Homepage/Philippines Young Billionaire’s Club series 1: Stripped/
Chapter 4
Naiwan akong natigalgal. Isang linggo? Diyos ko, saan naman ako kukuha ng dalawang daang libo sa ganoon kaikling panahon? Halos mag kasya na nga lamang ang sinasahod ko bilang part-time employee sa isang fast food para pangdagdag sa kinikita rin ni Nanay sa paglalaba upang matustusan ang pang araw-araw naming pangangailangan. Kung minsan nga ay kinakapos pa at kinakailangan pang mangutang sa tindahan na kapitbahay namin. Umuwi akong lulugo-lugo. Hindi ko na sinabi kay Nanay ang napag-usapan namin dahil ayoko pa na lalong mag-alala ito. Sinabi ko na lamang na wala roon sa bahay nila si Mrs. Ramirez at babalik na lamang ako bukas upang makipag-usap. Buong magdamag akong hindi pinatulog ng alalahanin. Pumasok ako kinabukasan sa eskwelahan nang lutang ang isip. "May problema ka ba, Jea?" Naputol ang pag-iisip ko sa tanong ng kaibigan at kaklase kong si Angela. "Si Kuya kasi may ginawa na naman." "At ano na namang iniuwing problema ng Kuya mo, aber?" Ikinuwento ko sa kaibigan ang kinahaharap na suliranin. "Gusto mo ba na tulungan kita?" Tanong nito pagkatapos kong isalaysay ang suliranin. "Paano?" "Hindi ba, gustong-gusto ka ni Madam Pie na pumasok sa club? Pahihiramin ka nun!" "Ano?! Ayoko, Angela!" Mariin kong tanggi. Suma-sideline sa isang exclusive bar si Angela bilang dancer tuwing Friday at weekends. Nang minsang Lunes ng gabi ay isinama ako nito dahil may naiwan ito sa dressing room ng club at nakita ako ni Madam Pie. Agad ako nitong natipuhan at tinanong kung interesado ba akong pumasok rin sa bar na mabilis kong tinutulan. Sapat na sa akin ang trabaho sa food chain upang pangtustos sa aking pag-aaral sa kolehiyo at pang bigay ng konti sa bahay. Ang pag-aaral ang pinaka-itinataguyod ko dahil ito ang pangarap ko. Mahirap man ang dinaranas kong pagsabayin ang pag-aaral at trabaho ngunit hindi ko na lamang inaalintana. Makatapos sa pag-aaral ang pangarap sa akin ng namayapa kong Tatay, kaya gaano man kahirap at ilang beses man akong mapatigil dahil sa kakapusan, pipilitin kong matupad ang pangarap ko. Sa edad kong bente dos anyos, sa awa ng Diyos ay 4th year irregular student na ako sa isang State College dito sa lugar namin. Konting tiis pa, makakatapos rin ako. Natapos ang isang linggo na ni singko ay wala akong nahagilap para pangbayad kay Mrs. Ramirez. Isang umaga nagising ako sa sigaw ng kung sino man sa labas ng bahay namin. Pupungas-pungas pa akong bumangon. Madaling araw na ako nakauwi kagabi dahil last shift ako sa food chain na pinapasukan at ngayon naman ay walang pasok sa campus kaya magbabawi sana ako ng puyat sa mga nakaraang gabi. Ilang gabi rin kasi akong halos walang pahinga dahil sa pag-aaral. Midterm exams namin nitong nakaraang linggo kung kaya't subsob ako sa pagre-review. "Hoy! Lumabas kayo dyan! Mga put*ng ina niyo! Ang alahas ko ibalik niyo!" Sigaw nang sigaw si Mrs. Ramirez sa labas. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang alamin kung narito ba si Nanay ngunit naalala ko na nagsabi ito kahapon na may labada sa kabilang barangay ngayon at maagang aalis. Nakahinga ako ng maluwag sa naalala. "Mrs. Ramirez." "Ano? Nasaan na ang pinag-usapan natin, Jearelle? Nasaan na ang bayad sa ninakaw ng hayop mong kapatid?" Pinalampas ko na lamang ang paraan ng pangtukoy nito kay Kuya Eric. "Mrs. Ramirez, p-pwede ba’ng bigyan niyo ako ng isang linggo pa? Pangako, sa susunod na linggo babayaran ko kayo." "Anak ng de pu*a! Siguraduhin mo 'yan Jearelle. Sinasagad niyo ang pasensya ko ha. Pero kung sa susunod na linggo at wala pa rin, sa kulungan na talaga kayo pupuluting mag-iina!" Pagbabanta nito at tumalikod na. Sumakay na ito sa kotse nito at pinaharurot na ng driver paalis. Naiwan akong naiiyak. Ano na ba ang gagawin ko? Saan ba kasi ako kukuha ng two hundred thousand? Saang kamay ng Diyos ko makukuha iyon? Tumalikod na ako at iniwan ang mga nag-uusyoso naming kapitbahay. May ilan na nakiki-tsismis lamang at may ilan na bakas ang awa sa akin. Hindi naman kasi kaila sa kanila ang palaging problema na iniuuwi ng kapatid ko. Hindi isang beses na may sumugod dito sa amin at hinahanap si Kuya dahil sa ginawang katarantaduhan. Kaya heto ako ngayon. Nagta-trabaho sa club bilang dancer upang mabayaran ko ang utang dito. Matapos ang araw ng pagsugod ni Mrs. Ramirez ay kinausap ko si Angela at sinabing papasok ako sa club kung mapapautang ako ng kinakailangang halaga pang bayad kay Mrs. Ramirez. Kinausap ko si Madam Pie at dahil gustong-gusto ako nito na mapabilang sa mga dancers nila ay agad itong pumayag. Kilalang for elite and exclusive bar ito, hindi naging mahirap na mapahiram ako ng kailangang halaga. Pumirma lamang ako ng kasunduan na humiram ako ng ganoon kalaking halaga at kailangan mabayaran kapalit ng Talent Fee ko tuwing Friday hanggang Sunday night. Ako ngayon ang ibinibuild-up ng club bilang bagong talent nila. Bilang hindi nga basta-basta ang club na ito at karamihan sa mga kliyente ay mga mayayaman at kilala sa lipunan, kinailangan ko pang sumailalim ako sa ilang araw na dancing lessons at kung paano ang tamang pakikitungo sa mga mayayamang kliyente ng bar na ito. "Formation, girls!" Hiyaw na naman ni Madam Pie. Ngumiti sa akin si Angela at humanay na ito sa bandang unahan. Ako naman ay sa likuran muna dahil sa dance routine namin ngayong gabi ay mas bibigyang pansin ang mga nasa likuran. Kung ano ang highlight ay doon ako. Apat na buwan na ako ngunit patuloy pa rin akong bini-build up ng bar na ito. Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi na lamang din ako nag-usisa pa. Ang tanging mahalaga lamang sa akin ay ang mabayaran ang pagkaka-utang ko at nang makaalis na ako rito. Matapos ang dance number namin ay may kasunod pang isa ngunit hindi na ako kabilang doon. Bumalik na lamang ako sa dressing room upang magpalit ng damit para sa aking solo dance number. Napangiwi ako sa salamin nang makapag-palit. Kung ang unang suot kanina ay medyo maikli pa ang dress, itong ngayon ay halos makita na ang singit ko at halos lumuwa rin ang dibdib ko sa sobrang hapit ng hot pink na dress. Gustuhin ko mang mag reklamo ngunit wala akong karapatan. Parte ng trabaho namin ang magsuot ng ganito dahil karamihan sa mga customers namin ay lalaki. Mabuti na lamang nga at pumayag sina Madam Pie na hindi ako lalapit sa mga customers at makiki-halubilo. Hindi iilang beses na may nag-request sa mga waiters na mai-table ako. Pumayag na rin ang management sa kagustuhan kong tanging pagsasayaw lamang upang mas maging curious sa akin ang mga manonood. Hindi ko na kakayanin ang lumapit pa sa mga kalalakihan. Mysterious ang dating ko ngayon sa mga tao rito kaya mas lalo silang nahuhumaling na makuha ako at makilala. Isang huling buntong-hininga ang hinugot ko nang marinig ang pagtatapos ng kanta ng mga kasalukuyang nagsasayaw sa stage, hudyat rin naman ito upang ako ang susunod na performer.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
BlueDiamond45
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
06/06/2022
1I like this story sow good
18/11/2024
0😍🥰
23/04/2024
0Tingnan Lahat