Homepage/A Princess Choice/
Sixteen
"I heard that the Ryu family is looking for you."
Para saan at hinahanap nila ako? Tahimik lang akong nakatingin sa mga mata ni Zeke para malaman ko kung nagsasabi ba siya ng totoo. Maimpluwensya ang pamilya Ryu, hindi naman sila magiging pangalawa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Japan kung hindi sila maimpluwensya. At para hanapin at kausapin ang lihim na prinsesa ng mga Asakura, malaking hakbang ito para sa kanila.
Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon para makita at makilala ang prinsesa ng mga Asakura. Hindi hinahayaan ng Lolo ko na may makaalam ng pagkatao ko. Kaunti lang ang nakakaalam, mas ligtas ang buhay ko sa mga panganib. Sa buong kasaysayan ng mga maharlika sa Japan, Lolo ko lang yata ang unang babali ng tradisyon na lalaki ang dapat magmana ng trono.
Sa kasamaang palad, ako ang napili niya na humalili sa pwesto niya sa oras na kailangan na niyang ipasa ito sa iba. Ang ama ko ang panganay niyang anak pero mas pinili niyang ako ang humalili sa kanya.
"Anong kailangan nila sa akin?" ito lang ang nasa isip ko habang nakatingin kay Zeke.
"Hindi ko alam ang detalye, pero iyan ang narinig ng mga tauhan ko. Patuloy lang sila sa paghahanap ng impormasyon na kailangan mo para sa nawawalang prinsipe."
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa sinabi ni Zeke.
Nanatili lang sa kwarto ko si Zeke. Tinanong ko siya kung nasaan si KC, ang sabi lang sa kanya ni KC ay may dadaanan lang daw siya bago umuwi rito sa mansion. Sinabihan niya raw ito na mag-uwi ng pasalubong para sa akin para hindi raw uminit ang ulo ko sa oras na hanapin ko siya kay Zeke.
Sinabi niya rin na dinala nila pauwi ang mga prutas na pinitas nila sa farm para raw sa akin. Baka raw maghanap na naman daw ako ng prutas. Sinabi ko sa kanya na tinatamad akong bumango para kumain ng hapunan.
Nang mag-isa na lang ako sa kwarto ay bumalik ang katahimikan na nararamdaman ko kanina. Dahil sa katahimikan ng paligid ko, bumalik din ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.
Una na roon ang kasal na gusto ni Lolo. Kung tama ang kutob ko, kailangan kong mahanap ang nawawalang prinsipe ng mga Ryu para kausapin ito ng masinsinan. Wala akong pakialam kung mapahamak ako sa gagawin ko. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Kung madaan man sa pwersahan, kayang kaya ko silang labanan.
Pangalawa, kung paano ko mailalayo si Jenthrix sa magulo kong buhay? Masyado siyang inosente para sa akin. Inosente sa buhay na mayroon ako. Hindi ko hahayaang idamay siya ni Lolo oras na malaman niya na nagmahal ako ng hindi namin kagaya, na dugong bughaw.
At ang pinakahuli, ang kalagayan ko ngayon. Tanging si Christile lang ang nakakaalam ng tungkol dito dahil ayaw kong makarating ito sa mga magulang ko lalong lalo na kay Lolo. Pwede niya itong gawing dahilan para maituloy ang planong gusto niya para sa akin.
Napalingon ako sa may pintuan ng bigla itong magbukas. Pumasok mula roon si Zeke na may dalang tray ng pagkain. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko ng papalapit na siya sa pwesto ko.
"Alam kong hindi ka aalis dito sa kwarto mo kaya nagdala na lang ako ng pagkain at dito na rin ako kakain para may kasabay ka."
"Seriously? Fine." Tinulungan ko siyang ayusin ang mga dala niya sa mini table.
Habang kumakain kami ay kinuwento ko sa kanya ang planong ginawa ko kanina sa opisina. Nung una ay hindi niya maintindihan kung bakit ko naisip ang ganoong plano ngunit habang patuloy kong sinasabi sa kanya ang tungkol dito ay nauunawaan na niya ang gusto kong mangyari. Kakailanganin ko ang galing ni Zeke sa pagkuha ng impormasyon na kahit ang pinakamagaling na imbestigador ay hindi makukuha.
"Sasabihin mo ba kay KC?"
Hindi ko siya agad nasagot dahil may laman pa rin ang bibig ko. Hinintay niya lang ako matapos sa kinakain ko at saka ko siya sinagot.
"Maybe not. May iba akong ipapagawa sa kanya. Mas maganda kung iba ang ginagawa niyong dalawa. Kapag marami na kayong nakuhang impormasyon sa mga pinagawa ko, magpapalitan kayo ng information." pagkasabi ko nun ay sinimulan ko na ulit kumain.
Hindi na niya muli akong tinanong kaya pinagpatuloy ko lang ulit ang pagkain ko. Mukhang nahawa sa akin si Zeke dahil nagpahatid pa siya ng pagkain dito sa kwarto ko. Kung ano ano lang ang mga kinukwento niya sa akin kaya nawiwili ako habang kumakain. Ilang sandali pa ay biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita kong nakasilip si KC.
"Hindi niyo man lang ako hinintay bago kayo kumain?" may halong tampo ang tono ng pananalita niya.
"Hindi bagay sa'yo ang magtampo. Lumapit ka na rito at baka ubusan ka ni Nami ng pagkain. Nahawa lang ako sa kanya kasi ang sigla niyang kumain."
"Si Nami ba talaga ang malakas kumain o ikaw?"
Dumating na pala si KC, hindi nasabi ni Zeke sa akin kung ano ang pinagkakaabalahan ng pinsan kong ito. Baka may bagay siyang ginagawa na hindi ko alam katulad na ginawa ni Zeke. Sinundan ko lang ng tingin si KC. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa kanya at nagtatampo. Hindi niya ako agad pinansin at mas inuna niya na kumain.
Sa hindi ko malaman na dahilan ay tumayo ako habang dala ang plato na pinagkainan ko at iniwan ko silang dalawa sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawag nilang dalawa sa akin pero hindi ko sila pinansin.
Nang makarating ako ng kusina ay agad kong ibinaba sa lamesa ang platong pinagkainan ko at dali-daling pumasok sa restroom na nandito sa kusina.
Agad kong inayos ang sarili ko nang makarinig ako ng mga hakbang papalapit sa kusina. Hindi nila dapat akong makitang ganito. Hindi pa nila pwedeng malaman ang tungkol sa kalagayan ko.
"Nami?"
Narinig ko ang boses ni Zeke. Mukhang napansin niya ang bigla kong pag-alis ng kwarto.
"I'm here." Naghugas muna ako ng kamay pagkatapos ay kumuha ako ng towel na nakalagay sa cabinet na nandito sa restroom para makapagpunas ng kamay. Tumingin muna ako sa salamin para siguruhin na maayos ang aking itsura bago ako tuluyang lumabas.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Zeke na inihahanda ang mga prutas na dala nila. Dahan dahan niyang hinihiwa ang pakwan sa maliliit na piraso. Mukhang kakaumpisa pa lamang niya sa paghihiwa dahil tanging saging pa lamang ang nakikita ko sa bowl na paglalagyan niya ng mga prutas na nahiwa niya.
Pinipigilan kong matawa pero napalingon siya saglit sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatawa. Napakaseryoso ng mukha niya, na para bang nakataya ang buhay niya sa paghihiwa lamang ng prutas na kakainin namin.
"Don't laugh at me."
Mas lalo akong natawa dahil sa reaksyon niya. Natutuwa lang naman ako na nakikita ko siyang seryoso sa ginagawa niya. Mas gusto ko pa nga na siya na lamang ang gumawa ng mga gawain dito sa kusina. Pero ang tanong, papayag ba siya kapag sinabi ko iyon sa kanya? Alam kong hindi papayag ang isang ito kung hindi kasama si KC.
"Ikaw na lang kaya ang gumawa rito sa kusina, Zeke?"
"What? Are you serious?" sagot niya sa akin pero ang atensyon niya ang nakatuon pa rin sa ginagawa niya. Kita ko mula rito sa pwesto ko ang pagkunot nang kanyang noo dahil sa sinabi ko.
"Kailan ba ako nagbiro?" kasuwal na tanong ko sa kanya.
Tumigil siya sa ginagawa niya. Ibinaba niya ang hawak niyang kutsilyo. Humarap siya sa pwesto ko, nakatukod ang isa niyang kamay sa counter kung saan niya hinihiwa ang pakwan habang ang isa niya naman kamay ay nasa bewang niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa nakikita ko o maiinis dahil hindi ko maintindihan kung naiinis ba si Zeke sa akin o naguguluhan siya dahil iniisip niya kung tama ba na tinanong niya ako kung seryoso ba ako sa sinabi ko?
"Hindi ako kusinero. Prinsipe ako at isang modelo. Ano na naman bang pumasok sa isip mo, Hime?"
Tiningnan ko lang siya. Pero, bakit? Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, hindi siya papayag.
"Okay, fine. Dinaan mo na naman ako sa ganang mukha mo."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. Nagbago bigla ang isip. Dahil sa tuwa ko, bigla ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.
"You're the best!"
Iniwan ko siya doon at bumalik na ulit ako sa kwarto ko. Baka tumatawag sa akin si Christile, mag-alala pa ng wala sa oras ang babaeng iyon. Nakalimutan kong nasa kwarto ko pa nga pala si KC.
Halos takbuhin ko na ang kwarto ko. Muntikan na mapatalon sa kinauupuan niya si KC sa bigla kong pagbukas ng pinto.
"Jeez, Nami. Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo." nakahawak ang isa niyang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib niya pero hindi ko siya pinansin.
Agad kong hinanap ang phone ko dahil baka may message sa akin si Christile at kailangan ko ring malaman kung may update na rin ba sa inutos ko sa mga tauhan ko.
Nakakapagtaka lang dahil walang kahit isang message sa akin si Jenthrix. Mga ganitong oras ay tinatawagan niya ako o kaya naman ay may message siya sa akin. Siguro may ginagawa lamang siya kaya hindi namamalayan ang oras.
"Nami?"
Iwan ko na lang kaya ang lahat? Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. Naguguluhan ako.
"Nami?"
Pero hindi ko kayang iwan siya.
"Nami!" nagulat ako ng bigla akong hawakan ni KC sa magkabila kong balikat. Gaano kalalalim ba ang iniisip ko at hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ng pinsan ko?
"Ayos ka lang ba, Nami? Hindi mo ako pinapansin, may problema ba?"
"I want to see him, Kuya."
Niyakap ako ni KC pagkatapos kong magsalita. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Sasabihin ko sana sa kanya na gusto kong malaman kung may update na sa pinagawa ko pero hindi iyon ang nasabi ko.
"Kahit gusto ko, natatakot akong lumabas ka lalo na't ganitong oras. May trauma na yata ako sa nangyari sa inyong dalawa ni Jenthrix noon. Magpahinga ka na lang dyan, sasabihan ko na lang siya na puntahan ka rito."
"Promise?"
Hinalikan niya ako sa noo ko, "I promise," sabi niya habang nakangiti siya sa akin. Inaayos niya ang buhok ko na napupunta sa mukha ko.
Hindi ko maiwasang tumingin sa mga mata ng pinsan ko. Ang lalim, para akong nalulunod. Siguro ang hirap hirap para sa kanya na hindi malapitan ang taong mahal niya. Lalo na ngayon, ako ang nahihirapan para sa kanya.
Mangyayari kaya sa akin ang nararamdaman ngayon ni KC?
"May gusto ka bang sabihin sa akin? Makikinig si Kuya sa'yo, kahit abutin tayo ng umaga."
Napangiti ako sa narinig ko. Mukhang natutunaw na talaga ang yelong nakabalot sa puso ko. Mabilis na akong nababasa ng mga pinsan ko. Pero aaminin ko, gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nakakausap ko sila lalo na kung tungkol ito sa problema ko.
Nagtagal si KC sa kwarto ko pati na rin si Zeke. Hindi sila agad umalis hangga't hindi ako nakakaramdam ng antok. Sa hindi ko malaman na dahilan ay hiniling ko sa kanila na sa kwarto ko na lang silang dalawa matulog. Nang sabihin ko iyon ay bigla silang umalis.
Akala ko ay natakot sila sa sinabi ko at ayaw nila akong makasamang matulog. Nang hindi na sila bumalik ay nag-ayos na ako para matulog. Nang matapos ako sa loob ng banyo ay halos mapatalon ako sa gulat dahil nakita ko ang dalawa kong pinsan na nag-aayos ng kani-kanilang comforter sa tabi ng kama ko.
"Akala ko ayaw niyong matulog dito sa kwarto ko?"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Ngayon ko na lang ulit nagyaya na matulog kasama kami, kaya susulitin na namin." paliwanag ni Zeke. Si KC naman ay abala sa pag-aayos ng higaan ko at nang matapos siya ay lumapit naman siya sa TV.
"Movie marathon." sabi ni KC habang pinapakita ang mga dala niya movie copies.
Nang magawi ang mga mata ko sa mini table kung saan kami kumain kanina ay may mga pagkain na nakalagay dito.
"Mukhang hindi naman kayo excited na matulog dito, noh?"
Sabay silang dalawang lumapit sa akin at inalalayan na nila akong maupo na sa kama. Tumabi na silang dalawa sa akin. Si KC ay inabutan ako ng pagkain habang si Zeke naman ay nasa likod ko na abala sa pagsuklay sa buhok ko.
Napangiti ako, sana palagi na lang kaming ganito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next please
08/11/2024
0it's beautiful
30/05/2023
0Sana po ma update na😔 mawawala nako ng wifi.diko nasxa mababasa 😔
01/02/2023
1Tingnan Lahat