Carren's POV. Sumiklab ang damdamin ko sa tuwa. May parte sa'kin na baka hindi ko siya makita pero mas malaki ang paniniwala kong makikita ko siyang muli. Umaasa ako. Kung papalarin, sana palarin. Traffic. Malayo-layo pa para makarating doon bago ang sunset. I glance at my wrist watch. Napasapo ako sa noo dahil sa inis. Shit. Pinagpawisan ako dahil sa kaba. Gusto kong sumigaw sa sobrang excitement. Sinampal-sampal ko ang sarili upang makumpirmang hindi ito isang panaginip. Nang medyo umusad ang traffic ay nag-over take ako sa mga nauunang sasakyan. May malapit na nga akong mabangga. I just winced. "Sorry!" I shouted from the open window. Hindi ko namalayang nakangiti ako habang sinasabi iyon. Mukha akong tanga, mukha akong ewan. Nakarating agad ako dahil sa pagmamadali. I can't describe what I'm feeling. It's a mixed emotion. Bumaba agad ako sa sasakyan at tumakbo sa riverside o lakeside. Hindi ko pa rin alam kung ano ang tamang pangalan nito. Ang kulay ng kalangitan ngayon ay pinaghalong kulay rosas, kahel at lila. Kung hindi lang ako nagmamadali ay baka nakatulala na ako sa kalangitan ngayon. May mga kalapati pa ring nagsisiliparan sa paligid. Nakamamangha. May mga kanya-kanyang mundo ang mga taong makikita rito. Nang makarating sa pwesto kung saan kami nakapwesto dati ni Vinicius ay napatigil ako. Nilingon ko ang paligid ngunit wala akong makitang bahid niya. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Kahit na apat na taon na ang nakalipas ay sariwa pa rin sa aking alaala. Iba pa rin ang tibok ng puso kapag siya ang naaalala. "Vinicius!" I shouted on top of my lungs. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Kung hindi ko man siya makita ngayon, nakakapanghina pero hindi pa naman end of the world. Pwede ko pa siyang makitang muli. 'Yan ang mga natutunan ko sa buhay. But don't get me the wrong idea. Kahit na gusto ko pa rin si Vinicius, I'll just look at him as a friend dahil kasal na siya. Alam ko iyon. Kahit papaano ay may pinagsamahan rin kami bilang kaibigan. I'm just excited to see him again after 4 years. Nilingon ko ang buong paligid. I can't see him. "Carren! I'm here!" Napabaling ang tingin ko sa tulay. May sumisigaw roon at kinkaway ang mga kamay. Tila tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig muli ang boses. Ang boses na laging nagbibigay ng pag-asa sa'kin no'ng mga panahong tila binagsakan ako ng langit at lupa. Ang mga boses na iyan na nagbibigay sa'kin ng comfort sa tuwing pakiramdam ko ay mahirap nang bumangon. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa saya. Sa apat na taon, ngayon ko lang ulit siya makikita. Dahan-dahan akong naglakad paakyat ng tulay. Humihikbi ako dahil sa sayang nararamdaman. Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon, nasa harapan ko na siya at nakangiting muli. Para bang bumagal ang takbo ng paligid. Siya lang ang nakikita ko. Ibang klase na nga itong nararamdaman ko sa kaniya. Kahit ilang taon na ang lumipas, lahat sariwa pa rin sa aking alaala. Kung paano niya patibukin nang ganito ang aking puso. Nang makalapit ay pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Si Vinicius nga ito. Siyang siya. Humagulgol ako ng hikbi dahil sa tuwa. Dahil ang araw-araw ko na pagdarasal ay naging totoo. Naging reyalidad na rin ang pantasya kong makasama siya at mayakap muli. Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at niyakap ako. Tumawa siya na ikinatuwa ng puso ko. Ang sarap pakinggan na marinig muli ang bodes niyang ito. Bigla kong naalala iyong mga panahong kami'y magkasama. Laging may biruan at may tuksuan. "Umiiyak ka na naman," Natatawa niyang sambit. Niyakap ko siya pabalik. Sa puntong ito, gusto kong huwag nang kumawala sa yakap niya. Na sana ay wala nang katapusan ito. Sana ay lagi na siyang nandito sa tabi ko, sa aking harapan. "V-Vinicius!" Sa dami kong gustong sabihin ay hindi ko magawang magpakawala ng kahit isang salita. Niyakap ko siya nang mas mahigpit. "Ang higpit-higpit ng yakap mo. Na-miss mo sigu—" "Oo! miss na miss kita. Hindi ka man lang nagsabi na aalis ka! bakit kailangan mong bayaran la—" "Shhh... tama na." Hinaplos ni Vinicius ang buhok ko. "Hindi ako nandito para kwentahin lahat ng iyan. Hindi ko inutusan si Thimos na magkita tayo para lang diyan. Nandito ako kasi may gusto akong sabihin sa—" "Daddy!" May sumigaw sa 'di kalayuan. May yaya sa kaniyang tabi at nakatingin sa direksyon naming dalawa ni Vinicius. Bigla akong napabitaw sa kaniya. May kung anong kirot ang naramdaman ng puso ko. Ngayon, napagtanto kong ganito pala ang maging broken hearted? ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan dahil may ibang mahal ang minamahal mo. 4 years ko siyang hindi nakita. Gusto ko siyang kausapin magdamag, gusto ko siyang tanungin, gusto ko siyang yakapin pero hindi siya sa'kin. Tumalikod ako at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Tama. Kailangan kong tingnan si Vinicius bilang kaibigan kahit nsasaktan ako. Ayos nang kaibigan rin ang turing niya sa'kin. Napabuntong-hininga ako. Nakarinig ako ng pagtawa. Pinagtatawanan niya ba ako? nakakatawa ba ang sitwasyon ko ngayon? naaawa ako sa sarili ko. Unang beses ko lang naman nagmahal pero sobrang sakit pala talaga. "Carren, bakit mo ako tinatalikuran? ayaw mo ba akong makita?" "Hindi ah. Gusto kaya." "Ayun naman pala, e." Hinarap niya ako sa kaniya. Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. Agad kong iniwas ang kamay niya. Hindi 'to pwede. Mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. May asawa na siya! Tukso, layuan mo ako. Hindi ko gusto maging kerida, mistress o kabet. Ngumiti siya sa'kin at tila sinuri ang bawat detalye ng aking mukha. "Sobrang na-miss kita. Apat na taon din tayong hindi nagkausap at nagkita." Bulong niya. Iniwas ko ang tingin dahil naiilang ako sa kaniyang titig. "Daddy!" We heared the shout once again. Umayos ako ng tindig. I heaved a sigh at hinakbang na ang mga paa. "Tara na, naghihintay na ang... anak mo." This is propably the most heartbreaking situation I have been into aside from the dead of my mother. 'Yung alam mong wala nang pag-asa. Tapos na, wala ka nang magagawa. Kailangan na lang tanggapin. Labag sa kalooban ko ngunit kailangan. Pero, puta! ngayon pa lang akong magmumura ng ganito. Sobrang sakit. Wala akong magawa. Hindi ko pwede ipagpilitan ang sarili ko. Sobrang sakit pala ng ganito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat