Homepage/The Days Of Sunshine/
Chapter 21
Carren's PoV
Sabi ni Mama, nagpaalam si Vinicius sa kan'ya na gagala raw kami ngayong tanghali at babalik na lang mamayang hapon. Gusto ni Mama na sumaya ako at gumala naman lalo pa't ngayon ay birthday ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Vinicius mamaya, hindi ko rin naman siguradong may pupuntahan kami pero 'yun naman ang sinabi n'ya. May trabaho ako mamayang hapon kaya kakausapin ko si Vinicius na mag-trabaho na lang ako, in case.
Nag-usap kami ni Mama na sa oras na gawin pa iyon ng lalaking iyon ay sabihin n'ya na ito sa'kin. Hindi ko gustong nakikita na nasasaktan at nahihirapan si Mama. Kailangan kong gawan ng paraan para maka-alis ang kambal dito sa hospital, kahit alam kong hindi madali ang bagay na iyon. Umaasa ako sa karenderya at hindi ko ipag-kakailang umaasa rin ako sa tulong ni Vinicius. Ibabalik ko naman sa kan'ya ang lahat, ibabalik ko ito. Umaasa talaga ako sa karenderya lalo pa't malapit na itong matapos.
Nag-usap lang kami ng ilang minuto sa loob ng kwarto ng kambal. Kumain kami at nagkwentuhan. Parang ayos lang ang lahat not until I remembered what my mother told me a while ago. Pasimple kong tiningnan si Peil habang nakikipag-usap kay Venz. Aalis ba sila? sinabi nila iyon kay Mama ngunit sa'kin ay hindi?
Totoo ba ang sinabi ni Mama na aalis sila? Kung aalis man sila ay ayos lang naman, pero gusto ko lang sabihin nila sa'kin iyon para naman maging aware ako. Panandalian man 'yan o pang-matagalan. Iyon nga siguro 'yung nasabi ni Peil habang pa-alis kami sa apartment kanina, 'Yung nadulas s'ya ng salita. Siguro 'yon rin ang dahilan kung bakit tumutulong sina Lance at Vinicius sa pagbubuhat kanina. Na siguro'y gusto niyang makatulong habang hindi pa sila nakakaalis.
Wala namang may responsibilidad sa problema namin kundi kami lang ding pamilya. Ang dami na ngang tulong ang ginawa nina Peil, Vinicius at Lance sa'min. Alam kong ilang beses ko na sinabi ang mga katagang ito pero, balang araw ay ibabalik ko rin sa kanila ang lahat ng tulong nilang tatlo, lalo na kay Vinicius.
Hindi ko na muna inisip iyon, nakipaglaro ako kina Venz at Vanz at ilang minuto pa ang tinagal namin sa hospital nang mag-text si Lance na susunduin raw nila kami ni Peil dito sa hospital mamaya, may pupuntahan raw kami. Sabi ko, magta-trabaho ako pero sabi n'ya ay kahit ngayong araw lang ay makagala man lang kami. Kahit ilang oras lang.
Dapat ba akong maging masaya ngayong araw? Dapat ba na mas isipin kong sumama at magpakasaya kasama sila habang nandito ang kambal sa hospital? hindi ko alam kung bakit nakakaisip ako ng ganito pero 'yun ang tumatakbo sa utak ko.
—
Vinicius PoV
"Sabi ko naman sa'yo, Lance eh!"
"Ngayong sinabi ko na sa'yo, tutulungan mo ba ako?"
"Of course! we're already friends!" I pat his back and after that, I wear my white sando. Ngayon ay susunduin na namin sina Carren sa Hospital pagkatapos kong makaligo dahil dadalhin namin s'ya sa isang magandang tanawing napag-planuhan namin. Lance and Peil told me about what do Carren likes and they told me about Sunflower. She loves that flower and so we prepared everything we need. Nandito kami ngayon sa tapat ng construction.
Tumikhim si Lance na nasa tabi ko. "Ngayong alam mo ng may gusto ako kay Carren, sana maunawaan mo 'yu—"
"Oo naman. It's damn fine! 'yung pagtulak mo sa'kin?" I chuckled. "Hayaan mo na 'yon!" Sinuntok ko s'ya sa braso. I'm just wondering if they're already friends for years or more, why didn't he tell her about his feelings for her already?
Siguro nga ngayon lang n'ya napagtanto 'yon, ngayong aalis s'ya pansamantala at iiwan muna nila si Carren. They let me know about it. Ang pag-alis nila at ang nararamdaman n'ya para kay Carren.
"Salamat talaga, Vinicius ah! mapagkakatiwalaan ka pala!" He offered his fist kaya nakipag-fist bump na lang rin ako. Parang bigla kong nakita ang mukha ni Kein habang kaharap ko si Lance or am I hallucinating? Napahinto ako at napayuko. I shook my head.
"Ammm... Since magbibihis pa ako, uuwi muna ako. Dadaanan na lang kita dito, Lance. I have to go." He nooded his head after I said those words. Parang naging kalmado bigla ang aura n'ya.
Pumihit na ako patalikod sa kan'ya at nagsimulang ihakbang ang mga paa. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bulsa. Kinuha ko agad ito. I checked who's calling and I immediately answer the call when I saw Flexa's name on the screen.
"Hey, Flexa!" I greeted her with an energetic tone.
"Hey, Vinicius? Whaa! what time mo ako susunduin? I'm so excited. Pero 'di pa ako nakaka-bath." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi n'ya mula sa kanilang linya. My brows creased. Natahimik ako nang ilang segundo.
"What was that? anong...meron?" Finally, I asked.
"Arghh! pinagtri-tripan mo na naman ako eh, pero sige na nga! kunyari 'di mo talaga alam. You're such a cutie talaga. Dami mong kalokohan but deep inside, you're so pure and lovable. Kaya ka nga naging kaibigan ni Kein e," Naging seryso ang ekspresyon ng mukha ko.
"Magaling talaga pumili ng kaibigan ang kuya ko, but anyways, diba ika-6th death anniversary ni Kuya ngayon?" Naporma ng pagkabigla ang bibig ko. I was shocked. Ngayong araw ko lang ito nalimutan. I was just busy. They are twins but she's calling him kuya because probably, naunang nailuwal si Kein.
"Ando'n ba sina Dad and Mom? pupunta ba sila?" I asked.
"Mmm... Of course! Kaya punta ka ah, I'll see you." Kahit hindi kami magkaharap ngayon ay ramdam kong nakangiti s'ya. I can sense that she was about to end the call nang muli akong magsalita.
"Wait! I think... Hindi ako makakapunta. My parents will be there so it's no big deal. It's also... Somehow meeting about our upcoming wedding, right? Sorry, Flexa. Babawi na lang ako next time sa date natin. I have something to do."
"What?" Medyo tumaas ang boses niya. May pagkadismaya ang tono nito. I know my responsibility on her. Nilinaw na ng magulang ko ito dati sa'kin, from courting Flexa, to this.
"I'm expecting that you'll be there, Vinicius." She soften her voice obviously, trying to convince me.
"I really have something to do. This is important, sorry. Babawi ako next time."
And I ended the call. Napabuga ako ng hangin. Kein, I'm sorry. Hindi kita mabibisita ngayon kasama ang mga pamilya mo pero pangako kaibigan, bibisitahin kita ngayong araw. Posible ba iyong kaya kita nakita no'ng kaharap ko si Lance kanina ay dahil nagpaparamdam ka sa'kin na kailangan kong dumalo?
Hindi muna ako umalis ng construction, para akong natulala sa hangin. Pilit iniisip kung dapat ko bang ipagtapat sa kan'ya ang lahat, kay Carren. Kung bakit ko siya tinutulungan. Why am I so guilty about what I have done a long time ago? Is it because, I'm really the one who changed their lives?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this story is like my story
29/03/2025
0ganda
27/03/2024
0kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn
22/01/2024
0Tingnan Lahat