Chapter 41

The days flies fast. It's already two months of the Chemotherapy of the twins started. Matapos ng ilang week ay inoperahan agad sila. Tanggap niyang walang Vinicius ang babalik at kakausapin siyang ulit katulad ng dati pero meron pa ring parte ng pagkatao niya na umaasang balang araw ay babalik si Vinicius at makikipaglaro sa kambal at makikipag-usap sa kaniya. Gusto niyang malaman ang iba't ibang bagay pa tungkol sa binata. Dahil nang magkasama sila ay laging tungkol sa kaniya lang ang usapan at minsan lang sila nag-usap tungkol sa binata.
Pinagmasdan niya ang dalawang kapatid na kalbo na. She smiled. May improvement na rin kahit papaano ang chemotherapy. Dahil sa perang pinambayad ni Vinicius ay nagagamot ang kaniyang mga kapatid. Hindi na niya pilit iniisip ang mga tanong sa kaniyang isip. Ang pinagdarasal niya ay makitang muli si Vinicius upang makapag-pasalamat at balang araw ay matugunan rin nito ang mga naitulong nito.
"Carren, bumili kami ng pagkain para sa'tin!" Natawa siya nang bahagya nang pumasok ang dalawang kaibigan. Nagtulakan pa ito at as usual, hindi mawawala ang bangayan.
"Ito kasi, sinabi ko kay Lance na hotdog at itlog na lang bilhin, e!"
"Parang ikaw lang naman may gusto kumain no'n!"
"Oh tama, 'wag kang kumain!"
Hindi ko sila sinaway. Na-miss ko rin ang mga ganitong eksena. Minsa'y makikisali pa ako sa kanila. Nang umalis si Vinicius, tinawagan niya pala si Peil at Lance. Sinabing kailangan ko sila. Ilang weeks lang at nakauwi agad itong dalawa. Tinutulungan ulit nila ako sa pagbabantay ng dalawang bata. Ang hindi ko inaasahan ang perang na-transfer sa bank account ni Lance. Pinaubaya iyon ni Vinicius sa kaniya at gamitin daw sa Carren-derya.
Napabubuntong hininga na lang ako kapag naaalala ko ang lalakeng tumulong sa'kin. Hindi lang niya ako binigyan ng pag-asa, makakapitan at kasama. Binigyan niya rin ng saysay ang buhay ko. Mas na-realize ko ngayon ang kahalagahan ng pagtitiwala sa proseso ng buhay. Minsan hindi natin makukuha ang gusto natin, minsan hindi sumasang-ayon ang lahat sa atin at minsan nama'y pakiramdam natin ay pinagsasakluban na tayo ng langit at lupa. Ngunit hindi. Ang mga tao ay may kaniya-kaniya ring kwento. Hindi natin alam ang mga pinagdaanan nila sa buhay at ang mga nalagpasang pagsubok. Iba-iba tayo ng kwento ng buhay pero pare-pareho tayong survivor at hindi nagpapatinag.
Minsan kailangan mo lang isipin na may kahit isang taong naniniwala sa'yo. Pero ang paniniwala minsan ay nagmumula sa sarili. Naniwala ako sa sarili ko dahil binigyan niya ako ng dahilan para magtiwala.
Ngunit bago ako humantong sa ganitong sitwasyon, nagkaroon muna ako ng pangamba, pag-aalinlangan no'ng oras na nawala siya dahil hindi ako sanay na hindi siya ang nasa tabi ko. Hindi ako naging sanay na wala siyang lagi akong kinakausap, laging pinapagaan ang loob ko at lagi akong binibigyan ng pag-asa.
Siguro nga tama na. Masyado akong naging dependent sa kaniya nang walang kamalay-malay. Panahon naman siguro para harapin ko ang tunay na problema ko. Na problema ko ito at hindi sa kaniya. Na lahat ng ginawa niyang pagtulong ay sapat na.
Ngunit sa paglipas ng bawat araw. . . na-realize kong 'di ako naging dependent sa kaniya. Hindi sa pagtulong niya. Ito ay kung 'di mas buhay ako kapag nandiyan siya. Siya ang nagiging pag-asa ko, inspirasyon, sandalan at nagbibigay ng liwanag sa bawat parteng may bahid ng dilim. Naging ilaw siya sa buhay ko. Naiintindihan niya ako, hinayaan niyang sandalan ko siya at lahat ng binigay at pinaramdam niya sa'kin ay walang katumbas.
Pero alam kong mahina ako. Katulad na lang no'ng mga panahong ino-operahan na ang kambal. Wala akong kasama no'n. Ako lang mag-isang naghihintay sa labas ng operating room. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Nanginginig ang katawan ko dahil sa pag-aalala at kaba. Wala akong kasama. Hinihingi ko ang presensya niya. Na nandiyan siya upang hagurin ang likuran ko. Upang patahanin ako, hayaang yumakap ako sa kaniyang mga braso at pagaanin ang loob ko. Na sana ay nandiyan siya upang sabihing makakayanan iyon ng kambal. Na sana ay huwag akong mag-alala dahil tiyak na magiging successful ang operasyon.
Naging dependent ako sa presensya niya kahit hindi ko sinasadya. Nasanay ako.
Iyak ako nang iyak dah alam kong mahina ako. Iyak ako nang iyak dahil walang Vinicius na nagpapaalala sa'king magiging maayos din ang lahat.
Habang may nagbibigay sa'tin ng pag-asa, makakayanan pa.
_
4 years later...
Carren's PoV
Pinanood ko ang labas masok na mga tao sa entrance. I felt flattened.
"Hindi talaga ako makapaniwala! parang kelan lang, e. Ang tanyag na ng Carren-derya mo. Amazing!" Sumulpot si Peil at Lance sa aking likuran. Napangiti ako bilang tugon. Pinagmasdan naming tatlo ang mga taong masayang kumakain sa loob.
Tumingala kami at pinagmasdan ang malaking signage kung saan nakapinta ang mga letrang "CARREN-DERYA" while it sounds cringe to me, I don't want to change it anymore. Nagpapaalala 'to sa'kin kay Vinicius. Isa siya sa mga dahilan kung bakit kami nakatayo ngayon dito at pinagmamasdan ito. Parang kailan lang, pinag-iisipan pa namin ang ipapangalan. Ganitong-ganito rin ang posisyon namin no'ng apat. Muntik na nga kaming magtalo.
Si Papa, humingi na ng tawad sa'min—especially sa'kin. Kaya ko na rin siyang tawaging 'Papa' after all, ama ko pa rin siya at ama rin siya ng mga kapatid ko. Pero hindi lang kami gaanong close. Mas naging open ako na patawarin siya dahil humingi siya ng kapatawaran. Maayos naman na siya kasama ang bago niyang pamilya at hindi na kami nagpapakialaman ng buhay nila.
Napangiti ako nang makita ang iba't ibang tindig ng mirasol na theme ng kaniyang CARREN-DERYA, hindi na ito ngayon isang karenderya. Isa na itong tanyag na restaurant sa kanilang lugar. Ang theme ng restaurant ay sunflower. Halos yellow rin ang kulay ng bawat dingding at ang mga disenyo ay talagang puno ng mirasol. Mula shape ng lamesa, vase at uniform ng staffs niya ay talagang kulay yellow.
May sarili ring mirasol na nakalagay sa loob ng vase na nakalapag sa bawat lamesa.
"Mukha ka nang sunflower n'yan." Banat ni Peil.
"Che!" Tinalikuran ko ang aking mga kaibigan at nagsimulang maglakad sa parking lot. Sinundan naman ako ng dalawa. "Pupunta ako ngayon sa Raichel's park. Sasama ba kayo?"
Madalas kong dalhin ang kapatid ko ro'n. Pinangako ko kasi sa sarili dati na ang mga magagandang tanawing napuntahan ko ay ipakikita ko sa kanila. Matagal ko na silang nadala roon pero madalas na silang nagpapahatid roon dahil naging paborito na nila itong puntahan. Naging mas malapit din kami ni Uncle Benidicto. Sa kaniya nanggaling ang mga sunflower na namumulaklak sa labas ng restaurant ko. Naaaliw nga rin siya sa kambal dahil may nakakasama siya roon. Minsan nga ay ginawan pa niya ng saranggola ang kambal at pinalipad nila sa malawak na park.
"Okay, tara. I'll drive." Presinta ni Lance.
Kahit apat na taon na ang nakararaan ay tila walang nagbago. Mas naging panatag na ang buhay namin, mas naging maayos at kontrolado.
Habang nasa byahe ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa ganap sa aming pang-araw-araw. Mayroong nakakatawa, nakakatanga at nakakainis. Pinaandar ni Lance ang stereo ng sasakyan at nang tumugtog ang kantang
One day by: Matisyahu ay sumabay kami sa kanta.
Third Person's PoV
Nang makarating sila sa Raichel's park ay agad rin ipinark ni Lance sa usual na parking lot. Bumaba na sila sa sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng park. Sarado ang park ngayon para sa mga pumupunta pero dahil si Benidicto na mismo ang nagsabing pwede silang pumunta kahit kailan nila gusto, bukas ang park para sa kanila. Iba na rin ang nabuo nilang relasyon kay Benidicto.
"Vanz! si ate nandiyan na!" May narinig silang tawanan at takbuhan kaya nilingon nila kung saan ito nanggagaling.
Si Benidicto at ang mga bata ay nagpapalipad na naman ng saranggola.
"Hija! kumain na ba kayo? tayo na't magsalo-salo sa meryenda." Ani ni Benidicto. May ngiting nagmano ang dalaga sa kaniya. Mag a-alas tres na ng hapon.
"Salamat po, uncle."
"Hello po, uncle Benidicto!" Masiglang bati ni Peil. Nagmano rin ito.
"Good afternon po, sir." Greet naman ni Lance.
Napangiti ang matanda. "Tayo na't magsalo-salo sa meryenda. Halika na kayo. Naka-prepare na iyon."
Nauna nang naglakad ang matanda habang nasa likuran naman niya nakasunod si Peil, Lance, Carren at ang kambal.
"Pawis na pawis kayo, jusko." Komento ni Carren nang mahawakan ang likuran ng kambal. Pawis na pawis ito at hinihingal sa pagtakbo. Pero kahit gano'n pa man ay may mga ngiti sa labi ng dalawa.
"Peil, Lance, susunod ako. Kukuha lang ako ng damit ng dalawang 'to sa kotse." Ani niya. Tumango ang dalawa at hinawakan ang kambal upang sumabay makapasok sa loob.
Nang makabalik si Carren sa kotse ay agad niyang kinuha sa compartment ng sasakyan ang isang bag na naglalaman ng extra tshirt ng mga bata. Nang makakuha ay agad niya nang sinarado ang kotse at akmang maglalakad pabalik nang may mapansin siya.
Sinundan niya ang pigura ng lalake hanggang sa pumasok ito sa isang pathway na pamilyar sa kaniya. Ito ang pathway patungo sa kung saan ang puntod ng kaibigan ni Vinicius, natatandaan niya iyon. Kahit naging open siya rito sa park ay ni minsan hindi niya inisip na puntahang muli iyon.
Ngunit tila may nag-udyok sa kaniya upang sundan ang lalake. Nang makapasok sa pathway at nahawi niya ang ilang hanging plants, nawala sa kaniyang paningin ang lalake. Inikot niya ang paningin sa paligid at napaatras sa gulat nang nasa likuran na pala niya ito.
"You're the friend of Vinicius, right? are you following me?" Presko ang pagkakasabi ng lalake.
"No. Not at all. If you'll excuse me," Akmang palabas na si Carren sa pathway nang harangan siya nito.
"Parati kitang nakikita dito pero hindi pa kita nakakausap. I think, it's time."
"Time for what? sino ka ba?"
"Sabihin na lang nating, I play a very important role to Vinicius life."
"Huh?" Napa-kunot noo siya.
"Sorry for being rude. Pamangkin ako ni uncle Benidicto. I'm Thimos, at your service." He salute.
"Alam mo naman na ang pangalan ko."
Tumawa ang lalake. "Hindi ka man lang nag-effort? for formality?" Umiling si Carren na ikinatawa ni Thimos.
"God, you're funny. Magkakaroon pa ata ng rival si Vinicius." He whispered to himself.
"What?"
"Nothing. Can we talk?" He motion the direction of sunflower field.
----
"Don't you think it's funny?"
"Kanina ka pa nagku-kunweto ng mga funny moments mo kuno pero hindi naman nakakatawa. 'Yan ba ang gusto mong sabihin?"
"Para namang sinasayang ko ang oras m—"
"Mukha bang hindi?"
"You're so mean."
"I have to go." Carren stood up.
"Wait," May kinuhang isang sunflower si Thimos. Binigay niya ito kay Carren.
"You're as beautiful as this flower. Accept it." Napairap si Carren nang matanggap ang sunflower. Mabilis siyang naglakad palabas. "I hope you find your sunshine!"
"Tss. weird guy." She whispered. Habang hawak-hawak ang sunflower ay may nahawakan siyang tila isang piraso ng papel. Pinagmasdan niya ito at binasa.
It says: When everything is already fine, meet me at that perfect time. Meet me when the sun is setting, where we used to hope when we feel drowning.
Nanlaki ang mata niya nang mabasa iyon and she remembered what Thimos told her earlier, "Sabihin na lang nating, I play a very important role to Vinicius life."
Humarap siya sa direksyon ni Thimos. He's looking at her direction, naka-thumbs up. Carren wave her hand.
"Thank you!" She shouted and I ran as fast as she can.
Natapon pa niya ang sunflower na binigay ni Thimos sa kaniya. She glance at her wrist watch habang tumatakbo papuntang kotse. Nilagay agad niya sa passenger's seat ang dalang t-shirt at pinaharurot ang sasakyan. Tamang-tama at tumawag si Peil.
"Sa'n ka n—"
"Peil, listen! babalikan ko kayo diyan mamaya! may kailangan lang akong gawin!" Hindi siya mapakali. Agad niyang pinatay ang tawag habang nagmamaneho nang mabilis.
That statement. That statement is the same statement Vincius had told her. She smiled and whispered the exact same sentence.
When everything is already fine, meet me at that perfect time. Meet me when the sun is setting, where we used to hope when we feel drowning.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Maezy Miguel

    this story is like my story

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Justine Atendido

    ganda

    27/03/2024

      0
  • avatar
    Daniel Queliza

    kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn

    22/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata