Nine

Napapikit ako dahil sa narinig ko. Hindi niya pwedeng malaman ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya kanina.
Huminga ako ng malalim bago humarap muli sa kanya na may matamis na ngiti sa aking mga labi.
“Anong pinagsasabi mo? Gusto ko lang talagang kumain ulit. Ayaw mong nagugutom ako ‘di ba?” paliwanag ko sa kanya. Sana naman hindi niya ako kulitin.
“Alam kong may nasabi ako kaya ka nagkakaganyan. Please, tell me. May nasabi ba ako sa’yo?”
Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo. Hindi lahat ng nararamdaman ko ay kailangan kong sabihin sa kanya at saka, hindi naman malaking bagay ‘yung gusto kong gawin niya kaya hindi ko na dapat pang sabihin sa kanya iyon.
“Wala. Alam mo, pagod ka lang kaya kung ano-ano ang naiisip mo. Ikain na lang natin iyan baka gutom ka lang.” nakangiti kong sabi sa kanya.
Wala na siyang nagawa kung ‘di ang sumunod sa akin. Sa kotse ko siya sumabay, nagpahatid kami kay Tito Luis sa paborito kong kainan dito sa Laguna. Alam kong ito ang unang beses ni Jenthrix sa Laguna kaya ako na ang nagpasya kung saan kami kakain.
Tahimik lang siya habang nasa biyahe kami. Hindi ko na siya tinanong kung ano ang iniisip niya, ayaw ko siyang guluhin sa pag-iisip niya. Tumingin na lang ako sa bitana sa tabi ko. Nakakaramdam na naman ako ng pagkaantok.
Paniguradong ang unang pupuntahan ng Lolo ko ay ang kumpanya. Masyado siyang hands-on sa kumpanya, ayaw na ayaw niyang may problemang nagaganap dito.
Pero, wala silang pinagkaiba ni Mama. Parehas silang mahilig manurpresa kahit na father-in-law ni Mama si Lolo, halos magkapareha sila ng ugali.
My real surname is Asakura. Ginagamit ko lang ang surname ng Mama ko nung dalaga pa siya. Pumayag din naman sa ideya na iyon ang Lolo ko para raw hindi ako makaagaw ng pansin sa maraming tao.
Oras na malaman nilang isa akong Asakura, hindi ko magagawa ang mga bagay na nagagawa ko ngayon. Thankful na rin ako kahit papaano dahil nagagawa ko pa rin ang mga gusto ko pero hindi pa rin ako malaya gaya ng nais ko.
“Nag-away ba kayong dalawa?” napatingin ako kay Tito Luis ng bigla siyang magsalita.
Nagkatinginan kami ni Jenthrix. Hindi ko napansin ang reaksyon niya sa biglang pagtatanong ni Tito Luis.
“Kanina ko pa kayo napapansin na hindi nag-uusap. Nag-away ba kayo?” tanong ulit nito.
“Pagod lang po siguro dahil sa photoshoot.” narinig kong sagot ni Jenthrix sa tanong ni Tito Luis.
Binalik ko lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Alam na ni Tito Luis na may iba akong iniisip kaya hindi na niya ako tinanong pa.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang nakarating sa paborito kong kainan dito sa Laguna.
Nauna akong lumabas dahil sa sobrang tuwa. Ang tagal ko ring hindi nakapunta rito.
“Hindi namang halata na tuwang tuwa ka na makapunta ulit dito, Nami?” natatawang tanong sa akin ni Tito Luis.
“I missed their food. Magugustuhan mo mga pagkain nila rito.” nakangiti kong wika kay Jenthrix.
“Mukhang masarap nga ang mga pagkain dito. Mula rito sa kinatatayuan natin, amoy na amoy ko na ang pagkain sa loob.” nakapikit at nakangiti si Jenthrix dahil sa amoy ng mga lutong pagkain na naamoy niya.
Napangiti ako sa nakita ko. Nakakatuwa siyang tingnan, sana ganito na lang kami palagi. Gusto ko ng ganitong buhay kasama siya. Nakakapunta kami sa mga lugar na gusto naming puntahan.
Lahat ng iyon ay malabo, alam kong may isang bagay na hindi masabi sa akin si Jenthrix. Napapansin ko iyon sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siyang nakatitig sa akin, hindi nakakaligtas sa mga mata ko ang isang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya na agad niya inaalis.
“Hindi pa ba tayo papasok sa loob? Bigla rin akong nakaramdam ng gutom dahil sa bango ng mga pagkain. Tara na!” napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagyayaya ni Tito Luis na pumasok na sa loob.
“Mananaba ka na nan, Tito Luis. Baka pagalitan na ako ni Tita kapag tumaba ka.” biro ko sa kanya.
Napatawa na lang siya sa sinabi ko. Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Hinayaan ko na lang na si Tito Luis ang pumili ng kakainin namin. Alam na naman niya ang gusto kong kainin.
Naghanap na lang kami ni Jenthrix ng mauupuan habang hinihintay si Tito Luis.
“Okay ka lang? Napagod ka ba ng sobra dahil sa photoshoot?”
Ito na naman siya, nag-aalala na naman sa akin.
“Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw dapat ang tinatanong ko, mas nauna kayo sa akin kanina. Ikaw ang mas pagod sa ating dalawa.” kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan niya iyon.
Magkatabi kami ngayon habang hinihintay naming ang pagkain naming.
“Okay na ako, kasama na kasi kita. Ikaw lang ang pahinga ko.” Nakangiti niyang sabi sa akin saka niya hinalikan ang kamay ko.
“Ikaw talaga. Oo nga pala, Kumusta na pala ang kapatid mo?”
“Ayos naman siya. Sinusubukan niyang makipagkaibigan kay Alexis.”
“Wait, hanggang ngayon hindi pa rin sila okay? I mean, nag-aaway pa rin sila?”
Nakakapagtaka naman iyon. Ang tagal na nilang magkakilala pero hindi pa rin sila magkaibigan.
“Well, nasa America kasi ngayon si Kei. Almost half a year na siyang nandun dahil siya ang pinadalang representative ng section nila. Wala siyang ibang kakilala roon kaya si Alexis ang kinakausap niya.” Paliwanag sa akin ni Jenthrix.
Anong meron sa kanilang dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos. Hindi naman sila totally magkaaway. Hindi naman din masama ang ugali ni Alexis. Oo, minsan may ugali si Alexis na hindi mo magugustuhan pero anong mayroon at hindi sila nagkakaayos?
“May misunderstanding lang siguro sila. Hayaan mo na sila, magiging magkaibigan din silang dalawa.” nakangiting sabi sa akin ni Jenthrix para pagaanin ang loob ko.
Napansin din siguro niya ang pag-iisip ko tungkol sa dalawa.
Agad kong kinuha ang phone ko ng bigla itong mag-vibrate sa bulsa ko. Paniguradong hinahanap ako ng mga pinsan ko ngayon dahil hindi ako nakapagsabi sa kanila na aalis kami ni Jenthrix.
From Zeke:
After ng photoshoot namin, kailangan na nating bumalik sa company. Mahirap na, baka biglang dumating si Lolo. Ayaw naming mapagalitan ka.
Napangiti ako sa nabasa ko. Sa akin pa rin pala sila kakampi. Kahit na alam nilang pwede silang maparusahan dahil sa ginagawa nila.
“Sinong nagtext? Pinsan mo ba?” narinig kong tanong sa akin ni Jenthrix kaya napalingon ako sa kanya.
“Yeah, nagtatanong lang naman sila kung nasaan daw ako. Nakalimutan ko kasing magsabi sa kanila kung saan tayo pupunta.”
“Food is here!” napatingin ako kay Tito Luis dahil sa ginawa niya.
Halos makaagaw pansin ang pagsigaw niya. Natawa na lang ako. Kasunod niya na rin ang mga pagkaing in-order niya para sa aming tatlo.
“Mauubos ba natin lahat ng ito?” parehas kami ni Tito Luis na napatingin kay Jenthrix dahil sa tanong niya.
Totoo, masyadong marami ang pagkain na nasa harapan naming para sa amin tatlo. Pero alam kong lahat ng ito mauubos namin at naniniwala ako doon.
“Trust me, mauubos nating lahat ito.”
Nakita kong nag-uumpisa nang kumain si Tito Luis. Una niyang kinain ang sisig. Ako naman ay ang crispy pata ang pinagtuunan ko ng pansin.
Hindi malaman ni Jenthrix kung ano sa mga pagkain na nasa harapan nita ang uunahin niyang tikman.
“Tikman mo ang sinigang na hipon nila. Mas masarap siya kapag may kanin.” suggest ko kay Jenth.
“Lahat ng pagkain dito, masasarap. Kaya kumain ka na dyan.” sabi naman ni Tito Luis kay Jenth.
“Tito, nasaan ‘yung fruits? Hindi ka ba nag-order?” tanong ko. Kailangan ko ng prutas.
“Isusunod daw nila. Naubusan kasi sila ng display kasi kanina pa raw sila maraming costumer, kaya maghahanda ulit sila ng bago.” sagot niya habang kinakain naman ngayon ang inihaw na posit.
Tiningnan ko naman si Jenth na ngayon ay kumakain na ng marami. Nasarapan talaga siya sa mga pagkain sa harapan niya.
“Why? May problema ba?” nahuli ako ni Jenth na nakatingin sa kanya.
Para siyang bata kung kumain. Masyado siya makalat kumain ngayon. Napatawa ako dahil sa kanya at agad akong kumuha ng tissue para punasan ang nagkalat na kanin sa mukha niya.
“Para kang bata kung kumain ngayon.” natatawa kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang bahagi ng labi niya na may kanin.
“Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sarap nga ng mga pagkain dito.”
“Sabi ko sa’yo, magugustuhan moa ng mga pagkain dito.” ang pagsingit na sabi ni Tito Luis sa amin ni Jenth.
Natawa na lang din si Jenth dahil sa sinabi ni Tito sa amin.
Bumalik na rin ako sa pagkain ko. Mukhang tama nga si Tito, mauubos naming lahat ito. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin ang prutas na hinihintay namin.
“Nami, ubusin mo muna ang kinakain mo bago ka kumain ng prutas.” natatawang saway sa akin ni Tito ng bigla akong kumuha ng prutas pagkatapos itong ilagay ng crew sa mesa naming.
“Nami! Hindi ka mauubusan, maghinay-hinay ka naman sa pagkain mo.”
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Ano na naman bang nagawa ko? Nakain lang ako!
“Bakit ba? Nakain lang ako!” napatingin sa akin ang mga ibang taong nakain din dito.
Hindi ko na lang sila pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Hindi ko sila pinapakailaman sa ginagawa nila sa pagkain nila. Hayaan nila akong kumain dito ng tahimik.
Naramdaman ko na naman ang pag vibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nagtext.
From KC:
Where are you? Aayusin ko na ang dapat ayusin. Bakit kasi kailangan ngayon pa magparamdam si Lolo kung kalian malapit na ang graduation. Hindi ko tuloy alam ang dapat unahin. Please, take care. Bumalik ka kaagad sa resthouse.
Nagreply ako kay KC dahil baka mamaya hanapin nila ako at magdala pa ng mga body guard kakahanap sa akin. Masyado na silang nagiging paranoid kapag bigla na lang akong naalis ng hindi nila alam.
Good thing, hindi pa nila nalalaman ang pagpunta ko sa hospital nung nakaraan. Isa pa iyon na dapat hindi nila malaman.
Iyon na lang ang pwede kong gamitin para makalaya na ng tuluyan kanila Lolo at para hindi na rin matuloy pa ang kasal na gusto niyang mangyari.
Nang matapos na akong kumain ay hindi ko pa rin pinansin ang mga kasama ko. Tumingin lang ako sa labas ng restaurant at tahimik na pinagmasdan ang mga dumadaan na tao sa labas.
How can they live a peaceful life? Hindi naman mawawala ang mga problema pero namumuhay sila na ang poproblemahin lang ay ang gastos sa bahay, pagkain sa araw-araw. Mga simpleng problema para sa katulad kong Prinsesa.
“Nami! Kanin aka pa tinatanong ni Jenth. Ayos ka lang ba? Masakit baa ng tyan mo?” tanong sa akin ni Tito.
Nakatingin lang ako sa kanila ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila.
“Wala naman, gusto ko na umuwi.” bigla kong sabi sa kanila.
“Agad? Akala ko ba mamamasyal pa kayo ni Jenth?”
“Gusto ko lang pong magpahinga.” sabi ko.
Gusto kong mahiga sa kama. Bigla akong nakaramdam ng pagod.
“You can stay at our resthouse for a while if you want.” nakangiti kong sabi kay Jenth.
“Oo nga, sumama ka sa amin Jenth. Libutin natin ‘yung farm sa resthouse.”
“Sure, why not?” mukhang excited siyang makapunta sa resthouse.
Nang matapos na kaming kumain ay agad nagpunta sa counter si Tito para bayaran ang mga kinain naming. Nauna na kami ni Jenth sa kotse. Ilang minuto lang ay umalis na rin kami.
May nadaanan kaming bilihan ng mga pasalubong kaya tumigil muna kami para bumili. Maraming pinamili si Jenth dahil panigurado raw na hahanapan siya ng pasalubong ni Stenard sa oras na makabalik siya sa hotel na tinutuluyan nila.
Mabilis kaming nakabalik sa resthouse.
“Wow, ang laki naman ng farm ng resthouse na ito.”
Namamangha si Jenthrix sa nakikita niya.
“First time mo bang makapunta sa probinsya?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Yeah. Ang ganda pala talaga sa probinsya.” sabi niya sabay halik sa aking noo.
Nakita ko namang papalapit ang mga pinsan ko kaya agad ko hinagis sa direksyon nila ang dala kong pasalubong sa kanila.
“Kahit kalian talaga, Nami. Para kang hindi babae sa kilos mo.” reklamo ni KC nang masambot niya ang pasalubong ko.
“You’re welcome.” I said.
Naramdaman ko na lang ang biglang paghigpit ng akbay sa akin ni Jenth at ang pagtawag sa pangalan ko.
“Miyuki!” 

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Padayogdog Roglyn

    next please

    08/11/2024

      0
  • avatar
    DianoNarda

    it's beautiful

    30/05/2023

      0
  • avatar
    Chassie Eva

    Sana po ma update na😔 mawawala nako ng wifi.diko nasxa mababasa 😔

    01/02/2023

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata