Chapter 16

"JEA, kanina ka pa ba dyan?" Untag sa akin ni Mccoy.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at agad na ngumiti.
"Hindi naman, kararating ko lang." Sagot ko. Itinabi ko ang librong binabasa ko kanina pa ngunit wala naman akong maintindihan. Paulit-ulit pa rin na bumabalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.
"Si Angela?" Tanong nito at naupo sa tapat ko.
Gumala ang tingin ko sa cafeteria nitong eskwelahan namin. "May klase pa yata."
"Sandali lang." Paalam nito at nagtuloy sa hanay ng mga pagkain. Ilang sandali pa ay bumalik ito na may dalang tray. "Kumain muna tayo." Inilapag nito sa harapan ko ang isang rice meal at isang baso ng juice. Bumalik ito sa pagkakaupo niya kanina at doon naman ibinaba ang isang pares ng katulad ng ibinigay niya sa akin.
"Salamat."
Ngumiti lang sa akin si Mccoy at nagsimula ng kumain. Hindi naman ako tuminag sa pagkakaupo. Nang marahil ay mapansin ng kaharap ang hindi ko pagkilos ay nagtataka itong tumingin sa akin.
"May problema ba?"
Umiling ako bilang sagot. Hindi ko naman masabi sa kaniya ang gumugulo sa isipan ko dahil hindi rin naman niya alam. Wala itong alam sa trabaho ko sa club at wala rin siyang dapat malaman sa kinahaharap kong suliranin ngayon.
"Kain na tayo." Pilit ang ngiting wika ko. Aktong susubo na ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko.
Palihim ko itong sinilip sa ilalim ng mesa. Seth calling...
Huminga ako ng malalim at ibinalik na lang muli ito sa bulsa.
"Oo nga pala, Jea. Birthday ni Mama, sa amin na kayo mag hapunan ni Angela." Wika nito nang matapos uminom ng juice.
"Ah ganon ba? Naku, hindi ko pa nababati si Tita Lisa." Sagot ko. Kinuha kong muli ang cellphone at planong itext ang nanay ni Mccoy nang may tumawag na naman. Si Seth na naman. Ano ba ang kailangan nito?
Dinecline ko ang tawag nito at nag compose na lamang ng text para sa Mama ni Mccoy. Nakita kong may five missed calls ng galing kay Seth ngunit ipinag walang bahala ko na lamang.
Nag-kwentuhan kami tungkol sa kung ano-ano ni Mccoy hanggang sa nagkayayaan na mamayang pagkatapos ng klase namin ay dadaan kami sa mall para makabili ng cake para kay Tita Lisa. Tumanggi pa nga si Mccoy ngunit nagpumilit na lang ako. Nakakahiya naman kasi kay Tita Lisa kung wala akong madadalang kahit ano mamaya, napaka-bait pa naman niya sa amin ni Angela kapag pumupunta kami sa bahay nila, asikasong-asikaso niya kami.
"Happy Birthday, Tita Lisa!" Bati ko sa ginang nang salubungin niya kami sa pinto ng bahay nila. Napasulyap ako sa mga nasa loob at napansin na iilan lang pala ang mga bisita o hindi pa siguro mga dumarating.
"Salamat, Jea. Naku nag-abala ka pa ng cake." Wika nito nang iabot ko ang maliit na cake na dala namin ni Mccoy.
"Sinabi ko na nga Mama na 'wag na, eh. Pero mapilit." Sabi ni Mccoy na nasa likuran ko.
"Oo nga naman, Jea. Pero pasok na kayo at kumain. Nandyan na ang mga Tita mo at ilang pinsan, Mccoy."
Niyaya ako ni Mccoy na kumuha ng pagkain. Nginitian ko na lamang ang mga nadatnan namin at bumati sa kanila. Mga kakilala ko na sila dahil hindi iilang beses na rin naman akong nakapunta sa kung ano mang okasyon ng pamilya ni Mccoy.
"Aba at narito na naman pala ang napaka gandang dilag na ito. Ano, kamusta apo?" Bati sa akin ng Lola ni Mccoy.
Nagmano naman ako sa kanya. "Kumusta, Lola?"
"Heto naghihintay pa rin kung kailan may iuuwi at ipapakilalang nobya si Mccoy." ngiting-ngiting sabi ni Lola Beatrice.
"Si Lola talaga, ako na naman ang nakita." Kakamot-kamot sa ulong angal ni kaibigan ko.
"Totoo naman ah. Naunahan ka pa ng pinsan mong si Leo. Mas matanda ka pa hayun at may nobya na. Ikaw ba apo kailan? Kailan ka magkakalakas ng loob na tanungin si Jearelle, ha?"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Lola. "Si Lola naman, namumula na si Mccoy. Kain muna kami 'La. Kayo po ba?"
"Tapos na, apo. Sige na kumain na muna kayo."
Nangingiti pa rin na nagpunta kami sa terrace ng bahay nila at doon napiling maupo upang kumain. "Wag mo na pansinin si Lola, Jea."
"Oo naman, sanay na 'ko kay Lola Beatrice, Mccoy." Wika ko kahit pa bahagya akong na-disappoint sa sinabi niya.
Hindi iilang beses na binuyo kami ng pamilya ni Mccoy para sa isa't-isa. Ngunit consistent ang sagot ni Mccoy na magkaibigan lang talaga kami.
Gusto ko naman si Mccoy, eh. Gustong-gusto. Ngunit alam ko hanggang kaibigan lang ako at wala pa rin naman sa isip ko ang buhay-pag ibig na 'yan. Uunahin ko muna ang pamilya ko bago ang sarili, 'yun ang pangako ko kay Tatay noon at sa sarili na rin mismo.
Natapos na kami kumain nang lapitan kami ng mga pinsan ni Mccoy at kamustahin. Buong giliw naman akong nakipag-kwentuhan sa kanila.
"Binubuyo na naman kayo ni Lola, Ate Jea. Bakit nga ba naman kasi hindi na lang kayo? Bagay na bagay naman kayo ni Kuya Mccoy."
Napangiti ako at napailing. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ng kaibigan.
"Yan na naman kayo. Sinabi na nga kasing magkaibigan lang kami ni Jea, Hasmin."
Nag-iwas ako ng tingin nang subukin na tingnan ako ni Mccoy sa mga mata. Ayokong makita nya na nasaktan ako sa sinabi ng kaibigan. Tanggap ko na naman noon pa, may mga oras nga lamang na hindi ko mapigilang hindi masaktan kapag sinasabi niya ang ganito.
May sinabi pa ang mga pinsan ni Mccoy ngunit naagaw ang atensyon ko sa muling pag-vibrate ng phone ko.
Kinuha ko itong pagkakataon upang makalayo sa kanila. "Excuse me, sagutin ko lang ang tawag." Paalam ko nang makitang si Seth na naman ang caller.
Nagtataka man ang tingin sa akin ni Mccoy pero binalewala ko na lang.
"Hello?" Sabi ko nang makalayo ako sa mga kasama at sagutin ang tawag.
"Why were you not answering my calls?!" Halos mailayo ko sa tainga ang aparato nang bulyawan ako ni Seth.
"A-ah, may pasok kasi ako." Sagot ko. Napakagat-labi ako. Nagi-guilty ako dahil alam ko na may responsibilidad ako sa kaniya. Pumirma ako ng kontrata at ibig sabihin noon ay may trabaho na ako sa binata.
"Until now? Your schedule says you have classes until 3 PM only."
Napakagat-labi ako. Paano niya nalaman? Napabuntong-hininga ako. Ano ba ang imposible sa kagaya ni Seth? Kung nagawa niya ngang pabantayan ako kahapon sa food chain, hindi na nakakapag-taka na makuha niya rin ang class schedule ko sa University.
"Nasa kaibigan ako ngayon. Birthday kasi ng Mama niya." Pag-amin ko.
"Where is that? I'll pick you up. We need to talk about some things."
Napataas ang kilay ko. Hindi niya ako pinabantayan ngayon? Mabuti naman.
"No, ako na lang ang pupunta sa bahay mo. Give me, uhh." Tumingin ako sa wristwatch. "30 minutes."
"Okay make it fast." Mariing utos nito at biglang nawala na sa linya.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    BlueDiamond45

    ang ganda ng story,hoping for more update...thanks author

    06/06/2022

      1
  • avatar
    Jul Yanna

    I like this story sow good

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Rachelle Esguerra

    😍🥰

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata