Homepage/Philippines Young Billionaire’s Club series 1: Stripped/
Chapter 5
NANG tumugtog ang isang mabagal na kanta ay umakyat na ako sa stage at hindi iilan ang narinig kong sumipol. Natahimik rin ang kapaligiran at ang tanging liwanag ay ang spotlight na nakatutok sa akin. Halos mabingi man ako sa pagkabog ng dibdib ko dala ng kaba ngunit sinimulan ko ang marahang pag-indayog ng aking balakang na tila nang-aakit. Ganito ang turo sa akin ng dance instructor ng club. Iniwasan ko rin ang mapatingin sa audience nang kumapit ako sa dance pole. At gaya ng itinuro sa akin, mas naging senswal ang bawat galaw ng aking katawan. Bawat hampas ng balakang ko, sinisigurado ko na mahahalina ang mga manonood. Sa nakalipas na mga buwan na narito ako, tinatatagan ko na lamang ang aking sikmura. Hindi ko na pinapansin ang mga sipol at hiyawan ng mga kalalakihan. Kahit sabihin pang mayayaman ang mga ito, ganito umakto ang mga ito kapag may mga babaeng nakikita na halos wala ng saplot sa katawan na sumasayaw sa stage na ito. Itinuon ko na lamang ang atensyon sa pagsasayaw at abot-abot ang dasal na sana ay matapos na rin kaagad ito. Nang matapos ang dance number ay dali-dali akong bumalik sa dressing room upang magpalit ng damit at makauwi na. Iyon na ang huling production number ko sa gabing ito at kailangan ko nang makauwi dahil may pasok pa ako bukas sa food chain. Sa hapon naman ay may dalawang subject pa ako sa campus dahil sa pagiging irregular student ko. Kung paano ko nagagawang pagsabay-sabayin ang lahat ng ito ay tila ba blurred na sa aking paningin. Nakakapagod man ang lahat ng ito ngunit wala naman akong pagpipilian. Hindi pwedeng iwan ko ang trabaho sa fast food chain dahil doon pa rin ako kumukuha ng panggastos sa araw-araw. Wala naman kasi akong nakukuhang sahod dito dahil pambayad-utang lamang. Ang tanging pampalakas-loob ko na lamang ay ang alaala ni Tatay at ang maitaguyod ko si Nanay at ang bunso kong kapatid. Ilang hakbang na lang naman, makakatapos na rin ako. Luluwag-luwag na kami ni Nanay at masasabi ko na rin na tumigil na ito sa paglalabada dahil ako na ang bahala sa nakababatang kapatid ko na magpa-aral sa elementarya. Konting tiis na lang Nay. Aktong kukunin ko na ang bag ko upang makaalis nang may kumatok. Wala ang mga kasamahan ko dahil nasa labas na sila upang mag entertain at hindi na rin ako makakapag paalam kay Angela. "Amethyst?" Sumungaw ang isang waiter dala ang isang fishbowl na puno ng pera. "Ito nga pala." Wika nito at iniabot ang dala. Ang fishbowl ay lalagyan ng tip at dahil puno ito, ibig sabihin ay marami ang nagustuhan ang performace ko. Kinuha ko ito. "Salamat." Aktong paalis na ito nang tumigil sa may pinto. "Table number 8 gustong-gusto kang mai-table." Hindi ko na lamang ito pinansin. "Willing magbayad ng exit fee mo." Ang exit fee ay ang kaukulang bayad sa club kung gusto nitong iuwi o ilabas ang entertainer. Malaki ang halaga na ibabayad sa exit fee. Ngunit ano pa nga ba ang aasahan ko, mga mayayaman ang mga narito. Umiling na lamang ako. Kahit doblehin pa o triplehin ng kung sino mang iyon ang exit fee ko, hinding-hindi ako papayag. Nayuyurakan na ang dangal ko sa trabahong ito sa bawat indayog ng katawan ko at pagsusuot ng mga damit na halos wala ng matakpan, hindi na para ilagapak ko ng sobra ang sarili. Ang virginity na lamang ang tanging bagay na maipagmamalaki ko sa lalaking mamahalin ko sa future. Salat man ako sa yaman at nag-trabaho man sa ganitong klase ngunit alam ko sa sarili ko na malinis pa rin akong babae. Lumabas na ang waiter nang tanggihan ko pa rin ang sinasabi nito. Binilang ko ang laman ng fishbowl. Tamang-tama dahil bayaran na naman ng monthly tuition ko sa susunod na linggo at maibibili ko na rin ng sapatos si Jam dahil napansin kong sira na ang sapatos nito. Naawa na rin naman ako sa kapatid kong bunso ngunit laking pasalamat ko na lamang din na mabait na bata si Jam. Naiintindihan nito na kapos kami sa buhay at hindi ito bata na kung ano-ano ang hinihingi sa amin lalo pa ang mga usong gamit ng mga kabataan ngayon. Hindi kasali ang tip sa kinakaltas sa akin ng management ngunit dahil mas gusto kong mapabilis ang pagtatapos ng utang ko kaya iniipon ko ito at ibibigay sa Linggo ng gabi kay Madam Pie. Kung tutuusin, maganda ang kita sa club na ito. Sagot pa nila ang lahat. Damit, sapatos, at make-up kapag may performance. Balita ko rin may porsyento kami kung papayag magpa-table. Ngunit sapat na sa akin ito. Hanggang nakaka konti-konti ako sa pagbabayad sa utang ay sapat na sa akin. Ayoko na rin na mas lumaki pa ang kasalanan ko kay Nanay dahil hindi nito alam na pumasok ako sa ganitong klaseng trabaho. Sinabi ko na lamang na nagdouble shift ako palagi sa food chain at doon din ako nakahiram ng pangbayad kay Mrs. Ramirez. Mahirap man kami ngunit pangaral nila Nanay at Tatay noon sa amin na dapat manatili kaming marangal. Ewan ko na nga lamang ba kay Kuya kung saan nito napulot ang mga ginagawa sa buhay.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
BlueDiamond45
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
06/06/2022
1I like this story sow good
18/11/2024
0😍🥰
23/04/2024
0Tingnan Lahat