Homepage/Philippines Young Billionaire’s Club series 1: Stripped/
Chapter 64
“Kung ganoon po, bakit hanggang ngayon namamasukan pa rin kayong mag-asawa kay Seth? Hindi po ba dapat nagpapahinga na lang kayo sa bahay niyo?” “Kaya pa naman po naming mag-asawa ang mag-trabaho. Isa pa, hindi namin inoobliga ang mga anak namin na sustentuhan kami ng Tatay nila. Alam naming may sarili silang buhay na kailangang itaguyod. At tsaka Ms. Jearelle, sa laki ng naitulong ni Mr. Zoqilla sa buhay namin ng pamilya ko, isa lang ito sa maliit na pagsukli namin sa kabutihan niya.” Mahabang paliwanag ni Adelaida. Tumango-tango ako at aktong sasabihin na sana na umuwi na ito ay may pahabol pa ring kuwento si Adelaida na hinayaan ko na lamang. Ngayon lang din naman kami nabigyan ng chance na makapag-usap ng matagal nito at natutuwa rin akong marinig ang mga magagandang bagay na hindi ko alam ay nagawa ni Seth. “Hindi rin naman mahirap ang trabaho ko rito. Once a week ay may pumupunta rito na isang cleaning company upang mag deep clean sa buong condo dahil ayaw na ni Mr. Zoqilla na masyado akong maglinis. Ang asawa ko naman sa hotel ay magaan lang din ang trabaho. Kung minsan nga ay umuuwi sa amin sa bahay ang asawa ko na nagrereklamo dahil maghapon daw siyang walang ginawa sa opisina. Nang sabihin ko naman kay Mr. Zoqilla ang bagay na iyon, nginitian lang ako.” Naiiling na napapangiting wika ni Adelaida. Lalo akong humanga sa angking kabaitan ni Seth. Hindi na nakakapag-taka na inuulan ito ng swerte sa buhay kung ganito naman pala siya makitungo sa mga nasasakupan niya. “Swerte ka Ms. Jearelle, minahal ka ni Mr. Zoqilla. Malaki ang puso ng amo naming iyon, isang bagay na tiyak kong mararansan mo.” Pagtatapos ni Adelaida sa kwento nito na sinang-ayunan ko na lamang. Hindi man ako totoong nobya ni Seth ngunit kahit paano ay nararanasan ko na ang tinutukoy ni Adelaida. Kaya kung sino man ang tunay na mamahalin ng binata, ngayon pa lang ay naiinggit na ako sa kaniya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Adelaida at naiwan na akong nag-iisa sa bahay ni Seth. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagluluto at sinigurado kong masarap ang resulta ng sinampalukang manok na ito. Alas siyete ng gabi nang makarinig ako na pagbukas ng main door. Nang silipin ko mula sa kusina ay nakita kong naunang pumasok si Ben at kasunod si Seth na bakas ang pagod sa itsura nito. Marahil ay natambakan ito ng trabaho sa opisina. “Hi.” Agad akong sumalubong sa binata at ngumiti. Sumilay ang tipid na ngiti sa labi ni Seth at nagulat ako nang bigla ako nitong hapitin sa baywang at halikan sa labi. Isang makapugtong-hininga ang pumagitna sa amin at hindi pa sana magpapa-awat si Seth kung hindi lamang ako nagpilit na kumalas. Nahihiya ako kay Ben na narito pa rin. Hindi man nakatingin sa amin si Ben ngunit hindi pa rin ako komportable. “Hello, Jearelle.” ganting bati ni Seth. Nang tila maagaw ang atensyon nito sa amoy. “What was that smell?” Lumawak ang ngiti ko at ikinawit ang braso ko sa binata. “Nagluto ako ng dinner.” “You cooked? Nasaan si Adelaida?” Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Seth. “Maaga ko ng pinauwi dahil Anniversary daw nila ng asawa niya.” Agad na nawala ang pagkakakunot ng noo ni Seth sa narinig. “Yeah, yeah. I forgot about that. We should’ve ordered dinner.” Umiling ako. “Hindi na. Kaya ko namang magluto. Ipapatikim ko sa’yo ang special dish na alam ko.” Kinindatan ko ito. “Really?” Niluwagan ni Seth ang kurbata nito sa leeg. “Then let’s go.” Si Ben naman ang binalingan ko. “Ben, sumabay ka na sa aming kumain ng hapunan.” “Huwag na, Ms—“ naputol ang sasabihin nito nang magsalita si Seth. “Come on, Ben. Join us. Jearelle said this is her specialty. Let’s be the judge if it really tastes good.” Paanyaya ni Seth sa bodyguard nito. Maghawak-kamay kami ni Seth na tinungo ang dining table. Mabilis kong dinagdagan ng isang set pa ng pinggan ang hapag para kay Ben. “What’s that?” Nagtatakang tanong ni Seth nang mapagmasdan ang niluto ko. “Tinola?” Natawa ako sa sinabi ng binata. Naupo ako sa tabi ni Seth at ipinaglagay ito ng kanin at ng ulam sa isang bowl. “Sinampalukang manok. Turo sa akin ni Tatay ang recipe niyan.” proud na sagot ko. “Oh, sinampalukang manok? I’ve never had this before.” Kumuha ng kutsara si Seth at tinikman ang sabaw. Ako naman ay nabitin sa hangin ang hininga dahil sa antisipasyon sa magiging reaksyon ng binata. “D*mn, this tastes good.” Upang pigilan ang malawak kong ngiti ay napakagat-labi ako. Si Ben naman ang binalingan ko. “Ben, kain ka na. Tikman mo ang niluto ko baka niyayabang lang ako ni Seth.” Kagaya ng reaksyon ni Seth ay nasarapan din si Ben. “Totoo nga, Ms. Gonzales. Masarap ang pagkakaluto mo. Tunay na sampalok ang ginamit mo?” Natutuwa akong tumango. “Oo, Ben. Kain na tayo?” Sinulyapan ko si Seth at natawa dahil hindi ko na pala ito kailangang yayain dahil magana na itong kumakain. Labis-labis ang galak ko dahil marami ang nakain ni Seth sa inihanda ko. Sulit ang effort ko na makitang magana itong kumain at natuwa sa munti kong inihanda. Nang matapos kumain ay sumandal sa kinauupuan si Seth. “I didn’t know a simple meal like sinampalukang manok could be the highlight of my day.” Hinawakan ni Seth ang kamay ko at pinisil. “Thanks, Jearelle.” Well, I guess pareho lang kami ni Seth na hindi akalain na masisiyahan sa simpleng hapunan na inihanda ko. Tumayo ako at akto na sanang magliligpit nang agawin na ito ni Ben. “Ako na, Ms. Gonzales.” “Ha? Hindi na,Ben. Kaya ko ng magligpit.” Tanggi ko sa alok nito. “Hayaan niyo na akong magligpit bilang pinakain niyo naman ako ng napaka-sarap niyong sinampalukan.” Hindi na ako nagpumilit pa at binalingan na si Seth. Nagkibit-balikat naman ang binata at hinawakan ang kamay ko. “Come on.” Sa silid nito ako dinala at iniwan ako sandali sa kama. Nagtungo sa bathroom si Seth at nang bumalik sa akin ay inutusan akong maghubad. “I prepared the bathtub. Let’s go.” Hawak-hawak pa rin ang kamay ko na hinila ako ni Seth patungo sa bathroom. Tunay ngang inihanda nito ang bathtub na puno na ng tubig at may bath balls na rin. “Go in first. I’ll just get something.” muling lumabas si Seth at gaya ng utos nito, naghubad ako ng lahat ng saplot sa katawan at lumubog sa tubig. Hindi naman nagtagal ay bumalik ang binata na may bitbit na isang tray. Sinilip ko ang laman at nakitang may isang bottle ng wine sa ice bucket, dalawang kopita, at isang scented candles na may sindi. Nangingiti kong pinanood si Seth nang ilapag nito sa isang silya ang tray. “In exchange of the scrumptious dinner you prepared.” Tumungo sa akin si Seth at hinalikan ang noo ko. Dagli akong napapikit sa sensasyong hatid nito. “Thank you, Jearelle.” Masaya kaming nag-relax sa mainit-init na tubig ng bathtub. Nakasandig ako sa dibdib ni Seth at ang binata ay nilalaro-laro ang daliri ko sa isang kamay. Napapikit ako at ninamnam ang sandaling kagaya nito. This feels like a perfect way to end the day. A quiet evening, soaked in warm water and bubbles, with the man I love…
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
BlueDiamond45
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
06/06/2022
1I like this story sow good
18/11/2024
0😍🥰
23/04/2024
0Tingnan Lahat