Homepage/Philippines Young Billionaire’s Club series 1: Stripped/
Chapter 39
NATAPOS ang gabing ito na galak na galak ang puso ko sa nangyari. Hindi man maganda ang insidente bago kami umalis ng Isla Isabela, bumawi naman si Seth. Hindi ko akailain na gagawin niya iyon para lamang magka-ayos kami. Sino nga ba naman kasi ako sa buhay niya? Pretend girlfriend lang naman. “Bye, ingat kayo.” Wika ko kay Seth nang marating na namin ang hindi kaluwagan na kanto malapit sa aming bahay. Pasado alas diez na nang makaalis kami ng Angelus Orphanage at nag-alok na si Seth na ihatid nila ako ni Ben hanggang dito sa amin na hindi ko tinaggihan. “Ingat, Seth. Ingat sa pagmamaneho, Ben.” Nakangiti kong wika. Tipid na ngumiti si Seth. “I’ll just text you kapag kailangan kita. Make sure your line is open.” Bilin nito. “Oo naman. Siguradong matatanggap ko ang message mo, mamahalin yata ang cellphone ko.” Biro ko. Hindi na kasi talaga tinaggap ni Seth ang binili nitong cellphone para sa akin at natatakot naman ako sa banta nito na itatapon lang nito kapag pinilit kong isoli. Sayang rin naman. Hindi nakaligtas sa akin ng bahagya ring matawa si Ben at si Seth ay ganoon pa rin, matipid pa rin ang pagkakangiti. Okay na rin sa akin kahit tipid ang ngiti ng binata, mas tanggap ko na iyon kaysa palagi itong seryoso o nakasimangot. Sadya nga lang yata talagang mahal ang presyo ng ngiti ng isang Seth Zoqilla. Kinawayan ko ang papalyong sasakyan at nang lumiko na ito sa kaliwa, tuluyan na akong naglakad papasok sa makipot na kanto patungo sa aming bahay. Kampante naman ako na kahit malalimna ang gabi, wala namang siraulong gagawa sa akin ng masama dito. “Wow, ang kapatid ko hinahatid na ng magarang kotse ah.” Biglang lumitaw sa isang madilim na gilid si Kuya Eric at nakangisi sa akin. “K-kuya?” Kinabahan ako dahil sa sinabi nito. Nakita ni Kuya na hinatid ako ni Seth! “Boyfriend mo ba iyon? Ang gara ng sasakyan ah. Mayaman ang boyfriend mo? Magaling kang pumili ah.” Hindi ako nakaiwas ng bigla akong akbayan ni Kuya. “Hin— Nagkakamali ka Kuya, hindi ko boyfriend iyon. Amo ko siya. Nagmagandang loob lang sila na ihatid ako dahil gabi na.” Nauutal kong sagot. “Aba, ay kung gano’n, akitin mo na. Sa ganda mo namang ‘yan, sigurado akong hindi tatanggi ‘yon.” hindi napapalis ang ngisi na nakapaskil sa mukha ng kapatid ko. “K-kuya—“ sinubukan kong lumayo sa kaniya ngunit humigpit lang ang pagkaka-akbay sa akin nito. “Boss ko lang iyon.” “Iyon ba ang dahilan kaya nabayaran mo kaagad ang utang mo kay Mrs. Ramirez?” Nanunubok na tanong nito. Si Mrs. Ramirez ay ang ninakawan ni Kuya Eric ng alahas kaya ako napadpad mag-trabaho sa club upang bayaran ang ninakaw nito. “Oo—“ agad na naputol ang sasabihin ko. “Iyon naman pala eh! ‘Di mayaman nga!” “Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?” Pinilit kong ibahin ang sagot upang maiiwas ang topic tungkol kay Seth. “Dyan lang sa tabi-tabi. Nagpalipas lang ng oras.” Sagot ni Kuya. “Pero kung alam ko lang na big time na pala ang boss mo, sana noon pa ako umuwi. Hindi ko naman akalain na mababayaran mo kaagad si Mrs. Ramirez kaya nagpalamig muna ako.” Pabalewalang wika nito na animo wala lang ang pagnanakaw na ginawa nito. Hindi ko napigilan na hindi mainis sa sinagot nito. “Kuya! Hindi ko lang basta pinulot ang pinangbayad ko kay Mrs. Ramirez! Kinailangan ko pang pumasok sa club para lang mabayaran ang danyos mo!” Sigaw ko. Alam ko namang walang makakarinig na iba sa pinag-uusapan namin ng kapatid. Mas ok na rin dito at least hindi maririnig ni Nanay at Jam ang pagtatalo naming magkapatid. Kumupas ang kamay ni Kuya Eric sa hangin. “Okay lang ‘yan, Jea. Minsan mo lang din naman ako matulungan.” Nagpatiuna ng maglakad si Kuya. Naiwan naman akong natigilan ng ilang sandali ngunit mabilis na hinabol ito. “Anong sinabi mo? Minsan lang kitang matulungan? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo,Kuya Eric? Mula ng mamatay si Tatay, ako na ang kumargo sa’yo. Naturingan ka ngang mas matanda sa amin ni Jam pero—-“ Nanlilisik ang mga mata ni Kuya Eric na hinarap ako. “Anong sinasabi mo ha?! Baka nakakalimutan mo, Kuya mo ako Jea!” galit na wika nito. Nakipag-sukatan ako ng tingin kay Kuya Eric. Hindi na ako natatakot na saktan niya kagaya ng madalas niyang gawin noong bata pa lang kami. Ngayon ay kakayanin ko ng labanan ito kung hindi pa rin talaga ito titigil sa perhuwisyong madalas nitong iuwi sa amin. “Hindi mo alam ang pinagdaanan ko para lang mabayaran ang ninakaw mo kay Mrs. Ramirez, Kuya Eric.” Halos maluha-luha kong wika. “Ito na ang huling pagkakataon na sasaluhin ko ang kagaguhang ginawa mo. Sa susunod, wala ka ng aasahan sa akin.” Lalong nagliyab ang mga tingin sa akin ng kapatid. Mabilis nitong nahagilap ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya. “Ah, ngayon marunong ka ng mag-banta? Sino na ba ang ipinagmamalaki mo ha, Jea? ‘Yung mayamang ‘yon ba?” Ipiniksi ko ang kamay nito sa braso ko. “Hindi! Sinasabi ko lang sa’yo na hindi sa lahat ng oras, palaging may sasalo sa’yo. Matanda ka na Kuya, inaayos mo na dapat ang buhay mo!” Tumawa si Kuya Eric na lalo kong ikina-b’wisit. “Hanggang nariyan ka, alam ko hindi mo matitiis.” Sagot nito at imbis na pauwi sa amin, sa pinanggalingan namin naglakad. Kung saan na naman ito patungo, wala na akong pakialam sa gagawin niya. Oras na rin siguro para maturuan ng leksyon si Kuya Eric. Napapagod na rin ako na maging taga salo sa mga masasama nitong ginagawa. Baka nga ako na rin ang nagtuturo sa sariling kapatid na maging ganito ang buhay niya dahil alam niyang narito ako palagi para sa kaniya. Kaya mas gusto ko na rin na palagi itong wala sa bahay namin. Kung hindi na naman ito uuwi, nasa sakaniya na iyon. Pinili ko na ring hindi na lang banggitin kay Nanay na nakita ko ngayon si Kuya Eric dito. Tiyak na mag-aalala na naman si Nanay kapag sinabi kong umalis na naman ang kapatid. Tuluyan ng napawi ang kasiyahan ko para sa gabing ito dahil sa naging engkwentro namin ni Kuya Eric.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
BlueDiamond45
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author
06/06/2022
1I like this story sow good
18/11/2024
0😍🥰
23/04/2024
0Tingnan Lahat