"Baka pwede n'yo pong bilhin 'tong singsing ng lola ko, may sakit po s'ya at kailangan ko po ng perang pambili. Sige na po, bilhin niyo na po, parang awa niyo na po." Tinitigan ko siya nang masinsinan. May kung anong awa akong naramdaman nang marinig ko ang mga katagang 'may sakit' Napagtanto kong hindi lang pala ako ang nag-iisang tao dito sa mundo. Hindi lang ako ang nakararanas ng pighati sa mga panahong ito. May mga tanong mapalad at meron rin mga taong susubukin ng pagkakataon at panahon. No'ng mga panahong nagdadalamhati ako sa mga nangyari, pakiramdam ko ay ako ang pinakamalas na tao sa mundo. Na para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Na sa'kin binuntong ang lahat ng hindi magandang nangyayari. Mali pala ako. Dahil sa bawat paghinga natin, meron at merong mga taong nasasaktan rin at nahihirapan. Na hindi lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay natin ay pare-pareho. Kung sinusubok ka ngayon ng panahon, ibig-sabihin no'n ay ginagawa ka nitong matatag, huwag mong iisipin na lahat ng mga bagay na hindi maganda ay nangyari sa'yo. Minsan, mas malala pa 'yung sa ibang tao. Hindi ko sinasabi na mas malala ang napagdadaanan ng batang ito ngayon. Hindi ko rin alam ang mga pinagdaanan ng iba sa buhay pero sigurado akong lahat tayo ay susubukin ng panahon sa iba't ibang klase ng paraan. Tough situation makes a person stronger. Lahat naman ng nangyayari ay may dahilan at may purpose. Hindi ko maiwasang hindi lingunin si Vinicius. Hindi ko itatangging humahanga ako dahil sa lahat ng mga ginawa niyang kabutihan sa'kin. Minsan pala talaga, 'yung hindi mo inaasahang tao na darating sa buhay mo ay magiging isa siyang mahalagang parte o role ng buhay mo. Naniniwala ako na We don't meet people by accident. Pinanood ko lang silang nag-uusap. Vinicius approach the boy like he's its older brother. Parang sasabog ang puso ko ngayon dahil sa nararamdamang tuwa. Proud na proud ako sa'yo, Vinicius. Sobra mo akong pinapahanga. "Kuya, sabi ng lola ko, 'yang singsing daw na iyan ay mahiwaga. Bigay iyan sa kaniya ng lolo ko po at bigay 'yan ng lola ng lolo ko po sa lolo ko. Kapag binigay mo daw po 'yan sa minamahal mo, kahit gaano pa kalayo ang pagitan niyo at gaano pa kayo pinaghihiwalay ng tadhana, babalik at babalik raw po kayo sa isa't isa. Kaya raw po pag-ugnayin ang dalawang tao." Kwento ng batang lalaki. Napangiti ako sa sinabi niya at pinagmasdan ang singsing. Natuwa naman si Vinicius sa bata. He pat his head. Dumukot si Vinicius sa bulsa at nagbigay ng pera sa bata. "Bumili ka na ng gamot. Sana umayos na ang lagay ng lola mo. You can keep the ring. Itago mo." Umiling ang bata. "Kuya, kuhanin niyo na po ang singsing. Ibigay niyo na po kay ate!" Sabay turo nito sa'kin. Napamaang naman ako at awkward na napangiti sa bata. "Itago mo na lang 'yan o ibalik sa lola mo." Sumingit na ako. "Hindi po. Babalikan ko po itong singsing na ito sa inyo balang araw. Babayaran ko po kayo, kuya." Nilagay niya ito sa kamay ni Vinicius at agad ng naglakad patalikod ang bata saka nagtatakbong umalis. Natawa ako nang may bahid na pagkamangha. I looked at Vinicius and we both laugh. - Sa mga nakaraang araw, lagi lang kami sa hospital at karenderya. Si Vinicius ang kasama ko sa pagbabantay sa kambal at sa karenderya. Karenderya na lang dahil hindi na kakayanin ng katawan namin kung itutuloy pa iyong bar. May naiipon na ako, so far. Marami rin namang bumibili at ako ang nagluluto, madali lang namang matutunan ang mga recipes. Si Vinicius, minsan ay sa apartment na natutulog. Minsan din ay umuuwi s'ya pero agad ring bumabalik. Sinasabi ko sa kaniyang umuwi siya dahil baka magtatanong na ang parents niya kung ano ang mga inaatupag niya dahil minsan na lang siya kung umuwi or magpapakita lang do'n kapag gabi. Bago ko pa man malaman na hindi alam ng parents ni Vinicius na tinutulungan niya ako, nagasto na ang perang ipinantulong niya sa'kin so wala rin akong maibabalik pa sa kaniya. Sana talaga ay mabalik ko agad iyon. Parang nako-konsyensa ako kahit pa sabihin ni Vinicius na binigay na iyon ng mga magulang niya na pera para sa kaniya. Naglalakad kami ngayon dito sa gilid ng kalsada. Kagagaling lang namin sa hospital, babalik rin kami maya-maya. Inaya ako ni Vinicius na kumain ng batchoy dahil hindi pa kami kumakain ng dinner. Puro prutas lang ang kinakain namin. May naitatabi naman ako na pera para sa mga gastusin katulad ng mga pang-araw-araw na pangangailangan kaya may pera ako kahit minsan ay gusto niyang siya ang mang-libre. Parang sobra-sobra naman iyon. "Hoy, tignan mo, Vinicius! may pageant." Kinalabit ko siya nang matanaw ang isang baranggay haul sa 'di kalayuan. Mukhang may nagaganap na pageant dito at may mga hiyawan ng mga tao. "Nagugutom na ako, tara na." Ani niya. Napabagsak ako ng balikat at tinuloy ang paglalakad. Bata pa lang kasi ako, naaaliw na ako sa panonood ng mga pageant. Kahit hindi ko gustong sumali, basta naaaliw lang ako sa mga ganong kaganapan. Nabigla ako nang biglang hilahin ni Vinicius ang kamay ko at naglakad kami pabalik. "Para 'di ka na sumimangot d'yan, manood na tayo." Wika niya. Akmang ngingiti na ako nang biglang may tumunog na tiyan at alam kong hindi akin 'yun. Nang sulyapan ko siya ay napakamot ito sa batok. "Kumain na tayo!" Hinila ko siya pabalik. "Manonood tayo!" Hinila naman niya ako pabalik. "Kumain na tayo! tara!" Hindi ako nagpaawat at hinila rin siya pabalik. Hindi rin siya nagpaawat. Naghilahan kami nang naghilahan ng kamay hanggang sa nahila niya ako nang tuluyan ngunit na-out of balance siya. Napapikit ako at hinantay ang pagbagsak. Agad akong napamulat. Sa kaniya ako bumagsak. We are looking at each other's eyes. Ang mga kamay ko ay nasa dibdib niya at ang kamay niya ay nasa bewang ko. Hindi ako makagalaw. Para akong nanigas sa pwesto ko at ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtibok ng aking puso habang nakatingin sa mga mata niya. I felt something unexplainable. Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang hiyawan ng mga tao sa loob ng gymnasium ng baranggay. Hiya at mabilis akong tumayo mula sa pagkakapatong sa kaniya. "Tara, manood tayo." Agad siyang napatango sa sinabi ko. Nauna na akong maglakad papasok at nakipag-tulakan sa ibang manonood. Napatulala ako nang ilang minuto hanggang sa pinilit ang sariling i-pokus ang tingin sa pageant na nangyayari. "You likes pageant?" Parang huminto ang paghinga ko nang marinig ko ang boses niyang nasa tabi ko. "O-Oo. Nanonood lang ako." I replied automatically. "Hmm, I see. Patapos na pala 'to e." "Oo nga." Ito na lang ang nasabi ko. Ilang minuto lang ang tinagal bago natapos ang pageant. Nag-announce ng winner at acknowledgement. As usual, hindi pa natatapos, nagsisi-alisan na agad ang mga tao kaya medyo lumuwag sa pwesto namin ni Vinicius. "Don't forget sa sunday, everyone! may singing contest tayo dito at ang prize para sa grandwinner ay worth 30,000! magpa-register lang kayo sa in charge natin! we also have consolation prices for 1st to 3rd place!" Announcement ng emcee. May ngiting sumilay sa aking labi at agad akong bumaling kay Vinicius na nakatingin na pala ngayon sa'kin. "Don't tell me...sasali ka?" he asked. I flipped my hair. "Of course, why not?" Pagmamayabang ko. Umakto naman siyang napaubo dahil sa sagot ko. Naglakad na kami papalabas ng baranggay. Habang naglalakad ay kinalabit ako ni Vinicius. "Are you a singer or trip mo lang sumali?" Hindi mapakaling tanong nito. "I'm both. Duh." I answered with full of sarcasm. Pinaikot ko pa ang nga mata dahilan para mapabuga ito ng tawa. "Sample?" Request nito. "Okay, okay. Dahil hindi ko matatanggihan ang mga fans ko, sige, pagbibigyan kita." Nagtagpo ang mga kilay niya sa sagot ko. I just laughed. Nag-isip ako ng kanta. I sang Love Someone by Lukas Graham. Habang kumakanta ako ay hindi nagsasalita si Vinicius pero wari kong pinapakinggan niya ito nang maigi, hanggang sa bigla itong nag-komento. "Okay, madam. No objections. Magpa-register tayo bukas."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat