Twenty Five

"Nami! Sabi mo makakapag-relax tayo, eh bakit mo naman kami dinala rito?!"
Kanina ko pa naririnig ang mga reklamo ni Zeke na akala mo ay huling araw na niya sa mundong ibabaw.
"Dapat hindi ka na lang sumama kung natatakot ka rin lang naman pala." sabi ko habang hinanap ang target ko.
Hindi sumama sa amin si KC dahil nakiusap siya sa akin na siya na muna ang titingin ng mga dapat kong gawin sa kumpanya pero hindi ko sinabi sa kanya kung saan at kung ano ang gagawin ko.
Dahil hindi mapapanatag ang loob niya na hindi siya ang kasama ko, tinawagan niya si Zeke para ito na lang daw ang papalit sa kanya. Mas panatag daw ang kanyang loob kung si Zeke ang kasama ko.
"Pag-uwi talaga natin, babatukan ko si KC! It's not fair!" sigaw ni Zeke habang tumatakbo palayo sa akin para magtago. Nagulat kasi siya ng paglingon niya ay sa kanya nakatapat ang pana na hawak ko.
Dito ko siya dinala sa Archery Sanctuary dahil gusto kong mabaling sa iba ang atensyon ko.
Isang linggo na ang nakalipas ng sabihin ng Lolo ko na makikipagkita kami sa mga Ryu. Hindi naman ako pwedeng basta basta kumilos dahil malalaman niya kaagad ang mga pinag gagagawa ko, at isang linggo na rin akong hindi kinakausap ni Jenthrix.
Tinawagan ko na rin si Stenard para magtanong kung alam niya ba kung nasaan si Jenth, kahit siya ay hindi pa rin nakakausap ang kanyang kaibigan.
Maraming nangyari sa loob ng isang linggo. Nakuha na namin ang listahan ng mga taong sumisira sa kumpanya na agad nalaman ni Lolo. Pati ang mga affairs sa University ay inalam niya. Parang gusto ko na lamang bumalik ng Japan dahil hindi na nila ako nilulubayan dito sa Pilipinas.
Mabilis akong yumuko ng marinig ko papalapit na pana.
"What the hell, Zy Kenji?! Are you going to kill me?!" singhal ko sa kanya ng makitang nakatutok sa pwesto ko ang pana niya. "Are you fucking nuts?!" I draw my bow and point on him.
"Bakit ka ba kasi nakaharang?" seryoso niyang tanong sa akin habang nakatutok pa rin sa akin ang kanyang pana. Mas lumapit pa ako sa kanya at itinapat ang dulo ng kanyang pana sa ulo ko. "What the hell, Nami?!" Pinipilit na niyang higitin ang pana sa pagkakahawak ko.
"C'mon, if you want to kill me make sure you go for the head or else, I'm the one who will kill you." malakas kong binitawan ang pagkakahawak ko sa pana niya dahilan para mawalan siya ng balanse.
Kung mawawala naman ako, paniguradong si KC ang ipapalit nila sa akin. Iikot lang sa aming tatlo ang responsibilidad na hawak ko ngayon.
"Then kill the future heir of our line? I don't have a death wish."
Napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. 
"Nakalimutan mo na ba? Sa ating tatlo, ako ang may matalas na pandinig." Napahakbang ako papalayo ng nagsimula na siyang lumapit sa akin. "I felt betrayed because you didn't tell me about it."
Agad akong hinawakan ni Zeke ng bigla akong mawalan ng balanse dahil sa paghakbang ko papalayo sa kanya.
"Naiintindihan ko naman kung bakit mo tinago, pero sana sinabi mo pa rin sa akin. Tayong tatlo na nga lang ang magkakampi."
Tiningnan ko lang siya dahil sa mga pinagsasabi niya at napayuko ako dahil doon. Hindi ko kasi akalaing ganoon niya mararamdaman ang mga nangyari. Hindi ko naman intensyong itago sa kanila, lalo na sa kanya—sa kanila ni KC. Pero sa dami ng nangyayari, hindi ko na rin alam kung alin ang dapat unahin, kung alin ang dapat panghawakan.
"Zeke..." mahina kong tawag sa kanya, pero hindi ko naituloy ang sasabihin.
"Alam mo, Nami," patuloy niya, habang tinutulungan akong makaupo sa isang bangkong gawa sa kahoy sa gilid ng training area, "Hindi mo kailangang akuin lahat. Lalo na ngayon."
Umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito—seryoso, tahimik, at may bigat ang bawat salita.
"Simula pagkabata, tayong tatlo na ang magkasama. Kahit gaano pa kagulo ang mundo sa paligid natin, lagi tayong magkakampi, 'di ba?"
Tumango ako, kahit hindi ko pa rin magawang tingnan siya sa mata.
"Kung mawala ka, Nami, hindi lang kumpanya ang mawawala ng lider. Kami ni KC... mawawalan kami ng kapatid."
Doon na ako napatingin sa kanya. Kita ko sa mata niya ang lungkot, ang takot. Hindi ko alam kung ako ba ang dahilan noon o sa sitwasyong kinasasangkutan namin ngayon. Baka pareho.
"Bakit parang lahat na lang ng desisyon ko, may nasasaktan?" mahinang tanong ko, halos bulong na lang.
Ngumiti si Zeke, pilit pero totoo.
"That's because you care too much. Pero Nami, caring doesn't mean doing everything alone. Minsan, ang pagiging matapang ay 'yung marunong humingi ng tulong."
Saglit kaming natahimik. Tanging tunog ng mga pana sa paligid ang maririnig. May ilang grupo pa ring nagsasanay sa kabilang dulo ng sanctuary.
"KC will understand. But you need to let us in, lalo na ngayon." Hinawakan niya ang balikat ko, mariin. "Kung may laban kang haharapin, mas gugustuhin kong nasa tabi mo ako. Hindi sa likod mo, kundi katabi mo."
Napaluha ako, hindi ko na napigilan. Pinunasan ko agad ito, pero huli na.
"Ay nako, ayan na. Huwag kang iiyak, baka akalain ng mga tao sinaktan kita!" biro niya, sabay nguso sa mga archers na napatingin sa amin.
Napatawa ako kahit papaano. "Ewan ko sa'yo. Kanina lang, gusto mong tumakbo pauwi."
"Oo, kasi akala ko bonding lang, hindi training for survival."
Sabay kaming natawa. Sa unang pagkakataon sa buong linggo, parang gumaan ulit ang pakiramdam ko.
"Thank you, Zeke." Taos puso kong sinabi. "Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung wala kayo ni KC."
"That's why we're here. Palagi."
Tumayo siya at inalok ang kamay niya sa akin. "Now come on. Gusto ko na umuwi, sasapakin ko pa si KC dahil sa 'di niya pagsama sa'yo dito."
Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo. Kahit may kinakaharap pa rin kaming panganib, kahit maraming tanong pa ang walang sagot, ngayon... ngayon ay hindi na ako mag-isa.
***
"Hime, sigurado ka bang gusto mo ng chocolate mint ice cream? Hindi ba bawal sa'yo ang malalamig?" magkasalubong ngayon ang kilay ni Zeke habang naghahanap ng chocolate mint flavor ice cream sa freezer dito sa supermarket na pinuntahan namin.
Nasabi ko kasi sa kanya na nakakaramdam ako ng gutom habang nasa biyahe kami pauwi sa Asakura Empire Condominium. Hindi muna ako nauwi sa mansion dahil iniiwasan ko munang makita si Lolo.
"Basta maghanap ka na lang dyan, kumuha ka na rin ng gusto mong flavor. Pati si KC ikuha mo na rin, mamaya 'yung akin pa agawin niyo."
Tumingin ako sa mga pagkain na naka-display sa shelves na nasa harapan ko. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung alin sa mga ito ang kukunin ko. Nang hindi ako nakapagpasya ng gusto kong kunin sa shelf ay niyaya ko na lang si Zeke na umuwi at bayaran na ang nakuha niyang ice cream.
Hindi na niya ako pinayagan na magmaneho ng kotse dahil mas mapapagod daw ako, kagagaling lang namin sa training ng archery, baka kung mapaano raw ang kanyang pamangkin.
Napapangiti ako kapag naaalala ko 'yun. May pamangkin na sila ni KC. May pagkasutil ang mga pinsan ko pero alam kong magiging mabait silang mga ama sa mga magiging anak nila pagdating ng araw. Mukha sa pamangkin nila sila magpa-practice.
"Tumawag na ba sa'yo si Jenth?"
Ito ang unang tanong ni Zeke ng makapasok kami dito sa unit ko. Simula ng sunduin ako ng mga pinsan ko sa pinuntahan namin ni Jenth ay hindi pa ako nito tinatawagan hanggang ngayon.
"Why did you ask?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman, hindi kasi siya tumatawag o nangungulit sa amin ni KC. Pagdating kasi sa'yo, paranoid ang isang iyon." sabi niya habang inaayos ang mga napamili namin.
"May gusto ka bang sabihin sa akin, Zeke?"
Napatigil siya sa pag-aayos at tumingin sa akin ng seryoso. Kilala ko si Zeke, kapag may napapansin siya ay bigla bigla na lamang siyang magtatanong ng hindi mo inaasahan. Lalaki rin siya, alam kong may napapansin siya kagaya na lamang ng napansin niya ng sunduin nila ako ni KC noon.
"Alam kong nasabi ko na ito sa'yo noon na may napapansin ako sa kanya lalo na sa kinikilos niya, pero oras na masaktan ka o saktan ka niya, kami mismo ni KC ang magtatago sa iyo para hindi ka niya mahanap."
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Don't worry, Zeke. Kung saktan man niya ako, hindi ko hahayaan na makita niya iyon. Susundan ko siya pero hindi ko siya hahabulin, hindi niya malalaman ang tungkol sa kondisyon ko oras na mangyari iyon."
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Alam na alam ni Zeke na mahal na mahal ko si Jenthrix at hindi niya inaasahan na sasabihin ko ang mga bagay na iyon.
"If that is your decision, I will respect it, princess."
Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng unit ko, napatigil ako at ganoon din si Zeke. Napansin niya nakatingin ako sa key lock ng unit ko. Agad kong kinuha ang kunai na nakatago sa bewang ko.
Dahan dahan kaming pumasok sa loob. Napatingin ako sa mga patak ng dugo na nasa sahig.
"What the—" nauna na sa aking maglakad si Zeke at itinago niya ako sa likuran niya.
Imposibleng may nakapasok dito na hindi dumaraan sa security. Mas humigpit ang hawak ko sa kunai habang naglalakad kami ni Zeke papasok. Iginala ko ang aking paningin sa paligid ng unit ko.
I instinctively threw the kunai to the direction of the noise that we heard.
"What the—"
"KC!" agad kaming lumapit ni Zeke sa kanya dahil na rin sa itsura niya ngayon.
He's holding his shoulder while putting some pressure on it. Agad kong inagaw kay KC ang telang hawak niya para ako na mismo ang maglalagay ng pressure sa balikat niya habang si Zeke naman ay agad na ibinaba ang lahat ng dala namin para makuha niya ang first aid kit sa kitchen.
"Who did this to you?!" tiningnan ko siya, namumutla na siya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya.
"I used your royal car. May hinala ako na sinusundan ka ng mga kalaban kapag napunta ka ng company. Then, I'm on my way to one of my meetings, they ambushed me. Akala nila, ikaw ang sakay ng royal car. I killed three of them, nakatakas lang ako sa tulong ng mga security natin."
First, the kidnapping, and now, they want me dead? Ganoon na ba sila kasakim sa kapangyarihan na mayroon ako? Na handa silang pumatay para sa sarili nilang interes?
Nang makuha na ni Zeke ang first aid ay agad niya ring tinawagan ang royal doctor para masiguro na hindi malala ang natamong sugat ni KC.
"Hindi ka lalong makakakilos ng maayos ngayon gawa ng nangyari kay KC. Bakit kung kailan nandito ang Emperor, saka sila nagsisilabasan?" napasabunot sa buhok niya si Zeke dahil sa nangyari kay KC.
Totoo naman ang sinabi niya, hindi na ako makakakilos ng malaya dahil sa nangyari. Mas kailangang kong bilisan ang paghahanap sa nawawalang prinsipe ng mga Ryu dahil sa mga nangyayari. Kung pumayag man siya sa plano ko, madali kong malalaman kung sino ang mga gustong kumuha ng kapangyarihan na mayroon ako.
"I don't like that glint in your eyes. Maawa ka, Nami. Huwag mong gagawin yang iniisip mo."
Tiningnan ko si Zeke. Wala naman akong ibang gagawin, hahanapin lang namin ang prinsipe at ang mga nagtatangka sa buhay ko. Sa ganoong paraan ko lamang mapoprotektahan si Jenthrix. Para hindi na siya madamay sa magulo kong buhay.
"Your Highness."
Nabaling ang atensyon namin ni Zeke ng lumapit na ang doctor.
"How is he?" ito agad ang unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko kayang mawala si KC dahil sila na lamang ni Zeke ang kakampi ko sa laban na ito.
"Maayos na naman ang kalagayan niya. Mabuti na lamang po ay nabigyan niyo agad siya ng first aid. Don't worry, hindi na kailangan na dalhin siya sa hospital. Just let him rest."
"Thank you, Doc." umalis na rin agad siya sa harap namin ni Zeke.
Akala ko makakaranas ako ng saglit na kapayapaan ngayong araw pero mukhang hindi ako pinahihintulutan ng tadhana na mamahinga kahit saglit sa mga nangyayari sa buhay ko.
Tapos ngayon, may masamang nangyari pa kay KC. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila kay KC. Pagbabayaran nilang lahat ang pananakit nila sa kanya.
"I will make them pay with their lives."

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Padayogdog Roglyn

    next please

    08/11/2024

      0
  • avatar
    DianoNarda

    it's beautiful

    30/05/2023

      0
  • avatar
    Chassie Eva

    Sana po ma update na😔 mawawala nako ng wifi.diko nasxa mababasa 😔

    01/02/2023

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata