Homepage/ACADEMIA MONARCA PATRIOTA/
CHAPTER 23
CHAPTER 23
WHO IS SHE?
STORM POV
Siya ang killer. Pero sino ang nasa likod ng maskara na iyon? Babae siya. So it means it's not Gideon.
Hinugot ko ang cellphone sa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Itinutok ko ito sa taong nagpadagdag ng takot ko. Nagulat ako nang maaninaw ko ang pagmumukha niya.
“Gideon? What the heck?” bulalas ko nang makita ang napakalapad na ngisi sa kaniyang mukha.
“Ako nga. Gulat ka, 'no?” nakangisi niyang sambit dahilan para mas lalong manlaki ang mga mata ko.
“I-I t-thought y-you are the...”
“I'm the murderer? Are you sorry now for accusing me? Oh, apology accepted. Nakakamatay talaga ang maling akala,” aniya at napabuntong hininga. Inayos niya ang suot na jacket at nakasandal sa pader. Nagsindi siya ng sigarilyo at ibinuga sa harap ko ang usok.
Napaubo ako.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Anong ginagawa mo rito?” Tinaasan ko siya ng kilay. Ayokong ipahalata na nanginginig pa rin ako sa kaba. At the same time, nahihiya ako dahil sa pambibintang ko sa kaniya.
Humithit muna siya ng sigarilyo, binuga ang usok nito kung saan bago sumagot.
“Ikaw, Anong ginagawa mo rito?” tanong niya pabalik.
“I'm the one who asked first. Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong?” sarkastikong ganti dahilan para matawa siya.
“Napakatapang mong babae ka. Hidni ko tuloy alam kung makakapalag sa'yo ang killer na walang Mukha” Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang maglakad siya palabas ng pinagtataguan namin at pumasok sa gymnasium.
“Hoy!” suway ko sa kaniya pero hindi siya nakinig. Bakit ba ako ang kinakabahan na baka naroon pa sa loob ng gym ang killer! But somehow, I feel at ease knowing that Gideon isn't her. I feel guilty for accusing him. Napakagat-labi ako at sinundan siya sa loob.
Natutop ko ang bibig ko nang makita si Kurt sa sulok. Biyak na ang ulo niya at may bakas pa sa sahig ng dugo galing sa ulonan nito. Halatang hinila siya at itinabi ang bangkay.
Hindi ko napigilang humikbi.
Nagkausap na kami ng minsan kasama sina Drave at sila Rheham.
“Don't cry over a dead boy. Kapag naging mahina ka, namamatay ka rin,” komento ni Gideon nang napansin na suminghot ako sa tabi niya. Napaiwas ako ng tingin. Nakatitig lamang kami sa bangkay ni Kurt.
Nanginginig ako sa kaba. Baka oras na paglabis namin rito, harangan kami ng killer na iyon. Or worst, minamatyagan niya kami ngayon.
I hope Zephaniah found her way back to our dormitory.
“Who do you think did this?” I asked him out of the blue. Kung hindi siya ang pumapatay, posibleng may alam siya sa patayang nagaganap.
“He or she could be one of us.”
Nagpakawala siya ng isang nakakakilabot na ngisi kaya kinabahan ako.
“I'm fucking serious,” giit ko dahil dinadaan niya sa biro ang sagot na tinanong ko.
“I'm serious too. Do you want to know something tonight?” nanghahamon niyang saad kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Go.”
Tinitigan ko siya nang mata sa mata. Pagkuwa'y kinuha niya ang isang white card sa biyak na ulo ni Kurt. Napangiwi ako dahil may bahid pa ito ng pira-pirasong utak at mga dugo.
Sinipat-sipat niya ito.
“1st, 2nd, 7th, 8th, 12th, 15th, 17th, 18th, 19th, 21th, 26th, 29th and 13th that's the number died. And Kurt, he's the 13th. It's either the next victim will be 16th or 20th. We'll try to find the remaining cards tonight. Let's go,” sambit niya at agad ako hinatak palabas ng gymnasium. Iniwan namin ang bangkay ni Kurt sa loob.
“What are we doing here? Let's back off! We might get caught!” pabulong kong wika sa kaniya habang patip-toe kaming pumasok sa office ni Ma'am Zed. Madilim ang buong opisina at napakalawak. Pasalamat kami at hindi pala gumagana ang mga CCTV camera sa labas kaya madali kaming nakapasok.
Now I know kung bakit napakalakas ng loob ng killer na magpagala-gala tuwing may papatayin siya.
I shut the door silently to avoid creating any single noise.
“Shhh!” bulyaw sa akin ni Gideon. Napakagat-labi ako ng umingit ang pintuan sa mismong pagsarado ko.
“Dahan-dahan naman” iritadong bulyaw na pabulong ni Gideon sa akin kaya't sinamaan ko siya ng tingin.
Kung wala lang sa alanganin ang buhay namin ngayon, nasapak ko na ulit ang isang 'to.
“She have our red cards. So bakit tuwing may namamatay, maiiwan ito sa bangkay ng biktima. She could be someone behind this killings,” aniya at hinalughog ang mesa ng teacher namin. Wala kaming nakita ni isang ebidensya. Puro papeles lamang ang nasa ibabaw ng desk niyaa. At mga folders na wala namang kinalaman sa section namin. Pati drawers at iba pang gamit ay hinalungkat na rin namin.
“Gideon?” tawag ko sa kaniya. May nararamdaman akong kakaiba.
“Ano?” walang lingon-lingon na tanong niya at abala pa rin sa paghalughog ng kabilang cabinet.
“Naririnig mo 'yon?” kabado kong tanong kaya natigil rin siya at nakiramdam sa malawak na opisina kung nasaan naroon kami. Otomatiko siyang napalingon sa akin habang nanlaki ang mga mata.
The noise was very clear. There is a doorway connected to the other room. Where the toilet is located. Nakarinig ako ng pagsinghap at flash ng tubig.
Nanlaki na rin ang mata ko nang makarinig ng pagbukas sa pinto.
“Hide!” Sa isang iglap ay para kaming mga daga na nagtatago sa lungga bago pa kami makita ng kung sino mang lumabas mula sa nakasaradong pintuan ng C.R ni Ma'am Zed.
We hide ourselves under the table enough for us to see who's with us inside this office all the time. It's not Ma'am Zed.
Who is this?
May kadiliman sa pwesto namin at paa lang ang tangi naming nakikita.
Rinig ko ang mabibigat niyang yabag, nakasuot ito ng itim na bota at mahabang pulang damit. Nanlaki ang mga mata ko.
Malakas ang kutob kong siya rin iyong nasa gym kanina.
Nagkatinginan kami ni Gideon habang nakadapa pa rin sa ilalim ng mesa. Lumapit ang pares ng paa sa direksyon kung nasaan kami. Napapikit ako sa naamoy ko. Masangsang na pinaghalong dugo at tubig.
Gusto kong masuka.
Mayamaya pa'y nakarinig ako ng pagkabasang ng flower base at ginulo ng killer ang buong laman ng desk ni Ma'am. Nakita ko ang pagkalaglag ng mga gusot na papel sa sahig.
Pagkuwa'y lumabas na siya ng opisina. I heard the door shut and the click of the doorknob. She's gone.
Napasinghot ako at napahawak sa dibdib. Napakalakas ng tibok ng puso ko.
“Let's get out of here,” Ani ni Gideon at hinatak ako palabas sa ilalim ng mesa. Gulong-gulo ang buong opisina. Nagkalat ang mga papel, basag na bubog at mga folders.
“Wait!” awat ko at nagtatakbo sa loob ng CR.
“Oh God!” bulalas ko at nanginginig ang aking mga kamay.
“The fuck!” mura ni Darius.
Nasa loob ng CR si Ma'am Zed. Basag ang bungo nito na parang paulit-ulit inihampas at inilublob sa inidoro.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (121)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I'm so scared
06/08
0oary
14/02
0that's the base drawing
28/12/2024
0Tingnan Lahat