logo text

Chapter 30: The Pictures on the Wall

Nakilala ko na rin sa wakas ang final casting para sa movie na mangyayari. All of them were looking forward and excited for the upcoming movie. I received a positive feedback from the leading lady because she liked the plot. Although she felt a lot of pressure because the character was new to her. She told me that it was a challenging role, but I know she would portray the character well.
"We will start our shoot next month because we need to finalize the place first and, of course, the production," sabi ni Direk Arciaga, ang ikalawang direktor at kasama ni Director Mint.
The setting would be in Vigan. As the writer, as much as possible, I want to be there too. Sabi sa akin ni Director Mint ay ayos lang daw kahit hindi ako sumama sa kanila the whole duration of the shooting. Ayos lang kahit tatlong beses sa isang linggo, since settled na ang script. However, I still want to be there. Gusto kong masubaybayan lahat.
"Miss Sab, hello po."
I was walking on the hallway while holding a cup of coffee when someone approached me. Lumingon ako at bumungad sa akin ang isang babae na may maiksing buhok at mukhang nahihiya pa. She was hugging something on her chest. I blinked because her face looked so familiar. Doon ko lang naalala na kasama pala siya sa movie. Siya 'yong talent na kinuha ni Director Mint.
"Hi. Charm, right?"
She nodded. "Yes po, Miss."
Good thing that I have a sharp memory in terms of names.  It would be embarrassing if I would say her name confidently, and ended up being wrong.
Nilipag ko sa kanang kamay ang hawak na kape. "Um, do you need something?"
"Kayo po si Kahvi Persephone, 'di ba? Um, kung ayos lang po sana. . . magpapapirma po ako ng libro. Hindi po kasi ako nakapunta noong book signing, eh."
My lips parted. Sandali 'kong hindi naprocess ang kanyang sinabi. Noong makabawi ay agad akong tumango. "S-sure!"
She giggled. "Thank you po! Fan niyo po ako, Miss!"
I bit my lower lip because I didn't have a pen. "I don't have a pen with me, I'll just get one on my desk."
"Okay lang po, Miss."
Naglakad ako papunta sa desk at nilapag muna ang kape. Kinuha ko 'yong ballpen at lumabas. She was holding her phone while I was signing her book. Nakangiti ko namang binalik sa kanya 'yong libro .
"Thank you for purchasing my book, Charm."
"You're welcome po, Miss. Um, pwede po bang magpa-picture?"
Tumango ako at lumapit sa kanya. After a few shots ay nagpaalam na siya sa akin. She waved her hand and I waved back. Bumalik ako sa desk ko at naupo sa swivel chair. Humigop ako ng kape at natulala. Hindi ako makapaniwala na may reader pala akong artista.
My phone beeped. Napalingon ako roon at agad ko namang tiningnan kung sino ang nagtext. I smiled as soon as I saw Xavier's name on my notification. Binuksan ko ang mensahe niya at binasa.
Xavier:
Sab, are you free tomorrow? Wala ka bang gagawin?
Ako:
Wala naman. Bakit?
Xavier:
I have an exhibit tomorrow. Gusto sana kitang imbitahin.
Ako:
Sure! Text me the details, please.
Pagkatapos kong matanggap ang detalye para sa exhibit niya bukas ay binalik ko sa laptop ang aking atensyon. I scrolled down and laughed while holding my cup of coffee. Wala na naman akong ibang gagawin kaya pinagpatuloy ko na lang na basahin 'yong mga mensahe sa akin ni Xavier dati.
***
The next morning, I woke up late. Nagmamadali akong bumangon at nag-ayos. Alas diez ang umpisa ng exhibit ni Xavier. I glanced at my wrist watch while walking down hurriedly.
"Shit. Malapit nang mag-alas diez. Late na 'ko," I whispered while playing my car keys with my fingers.
Narinig kong tinawag ni Manang ang pangalan ko kaya napahinto ako sa pagbukas ng pinto.
"May pasok ka ba ngayon, hija? Sabado ngayon, 'di ba?"
"Wala po, Manang. I'll go to Xavier's exhibit, and it will start po at ten in the morning. Kaya po ako nagmamadali para hindi ako mahuli."
"Ay, ganoon ba? Paano ang pagkain mo? Sakto at may ginawa akong sandwich dito, dalhin mo na at baka magutom ka sa daan."
Nilapitan ko si Manang at kinuha ang sandwich. "Thank you po."
Tumango siya. "Ingat ka, hija."
I waved my hand before going out. Wala sina Mom at Dad ngayon kasi may pinuntahan sila sa site. Ang alam ko ay may project silang ginagawa ngayon.
Paglabas ko ay agad kong binuksan ang pinto at nagmamadaling pumasok sa loob. I roared the engine to live and rolled down my window. Nagpaalam ako kay Manong at noong tuluyan nang makalabas sa gate ay medyo binilisan ko na ang takbo para makarating sa exhibit ni Xavier.
His exhibit is located in Makati City. Napabuntong hininga na lang ako habang tinatapik ang manibela. I clicked my tongue and shook my head when I glanced on my wrist watch. I would be late for sure.
"Come on," I whispered while looking at the traffic light. Sampung segundo na lang ang natitira pero pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras.
I was fifteen minutes late when I arrived at the exhibit. Nahirapan pa 'kong makapaghanap ng mapag-parking-an kasi maraming sasakyan ang nakarapada. Pero masaya pa rin ako kasi ibig lang sabihin noon ay maraming tao na dumalo.
"Sab, you're here." Agad akong napalingon sa isang pamilyar na boses. And there, Tito Mack was walking towards where I was standing.
Nakipag-beso ako kay Tito. "Hello po."
"Glad you're here. Vier's inside, waiting for you," he said with a playful tone.
Tumango ako. Magsasalita pa sana siya nang may dumating na isang lalaki na may hawak na camera. The guy's gaze stayed at me for a few seconds. I blinked when I remember his face. Siya 'yong lalaki rin sa kasal ni Amara na dumating sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Xavier.
The guy tore his eyes at me and looked at Tito Mack. "Sir, sabi po ni Vier ay isasama niya raw po ako sa Baguio sa susunod na linggo."
Oh, Xavier will be in Baguio next week?
Tito excused himself. Tumango ako at nagpaalam na rin sa kanya bago pumasok sa loob. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang iba't ibang pictures. I couldn't take off my eyes to the frames that were hang on the walls.
Maraming tao rito sa center. May nakita pa nga 'kong mga nakasuot ng business suit, mukhang may balak yata silang bumili. I walked further, and stopped. Napatitig ako sa picture kasi sobrang pamilyar sa akin ang lugar. It wasn't Bantayan Island, rather New York City. The exact place where I spent most of my time writing and sipping my coffee.
"I love this." A mid-40s woman appeared beside me. She was staring at the picture, too. Her neck was surrounded with pearls and her entire appearance screams sophistication, at the same time, elegance.
Nilingon niya 'ko. "Do you think I should buy this?"
I blinked and looked at the picture before averting my gaze with her. "It's your choice po. If you find this picture beautiful, then I think you should buy it."
She smiled at me. I swear to God her teeth were as white as the pearls on her neck. "How can you say that a picture is beautiful, hija?"
I was too stunned to speak. Hindi ako nakapaghanda para rito. Bakit biglang may question and answer portion na nangyayari? Nevertheless, I still want to answer her question even though I'm not a photographer.
I licked my lower lip. "Well, if you can see and feel the photographer's emotion through his photos, Ma'am."
"What can you see in this photo? What did the photographer felt?"
Muli kong binalik ang paningin sa picture. I could see droplets of rain pouring outside the window. Halata namang nasa loob siya ng Little Collins sa mga panahong ito kasi mayroong isang tao na mag-isang nakaupo sa isang lamesa habang nakatingin sa labas ng glass window. The weather was gloomy, but the ambiance of the place was chill.
I pursed my lips. "I think that the photographer during those times was finding his own peace and happiness."
I honestly don't know how to interpret a photo but that idea came into my mind like a lightning. This is because, for me, the rain signifies loneliness while the ambiance of the place signifies happiness. So, I think that the photographer was stuck in between being happy and sad.
"Just because it was raining, does it mean that the person behind the camera was sad, too?"
I blinked thrice. Oo nga 'no?
"Kayo po ba? What's your interpretation about this photo?"
"He wasn't sad nor finding his peace. . . because he already found it. In that exact place and time, he found his serenity," she replied while staring at the picture.
Ibinalik ko sa picture ang aking paningin at tinitigan iyon. I was staring at it for about a minute, and one thing I'd realize-- what she said was true, because while I was staring at it. . . a peaceful feeling crept into me.
I was about to say something when I heard a very familiar voice calling my name. I looked back and saw Xavier walking towards my direction while his hands were inside his pocket. He was wearing a black polo shirt and black pants paired up with a white converse shoes.
Pansin ko lang na halos lahat ng sinusuot niyang sapatos ay galing sa iisang brand.
Nang tuloyan na siyang makalapit ay marahan niyang kinamot ang gilid ng kanyang noo. He was shy, obviously.
"I'm sorry if I was late. Hindi ko tuloy naabutan 'yong speech mo."
Umiling siya, nahihiya pa rin. "It's okay, Sab. Mas mabuti na nga na hindi mo naabutan 'yong speech ko baka kasi ma-turn off ka."
I chuckled. "Why? Did you messed up?"
Dahan dahan siyang tumango. "Medyo. Hindi talaga ako sanay sa public speaking, eh."
"It's okay. Hindi nga rin ako sanay sa public speaking, eh."
Bigla ko namang naalala 'yong babae kanina sa tabi ko. Nilingon ko siya at napansin kong wala na siya sa tabi ko. Siguro ay umalis na siya noong dumating si Xavier.
"So, um, hindi ka ba nabo-bored?"
Umiling ako. "Hindi naman. I want to see your shots so bad." Nilingon ko 'yong shot niya sa Little Collins.  "And this photo is spectacular, Xav. This place is my tambayan when I was still in New York."
"I know. . ."
Agad akong napalingon sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "W-what do you mean?"
"Nakita kita isang beses diyan."
"Really? Bakit hindi mo 'ko nilapitan?"
He shrugged. "I don't want to disturbed you. Tsaka iyang shot na 'yan, may karugtong 'yan."
My forehead creased. "Huh? Where?
He offered his hand. "Do you want to come with me?"
I smiled and held his hand. "Anywhere, Xavier."
Ngumiti rin siya at naglakad kaming dalawa papunta sa second floor. Pagdating namin doon ay binuksan niya ang puting pintuan. Bago ako tuluyang makapasok ay nilingon niya muna ako.
"Huwag kang magulat, ah."
I bit my lower lip. "Why? May multo ba?"
He chuckled. "Wala naman." Pagkatapos niyon ay hinila niya 'ko papasok sa isang room na punong puno ng pictures na nakasabit sa pader.
I felt my knees weakened and my heart went out of my chest. The entire room was all-white and I was surrounded with so many pictures.
"Naalala mo ba 'yong pictures mo na hindi ko na-send sa 'yo dati?"
I bit my lower lip and looked up because the corners of my eyes heated. "Oh, my God. H-how did you. . .?"
"Ang totoo niyan, Sab, kaya hindi ko nasend sa 'yo iyong mga litrato dati kasi nawala 'yong memory card ko noong araw na umalis ka. Hinalughog ko lahat ng mga gamit ko pero wala. Ang bobo ko lang kasi kung saan-saan ko nilalagay kaya ayon muntik nang mawala. Mabuti na lang at nakita ni Via, " he said and sighed.
Napalunok ako at dahan-dahang naglakad habang tinititigan ang mga litrato. I bit my lower lip. Lahat ng pictures ay iisa lang ang subject. At ako 'yon. I couldn't explain what I was feeling. It's a mixture of  happiness and thrill. Napahinto ako sa isang litrato na kung saan may hawak akong kape at nakatingin sa gilid. Kumunot ang noo ko at nanlaki ang aking mga mata.
"Sa airport 'to, hindi ba?! You saw me there?"
He chewed his lower lip and nodded. "Doon kita unang nakita. I was just randomly capturing photos when my lens found you."
"Kaya pala tinulungan mo 'ko sa bag ko, ah. You're crushing on me that time?" Nakangisi kong tanong.
Namula ang kanyang tenga. "Crush na kita simula noong matapos kong basahin 'yong Before The Sunset at makita 'yong picture mo sa bio note."
Umiwas ako ng tingin kasi ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi at muli ibinalik ang atensyon sa mga picture. Xavier intertwined our hands and pulled me somewhere. I swear to God all pictures that are hanging on the walls are all me. Iyong mga picture na hindi nakalimutan niyang i-send sa akin noon, lahat ng iyon ay nandito.
Huminto siya kaya huminto rin ako. Nakatayo kaming dalawa, nakatingin sa isang litrato na kuha niya sa New York. And there, I was sitting while holding a cup of coffee. Nasa harap ko ang laptop ko habang ako'y nakatingin sa labas. Muli kong naalala 'yong picture na nasa baba.
"Is this. . ."
Tumango siya at ngumiti. "Iyan 'yong karugtong noong picture sa baba."
"Bakit mo pinutol?"
He sighed and stared straight into my eyes. "Alam kong medyo selfish pakinggan, Sab, pero gusto ko akin ka lang. Paano kung bilhin 'yong picture na 'yon tapos nandoon ka? E di, may picture na sila sa 'yo?"
Yeah. I would feel awkward about it. I bit lower lip and refrained myself from smiling. Shit. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ipinagdadamot ka.
In a heart beat, I encircled my arms around his waist. "Thank you for all of this, Xav. Thank you for coming into my life."
He sighed and hugged me tighter. "Salamat din kasi dumating ka sa buhay ko. Dahil sa 'yo ay ipinagpatuloy ko 'yong passion ko. You always keep me going, Sabrina."
I closed my eyes and let my heart feel the security and serenity Xavier was giving me. We stayed like that a couple of minutes. Tahimik lang habang yakap-yakap ang isa't isa.
"Sab."
"Hmm?"
"Gusto sana kitang tanungin ng medyo personal na tanong pero baka masyado ka nang nabibilisan sa mga pangyayari."
Nakakunot ang noo kong nag-agat ng tingin sa kanya. "What is it?"
He kept quiet for a moment and sighed.
"Come on, tell me," I said impatiently.
He stared at me while tucking my hair at the back of my ear.
"Sabrina Angeli Larracas. . . will you be my girlfriend?"

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    22/08/2024

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    02/06/2024

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata