Chapter 70

“Ano ba ang naisipan mo at dinalhan mo pa ako ng bulaklak? Pinagtitinginan tuloy tayo.” tanong ko ng kapwa na kami makasakay sa kotse. “Hi, Ben.” bati ko sa bodyguard ng binata.
Tumango si Ben sa direksyon ko. “Good afternoon, Ms. Jearelle.”
“Why not? Masama ba na bigyan ka ng flowers?” maang na tanong ni Seth. “I just thought it would make you feel good after your hell week.”
Agad naman akong nakonsensya sa narinig. “Sorry. Ayoko lang kasi na pag-usapan ako sa school.” mahinang wika ko. Bahagya akong napatungo sa bulaklak na nasa kandungan ko. Bumalik ang ngiti ko nang mapagmasdang muli ang kagandahan ng mga bulaklak na ito. “Pero salamat. Nagustuhan ko naman ito.”
“If I were you Jearelle, stop worrying about everything.” payo ni Seth. “More often than not, it won’t bring you any good.”
Tama naman ang binata sa sinabi nito. Ako ang klase ng tao na ayokong pinag-uusapan ako ng iba. Mas gusto ko na sa iba nakatuon ang atensyon ng mga ito kaysa sa akin. Pero may punto si Seth. Hindi kailangan na isipin ko palagi ang sasabihin ng ibang tao kung happiness ko naman ang nakasalalay dito.
“Sorry.” mahinang wika ko.
Hinila ako ni Seth palapit sa dibdib niya at niyakap. “Just do what makes you happy.”
“Saan ba tayo pupunta?” pag-iiba ko ng usapan.
“I reserved us a simple dinner somewhere.” sagot ni Seth.
Napalabi ako nang hindi na ito nag-elaborate pa. Hindi na lang din ako nagtanong pa dahil bahala na ito kung saan kami pupunta ngayon.
Napili ko na lang kamustahin din ang araw nito.
“Same as usual. Meetings here and there.” kababakasan ng pagod ang tono na sagot ng binata.
Nang may maalala akong usisain kay Seth na noon ko pa naiisipang tanungin sa kaniya. “May tanong sana ako na ‘wag mong mamasamain.”
Lumingon sa akin si Seth na may pagtatanong ang mga mata. Nag-atubili naman ako kung itutuloy pa ang tanong ngunit wala naman sigurong masama na malaman ko ang tungkol dito.
Huminga ako ng malalim at tumitig sa binata. Si Seth ay napako ng muli sa kalsada ang tingin. “Sabi mo noon bata ka pa lang ay umalis ka na sa inyo. How did you end where you are now?”
“Dito sa Pilipinas at sa negosyo ko?” halatang nakuha ko ang atensyon ni Seth sa tanong na ito.
Tumigil ang sinasakyan namin sa isang intersection ng mag-red light. Kinuha naman itong pagkakataon ni Seth upang pagtuunan ako ng pansin.
“When I was young back in Greece, our mother usually gave us money to splurge on anything we wanted. Gadgets, clothes, the usual stuff teenager wants. Since I was a child I was the kind of kid who always wanted to save. Who thinks ahead of the future. I saved that money and used it when I left my family. For my daily living in a short time. I know you’ll relate to me when I say living alone can be quite financially challenging.” wika ni Seth na nakatingin sa akin ng deretso nang sumagot. Bumalik lang sa kalsada ang tingin nito nang mag-go na muli ang daan.
Nagpatuloy ang binata, ako ay tahimik lang na nakikinig. “I worked in one of the foodchains in Greece to sustain my daily expenses. Until one day, I met with my grandmother, my father’s mother. She told me I had a trust fund she paid for without letting my parents know about it. She let me use it, and she supported my decision. I invested the money from my trust fund in stocks trading. That was the start of everything. All thanks to my granny.”
Natuwa ako sa narinig. Mabuti na lang at may isang kapamilya pa rin pala nito ang pumanig sa naging desisyon ni Seth.
“It wasn’t easy. I had to learn everything from scratch. How stocks trading works, kasabay pa doon ang paano ba ang mamuhay mag-isa without house help. Kahit maglaba ng sarili kong underwear noon ay hindi ko alam kung paano. But one thing’s for sure, I was determined to stand on my own and show to my father that I can.” nag tiim-bagang si Seth nang mabanggit na naman ang tatay nito.
“Hindi ko naman masasabing sumadsad ako ng lubusan sa lupa pero it was a tough journey. Naloko pa ako ng isang inakalang kaibigan ko noon sa isang investment scheme pero scam pala.” wika ni Seth.
Nalulungkot ako sa naririnig ngunit mas malaki sa parte ng kalooban ko ang natutuwa. Naging successful si Seth sa kahulihan ng paghihirap nito. Wala namang daan ang madali ngunit kapag determinado talaga ang isang tao, mararating tiyak ang tagumpay. Isang buhay na halimbawa rito ang binata.
Lalong lumaki ang paghanga at respeto ko kay Seth sa mga nalaman tungkol dito.
“Bakit naman sa Pilipinas mo piniling mamalagi?” naisipan kong itanong.
Ngumiti ng tipid si Seth. “Noon ko pa gustong makapunta rito sa Pilipinas. May naging nanny kami noong bata pa kaming magkakapatid na isang Pinay, siya ang nagmulat sa akin tungkol sa Pilipinas. My mother is a pure Filipina pero hindi ito gaanong nagkuwento tungkol sa bansa natin. Si Nanny Iska lang, Francesca Macaspac ang pangalan niya.”
Tumango-tango ako sa sinabi ni Seth.
Hindi na nito naituloy ang mga sasabihin pa ng sapitin namin ang isang restaurant na marahil ay ang tinutukoy nito kanina na may reservation ito. Tumigil sa harapan nito ang kotse at bumaba si Seth. Mabilis itong lumigid sa side ko at inalalayan ako pababa.
“Salamat.” nangingiti kong wika.
“My pleasure.” simpatikong ngumiti sa akin si Seth at magkahawak-kamay kaming lumakad papasok sa restaurant. Iniwan na nito sa valet ang kotse at nang lingunin ko ay paalis na ito.
“Maaga pa for dinner. Gusto mo ba mag snacks muna?” tanong ni Seth. “They have a scenic view at the back na pwede nating tambayan habang naghihintay ng dinner.”
Nagustuhan ko naman ang suhestyon nito. Tumango ako sa binata ng nakangiti.
“Good afternoon, Mr. Zoqilla.” bati ng isang waiter na sumalubong sa amin.
Mabilis kong pinasadahan ang itsura ko at mukhang okay naman sa lugar ang dress na suot ko at may nakapatong na cardigan.
“I have a six PM dinner reservation for us. But since it’s still early, we would like to order some snacks for now. Can we choose the table at the viewing deck?” tanong ni Seth sa waiter.
“Sure, Mr. Zoqilla. Please follow me.” nauna na ang waiter at sinundan namin.
Dumaan kami sa main dining hall patungo sana sa deck na binanggit ni Seth nang harangin kami ng dalawang tao.
Agad na napatigil sa paglalakad si Seth at nagtataka naman akong napatigil din. Sinulyapan ko ang dalawang nasa harapan namin na kay Seth nakatuon kapwa ang tingin.
Natigilan ako ng ilang sandali. Iniisip ko kung saan ko nakita itong babae, parang pamilyar sa akin.
“Fancy seeing you here, Seth.” hindi ko malaman kung tama ba ako sa pakinig na may bakas ng sarkasmo ang tinig ng lalaki sa harapan namin.
“Oh hi, Seth.” sumunod naman na nagsalita ang babaeng katabi nito.
Nag-aalangan akong sumulyap sa binata nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa kamay ko. Dumilim ang itsura ni Seth at kung kanina ay ang gaan ng aura nito, ngayon ay ibang-iba na.
Bumalik sa pares na nasa harapan ang tingin ko na lalong lumaki ang pagtataka sa akin.
“Small world, Richard.” matigas na wika ni Seth. “And to you Candice.” may diin ang pagkakasambit ni Seth sa pangalan ng babae.
Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko nang ma-realize kung sino itong dalawang ito, kasabay nito ay bumalik sa alaala ko na ang babae sa grocery store! Ang babaeng nagtanong sa akin kung nasaan ang spices!
Candice and Richard? Ang ex-girlfriend at ang pinsan ni Seth na nanloko sa kaniya?!

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    BlueDiamond45

    ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author

    06/06/2022

      1
  • avatar
    Jul Yanna

    I like this story sow good

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Rachelle Esguerra

    😍🥰

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata