Chapter 23

Carren's PoV
Binaba ni Vinicius ang tailgate dito sa likuran ng kan'yang kotse. "We'll seat here while sighting the view." He then smiled right after. Nauna ng umupo si Peil at Lance do'n, niyaya ako ng mga tingin nila pero bahagya lang akong umiling habang nakangiti. Si Vinicius naman ay nanatiling nakatayo. Matatanaw talaga ang view sa ibaba habang nakaupo ka ro'n. Hindi rin tirik ang araw at malamig ang simoy ng hangin lalo pa't hapon na. Pinagmasdan ko silang dalawa.
Ang kulay tsokolate at mahabang buhok ni Peil ay sinasayaw ng hangin. Hindi mahihiyang magtabi si Peil at Lance dahil halos parehas lang sila ng kutis. Tama-tama lang pero walang kahit na anong peklat o gasgas. Dati nama'y mas maputi si Lance kay Peil, baka nag-gluta si Peil? natawa ako sa sariling naisip. Naka-side view nang bahagya si Lance sa direksyon ko at nagtatawanan silang dalawa ni Peil. Tinatapon pa nila ang kanilang mga paa sa ere. Mami-miss ko ang mga ngiti nilang iyon. Kahit ilang araw pa man sila bago umalis, hindi ako mapakali lalo pa't alam kong aalis sila. Pakiramdam ko ay mas maninibago ako kapag wala sila.
Ang itim na buhok ni Lance ay dinadala rin nang hangin, para bang ang presko ng dating.
"Why don't you seat with them?" I was caught off guard when I heared someone talked near me. Nilingon ko si Vinicius na ngayo'y nasa tabi ko na. He lean on the car and face the sky above. "What will you do if someone will confess that he likes you?" He straightfully asked.
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy n'ya. Bakit, sino naman ang may gusto sa'kin? o baka naman nagtatanong lang s'ya randomly.
Umiling ako nang makapag-isip ng kalokohan. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ko. "Bakit? crush mo ba ako?" Natatawang tanong ko. Maging siya ay natawa sa sinabi ko. Ilang sandali rin kaming humalakhak at sabay pang nag-apiran.
"Nope." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti nang tumigil na kami katatawa. May nginuso siya sa likuran. "But...someone who's at your back."
Nang sinabi n'yang iyon ay agad akong lumingon sa likuran. Bahagya pangsumalubong ang kilay ko nang makitang may hawak si Peil at Lance ng tag-iisang sunflower. Ilang segundo ko silang pinagmasdan habang inaabot nila iyon sa'kin. Agad na pumihit ang isang ngiti sa labi ko nang tanggapin ko iyon.
"Salamat!" Hyper na saad ko. Pinagmasdan ko ang sunflower at ang matabang tangkay nito na mas nagpaluwag ng aking ngiti.
"Alam namin na matagal na no'ng huli kang nakahawak ng sunflower. Alam naman naming paborito mo 'yan, duh?" Rinig kong sambit ni Peil.
"At... Diba kaya mo nagustuhan ang sunflower dahil sumisimbolo ito sa araw? kung saan nakatapat ang sunflower, nando'n ang araw at ang simbolo naman ng araw ay liwanag kaya ibig-sabihin naman no'n ay pag-asa." Ang seryoso ng boses ni Lance ngayon. "And always remember, whenever there's a light, there's still a hope. It will never be dark because lights are everywhere." Dagdag n'ya.
Unti-unti kong inangat ang mukha. Nakangiti silang dalawa sa'kin ngayon. "Carren, ilang years na tayong magkaibigan pero ngayon... ngayon ko lang masasabi 'to sa'yo. Ngayon pa lang."
"Sabihin mo na, Lance!" Rinig kong pangungulit ni Peil.
"Oo nga, Lance!" Rinig ko namang sumigaw si Vinicius sa bandang gilid.
"A-ah, Carren... Ang totoo n'yan," Para s'yang hindi mapakali at napapakamot sa kan'yang ulo. "A-Ang totoo n'yan..." Hindi n'ya matuloy-tuloy ang sasabihin. Para tuloy akong binibitin.
"Ano?" Nagmamadaling tanong ko.
"Go ahead! Go, Lance!"
"Psh. Naduduwag ka ata? bilisan mo na. Sabihin mo na, Lance."
"Go!"
"A-Ang totoo n'yan..." Nauutal ang boses n'ya. Para bang kinakabahan s'ya sa hindi malamang dahilan. "I d-don't know what will be your reaction bu---"
"Bilisan mo, Lance. Ano ba?"
"Go, make it faster, Lance."
"Hoy, Lance. Ang tagal."
"Yup! ang tagal nga,"
"Ano nga?" Naiinis na tanong ko.
"Amm," Hindi n'ya matuloy ang sasabihin. Panay ang kamot n'ya sa batok.
"Naduduwag ka ba, Lance? hoy ano na?"
"Lance? What?"
"Ano nga, Lance?" Inis na tanong ko.
"G-gusto kita, Carren!" Sigaw n'ya. Napaatras naman ako ng ulo at bahagyang natawa. Napatakip ako sa bibig at pinigilang humalakhak.
"Hoy! ano ba 'tong trip n'yo?" Natatawa kong tanong habang pinapasadahan silang tatlo ng tingin. Hindi ako makapaniwala sa mga kalokohan nila. Napahinto ang tingin ko kay Vinicius. May hawak rin siyang sunflower sa kan'yang kamay. Nang tila mapansin n'yang nakatingin ako sa kan'ya ay dahan-dahang siyang lumapit sa'kin.
"Oo, totoo. He really likes you. He really do." Pagtapos n'yang sabihin ang salitang iyon ay inabot n'ya sa'kin ang sunflower na hawak n'ya. Nag-aalinlangan ko itong inabot. May inilabas pa sila mula sa likuran. Isa itong headband na sunflower. Inabot n'ya ito kay Lance.
Para bang nagbulungan pa silang dalawa. Ako ay parang 'di makagalaw sa kinatatayuan. Hindi naman nakakatawa ang ganitong sitwasyon, magmumukha akong loka-loka kung tatawa ako. Pero, ano bang totoo? Napangiwi ako.
"Weh? totoo ba 'yun? gusto mo talaga ako, Lance? ikaw na bestfriend namin ni Peil?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano. Ano kayang itsura ko ngayon habang nakatingin sa kanila? nakasalubong ang kilay at 'di mawari kung ano bang pinagsasabi ni Lance.
"Oo nga," Hinawakan n'ya ako nang marahan sa braso at pinalapit sa kan'ya. "I don't need answers. Makakahinga na ako ng maluwag gayong nasabi ko na sa'yo." Bulong n'ya. Napamaang naman ako at naramdamang sinuot n'ya sa'kin 'yung headband na sunflower.
"Asan ang kamay mo?" Sunod na tanong n'ya. Nagtataka ma'y itinaas ko ang kanang kamay. May inilabas siyang silver bracelet na ang design ay sunflower rin. "Happy birthday,"
Hindi ako makapagsalita. Para bang nag-iba ang pakikitungo sa'kin ni Lance. Parang maninibago na naman ako sa kan'ya. Gusto kong magsalita pero wala akong masabi. Nakakabigla pero alam ko, wala akong kakaibang nararamdaman para sa kan'ya, kaibigan lang ang tingin ko sa kan'ya at hindi ko sigurado kung hihigit pa iyon don.
---------
Nandito silang apat sa likuran ng kotse. Nakaupo sina Lance, Carren at Peil sa tailgate habang nakatanaw sa tanawing nasa harapan at baba. Samantalang si Vinicius ay nanatiling nakasandal sa kotse. Panay ang tawanan at usapan nilang apat. May nagbabatuhan ng joke at may mga kwentong wala namang kwenta pero nasasama sa kanilang usapan. Bukod ro'n ay nag-uusap-usap rin sila tungkol sa buhay ng isa't isa.
"Actually, ayaw ko nga sanang sumama kina Mama pero kailangan ko daw talaga do'n sa so-called business. Ramdam ko ang pagka-seryoso ni Papa habang inaasikaso ang business ng pamilya namin, kabilang na rin 'yung bago. Mahalaga talaga ang business para sa matatanda." Suminghap si Peil.
"Oo naman! business should be prioritize, lalo na kung ang mga matatanda na ang nag-uusap about do'n. I mean, yung parents natin. In my case, hindi ako sinasabihan ni Mom and Dad na asikasuhin o mag-cooperate sa business namin. Siguro nga, hindi nila ako masyadong tinutulak na tumulong. Kahit sa mga events about businesses na s'yang kailangan ako, it's fine with them if I won't go but there are times that my present is really needed." Napataas-taas ang kilay ni Vinicius.
"Sa business rin kasi maraming kasunduang nagaganap. Minsan, sablay pa 'yung mga deals, diba?" Naiintrigang tanong ni Lance. Napapatango-tango lang si Carren na s'yang pinagigitnaan ni Lance at Peil.
"Yes, katulad sa mga magulang ko. They're not forcing me to go cooperate with our business. Minsan, nase-sense ko na lang rin na kailangan kong tumulong kasi family business 'yon at ayokong walang naitulong. Pero, ang tulong ko lang ay ang pag-attend ng mga formal occasions para magpakilala sa ibang business partners nina Dad and Mom. May benefits rin kasi kapag kilala ka raw ng maimpluwensyang tao." Tumigil sandali sa pag-sasalita si Vinicius. Pumulot siya ng bato at nilaro ito sa kamay.
"Although... hindi naman maiwasan ang away sa business. kaya siguro marami rin ang naging kaaway ng parents ko. At yes..." Napakibit-balikat siya saka binitawan ang bato. Pinagpagan n'ya ang kamay at maluwag na ngumiti. "Maraming kasunduan."
"Ganyan talaga 'yung business! gosh bakit puro business 'tong pinag-uusapan natin?" Natatawang sambit ni Peil.
"Sino ba namang nag-umpisa?" Pang-aasar ni Carren. "Parang ikaw naman. Baka sasusunod ay maging multi-business man and woman na kayo ah!" Natatawang dagdag n'ya.
Natawa naman silang apat. Bahagyang hinila ni Peil ang ilang hibla ng itim at hanggang balikat na buhok ni Carren. "Bwisit! pero baka nga! maganda pala mag-usap ng may sense din 'yung pinag-uusapan!" Pag-sang ayon ni Peil sa huli.
"Ikaw lang naman 'yung wala sense, Peil." Pang-aasar ni Lance at tumawa.
"Gago ka talaga! wala ka rin namang sense! bwisit!"
"Ako lang naman ang may sense rito!" Sigaw ni Carren para tumahimik na ang dalawa. Napahawak naman sa noo si Peil at napailing-iling.
_
Ngumiti si Lance habang nakatingin kay Carren na s'yang kinakausap ni Peil ngayon. Bahagya itong nakapatagilid sa kan'ya kaya agaw-pansin ang matangos nitong ilong. They are both laughing. Hindi naman masyadong maka-relate si Lance sa pinag-uusapan nila tungkol sa business dahil kahit may business ang tita n'ya at asawa nito, hindi naman s'ya ino-obligang tumulong do'n. Bagama't kompleto pa man ang pamilya ay pinadala siya ng kan'yang magulang sa kan'yang tita para sila na muna ang mag-paaral dito dahil ang magulang niya'y abala sa kan'yang nakababatang kapatid at naintindihan naman niya ito, at saka kaya sya kinuha ng tita nya ay dahil paborito sya nito.
"Oh nga pala guys!" Biglang singit ni Vinicius. "Hindi kayo magpi-picture? ang ganda ng view dito!" Nae-excite n'yang saad habang palinga-linga sa tanawing nasa baba.
"Oo nga 'no! kyahhhhh!"
"Ayan na naman si Peil, masyadong excited eh hindi nga maganda ang mga larawan n'yan!"
"Bwisit ka Lance alam mo?!"
"Hoy puro kayo away!" Natatawang sambit ni Carren habang napapailing. "Aalis na nga lang kayo, mag-aaway pa kayo!"
"Oo nga, you should have at least pretend that you're kind with each other." Pag-sang ayon ni Vinicius kay Carren. They both nodded at each other.
"Pero... 'Di na 'yun big deal sa kanila! parati na nga kaming umaaway tatlo, pero mas lamang lang iyong away nilang dalawa."
"Ok, scratch that! we should take pictures, para remembrance sa kaarawang ito ni Carren." Magiliw na saad ni Vinicius at nag-hand gesture. "Wait lang."
Ilang sandali ay bumalik na siyang may hawak na camerang nakasabit pa sa leeg. "I'm not a photographer but I can capture very well. Pero! satin-satin lang 'to baka ma-discover ako!" Pagbibiro n'ya. Tumawa naman ang tatlo.
"Lakas mo naman, Vinicius!" Komento ni Lance na animo'y hindi madaling paniwalaan ang sinabi ni Vinicius.
"Medj mayabang!"
"Sige na, sige na! magsho-shoot na ako. Si Carren muna. Carren, pwesto na." Nag-ala professional photograper naman si Vinicius.
"Paano ba 'to?"
"Ilapit mo 'yung mga sunflowers sa may balikat mo tapos i-suot mo 'yung headband, ganito," akmang palapit na sana si Vinicius sa kan'ya nang naunahan siya ni Lance.
Si Lance na ang nag-ayos no'n para sa kan'ya. "Oh, ayos na." Sambit ni Lance matapos ang ilang segundong pagtulong kay Carren.
Napahinga siya nang maluwag at kinunan na ng larawan si Carren. Pagkatapos no'n ay ang litrato ng tatlong magkakaibigan at nag-selfie silang apat. Tawang-tawa pa si Peil dahil litrato lang ni Lance ang hindi gano'n ka ganda ang pagkakuha.
"Vinicius, sa'n pala 'tong bangin na 'to? bakit dito tayo pumunta?" Naghihingi ng sagot ang mga mata ni Carren, gano'n rin si Peil samantalang si Lance ay napasinghap lang dahil alam niya ang sagot.
"Ah, nakikita n'yo 'yun?" Kasabay ang katagang binitawan ay s'yang pagturo n'ya sa lupain sa ibaba ng bangin. Malawak ito at may palayan, sa kabilang dako naman ay may mga maisan. Makikita rin ang iba't ibang hayop tulad ng baka, kambing at kabayo. May mga ibong nagsisiliparan sa gilid ng palayan. Tumango naman ang dalawang dalaga sa tanong ni Vinicius.
"Sa amin ang lupang 'yan at 'yung property do'n sa kabila. Actually, 'di ko alam kung bakit tayo dito pumunta. Wala akong alam na ibang pwedeng puntahan kaya dito na lang. Madalas rin ako rito."
----------
Vinicius PoV
I immediately answed her call.
"Hello, Flexa?"
Madilim na dahil halos mag-aalas siyete na ng gabi. I can't hear any noise aside from the raindrops that was keep falling into the ground. Napahawak ako sa payong na hawak ko nang walang marinig na sagot mula sa kabilang linya.
Bakit n'ya pa kailangang sundan ako rito? I need alone time, with my friend.
Pinatay na niya ang tawag kaya tamad akong lumingon sa gilid, and there I saw her, smiling at me while holding a red umbrella.
"I knew you would come, Vinicius! Hindi mo talaga matitiis si Kein even if it's raining, dinalaw mo pa rin s'ya." Ma-enerhiyang sambit n'ya habang nakatingin sa lapida ng kapatid.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Maezy Miguel

    this story is like my story

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Justine Atendido

    ganda

    27/03/2024

      0
  • avatar
    Daniel Queliza

    kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn

    22/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata