko na rin upang maibsan ang inis nito at na-miss ko rin naman ito sa maghapong nagdaan.
Inihilig ko ang ulo sa balikat ni Seth at ipinatong ko ang isang palad sa hita nito. “Ang aga mo yatang lumabas sa office? Akala ko mamaya ka pa uuwi kapag malapit na tayong umalis.”
Marahas na huminga si Seth. “I couldn’t focus on work just same as I couldn’t focus on driving because what you’re doing.”
Natigil ang paghaplos ko sa hita nito dahil sa narinig. “Bakit naman?” Kunwa’y inosente kong tanong.
“You’ll regret if you keep on doing that, Jea.” bumigat ang paraan ng paghinga nito na ikinangiti ko naman. At least napunta na sa ibang bagay ang isip ni Seth at nakalimutan na nito ang dinatnang tagpo kanina sa pagsundo sa akin.
“How so?” hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ng maluwag. Sa maraming araw na kasama ko ito, kilala ko na kahit paano ang facial expression ni Seth.
I know instantly when he’s mad, when he’s happy, or when he is aroused.
And right now, it’s the latter.
Itinuloy ko ang mapangahas na paghimas kanina sa hita ni Seth.
“Jea..”
“Yes?” Natatawa kong tanong.
“If you keep on doing that, mahuhuli tayo sa pupuntahan natin mamaya. Mahalaga ang lakad nating iyon, so please, keep your hands on you self for now.”
Hindi ko na napigilang mapabunghalit ng tawa dahil bakas ang frustration sa tono ni Seth.
“Fine, fine.” natatawa akong lumayo at itinaaas ang dalawang kamay sa ere.
Agad naman naming narating ang condo tower at nang maiparada ni Seth sa private parking area niya ang kotse ay sabay na kaming lumabas ng sasakyan. Magkahawak-kamay kaming lumakad patungo sa elevator habang kinukulit ko ito kung saan ba talaga kami patungo mamaya.
Wala naman akong nakuhang matinong sagot at ang sabi lang ni Seth ay isang mahalagang okasyon iyon at malalaman ko rin naman mamaya kung saan iyon.
Tuluyan na muna kaming naghiwalay pansamantala dahil pagdating namin sa unit nito ay naroon na naman ang pamilyar glam team na mag-aayos sa akin.
“What would you like to wear for tonight, Ms. Gonzales?” Tanong sa akin ng head stylist.
Kasalukuyan akong nakaupo sa makeup chair at nasa harapan ako ng vanity table na punong-puno na kung ano-anong makeup at skin care na ginagamit sa akin ngayon.
Abala ang isa sa pag-aayos ng mukha ko habang ang dalawang iba pa ay abala naman sa pag-aayos ng buhok ko. Ang head stylist naman ay may itinulak na isang steel clothes rack sa tabi ko nang tanungin ako kung ano ang gusto kong isuot sa gabing ito.
“Ikaw na ang bahala, Kent. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta ni Seth ngayon.”
“What do you think with this one?” Hinila ni Kent mula sa clothes rack ang isang gown at inilahad sa akin.
Sinulyapan ko ng mabilis ang gown. Maganda naman ang kulay nito, deep blue ang kulay at hindi naman plunging ang neckline.
“It will be paired with this.” Itinaas ni Kent ang isang pares ng black stilletos.
Nagustuhan ko naman ang suhestyon ni Kent. Tumango ako bilang hudyat na pumapayag ako.
And just like the previous times, the glam team did a wonderful job to make me look and feel beautiful. Para na naman akong si Cinderella na may pupuntahang party.
“Is she done?” Sumungaw ang ulo ni Seth mula sa pintuan at sumilip sa loob.
Nilalagyan na ako ng assistant ni Kent ng facial mist upang matunaw ang sobrang powder sa mukha ko.
“She is, Mr. Zoqilla. Ms. Gonzales will be out in a few minutes.” Sagot nit Kent kay Seth.
Hindi ko na narinig na tumugon si Seth at nagsarado ng muli ang pintuan ng silid.
“I’m sure Mr. Zoqilla will like how you look tonight. The color suits you, Jea. It compliments well with you skin tone, lalo kang namuti sa kulay na ‘yan!” Bakas ang excitement na wika ni Kent.
Nahihiya naman akong napangiti at sumulyap sa malaking salamin sa harapan ko. Tunay ang sinabi ni Kent. Lalong lumutang ang kulay ng kutis ko sa gown na ito. He did a great job dressing me up for tonight.
Sana nga lang ay kagaya ni Kent, magustuhan din ni Seth ang itsura ko ngayon.
“Hindi ba masyado lang revealing ang likuran ko?” Alanganin kong tanong.
Ang gown ay conservative cut sa harapan. Takip na takip ang dibdib ko ngunit pagdating naman sa likuran, ang lalim ng cut nito. Exposed ang buong likod ko hanggang sa may ibabaw ng bandang pang-upo ko.
“No, no dear. You carry the gown well. Nothing to worry about. Isa pa, tiyak ko namang hindi magagalit si Mr. Zoqilla. Iyon ngang si Ms. Nicole na pinabihisan niya sa—-“ napatutop si Kent sa bibig nito nang mamalayan ang mga sinsabi. “I’m sorry.”
Tipid akong ngumiti at umiling. “Wala ‘yon. Hindi mo na dapat ilihim pa sa akin na may iba pang pinabihisan sa’yo si Seth. Mas magtataka nga ako kung wala siyang naging ibang girlfriend.”
“Sabagay. Besides, Nicole was just his previous fling. Unlike you na girlfriend niya.” Pampalubag-loob ni Kent. “Anyway, you’re good to go. I’m sure, Mr. Zoqilla is waiting for you outside.” Pag-iiba nito ng usapan.
Nagpasalamat ako sa lahat ng kasama sa silid na ito bago ko tinungo ang sala kung saan naghihintay si Seth at Ben para sa aming pag-alis.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    BlueDiamond45

    ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author

    06/06/2022

      1
  • avatar
    Jul Yanna

    I like this story sow good

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Rachelle Esguerra

    😍🥰

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata