logo text

Chapter 26: Cold Hand and Warm Hearts

Malapit na 'kong makarating sa bahay nang mapansin ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa labas ng gate.
I twitched my lips and looked at the house.
"Nandito ata si Angelique."
Kinabig ko ang manibela ng sasakyan at bumusina. Ibinaba ko ang bintana at binati si Manong na siyang nagbukas ng gate. Pagdating ko sa garahe ay pinatay ko ang makina at nilingon ang bulaklak na bigay sa akin ni Levi kanina.
I still have a bitter feeling inside. I was waiting for Xavier's message the whole damn time. But even a simple 'good morning' like he used to do was none. I sighed heavily and got off my car carrying the flowers Levi gave me.
"Manong, nandito po ba si Gel?"
"Ah, oo. Nasa loob."
Tumango ako. Napansin ko naman  na medyo nagpapanic si Manong Luis dahil nanginginig ang kamay niya habang minamanipula ang kanyang cellphone.
"Manong, are you okay?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin atsaka tumango. "Oo naman, hija."
"Uh, nanginginig po kasi ang kamay niyo. Sa pagkakaalala ko'y hindi naman po kayo pasmado."
Napakamot si Manong sa kanyang ulo at lumunok. Kumunot ang noo ko at napatingin sa labas nang may pumaradang puting kotse. I squinted my eyes. Napatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw si Manong.
"Hala! Flat yata 'yong gulong ng kotse mo, Sab!" Aniya sabay silip sa front wheel ng kotse ko sa kaliwang bahagi.
Sinundan ko naman si Manong. I squinted my eyes and checked if the tire of my car was flat, but it wasn't.
"Hindi naman po, eh."
He laughed. . . awkwardly. Lumampas naman ang tingin niya sa likod ko. His brows moved and averted his gaze to me. Lilingon na sana ako sa likuran nang magsalita na naman si Manong.
"K-kumusta naman 'yong unang araw mo sa trabaho, hija?"
I twitched my lips and nodded. "Ayos naman po."
Bumaba ang tingin niya sa bulaklak na hawak ko. Mukhang ngayon niya lang yata napansin.
"May manliligaw ka na?"
How do I say this? A guy who admired me for six years gave this to me, or the senior editor of the publishing house I was working at? Manong Luis was waiting for my response. I blinked thrice and gulped.
"Galing po sa. . . kaibigan ko."
He laughed a little and nodded. Tiningnan niya naman ang cellphone niya. Tsaka ko lang napansin kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa labas. Habang abala si Manong sa kanyang pagmamanipula sa kanyang cellphone ay naglakad na 'ko papunta sa loob ng bahay.
"Sabrina!" Biglang sigaw ni Manong Luis.
Why the hell he kept on shouting, by the way? Kanina ko pa napapansin na sobrang weird ng mga kilos ni Manong Luis.
"Po?"
His phone rang. I sighed and rolled my eyes.
"Sige, hija. Pasok ka na."
Napailing ako. "You're acting weird, Manong."
Manong Luis didn't respond, so I continued walking to our front door. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang madilim na sala. My forehead creased. Akala ko ba ay nandito si Angelique? And where's Manang and my parents? Bakit madilim dito?! Kinapa ko ang switch ng ilaw at nang lumiwanag ang buong sala ay napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na boses ng aking kaibigan.
"Congratulations on your first day, Sab!" Sigaw niya habang may hawak na tarpaulin. Masama ko siyang tiningnan noong makita ko ang desinyo niyon.
Guess what? Iyong desinyo ng tarpaulin niya ngayon ay katulad sa ginawa niyang tarpaulin noong salubungin niya 'ko sa airport noon. My goodness! Ang kaibahan nga lang ay 'Congratulations, Sab!' ang nakalagay ngayon.
Nang mapansin niya ang reaksyon ko'y ngumiti lang siya sa akin at nagpeace sign. Sa tabi niya ay si Ace na may binulong sa kanya. Her brows met when she saw the flowers I was holding. Naagaw nina Mom at Dad ang atensyon ko nang lumapit sila sa akin at niyakap ako.
"Congratulations, hija," wika ni Mommy sabay yakap sa akin. Niyakap din ako ni Dad pagkatapos niya akong batiin.
"Kanino galing 'yan?" Tanong sa akin ni Angelique noong makalapit siya sa akin.
I shrugged. "Kaibigan lang."
She made a face. "Maniwala ako sa 'yo!"
I rolled my eyes and averted my eyes on the tarpaulin. "Seriously, Gel?"
Tumawa lang siya. Ace greeted me and gave a bouquet of flowers. Kahit hindi ako masyadong mahilig sa bulaklak ay tinanggap ko na lang. I thanked them and gave the flowers to Manang.
"Ako na ang bahala rito, hija. Magbihis ka muna roon."
Tumango ako at nagpaalam sa kanila na magbibihis lang ako saglit. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong hinanap si Silver pero wala siya roon.
"Baka nasa baba," I whispered and went inside my bathroom.
Mabilis lang ang pagligo ko dahil nakakahiya naman sa mga naghihintay sa baba. I blow dried my hair and wore a white spaghetti strap top paired up with a cat design pajama. Nasa huling baitang na ako ng hagdan noong mapansin ko ang lalaking nakaupo sa couch.
Napamura ako sa aking isipan dahil muntik na akong matalisod. It would be a great embarrassment if I would fall on the stairs. He stood up when he saw me. I don't exactly know what to do. I wanted to run because I was ashamed of what I was wearing, while he was wearing a very casual clothing today. 
I gulped the lump in my throat when he smiled at me. Oh, God! Why does he look so dashing today, huh? I looked away when I remembered what I did that night. In my peripheral vision, I saw him walking towards me. At kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ko magawa. My heart was beating so freaking loud. Nawalan na 'ko ng pag-asang magte-text siya sa akin kanina. But. . . here he is. In front of me. 
"Hi."
For a second, I lost my voice. "H-hey."
He scratched his nape and he had this apologetic look on his face. "Congratulations on your first day, Sab. Pasensya ka na kung hindi ako nakapag-text kanina."
"It's okay. Don't worry."
"You're not mad?"
Kunot noo ko siyang nilingon. "Why would I be mad at you?"
When our gaze met, I instantly looked away because I couldn't stand his eyes. Any time by now, I felt like my knees would give up. I never thought that I would be like this to him. 
"Kasi . . . hind ako nag-update?"
I shrugged. Why would he do that? I mean. . . is he courting me? We haven't talk about our situation yet. I would never demand his time because he has a life, too.
Magsasalita pa sana ako nang bigla kaming tawagin ni Angelique. She was wiggling her brows while wearing her teasing smile. I rolled my eyes at her, and invited Xavier to eat with us. Nakita ko naman si Silver na naglalakad na akala mo ay alaga ni Queen Elizabeth II sa sobrang arte niyang maglakad. I fetched her and she just meowed at me--like she wasn't happy because I was finally at home. 
"Why are you so masungit, huh?" I whispered. 
"May pinagmanahan pala 'yang anak mo, eh." Singit ni Xavier.
Umiwas siya ng tingin noong masama ko siyang tiningnan. Tumalon naman si Silver at naglakad paalis. I sighed. Pagdating namin sa dining area ay nakangisi si Gel sa akin. My parents were constantly looking at me as well as Manang and Manong. Dahil nakaupo na sila at kaming dalawa na lang ni Xavier ang nakatayo pa lang, napansin kong may dalawang bakanteng upuan na magkatabi. At sa isang upuan ay mayroong bouquet. My lips parted and my eyes darted on the guy beside me. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nakangiti siyang kinuha ang bouquet at binigay sa akin. 
"Congratulations on your first day, Sab."
I gulped the lump in my throat and glanced at my parents who were smiling from ear to ear, especially Mommy. My hands were trembling. Hindi ko inaasahan na bibigyang niya ng bouquet. But it wasn't just a normal bouquet because he gave me a bouquet of books instead of flowers.
I was too stunned to speak. Para akong nawalan ng boses dahil hindi ko inaasahan na bibigyan niya 'ko ng ganito! Hindi ko alam kung paano niya nalaman na mas gusto kong makatanggap ng libro kaysa sa bulaklak.
"Oh, my god," I pursed my lips. "Thank you, Xav."
He smiled. "You're always welcome, Sab."
We stared for a moment, but it was ruined when Angelique yelped. Noong nilingon ko siya ay nakatutok sa aming dalawa ang kanyang cellphone. My eyes widened. 
"Hey! Stop it, Gel."
Humalakhak lang siya at umiling. Pinaupo na kami ni Dad para makakain. Itinabi muna ni Manang ang bouquet ko at noong bumalik siya ay nagsimula na kaming kumain. I was a bit concious because Xavier's beside me. Hindi ko alam kung nakalimutan niya na ba ang nagawa ko o baka naman wala lang iyon sa kanya o baka ayaw niya lang talaga 'kong makaramdam ng awkwardness. 
Amidst of the dinner, we talked a lot. Hindi rin nakatakas sa topic na pag-aasawa sina Ace at Gel. I think they're around five years, or six? 
"Matagal na pala kayo, 'no? Wala pa ba kayong balak mag-asawa?" Mom asked.
"We have plans, Tita. Pero hindi po muna sa ngayon," Ace answered.
Mom nodded. "Glad to hear that. Dapat invited kami, ah."
"Syempre naman, Tita. Si Sabrina 'yong maid of honor ko, eh."
"I guess you should hire Xavier as your photographer," singit ni Daddy.
Angelique clapped her hands. "Great idea! Naku, Aesaph magpropose ka na sa akin."
Napuno ng tawanan ang hapagkainan. And I thought it would be over, but it wasn't. Lumipat kay Xavier ang topic dahil na rin sa tanong ni Daddy.
"Ikaw, Xavier? Do you have plans with your. . . love life?"
"Dad. . ."
Agad akong napalingon kay Xavier nang hawakan niya ang kamay ko na nasa ilalaim ng lamesa. He squeezed my hands gently. Assuring me that everything is fine. And he's willing to answer the questions my Dad would throw at him.
My Dad looked at me for a while averted  his gaze to Xavier. "You like my daughter, right?"
Oh, my god. Why he's so straightforward?!
Tumahimik ang lamesa. Everyone was waiting for his answer. My eyes dropped on our hands when he intertwined them. His hands fit on mine perfectly. 
"Yes, sir."
"So, what's your plan? My daughter said that you haven't talk about your situationship. I don't want to pressure you, but I just want to know if she's choosing the right guy to enter in her life."
"My plan is to date your daughter for marriage, Sir."
Narinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo ni Mommy at agad naman siyang uminom ng tubig. In my peripheral vision, I saw Angelique grinning like an idiot. I bit the side of my inner cheek and I could feel my hands were getting cold. I didn't expect that he would answer my Dad like that!
Tumango si Daddy. "Glad to know. So, kayo na?"
"Nililigawan ko pa lang po."
I blinked several times. "What?"
Napansin ata ni Daddy na nagulat ako kaya marahan siyang tumawa. "Looks like my Sabby didn't notice that you're already courting her, Vier."
"Matagal ko na po siyang gustong ligawan. Sa totoo lang po ay gusto ko na pong umamin sa kanya noon pero natakot po ako at natorpe kaya hindi ko po nasabi sa kanya. Tsaka sabi nga po ni Sab na may magandang nangyari noong pahiwalayin ng tadhana ang mga landas naming dalawa.  Nabigyan po kami ng pagkakataon na magawa ang mga bagay na gusto namin. She's a writer now and I am a photographer. May kinikita na rin akong pera kaya alam kong mabibigyan ko ng magandang buhay si Sabrina."
I was just staring at him the whole time he said those words. My hands were cold, but his warmt lessen the coldness. I tightened the grip of our hands, and I felt like he was also holding my heart.
Oh, God. I think I don't like him anymore. Because I think I am in love with him already. 

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    22/08/2024

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    02/06/2024

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata