Chapter 24

Carren's PoV
"Anong ipa-pangalan natin sa karenderya?" Nag-aalangang tanong ko kay Vinicius. Ang luwag sa pakiramdam. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ipinokus ko ang tingin sa harapan kung saan makikita ang kabuuan ng karenderya. Ang ganda. Ang ganda-ganda. Nakatingin lang kaming apat ngayon sa harapan ng karenderya, nakangiti nang maluwag.
Oo, tapos na ang paggawa ng karenderya. Ang kulang na lang ay kung ano ang ipa-pangalan namin dito. Alam kong sasabihin ni Mama na ako na ang bahala kapag tinanong ko siya kung anong dapat naming ipangalan dito. Siguro ako na ang mag-iisip no'n. Ano nga ba? 
"May naisip na kayo? tulungan n'yo naman ako." Diretsong saad ko sa tatlo. Napalingon naman sila sa'kin. Tumikhim si Lance at bahagyang niyuko ang kan'yang noo para magkapantay kami dahil lubos siyang matangkad kumpara sa'kin.
"Ikaw ang dapat mag-desisyon n'yan dahil sa inyo ito, pero... Suggest ko lang, pwede namang names ng mga paborito mong bagay. Pero dapat catchy din para madali tayong dayuhin ng mga mamimili... Lalo na't bar pa ito sa gabi." Sambit n'ya. Napatango-tango ako. Tama nga naman. Dapat catchy 'yung pangalan na ilalagay sa signage para naman maintriga 'yung mga taong dumadaan at kahit mapahinto man lang sila. Pareho kasi kaming walang alam dito. 
"Let me think of it," Lahat kami ay napalingon kay Vinicius nang magsalita siya. Animo'y nag-iisip ng kung anong bagay. He clicked his tongue before talking again. "Isa sa mga stores namin pinangalan sa'kin ni Dad. What if, ipangalan mo na lang sa'yo?" Medyo napaatras ng ulo nang tingnan nila akong tatlo.
"Oo nga naman! tama si Vinicius, Carren!" Komento ni Peil. Masiya-siya pa ang reaksiyon niya. Tinuro ko ang sarili ko.
"Sakin? as in, Carren?" Inimphasize ko pa ang pangalan ko. Hindi ko alam kung magandang ideya ba 'yon. Carren's Karenderya? hindi ba't masyadong plain at common? sa totoo lang, hindi ko gusto ang ideyang iyon ni Vinicius.
Magsasalita na sana ako nang magsalita si Lance. "Iba na lang kaya, Vinicius? mukhang hindi rin nagustuhan ni Carren. Mag-isip na lang tayo ng iba." sambit ni Lance Kung tutuusin, para kaming mga bangag na tila nagtatalo sa harapan ng bagong gawang karenderya. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumaraan sa gawi namin. Medyo matagal na rin kasi kaming nakatayo lang dito at parang tangang nagtatalo.
"Bakit mo naman hindi nagustuhan ang pangalan mo?" Nagtataka ang mata ni Vinicius nang itanong n'ya iyan sa'kin. Nagkibit-balikat s'ya. "Carren means beloved in English." dagdag pa niya. Para tuloy akong naging masama dahil lumalabas na hindi ko ginusto ang pangalan na ipinangalan sa'kin.
"Hoy ang ganda ng Carren, 'no!" sambit ni Peil nag-apiran pa silang dalawa ni Vinicius. "Pero common na kasi e," habol n'ya habang napapailing. Biglang tumahimik.
"'Yung parang nakakaagaw ng atensyon." Sambit ni Lance. Ramdam ko ang pagsipat niya sa mukha ko gamit ang kan'yang tingin. "What if... Parang chill lang 'yung name?"
"Like?" Sabay-sabay na tanong namin sa kan'ya.
"Anong chill? freezer?" Kantyaw ni Peil. Bahagya namang napakunot-noo si Lance.
"Panira talaga 'to kahit kelan! tsk!"
Napatawa naman kaming lahat maliban sa kan'ya. Napahawak naman ako sa gilid ng labi habang nag-iisip. Ano kaya kung ipangalan na lang namin ito kay Vanz at Venz?
"Hmm, aha! alam ko na!" Napalingon kaming tatlo kay Vinicius na naka-cross arms at may kakaibigang ngiti sa kan'yang labi. Napangiwi ako nang magtama ang tingin namin. "Carren! pangalan mo ang magiging pangalan ng karenderya!"
Napakamot ako sa batok at binigyan siya ng 'Seryoso-ka-ba' look. Maging sila Peil at Lance at napailing rin sa ideyang iyon ni Vinicius. Paiba-iba talaga sila ng desisyon, nagugulo tuloy ang isip ko. Sinabi ko ngang pangit iyon. "Carren? e alam mo naman napaka-comm—"
"Carren, Carren-derya!" He hissed na nakapagpahinto sa'min.
—
"Oh ngayon, focus na tayo sa karenderya slash disco bar nyo ha!" Vinicius pat my shoulder habang naglalakad kami ngayon sa gilid ng kalsada. Pauwi na ako ng bahay at ito na ang huli kong trabaho sa Convenience store at sinamahan ako ni Vinicius sa pag-resign ko. Hindi ko alam kung bakit 'di dinala ni Vinicius ang bike n'ya at kung bakit sinasabayan pa ako nito sa paglalakad pauwi. Kadalasan kasi nagba-bike 'yun kapag pupunta sa convenience store kapag gabi.
"Akin na nga ang bag mo, ako na magbibitbit!" Sambit n'ya saka hinila ang sling bag ko. Tinaasan ko naman s'ya ng kilay.
"Hindi ka pa ba uuwi? mahamog na 'no! at bakit ka ba sumasabay sa'kin? uuwi na ako, hello?"
"Hindi ka ba natatakot umuwi nang mag-isa at walang kasama? para naman 'tong tanga! sa susunod nga ipahihiram ko 'yung isang bike ko sa'yo nang matuto ka naman."
"Marunong kaya ako 'no! at isa pa, huling trabaho ko naman na 'yun sa Convenience store." Usal ko. Napabuntong-hininga ako at muling nagsalita. "Sa isang araw na pala ang alis ni Lance tapos kinabukasan naman no'n ang alis ni Peil."
Naramdaman siguro ni Vinicius ang lungkot sa boses ko kung kaya't hindi s'ya nagsalita, tila handa s'yang makinig sa kahit anong bagay na sasabihin ko.
"Alam mo, ang laki ng utang na loob ko sa inyo, lalo na sa'yo Vinicius, salamat ha? 'di ko alam ang gagawin kung wala ka. Kahit na 'di man maganda ang una nating pagkikita, at naging masama man ang tingin ko sa'yo, pinili mo pa rin akong tulungan." Nakayuko lang ako habang naglalakad kami pero agad akong natigilan nang maramdaman kong 'di na siya sumusunod sa'kin dahil hindi ko na naririnig ang mga yapak n'ya.
Nilingon ko s'ya at nagtagpo ang mga mata namin. Seryoso s'yang napatitig sa'kin.
"Walang anuman 'yun. Tara na, gumagabi na e. Hatid na kita sa inyo." Sagot n'ya at mahinang tumawa. Hinigit n'ya pa ako sa pulsuhan na ikinabigla ko pero nagpahila na lang rin ako.
Kahit na 'di naman n'ya ako tulungan, kung maayos lang ang pakikitungo n'ya, tiyak magiging kaibigan ko rin naman s'ya, hindi 'yun malabo. Hindi ko lang naman s'ya tinuring na kaibigan dahil tinutulungan n'ya kami kung hindi dahil alam kong pwede kaming maging matalik na kaibigan. Hindi naman talaga loko-loko si Vinicius, e.
"Carren!" Agad kaming napahinto nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang lalakeng nagmamay-ari ng nakakainis na boses na iyon.
"Ano ba?" Iritado kong tanong. Bakit ba bigla-bigla na lang siyang sumusulpot kung saan? Ano namang kailangan nito?
"Anak... Carren." Nagpapaawa ang boses nito habang lumalapit sa amin ni Vinicius. Narinig kong napatiim-bagang si Vinicius bago hinarap ang lalake, ipinuwesto n'ya ako sa likuran n'ya.
"Vinicius ho." Napakunot-noo ako nang ilahad ni Vinicius ang kamay sa harapan ng lalake. Ano bang ginagawa n'ya? siguro nga 'di n'ya alam ang nangyari sa pamilya ko at ano ang ginawa ng lalakeng ito kaya akala n'ya ay walang problema. Hindi ko pa kasi nakwe-kwento sa kanya iyon. Kung alam n'ya lang.
Hindi tinanggap ng lalake ang kamay ni Vinicius kung kaya't agad niya na lang itong ibinaba. "We'll go." Paalam ni Vinicius at agad akong hinila nang dahan-dahan.
"Walang kwentang anak! sabihin mo sa nanay mo, wala syang kwentang asawa!" Tila nagbagting ang tenga ko at agad na kumawala sa hawak ni Vinicius. Mabilis kong binalikan ang lalake at hinarap.
"Wow, sa tingin mo may kwenta kang tatay? wow! anong kwenta mo? e pahamak ka e! mas wala kang kwentang asawa! hayop ka pa sa hayop!" Sigaw ko dahil sa galit. Sino s'ya para pagsalitaan ng gano'n si Mama? sino ba talaga ang mas walang kwenta sa kanilang dalawa? hindi ba't s'ya rin? tinutukoy lang niya ang sarili n'ya.
"Tara na, Carren. Mukhang lasing ang Papa mo. Huwag na nating patulan." Nasa harapan ko na pala si Vinicius, pilit n'ya akong inaawat.
"Anong Papa? papa?! nandidiri ako sa sinasabi mo, Vinic—" hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi. Pinagbuhatan n'ya ako ng kamay.
"Lapastangan!" Napapikit ako nang itaas n'yang muli ang kamay at akmang dadapo sa kabilang pisngi ko. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit agad napadilat nang wala akong maramdamang dumapo.
Pagdilat ko ay agad kong nakita si Papa na sumisipa at nagpapakawala ng suntok kay Vinicius. Lumalaban naman si Vinicius pero madalas ay ilag lang ang ginagawa n'ya, tila ayaw nyang lumaban. Napansin ko na pumutok ang labi ni Vinicius at may pasa na sa kaliwang pisngi.
Agad akong kumuha ng bato sa malapit at agad na binato ang lalake sa tuhod dahilan para mapaluhod s'ya sa lupa.
—
"Gano'n ba talaga kalupit ang papa mo?"
"Sabi ngang hindi ko na s'ya Papa, Vinicius." Diin kong sambit. Sadyang naiinis lang ako tuwing sinasambit nilang Ama ko iyon.
"Okayyy." Nasagot na lamang n'ya.
Katahimikan.
"Anong okay?" Hindi na ako nakatiis at nagtanong na sa kanya. Tinitigan ko s'ya sa mukha. "May pasa ka. Masakit ba?" Akmang hahawakan ko 'to nang pigilan n'ya ang kamay ko.
"Seriously, Carren? may pasa bang hindi masakit?" Iritado nitong tanong matapos ibaba ang kamay ko.
"Dali na, tumayo ka na nga d'yan. Gagamutin kita sa apartment." Sambit ko. Pinagpagan ko ang pwetan at nang 'di s'ya tumayo ay tinaasan ko s'ya ng kilay. "Ano pang ginagawa mo riyan? naghihintay ka ng pasko?"
Nandito kami sa isang gilid ng eskinita. Kanina pa kami rito at nakaupo lang. Matapos kong mabato ang lalakeng 'yun sa tuhod, agad kaming nagtago para 'di n'ya kami mahanap. Madilim dito at ingay lang ng mga pusa ang maririnig.
"Umupo ka nga muna, Carren. Hindi naman ako mamamatay sa simpleng sugat e." Bumusangot ako sa sinabi n'ya at umupo na lang ulit. Magkatabi na kami ngayon pero 'di ko s'ya nakikita dahil sadyang madilim ang paligid.
"Bakit ba?"
"Sinabi sa'kin ni Lance at Peil ang tungkol sa Papa mo kaya alam ko na ang storya. I'm trying to be nice though." Sambit n'ya.
"Hmmm..."
"S'ya pala 'yung sinasabi mong pahamak rin sa buhay n'yo."
"Oo." Madiin kong sagot.
"I see."
"Ikaw, wala ba kayong problema ng pamilya mo? perfect family siguro kayo."
"Hindi naman perfect, basta go with the flow lang ako sa buhay."
"Paanong go with the flow?"
"Kung anong mangyari, yun na yun. Let things happen, I'm not worrying about my future."
"Hmmm..."
"May pangarap ka?" Tanong ni Vinicius.
"Mukha bang wala?" Iritadong sagot ko.
Tumawa s'ya.
"Pero ngayon, gusto ko lang gumaling ang mga kapatid ko. 'Yun ang pangarap ko. Pero kung pangarap na trabaho naman, gusto ko maging guro. Ikaw ba?"
"Ako, hmm... Kahit ano. Basta marangal."
Naestatwa ako sa kinauupuan nang maramdaman ko ang ulo ni Vinicius sa balikat ko. Naramdam ko ang paghikab n'ya.
"Inaantok na ako, Carren."

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Maezy Miguel

    this story is like my story

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Justine Atendido

    ganda

    27/03/2024

      0
  • avatar
    Daniel Queliza

    kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn

    22/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata