Chapter 20

Hanggang ngayo'y 'di pa rin ako makapaniwala. Tiningnan ko pa talaga sa cellphone ko kung talagang kaarawan ko ngayon. This didn't happened before, ngayon lang. Kate-text lang sa'kin ni Mama at humingi siya ng pasensya kung bakit late n'ya akong na-greet. Gusto ko na sanang sabihin sa kan'ya ang lahat pero mas maganda siguro kung actual kaming mag-uusap.
Binaling ko ang tingin sa paligid. Naka-crossed legs ako habang nakaupo sa sofa't katabi si Peil. Tinitingnan ko ang mga bisita habang kumukuha sila ng pagkain. 'Yung ibang construction worker ay nandito na't inimbitahin ding kumain. Umalis ang construction inspector kaya wala s'ya rito ngayon. Kanina pa pala sila nandito pero kahit gano'n pa ma'y, tumulong pa rin daw sina Vinicius at Lance sa pagbubuhat. Hindi pa nga raw sila natapos.
Binati nila akong lahat. Ako na lang ata ang hindi nakakabati sa sarili ko. Nakapagpasalamat na ako sa kanilang lahat. Napalingon ako kay Peil nang tila may binulong siya na kung ano.
"Ano?" Naguguluhang tanong ko dahil hindi ko s'ya masyadong marinig. Mahina kasi ang boses n'ya at tila bumubulong lang sa hangin.
"Tanga. Sabi ko, isinurprise ka talaga namin at plano talaga namin na kailangan kitang yayain na pumunta ng palengke para makapaghanda sila."
"Talaga? bakit hindi mo kasi sinabing birthday ko?"
"Alam mo, para kang ano! birthday mo, hindi mo alam! siguro masyado mong iniisip ang problem!"
Napangiwi ako bago sumagot. "Nakalimutan ko lang talaga pero kayo, naalala n'yo talaga ah?" Binigyan ko s'ya ng 'kayo-pala-ah' look.
"Eh? si Lance ang unang nakaalala kahapon at sinabi n'ya sa'kin kaya sinabi ko na rin kay Vinicius. Si Vinicius ang nagplano ng pagkain at surprise." Sambit n'ya. Kunyari akong napatango-tango. Si Vinicius pala ang naghanda. Magpapasalamat na lang ulit ako sa kan'ya mamaya dahil sa tulong n'ya. I can't deny the fact that he's becoming one of my close friend. Sigurado akong napalapit na rin siya kina Peil at Lance pati sa kambal.
Nag-usap lang kami ni Peil. Madami lang s'yang ikinuwento sa akin tungkol sa mga nangyayari sa bahay nila. May bago pala silang business kaya minsan ay napapagalitan s'ya ng mga magulang n'ya kung bakit late na siya umuuwi pero ayos lang naman daw iyon. Madalas din kasi siyang tumutulong sa business nila. I just said that she should obey her parents. Kung hindi okay sa parents n'ya na tumutulong s'ya sa'kin, then ayos lang 'yun. Pero wala naman daw problema sa parents niya.
Nagpaalam na ang ibang bisita na umalis matapos makakain. 'Yung mga construction worker ang tinutukoy ko. Magta-trabaho pa raw sila mamaya-maya.
Kumuha na rin si Peil ng pagkain n'ya at kumain. Inalok n'ya ako pero sabi ko'y hindi muna ako kakain. Kinalikot ko lang ang cellphone dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Hindi ko lang talaga ma-digest sa utak ko na birthday ko pala ngayon. Oo, hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala. Tumingin ako panandalian sa paligid at napagtantong kaming apat na lang ang nandito sa loob. Pati pala 'yung mga katulong na kasama ni Vinicius ay nasa labas na at kasama sa nagpaalam kanina.
Kinalikot ko na lang muli ang cellphone. Maraming bumati sa'kin sa facebook. Mga friends ko sa school at mga kakilala ko. Nakakapagod pala ang mag-reply ng puro 'thank you' lang sa dami nila, pero hindi naman pwedeng hindi ko sila replayan. Gusto kong malaman nila na nagpapasalamat ako na binati nila ako. Gano'n naman talaga dapat diba?
"Here, you should eat, birthday girl!" Dahan-dahan kong inangat ang tingin. Mula sa plato na may lamang cake, brownies at mga cupcake na nakalahad sa harapan ko, dahan-dahan kong inangat ang tingin hanggang sa magtagpo ang mga mata namin ni Vinicius. Bahagyang nakakunot ang noo niya pero nakangiti habang inaalok sa'kin ang plato. Hindi ako agad makapagsalita dahil bago lang dumaan ang tingin ko sa t'yan niyang may abs.
"A-ah, thank you." Saad ko nang mabalik sa reyalidad. Kinuha ko ang plato sa kan'ya at muling nagsalita. "Salamat sa pahanda. Maraming salamat talaga." I sincerely said.
"Wala 'yun. Besides, we're already friends." He said with an energetic voice. "And...As my birthday gift, actually hindi naman ito 'yung birthday gift ko. At hindi ka pala papasok ngayon sa trabaho." Tila nahugot ko ang hininga sa sinabi n'ya. I appreciated when he calls me his friend.
"Anong 'di papasok?" Naguguluhan kong tanong. He made a serious laugh. "Kailangan kong pumasok, 'no!"
"Kasi...may pupuntahan tayong apat." Sagot n'ya. Napaawang ang bibig ko at nag-isip ng ilang segundo. Mapapansin ang kakaibang ngiti na sumilay sa labi n'ya.
"Sa'n?" Tanong ko. Pumihit s'ya patalikod. Aba'y, tinalikuran ako?
"You'll find out later." Hindi pa man ako nakakain ay parang nasamid na ako sa sinabi n'ya. Tumikhim ako at magsasalita na sana pero bigla s'yang humarap at sa isang kurap ay malapit na ang mukha n'ya sa'kin.
"May sasabihin ka pa ba? bawal tumanggi! kapag tumanggi ka...hindi ko itutuloy ang construction." Napataas-baba ang dalawa niyang kilay at tila may gustong ipahiwatig sa'kin.
____
Ngayong birthday ko, gusto ko ring makasama sina Mama at mga kapatid ko. Peil and Lance packed some foods to take it with us. Sasama si Peil sa'kin papunta kina Mama sa hospital since alas dos pa lang naman ng hapon. Ipapahatid kami ngayon ni Vinicius sa driver niya papuntang hospital. Hindi ko alam kung bakit ayaw pang sumama ng dalawa sa'min.
"Tara na, naghihintay na ata 'yung driver ni Vinicius sa labas." Saad ni Peil. Tumango ako at agad na kaming lumabas ng apartment. May hawak-hawak kaming eco bags na may lamang baunan na ang laman ay mga pagkain na hinanda nila sa'kin na s'yang dadalhin namin sa hospital. Hindi naman talaga maganda ang unang pagkikita namin ni Vinicius pero masasabi kong mahalaga na rin sya para sa'kin, hindi ko alam kung mabait ba ako sa tingin n'ya para tulungan n'ya ako ng ganito pero pinapangako ko sa sarili ko na ibabalik ko 'to sa kan'ya sa susunod.
Nang makalabas kami ay agad naming natanaw sina Vinicius at Lance na wala pa ring damit pang-itaas. Nakikipag-kwentuhan sila sa mga construction workers 'di kalayuan na naghahalo ng semento at ang iba'y nagbubuhat ng hollow blocks. May damit na nakasampay sa balikat ni Vinicius.
"Bakit naman kailangan nilang magbuhat? like duh, okay naman na. Nandyan na 'yung mga construction workers eh." Napalingon ako kay Peil nang magsalita s'ya.
"Hayaan mo na sila sa trip nila. Gusto atang magpalaki ng katawan. Hindi naman na sila nagbubuhat." Pabiro kong sambit pero hindi natawa si Peil.
"Oh nagpapakita talaga ng t'yan? Ang feeling naman nila!" React niya. Tumikhim ako at tinanaw sina Vinicius at Lance.
"Natural lang naman maghubad ng pang-itaas na damit sa mga lalaki. Ano namang feeling do'n?" Sinimangutan ko s'ya.
"Oo, pero 'yung nakahubad sila pang-itaas habang nakatingin sa'tin ngayon?" Natatawang sambit ni Peil at napayuko habang mas binilisan ang paglalakad. Nang mapansin kong tama nga ang sinabi n'ya ay gano'n na lang din ang ginawa ko. Napayuko rin ako at naglakad ng mas mabilis.
-
"H-Happy birthday ate!" Sambit ni Vanz saktong pagkapasok namin ng kanilang kwarto. Venz greeted me also. Gusto ko s'yang pigilan sa pagsasalita dahil parang napapagod na s'ya at hindi n'ya matuloy-tuloy ang sasabihin. Ginantihan ko sila ng ngiti at nilapag ang mga pagkain sa lamesa.
Kanina ko pa ito napag-isipan. Kakausapin ko na si Mama ngayon. Bakit hindi n'ya sinasabi sa'kin na binantaan s'ya ng lalaking iyon? Alam ba niya na ang dahilan kung bakit nanghihingi ang lalaking iyon ng pera sa'min at kung bakit nito ako gusto kunin? Nakakabwisit! kumukulo na naman ang dugo ko.
"Happy birthday anak!" Pilit ang ngiti ni Mama. Alam kong problemado s'ya. Sino ba namang hindi makakahalata sa mukha n'ya ngayon? pagod ang mga mata at tila walang gana ang katawan.
"Salamat ma." Nagpasalamat ako nang may buong ngiti sa labi. Alam kong nakatingin ngayon ang kambal sa'min at si Peil. Gusto kong makita nilang masaya ang emosyon na namamagitan sa'min ngayon.
Kinausap ko sila na tila normal lang ang lahat when in fact, kanina pa kumakalam ang bibig ko na magsalita kay Mama. Naglaro kami nina Peil, Venz at Vanz katulad ng ginawa namin tuwing binibisita sila. 'Yun nga lang, hindi sila pwedeng magsi-kilos. Pinapatawa na lang sila ni Peil at nagku-kwento o nagjo-joke.
Habang tinitingnan ko sina Venz at Vanz na nakahiga, para bang pinagsisisihan ko na hindi ko sila magawang makasama araw-araw. Nakakasama ko lang sila ng alternate days dahil madalas ay busy kami sa construction tuwing umaga at may trabaho naman ako pagsapit ng 5 pm ng hapon hanggang gabi.
Ilang sandali pa, nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin si Mama. Si Peil ay in-entertain n'ya naman ang kambal, samantalang sinabihan ko si Mama na kausapin ko muna s'ya sa labas ng kwarto ng kambal.
Nang tuluyan kaming makalabas ay hindi ko siya hinintay na makapagsalita at agad na sinimulan ang pagbuka ng bibig ko.
"Ma!" Hindi ko napigilan ang sarili dahil sa lubos na galit at inis nang maalala ko ang lalaking iyon. "Bakit hindi mo sinabi? pinagbantaan ka pala ng lalaking 'yun?"
Umiling-iling siya. Halo-halong pagod, puyat, takot ang makikita sa mga mata n'ya. "Gusto ka niyang kunin at gusto n'ya ng pera natin, pero wala naman tayong pera at ayokong makuha ka niya sa'kin! Kung ako lang sana ang pagbantaan n'ya, ayos lang iyon." Pag-amin n'ya. Napayuko si Mama.
"Ma! a-anong ayos?" Nanginig ang tuhod ko at tila hindi makapaniwala sa narinig. "Gusto mo bang saktan ka ulit ng lalaking iyon? 'wag kang mag-alala ma, lalayo tayo sa kan'ya."
"Paano? gayong palala na nang palala ang sitwasyon ng kambal."
"Kapag gumaling na sila. Matatapos na ang construction. Patapos na. Madali na lang ang makapag-ipon kapag gano'n. Kahit dahan-dahan lang," Pagku-kumbinsi ko sa kan'ya. "At...sabihin mo sa'kin ma! sabihin mo kung pinagbabantaan ka na naman ng lalaking iyon! baka saktan ka na naman n'ya!"
"'Huwag mo na ako alalahanin. Hindi naman ang isang katulad n'ya ang sisira sa buhay natin. Marami akong ipagtatapat sa'yo pero ngayon, sigurado akong malayo nang madamay ang mga kaibigan mo sa problema natin. Masaya ako dahil do'n."
Nagsalubong ang dalawa kong kilay at hindi batid ang nais n'yang ipahiwatig.
"Masaya ako dahil aalis pansamantala sina Lance at Peil, mabuti na 'yon para 'di na sila madamay."

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Maezy Miguel

    this story is like my story

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Justine Atendido

    ganda

    27/03/2024

      0
  • avatar
    Daniel Queliza

    kdkskssmmsmssksskskxkjxdnsnsnjskkxjxnxndsnsnnsksxkxjxxnnxnxnxjzksososksksnsns usjsnshshshshss hsbsbsbsjssjssjsjsjsjsjsjs shsbsndnsjjsksskz sbsbsbbsjsjsjsjsjs ssbbsbsskksjsnsnss sbsnskksoksksmsnsnssbhshssisisknsnsbs sbsbsbxnsnkzsososmmsnshsuusiss shbsnsmzmsjssjsjdbbdbsbsnnsksks sbsnnsksksisiksnsnsnmsmskksskjzjsbsnsnsksizjzjzbsnsn snsnsikz in msnsnbshshssjsowmnwnshshssisosnnsbss shsbbsndnsmskisiusushsbssnsmksossis sbsnsnizixushbsnsnsmakskisixidjs sjsnsndkskskosisijwnsnsmsmsksishsj sbsnsksksisjsjsn

    22/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata