Homepage/A Princess Choice/
Twenty Four
Ooh! To be called by that title makes me shiver, especially when that person does it.
Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa taong naghahanap sa akin. I look at him in the eyes when I finally face him.
"What a pleasant surprise, Your Majesty.You grace us with your presence."
"Cut the chase, Natsumi. What have you done?"
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa narinig ko. Hindi man lang ba muna niya ako kukumustahin? Ang tagal tagal niya akong hindi nakita, tapos ito agad ang itatanong niya sa akin?
Naglakad ako papalapit sa kanya habang ang mga kamay ko ay magkahawak sa likuran ko.
"Your Majesty I've done nothing. Bakit naman iyan agad ang iniisip niyo sa akin?" tumigil ako sa harapan niya para makita niya ako ng malapitan. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin mahahalata sa itsura niya ang kanyang edad. Matikas at matipuno pa rin itong tumindig. "Are you afraid that I might find the prince before that day?"
"Natsumi!"
"Chill, grandpa. Wala akong ginagawang masama. KC and Zeke just told me what happened on our way back here. Kasama ko lang 'yung classmate namin kanina, bumisita lang kami sa isang church. That's all. You can ask the guards kung hindi kayo naniniwala."
Umalis na ako sa harapan niya at umupo sa malapit na sofa. Kita ko ang pagtulo ng pawis ng mga pinsan ko. Tiningnan ko lang sila at nakuha na naman nila ang gusto kong iparating.
Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Nabibingi ako sa katahimikan nila. Iba rin ang binibigay na tingin ni Lolo sa mga magulang namin.
Kilala ko na ang ugali ng Lolo ko, kaya alam ko na kailangan ay kalmado ko siyang kakausapin lalo na sa mga ganitong bagay.
"My ghad! Magtititigan na lang ba kayong lahat dyan? We're complete again, tell them to set the table." nakatingin lang silang lahat sa akin. Napapikit na lang ang Lolo ko dahil sa mga kasama namin. Tumayo ako at nauna akong maglakad papunta sa kusina. "Dumating lang si Lolo, para na kayong naging estatwa dyan. Manang! Prepare everything! We have an unexpected family reunion!" sigaw ko. Narinig ko naman na sumunod sa akin si Alexis.
Nang makita ko si Manang ay agad ko siyang sinabihan na maghanda ng pagkain. Filipino, America, and Japanese food ang ihanda nila. Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto nilang kainin kaya iyon na lamang ang pinahanda ko. Sinabi ko na rin na tawagin ang mga chefs na kasama niya nung nakaraan para makatulong.
Pagkatapos kong sabihin lahat ng kailangan nilang gawin ay umakyat na agad ako ng kwarto ko para makapagpalit ng damit at makapagpahinga dahil napagod ako sa biyahe namin. Tiningnan ko ang oras sa relo ko, past 4 p.m. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, wala ring text mula kay Jenth.
Silence welcomes me as I enter my room. I put my things on my side table. As my back touched the mattress of my bed, I felt the weight of my problems flow through my mind, and now that my grandfather is here, I need to be extra careful with my moves. One single mistake will ruin all of my plans.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa pag-iisip. Nagising na lang ako dahil sa ilang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Pagtingin ko sa may bintana ay madilim na ang kalangitan, napatingin ako sa relo ko. Mahaba haba rin pala ang oras ng naitulog ko. Dahil hindi ako agad nakatayo sa pagkakahiga ko ay narinig ko na lang na nagbukas ang kwarto ko.
"Nami, gising ka na ba? Dinner is ready. Naghihintay na sila sa atin sa dining room."
Itinaas ko ang isang kamay ko, ilang saglit lang ay may humak sa braso ko at tinulungan akong makaupo.
"Hintayin mo na ako, magpapalit lang ako ng damit."
"May problema ba, bunso? Kanina pa kita napapansin."
"I'm fine, KC. Pagod lang siguro ako, sa dami ba namang nangyayari, sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagod, 'di ba?"
Hindi ko na siyang narinig pang magsalita.
"Alam mong hindi basta basta naniniwala si Lolo sa mga sinabi mo kanina." narinig kong sabi ni KC habang nagbibihis ako sa walk-in closet ko.
"I don't understand. Alam kong may tinatago ka sa amin, Nami. Pero bakit ayaw mong sabihin kahit sa akin? Paano kita matutulungan?" sinarado ko na ang closet ko. Naglakad na ako papalabas ng makita ko si KC na seryosong nakatingin sa nag-iisang picture sa study table ko habang nakaupo ito sa swivel chair sa tapat nito.
Nakasandal ako sa may pintuan ng walk-in closet ko at pinagmasdan siya. His expression softens as he looks at our picture together when we are kids. Iyon na lamang ang pinakahuling litraro namin na tunay na masaya.
Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa may harap niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Napatingin siya sa akin, hindi ko makita ang reaksyon ng kanyang mukha dahil nakayuko ako ngayon. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata ngayon.
"Hindi ko na alam gagawin ko, Kuya. Sabay sabay, patong patong na ang mga problema ko."
"Hey, don't cry. Nandito ako, you can tell me. Gusto mo bang pag-usapan?"
Pinipigilan ko ang sarili ko na humikbi dahil nararamdaman ko na ang pag-init ng aking mga mata.
"Nahihirapan ka na ba sa posisyon mo as a Crown Princess? I can take your place. I can sacrifice everything for you, Princess. Hindi lang talaga ako sanay na nahihirapan ka. Don't worry, kakausapin natin si Lolo ngayon."
Tatayo na sana siya ng bigla ko siyang pigilan. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
"Hey, why are you crying? Nag-away ba kayo ni Jenth? A-anong--- Okay ka lang ba? Sinaktan---"
"I-i'm p-pregnant."
"Wha---"
"I-i'm pregnant, KC."
"Oh my...." lumuhod na rin siya at niyakap niya ako. Lalo lang tumulo ang luha ko.
Ngayon na lamang ulit ako umiyak sa mga yakap niya. Sa tuwing siya ang kausap ko, hindi ko kayang maitago ang mga bagay na gumugulo sa akin. Siya lamang ang tanging sinasabihan ko ng lahat. Mas gusto kong siya lamang ang kasama ko kapag hindi na kaya ng puso ko ang bigat na nararamdaman ko.
"Hey, we can figure this out. Alam na ba ni Jenthrix ang tungkol dito?"
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa akin. Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata, bagay na dapat ginagawa niya sa babaeng mahal niya. Parehas kaming nakatali sa mga responsibilidad namin sa pamilyang ito.
Huminga muna ako ng malalim at umiling sa tanong niya. Hindi ko pa kaya.
"No, I didn't tell him. Hindi sa ganitong sitwasyon. Please, don't tell him. Don't tell anyone. "
"Ssh, I understand. Tell me, how far are you?"
"I forgot, but last time I got to see my doctor, she said seven months. Kaya ginagawa ko ang lahat para makausap ang prinsipe."
"Tell me everything."
Sa ngayon, si KC lang ang pwedeng makaalam nito bukod kay Tito Luis at kay Christile. Sinabi ko lahat sa kanya ang tungkol sa kondisyon ko.
Nung una ay nagalit siya dahil hindi ko man lang agad sinabi sa kanya. Nagulat siya ng malaman na may sarili akong private nurse.
"Siya ba 'yung dumating sa rest house? 'Yung babaeng ayaw kaming papasukin sa kwarto mo?"
"Hindi siya kilala ni Lolo. Siniguro ko ang bagay na iyon."
Matapos kong masabi sa kanya ang lahat ng dapat niyang malaman ay saka lamang kami nagpasya na lumabas ng kwarto para saluhan ang mga bisita namin, Baka mamaya ay magtaka na ang mga iyon.
Naramdaman ko na lang na kinuha ni KC ang kamay ko at inilagay niya ito sa braso niya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
Nang makarating kami sa dining room ay napatigil ako sa biglang pagtigil sa paglalakad ni KC. Tumingin siya sa akin at kitang kita ko ang magandang kulay ng mga mata niya.
"Kung ano ang pinakita mo sa kanila kanina, iyon na lang din ang gawin mo ngayon. Hindi ako mawawala sa tabi mo."
Pinisil ko ang braso niya at ngumiti. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa mga pwesto namin.
Magkasalubong ang kilay ni Zeke ng makita niyang katabi ko si KC samantalang siya ay katapatan ko. Pinandilatan lang siya ng mata ni KC. Hindi na nag-usisa pa si Zeke kay KC. Napatingin naman sa akin ang mga magulang ko at mga Tito at Tita ko.
"I've been busy lately. Ngayon lang ako nakatulog ng maayos. Huwag na kayong magtaka." Nakita ko na lang na tinatapik ni Zeke ang kanyang dibdib at si KC naman ay pinipigilan ang pag-ubo niya. Namumula ang mga mukha nila dahil sa ginagawa nila kaya nagtaka ako.
I sighed. Mukhang alam ko na ang dahilan. Hindi pala sila sanay na pati mga magulang namin ay ganoon ko na lamang kausapin.
Natahimik ang lahat ng dumating na si Lolo. Nakaupo siya sa kaliwang dulo ng lamesa, samantalang ang aking ama naman ay sa kanang bahagi na dapat ay ako ang nakaupo dahil ako ang tagapagmana. Dahil hindi ko pa kayang makipag-usap ng matino at seryoso sa Lolo ko kaya hindi ako umupo sa pwesto na iyon.
Sa right side ni Lolo kami nakapwesto ni KC kasama ang parents niya. Si Tito na siyang pinakamalapit kay Lolo, si Tita, then vacant seat, ako, si KC, at si Alexis. Sa left side naman ni Lolo ay ang parents ni Zeke, then vacant seat, si Zeke na siyang katapat ko, si Tita Sandra, Tito Luis, and lastly si Mom.
Pinalobo ko ang pisngi ko habang tinitingnan ang mga pagkain. Hindi ko pala nasabi kung ano ang gusto kong kainin.
"You need more iron. Gulay na lang muna kainin mo." Si KC, naglagay siya ng mga gulay sa plato ko pati na rin prutas. Hindi ko naalalang nagpasabi ako ng prutas."I told them to prepared some fruits. Naalala ko kasi 'yung nangyari sa rest house." Mahinang pagkakasabi sa akin ni KC.
"Himala ng langit, KC. May kasalanan ka kay Nami noh?"
"Ikaw nga itong pasakit sa ulo ni Nami. Kumain ka na nga lang dyan." may naririnig akong mga mahinang pagtawa dahil sa eksena ng dalawa kong pinsan.
"Care to tell me about the company? I heard you confiscated the electronic gadgets of all the employee, Hime?"
Sinasabi ko na nga ba, walang balitang makakatakas sa Lolo ko. Nawala na rin sa isip ko ang bagay na iyon. Nawala ang mahihinang tawanan dahil sa biglang pagsasalita ni Lolo.
"Yeah, I confiscated their electronic devices to find that rat. I'm just waiting for the results."
"And the one who orchetrated your kidnapping three years ago?"
Ngayon ay sabay na halos maibuga nila Zeke at KC ang mga kinakain nila dahil sa sunod na tanong ni Lolo.
"Pa..."
"I'm not talking to you, Akira."
"Hindi naman nila alam kung sino talaga ako at wala pa ni isa ang nakakakita ng mukha ko. I wasn't their target that at time. They just used me as bait to capture Mr. Tyson that time. With the help of his manager, they just told the press that it was a misteken identity."
I look at him blankly. "Dinala nila sa dungeon ang mga iyon kaya nalaman namin kung sino ang utak ng pangyayaring iyon. See?"
Akala naming lahat ay makakalusot ang bagay na ito at hindi na malalaman pa ni Lolo, pero mukhang nagkamali kami. Hindi ko naman masisisi ang mga nagbabantay sa akin dahil mas nakakatakot naman talagang magalit si Lolo.
Sa pagkakakilala ko sa Lolo ko, hindi lang ito ang pag-uusapan namin. Hindi man halata pero alam kong hindi maganda ang magiging pag-uusap naming dalawa. Sa tagal ba naman naming hindi nagkita, madami siyang mga bagay na gustong itanong sa akin, na kahit ako ay hindi ko mahulaan.
Nang hindi na nagtanong pa si Lolo ay sila Papa naman ang kumausap sa kanya. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko dahil mas lalo akong nagutom dahil sa mga tanong ng Lolo ko.
Nagpalitan lamang sila ng mga impormasyon na mayroon sila lalo na patungkol sa kumpanya. Kaya pala wala kaming nababalitaan ni Michelle sa mga magulang ko ay dahil nautusan pala sila ni Lolo na asikasuhin ang ibang business namin sa western part ng mundo.
Lahat sila ay tumingin muli sa akin dahil sa biglang pagsasalita ni Lolo.
I balled my hand in my fist because of what my grandfather said.
"We will meet the Ryu's in two weeks."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next please
08/11/2024
0it's beautiful
30/05/2023
0Sana po ma update na😔 mawawala nako ng wifi.diko nasxa mababasa 😔
01/02/2023
1Tingnan Lahat