Halakhakan at saya ang umalingawngaw sa kwartong kinaroroonan namin ngayon. Masaya akong napatitig sa kambal habang nilalaro sila ni Lance at Peil. Nag-aasikaso naman ng pagkain si Mama sa gilid. I crossed my arms while observing their every movement. Puno ng hiyawan, tawanan at kasiyahan. Gusto kong maramdaman nilang para lang din silang normal na bata, 'yung naglalaro at nakikisaya. Alam kong ayan din ang kagustuhan ni Mama para sa kambal. "Oh may joke na naman ako, Venz." "Char! 'di pala joke. I mean, pasasagutan." "Ayusin mo naman kasi Peil 'no?" "Ang ano ba, Lance? panira!" "Tch. Sige na, ako na lang may joke. Sundin n'yo ang sasabihin ko. Repeat after me," "Sige sige po, kuya!" "Ano na naman 'yan, Lance?" "Tahimik muna Peil, pwede?" "Tch, ok!" "Ok, repeat after me, Venz at Vanz. Blue," "Blue!" "Orange," "Orange!" "Black," "Black!" "Walang jowa si ate Peil!" "Walang jowa si ate Peil!" Natawa ako sa sinabi ng kambal. Repeat after me, kaya sinusunod nila ang sinasabi ni Lance. Tiningnan ko ang reaksyon ni Peil. Halos matunaw si Lance sa sama ng titig nito. It was obviously cringe. Hindi nakakatawa ngunit marahil ay gusto lang inisin ng isa si Peil. "Black," "Black!" "Tapos na ang black, tangek! I think that's not a joke diba? logic ata 'yang ginagawa mo!" Binatukan ni Peil si Lance. Tumawa naman ang kambal dahil nagsusukatan na sila ng tingin ngayon. Para tuloy kaming nanonood ng comedy show. May twist kasing pisikalan. "'Wag ka na nga d'yan, Peil. 'Di na ako matapos-tapos dito 'no?" Reklamo ni Lance at napakamot sa batok. "Ok, ok! proceed na kasi!" "Alam n'yo ba, para kayong mag-syota!" Napataas ang tingin namin kay Mama nang bigla siyang magsalita. "Joke!" Dagdag niya nang makita ang pagsimangot at kunot nang noo ng dalawa. "Tita naman, 'di magandang biro!" Sambit ni Peil. "Bangungutin muna ako!" Tugon ni Lance na tila hindi nasiyahan sa ideya at tumawa-tawa pa. Kiniliti ni Vanz ang batok ni Lance. Gano'n rin ang ginawa ni Venz at sumakay silang dalawa sa likuran ni Lance habang kinikiliti ito. "O-oh! ang kulit-kulit niyo tala— a-ah, nakikiliti ako! tulong!" Sambit ni Lance at halatang nakikiliti s'ya sa pinaggagawa ng dalawa. "Kuya mag-joke ka!" "Oo nga! kung hindi kikilitiin ka namin ng marami!" "Ate Peil, kilitiin mo si kuya Lance!" Sigaw ni Venz. Umaliwalas naman ang mukha ni Peil at agad n'yang sinugod si Lance. Nagkilitian lang sila nang kilitian. Hindi ko alam kung bakit nakatayo lang ako rito habang pinagmamasdan sila. Para bang nanay nila ako tapos nakikita ko ang mga anak kong nasisiyahan. Masaya kasing makitang may ibang taong nagpapasaya sa kambal. Hindi naman kasi lahat kaya kong gawin para mapasaya sila. Wala akong masyadong alam na laro na kinagigiliwan ng mga bata o kaya minsa'y hindi sapat ang oras. "Ang kulit naman!" Komento ni Mama habang may saya sa kan'yang mukha nang makita ang kalagayan ng apat. Lalapit na sana ako sa kanila dahil napansin kong hinihingal na ang kambal nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan nitong kwarto. Agad akong napaharap sa kung sino mang tao ang gumawa ng malakas na pagbukas ng pintuan. Nahinto ang ingay sa kwartong ito at napuno ng katahimikan. Napanganga ako at napaatras nang makilala kung sino ito. Puno ng galit at poot ang makikita sa ekspresyon n'ya. Titig na titig s'ya kay Mama na tila anumang oras ay kaya n'ya itong saktan, sunod n'ya akong pinukulan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming makita ang lalakeng 'to ulit. Anong ginagawa n'ya dito? hindi namin s'ya kailangan. Paano siya napadpad dito?! "Sino ka?" Matapang na sagot ko. Gusto kong isipin n'ya na wala na s'yang parte sa buhay namin. Gusto kong isipin niya na hindi na namin siya kilala at nakalimutan na namin s'ya. "INIWAN N'YO KO SA ERE! ANONG KLASENG PAMILYA KAYO! IKAW SELVA, ANONG KLASENG ASAWA KA!" Mabilis ang bawat paghakbang n'ya at agad na sinugod si Mama. "Ma!" Napalunok ako dahil sa bilis ng pangyayari. Agad akong tumingin sa paligid kung anong pwedeng maipanlaban sa lalakeng ito. Napakuyom ako ng kamao nang marinig ang pagdaing ni Mama dahil sa sakal ng lalakeng ito Narinig ko rin ang bawat sigawan sa kwartong ito at ang pag-iyak ng kambal. "T-Tama na, E...verio! A-aray!" Daing ni Mama. Nasasaktan na siya dahil sa sakal ng lalakeng iyon. Tila mas hinigpitan pa ng lalake ang sakal n'ya. Napaubo si Mama. "Tita!" Sigaw ni Peil. Mabilis kong hinablot ang vase sa gilid pero bago ko pa man 'yun matama sa batok ng lalake ay agad na itong natumba sa semento. May dugo sa ilong at gilid ng labi niya at namumula ang pisnge. "Carren, ito ba ang sinasabi mong walang kwentang ama n'yo? tama nga pala ang ikinuwento mo sa'min, He's damn evil!" Napaka-seryoso ng mukha ngayon ni Lance habang nakatingin sa lalakeng 'yon nang matapos n'ya itong masuntok. Mabilis kong pinuntahan si Mama at inalalayan. Napakagat-labi ako sa galit na nararamdaman sa lalakeng kaharap namin ngayon. Tila mas naging triple ang galit ko sa kan'ya at walang hangganang poot dahil sa pagkakataong ito, natunghayan ko na namang sinaktan n'ya si Mama! Humarap s'ya sa kasusuntok lang na lalaki, ang tatay ko... noon. Ang tinuri kong tatay no'on. "Sir, hindi po sana ako pumapatol sa matatanda pero sumusobra na po kayo. You take the plunge, bakit pa kayo nagpakita? kung kelan lumalala na nga ang sitwasyon nila, saka ka pa dadagdag sa problema..." Lance gritted his teeth. Tumabi sa kan'ya si Peil at pinakalma 'to na nakakuyom din ang mga kamao. "Sila ang dahilan kung bakit ako nagkasakit ngayon, iniwan nila ako no'n! Iniwan nila ako na s'yang nagtaguyod sa pamilya namin! pinabayaan nila ako at g-gusto kong pag-bayaran nila ang ginawa nila sa'kin! dinala nila ang mga bata!" Bigla na lang itong tumayo at sa takot kong saktan naman niya si Mama ay humarap na ako sa kan'ya. Gamit ang lakas ay binigyan ko si papa ng sampal, hindi ko pala papa, noon lang 'yun. Biglang nanlaki ang mata nito sa ginawa ko. "Ikaw! ikaw sigurong bata ka ang nagsumbong sa mama mo! walangya ka! lapastangan! kahit na anong gawin n'yo, apelyido ko pa rin ang dinadala n'yo! hinanap ko kayo ng ilang taon! dito ko lang pala kayo makikita!" Humalakhak siya na parang baliw at agad akong sinamaan ng mapupusok na tingin na tila gustong-gusto akong patayin sa mga titig nito. "Paano ka nakapasok dito!?" Sigaw ko. Napakuyom ako ng kamao. Nagpupuyos sa galit ang sistema ko. "May sakit ako kaya normal lang na pumunta ng hospital! namukhaan kita kaya sinundan ko kayong tatlo ng kasama mo kanina! ikaw na walangyang bata ka!" Bigla akong napatagilid nang mukha nang bigla akong makaramdam na mabigat at mahapding paghampas ng kamay sa pisnge ko. Inaawat ako ni Mama sa pagsasalita pero hindi ako nagpapigil. Narinig ko rin ang mga tinig nila Peil at Lance pero hindi ko alam kung anong sinasabi nila. My lips was shaky nang humarap sa kan'ya. Nangingilid na ang mga luha sa mata ko. "M-MAS WALANGYA KA! H-HINDI KO MAN NAKIKITA ANG LAHAT N-NG PAGBUBUGBOG MO KAY MAMA, R-RINIG NA R-RINIG KO ANG BAWAT PAGHAMPAS SA PADER, ANG BAWAT SIGAW NI MAMA NA N-NAGSASABING T-TAMA NA! NA HUMIHINGI P-PA NG... T-TAWAD SA'YO! NA P-PARANG S'YA P-PA ANG MAY K-KASALANAN! PINAGSISISIHAN KO... 'YUNG MGA PANAHONG TINAWAG KITANG PAPA!" Galit na galit ang mga mata n'ya sa sinabi ko. Agad kumawala ang mga luha sa aking mata at napahikbi. Nahugot ko ang hininga nang bigla na naman n'yang tinaas ang kamay. Napapikit ako at hinanda ang sarili para sa isang malutong na sampal na matatanggap ko. "Not again, sir!" Sa ilang segundo lang ay napadilat ako at nanlaki ang mata nang makitang nagsusuntukan na si Lance at ang lalakeng bigla-bigla na lang nagpakita sa'min, kahit hindi naman namin kagustuhan. Iyakan ng kambal at sigawan ni Mama at Peil ang umalingawngaw sa kwartong ito. Hindi pa man ako nakakaawat ay bigla na lang bumulagta ang lalake sa semento nang walang malay. Basag ang labi at dumudugo ang ilong. Katahimikan ang namayani sa paligid. That Guy who I treated my Father for 11 years of my life was now a burden in our life. I regret that I ever called him 'Papa''.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat