Chapter 74

Hindi pa man ako lumulingon ngunit kilala ko na ang boses na ito. Walang iba kung hindi si Mccoy.
“Maari ka bang makausap?” Wika nito.
Walang emosyon na nilingon ko si Mccoy. “Kung nilapitan mo ako para kutyain na naman, mabuti pang h’wag na tayong mag-usap pa Mccoy.” Malamig kong wika.
“Sige na naman, please.” Pakiusap nito.
Ilang sandali akong nag-isip at tinimbang kung okay na ba ang pagkakataong ito na makausap ang kaibigan.
Walang imik akong tumango. Sumunod ako kay Mccoy kung saan ako nito kakausapin at humantong kami sa isang coffee shop na malapit lang sa campus, mga dalawang kanto lang ang layo. Dito sa coffee shop na ito, tahimik at karamihan ay nag-aaral lang. Hindi kagaya sa ibang shops na nasa tapat ng campus kung saan maingay at puno ng mga estudyante.
“Ano ba ang pag-uusapan natin?” Tanong ko matapos maka-order ni Mccoy ng dalawang drinks sa counter.
Naupo sa harapan ko si Mccoy at tumingin ng deretso sa mga mata ko. “I just want to say sorry for what I have said the last time we talked. I know it was below the belt and it wasn’t my intention to hurt you, Jea.” Bakas ang pagsusumamo sa mga mata nito.
Nanatili akong nakatingin lang sa kaniya at naghihintay pa ng mga sasabihin nito.
“I guess..” bahagyang tumawa ng pagak si Mccoy. “I was jealous.” Ang huling salitang binitawan ay halos hindi na lumabas sa bibig nito.
Nagulat ako sa narinig. “Jealous?” This time, ako naman ang napangiti ng mapait.
“Yes, Jea. Because I have feelings for you.” napatungo si Mccoy. “Matagal na, Jea. Naduwag lang ako dahil inakala ko na totoo ka sa sinabi mo noon na pag-aaral lang ang aatupagin mo. Natakot ako na umiwas ka sa akin. That was the reason why I had no courage to tell you the truth. Palihim lang akong nagmamahal sa’yo. Kung sa mga mata mo ay pagkakaibigan lang ang namamagitan sa atin, iba ang sa akin.” Gumaralgal ang boses ng kaibigan.
Napipilan ako ng mahabang minuto sa sinabi ni Mccoy. I have waited this moment for a long time. Ilang taon kong pinapangarap ang pagkakataong ito. Ito palagi ang laman ng daydream ko, this exact same scenario na sasabihin sa akin ni Mccoy na mahal niya rin ako.
Pero bakit ngayon pa kung kailan huli na ang lahat?
Kung sinabi sana ito ni Mccoy noon pa man, hindi sana hahantong na magmamahal ako ng ibang lalaki bukod sa kaniya. Hindi sana mahuhulog ang loob ko kay Seth.
Sumungaw ang butil ng luha sa sulok ng aking mga mata. Nasasaktan ako ngayon at malaki ang panghihinayang ko. Hindi ko akalain na darating pa ang pagkakataong ito, sana pinigilan ko ang sarili ko na mahalin si Seth.
Higit na hindi komplikado ang buhay kung sana ay si Mccoy pa rin ang isinisigaw ng puso ko.
“Mccoy…” mahinang usal ko.
“Alam ko hindi ko na dapat sabihin pa ito sa’yo, nakikita ko ng masaya ka sa piling ni Zoqilla.” Umiling-iling si Mccoy, nanatiling nakatungo ang ulo. “Gusto ko lang bago ako tuluyang lumayo sa’yo ay wala akong pagsisisihan na hindi ko sinabi sa’yo ang bagay na ito, Jea.”
Napaawang ang labi ko sa narinig. Mabilis kong pinunsan ang luha sa mga mata ko at dumukwang sa pagitan na lamesa sa amin. “Anong sinasabi mong lalayo ka? Hindi naman kailangan, Mccoy. Magkaibigan pa rin naman tayo.” Mabilis kong wika.
Sa wakas ay tumunghay ng muli si Mccoy, hilam ng luha ang mga mata. “Hindi ko kakayanin sa ngayon na panoorin ka na masaya sa piling ng ibang lalaki, Jea. Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko kung bakit hindi ako nagkalakas ng loob na sabihin sa’yo ang nararamdaman ko.” malungkot na wika nito.
“Pero—“
Agad na pinutol ni Mccoy ang sasabihin ko. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay kong nakapatong sa lamesa. “Mahal na mahal kita, Jea. Masaya ako na makita kang ngumingiti na kahit hindi man ako ang dahilan, tanggap ko basta masaya ka lang. Alam kong hindi madali na kalimutan ang nararamdaman ko sa’yo kaya lalayo na lang ako. Pangako, oras na makalimot ang puso ko, babalikan kita bilang kaibigan na maasahan mo noon pa man.” Pinisil nito ang kamay ko.
Tuluyan na akong napaluha sa narinig. Hindi ko inaasahan na tuluyan kaming magkakalayo dahil ilang taon na rin naman akong nasanay na kasa-kasama sila ni Angela. Marami na kaming masasayang alaala na hinding-hindi ko ipagpapalit at kalilimutan.
Tumayo si Mccoy at lumipat sa tabi ko. Inakbayan ako nito at inihilig ang ulo ko sa kaniyang balikat. “H’wag ka ng umiyak. Wala kang kasalanan, Jea. Give me time to move on from this.”
Alam kong magiging unfair ako sa kaibigan kung pipigilan ko ito sa kaniyang desisyon. Pinili ko na lang na hindi na sabihin kay Mccoy na minsan sa buhay ko ay minahal ko rin siya ng higit pa sa pagiging magkaibigan. Ayoko ng mas masaktan ko pa ito. Okay na sa akin na malaman na may katugon naman pala sana ang naramdaman ko ukol sa kaniya ngunit naging huli ang oras para sa aming dalawa.
“Mami-miss kita.” Bulong ko.
“Ako rin naman, Jea. Pangako, babalik ako bilang kagaya ng dati na isang kaibigan na maasahan mo sa ano mang oras.” Mahinang wika ni Mccoy.
Malungkot man ang naging pag-uusap naming ito ng kaibigan ngunit sa sulok ng puso ko ay masaya ako.
Hindi naman pala ito nag-iba ng ugali sa akin. Sadyang may nagtulak lang kay Mccoy na sabihin ang mga iyon dahil lihim itong nasasaktan sa kasalukuyan. Naiintindihan ko na ang lahat at sabay na nitong natunaw ang tampo ko para sa kaibigan.
Magkahawak-kamay kaming lumabas ni Mccoy sa coffee shop. Masaya na kaming nag-kuwentuhan matapos ang drama na namagitan sa amin sa loob nitong establishment.
Nasa tabing kalsada na kami nang harapin ako ni Mccoy. “Jea, I hope it’s not too late to say sorry for what I did.” Wika nito at niyakap ako.
Nakakaintinding tinapik ko ang likuran ni Mccoy. “Oo naman. Sorry na rin sa nangyari, Mccoy. Hayaan mo, ipagdadasal ko na sana ay makatagpo ka ng babaeng nararapat sa’yo at higit pa sa akin.”
“You are the best girl for me, Jea. Pero sige, sabay nating ipagdasal na sana ay makatagpo ako ng babaeng mamahalin ko ulit. Basta ha, ‘yung sinabi ko sa’yo kanina, kapag sinaktan ka ng Zoqilla na iyon, magsumbong ka lang sa akin at ako na ang bahala. Ikaw pa rin ang best girl friend ko.”
Mahina akong natawa. “Oo nga sabi.”
Kumalas ng yakap sa akin si Mccoy at sinapo ng dalawa nitong kamay ang mukha ko. “Mag-iingat ka. Magkikita pa rin naman tayo sa school pero ‘wag ka sanang magtatampo kung iiwas na muna ako. Basta tandaan mo, malayo man ako pero isang tawag mo lang darating ako kung kailanganin mo ako.”
Malungkot akong ngumiti. Nararamdaman kong susungaw na namana ng luha sa mata ko ngunit pinigilan ko na. “Salamat, Mccoy.”
This is not the end of our friendship. I know in my heart na babalik si Mccoy.
Sumungaw ang ngiti sa labi ng kaibigan. “Thank you rin, Jea. You taught me something. Na minsan kailangan masaktan dahil doon ka magigising sa katotohanan. Masaya pa rin ako na minsan sa buhay ko, minahal ko ang isang kagaya mo.”
Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Mccoy at marahang dinampian ng halik ang pisngi ko.
Kasabay ng paglapat ng labi ng kaibigan sa pisngi ko ay ang pagtigil ng isang itim na sports car sa gilid namin. Naagaw nito ang atensyon ko nang bumaba ang bintana at tumambad ang malamig na tingin at walang emosyong mukha ni Seth…

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    BlueDiamond45

    ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author

    06/06/2022

      1
  • avatar
    Jul Yanna

    I like this story sow good

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Rachelle Esguerra

    😍🥰

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata