Twelve

Dapit hapon na, pero parang wala pa yatang balak tumigil sa paglalaro ang mga pinsan ko. Paniguradong hinahanap na si Jenth ng manager niya dahil sa bigla niyang pagkawala kanina. Hindi pa yata nagpaalam ang isang ito sa manager niya kanina bago kami umalis.
Christile gave me a cap. Sinamahan niya lang ako rito sa veranda. Hindi ako bumaba kanina para sabayan silang kumain ng tanghalian dahil ayaw ko munang marinig ang mga tanong nila kung ano ba talagang nangyari sa akin.
My personal nurse didn’t leave me. Mukhang pinaghandaan niya ang pagpunta niya rito dahil kanina lang ay nag-online class siya. Ginawan niya talaga ng paraan para hindi ako mawala sa paningin niya.
Tuwing napapansin ko na titingin dito sa pwesto ko sila Jenth ay mabilis akong naalis sa pwesto ko para lang hindi nila ako makita na nanonood sa kanila.
Mula rito sa pwesto naming ay kita ko ang paglubog ng araw. Napakagandang pagmsadan. Hindi ko namalayan na nakasandal na ulit ako sa railing ng veranda dahil nakatuon lang ang pansin ko sa napakagandang paglubog ng araw.
“Dadalhan na lang ba ulit kita ng pagkain dito mamaya?”
“Sasabay na ako sa inyo mamayang kumain.” Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa paglubog ng araw.
Kulay kahel na ang kalangitan na may konting bughaw, banayad na simoy ng hangin at mga huni ng ibon ang siyang maririnig mo. Mukhang napagod na sa paglalaro ang mga kasama naming lalaki dahil wala na akong naririnig na ingay mula sa ibaba.
Isang bagay lang ang pinagsisisihan ko ngayon. Iyon ay ang pagtingin ko sa ibaba kung saan kitang kita kong nakatingin ang apat na lalaki na ngayon ay pawisan at mga walang suot na pang-itaas.
Base sa mga tingin nila sa akin ay mukhang kanina pa nila ako pinagmamasdan. Napapikit ako dahil sa ginawa ko. Mamaya ko pa balak silang makita pero mukhang napaaga ang pagkikita naming lahat. Ngumiti lang ako sa kanilang lahat at saka umalis na ako sa pwesto ko. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at agad namang sumunod sa akin si Christile.
“Para ka namang nakakita ng multo.”
“They saw me. Don’t let them come near at the door.”
Hindi niya agad naintindihan ang sinabi ko. Tiningnan ko lang siya, hanggang sa unting unti niyang naintidihan ang mga sinabi ko. Nagmamadali siya lumabas ng kwarto para harangan ang anong balak gawin ng mga pinsan ko at ni Jenth. Sasakit lang ang ulo ko sa mga tanong nila.
Ano na kayang nangyayari sa kumpanya?
Kinuha ko kaagad ang laptop ko para matawagan si Michelle. Kada oras na wala ako sa kumpanya, maraming bagay ang pwedeng mangyari. Lalo na ngayong nagpaparamdam na si Lolo.
(Your Highness)
“Nagkaroon ba ng problema sa kumpanya? Maraming pwedeng mangyari habang wala ako dyan.”
Tipid siyang ngumiti sa akin bago niya sinabi ang mga nangyayari sa kumpanya at sa University. Nagkaroon lang daw ng maliit na problema patungkol sa deliveries ng mga produkto papuntang timog pero nagawan na agad ng solusyon ni Michelle.
Hindi pa rin daw nagpapakita ang mga magulang ko simula ng bumisita ang mga ito nung nakaraang lingo.
Saan naman kaya ngayon nagpunta ang mga magulang ko?
“Thank you.”
Napasandal ako sa inuupuan ko. Ano na naman kaya ang binabalak ng mga magulang ko at bigla na namang nawawala ang mga iyon? Bakit ba kasi ang hilig sa surpresa ng dalawang iyon?
Simula ng magising ako kanina ay hindi ko pa hinahawakan ang phone ko. Alam kong marami na naman message sa akin ang mga pinsan ko kahit na sinabihan na sila ng personal na ayaw ko muna silang kakausapin ay gagawa sila ng paraan para kulitin ako. Natatakot lang naman kasi sila sa mga magulang ko.
Nang makuha ko na ang phone ko ay hindi nga ako nagkamali. Pero ang karamihan sa message na nakikita ko ngayon sa screen ay mula kay Stenard na mukhang kanina pa talaga hinahanap si Jenthrix. May message rin si Jeriel na nagtatanong din kung nasaan na nga ba ang kaibigan nilang si Jenthrix na hindi nagpaalam sa kanila.
Narinig kong nagbukas ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko na tiningnan ang pumasok dito dahil hindi hahayaan ni Christile na makapasok ang kahit na sino sa tatlong lalaki na kasama namin.
“Have you seen my sketch book, Christile?”
Saan ko ba naipatong ang sketch book ko? May hindi pa akong natatapos na sketch doon. Si Christile lang naman ang pwedeng makaalam kung saan ko nailagay iyon dahil siya lang naman ang kasama ko buong maghapon dito sa kwarto.
“Christile?” tanong kong muli ng hindi ko siya marinig na sumagot.
“Kumusta ang pakiramdam mo?”
Natigil ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko kung kaninong boses ang biglang nagsalita. Nakatalikod ako sa kanya dahil sa paghahanap ko ng sketch book ko at alam kong nakatingin lang siya ngayon sa akin habang hinihintay ang sagot ko sa tanong niya.
Napapikit ako at dahan dahang lumingon sa pwesto niya. Hindi ko matingnan ng deretso ang seryoso niyang mga mata na nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon ng mukha niya dahil iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya.
Napahawak ako ng mahigpit sa damit ko dahil dahang dahan na siyang lumalapit sa akin. Unting unti kong naaamoy ang amoy ng pinaghalong pawis at pabango niya mula sa kinatatayuan ko.
Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Bahagyang nakayuko ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin. Masyado siyang matangkad sa akin kaya kailangan ko pang tumingala para lang masalubong ko ang mga titig niya sa akin.
His scent is like drugs that fill my lungs. It's very addictive every time he comes near me. Hindi man lang muna siya naglinis ng katawan, baka matuyuan siya ng pawis dahil sa lamig ng kwarto ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala dahil halos kalahating araw niya rin akong hindi nakita.
“Don't do it again, okay? Please, don't lose consciousness when I'm not close to you.”
He cupped my face while saying those words. Dinama ko lang ang init na nagmumula sa kamay niya na nasa mukha ko ngayon. Gusto kong umiyak ngayon sa harap niya at sabihin lahat sa kanya ang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
“I’m sorry. I’m so sorry.” Nararamdaman kong nagtutubig ang gilid ng mata ko.
Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Ito ang kailangan ko ngayon, ang yakap niya na nakakatanggal ng pagod at problema ko. Mas siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
“Hush, don’t cry my love. I’m not mad at you.”
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ko siya ngayon sa mga mata. Umaasa ako na ang mga matang ito ang tangin makakakita ng tunay na pagmamahal na hindi mawawala lalo na pagdating sa kanya.
Mga mata niyang hindi pa nakikita kung ano talaga akong klaseng tao sa mundong ito. Ang katulad ko na nagtatago lamang sa isang maskara. Hindi ako katulad ng iba na nakikita niya. Hindi ako katulad niya na may normal na buhay. May mabibigat akong responsibilidad na dapat gawin.
Niyakap ko lang ulit siya. Naramdaman kong nagulat siya sa bigla kong pagyakap sa kanya pero agad din naman siya yumakap sa akin. Humiwalay muli ako sa kanya.
“Maligo ka na muna, ang lamig dito sa kwarto ko. Baka magkasakit ka pa.”
Hindi dahil sa ayaw ko siyang kayakap dahil sa pawis niya. Takot lang ako na baka magkasakit siya kapag natuyuan siya ng pawis. Natawa naman siya sa sinabi ko at binigyan niya ako ng isang halik sa labi bago siya lumabas ng kwarto para maligo. Hihintayin niya na lang daw akong bumaba para kumain ng hapunan.
Kumuha ako ng damit at nilagay sa kama. Kailangan kong maligo saglit para hindi na ako maliligo mamaya bago ako matulog. Hinayaan ko lang na bumuhos ang tubig sa katawan ko habang tinatangay ako ng isip ko sa mas malalim na pag-iisip. Sana nga natatangay na lang ng tubig ang problema ko, pero kahit ito ay walang magagawa.
“Ako lang ba talaga?”
Ito lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Tiningnan ko ang kanang palapulsuhan ko.
“Kailangan ko ba talagang mamili? Bakit hindi mo na lang ibigay ang gusto ko?”
Yumuko ako at napapikit. Ramdam ko ang pagpatak ng tubig sa likod ko. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit nangyayari ito ngayon sa akin. Pinatay ko kaagad ang shower at kinuha ang towel para magpunas ng katawan. Kapag tumagal pa ako rito, baka mas lalo lang akong maguluhan.
Hindi rin maalis sa isipan ko ang isang na narinig ko. Pagkatapos kong punasan ang katawan ko ay agad kong sinuot ang damit na kinuha ko at pinatuyo ko ang aking buhok. Nang matapos kong tuyuin ang buhok ko ay agad ko itong itinaas para hindi maharangan ang mukha ko.
Habang pababa ako sa hagdang ay naririnig ko na ang boses ng mga pinsan ko na mukhang nag-aaway na naman sa isang bagay. Tumigil ako sa huling baitang ng hagdan para tingnan ang ginagawa ng mga pinsan ko. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang sila na hindi ako mapansin.
“No! Hindi pwede iyon. She hates that food!” nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni KC.
Nakakunot naman ang noo ni Zeke na halatang naiinis na dahil kay KC. Mukhang kanina pa nag-aaway ang dalawang ito. Tama ba ang pagkakarinig ko? Pagkain na naman ang pinag-aawayan nila? Kung anong pagkain na naman ang ipapakain nila sa akin? Hanggang kalian ba nila pag-aawayan ang bagay na iyan?
“May iba ka pa bang naiisip na paraan para kausapin tayo ng pinsan natin?”
Tumaas na rin ang boses ni Zeke. Kanina pa ba sila ganito? Pati sila Christile at Tito Luis ay nagulat na rin sa ginagawa ng dalawa kong pinsan. Wala pa si Jenthrix dito, hindi pa siguro siya tapos maglinis.
Hindi pa rin ako nagsasalita at patuloy na pinapanood ang sagutan na ginagawa ng dalawa kong pinsan. Napatingin sa pwesto ko si Christile at dali dali niyang sinesenyasan ang dalawa kong pinsan na tumigil pero hindi siya pinansin ng dalawa.
Napakamot na lang sa ulo niya si Christile dahil hindi niya maawat ang mga pinsan ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanilang dalawa ng hindi nila napapansin. Patuloy pa rin silang dalawa sa ginagawa nilang pag-aaway. Nang biglang itinaas ni Zeke ang braso niya para ilahad ang kamay niya sa harap ni KC kaso matatamaan ako nito. Agad kong nasalo ang kamay niya para hindi ako madali nito.
Nagulat siya pati na rin si KC nang makita nila akong nakatayo sa tabi nilang dalawa. Para silang nakakita ng multo dahil sa itsura nila ngayon.
“Tapos na ba kayo? Pwede na ba tayong kumain ng hapunan?”
Para silang nawalan ng dugo sa mukha dahil sa pamumutla nila ngayon. Nakarinig ako ng pigil na tawa at nakita ko si Tito Luis na pinipigilan ang sarili na matawa dahil sa dalawa kong pinsan. Binitawan ko na ang kamay ni Zeke at agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.
Naririnig ko ang mga boses ng pinsan ko na nakasunod sa akin dito sa kusina. Panay ang tanong nila sa akin kung bakit daw ako nawalan ng malay. Gusto raw nila na sa akin magmula ang sagot at ayaw nilang pakinggan si Christile.
Hanggang sa makarating ako sa salas para maupo ay nakasunod pa rin sila sa akin. Nakita ko si Jenth na kakaupo pa lang sa salas at ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga pinsan ko na nakasunod sa akin.
“Can you please shut your mouth for a moment?”
Hindi ko alam kung anong tono ng boses ko ng sabihin ko iyon sa kanila basta gusto ko lang muna na tumahimik sila at nasakit ang ulo ko sa ingay nilang dalawa.
Nanghihina akong umupo sa upuan dahil hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin. Tapos ganito pa ang maaabutan kong ginagawa ng mga pinsan ko? Bakit parang kailangan gawin ko rin ang gusto nila? Nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko.
Hindi nila pwedeng mahalata na nahihirapan ako. Kahit na ang mga pinsan ko ay hindi pwedeng malaman ang tungkol dito. Kahit na masaktan ko sila, hindi ko na sila idadamay pa sa problema na meron ako.
“I-I’m sorry.”

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Padayogdog Roglyn

    next please

    08/11/2024

      0
  • avatar
    DianoNarda

    it's beautiful

    30/05/2023

      0
  • avatar
    Chassie Eva

    Sana po ma update na😔 mawawala nako ng wifi.diko nasxa mababasa 😔

    01/02/2023

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata