Pagdating namin si MOA ay napaawang ang labi ko sa dami ng tao. Okay, you chose this, Sab, so there's no turning back. Nilingon ko si Xavier na ngayon ay nakapamulsang iginagala ang kanyang paningin. I noticed that he was wearing a white rounded-neck t-shirt paired up with khaki shorts, and he was wearing a Chuck 70 converse shoes in white. May hawak din siyang denim jacket at mayroon siyang suot na Adidas crossbody bag. Ngayon ko lang napansin na matchy pala kami ng suot. "Ang ganda ng sunset, 'no?" aniya. I smiled and looked at the sunset. The skies were a combination of orange, pink, and blue. Seeing the beautiful scenery in front of us, I was being reminded of the memories I had with him when we were in Bantayan Island. I smiled. "Very beautiful." Agad akong napalingon sa kaniya nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng camera. Umawang ang labi ko nang makita ko siyang may hawak na camera habang kinukunan ako ng picture. Pagkatapos n'on ay ibinaba niya ang camera at nakangiting tiningnan ito. Amidst of a huge crowed, his lens were just on me. Bigla ko tuloy naalala iyong pictures ko dati na hindi ko pala nakuha mula sa kanya. He told me before that he would send it to my email. It's been four years pero wala pa rin. "You want to see the shots, Sab?" Tumango ako. Lumapit naman siya at ipinakita niya ito sa akin. Umawang ang labi ko at nag-angat ng tingin sa kanya. He improved a lot! I could see fear in his eyes. "Okay lang ba?" "It's spectacular, Xav!" Nagbuntong hininga siya. "Akala ko hindi mo magugustuhan." "Bakit naman hindi? You improved a lot!" Ngumiti siya at napakamot sa kanyang batok. "Thanks." "You're welcome. Bakit ka nga pala nagdala ng camera?" He stared at me for a while before looking at the sun. "Namiss ko kasi 'yong first model ko, eh." Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. I twitched my lips to refrain myself from smiling. Tumikhim ako at inaya siyang maglakad-lakad muna kami. Natigilan ako kasi bigla siyang nag-sorry sa akin. Kunot noo ko naman siyang nilingon. "Why were you sorry?" Napalunok siya at inayos ang kanyang crossbody bag. "Am I making you uncomfortable, Sab? Sabihin mo lang sa akin, hindi na kita kukuhanan ng litrato nang hindi nagpapaalam sa 'yo." I sighed. "Okay lang naman sa 'kin na kuhanan mo 'ko ng pictures." "Talaga?" Tumango ako. "Um, I fancy to stroll around that's why I invited you for a walk." Mabuti na lang at kumagat iyong palusot ko na nagugutom na 'ko. Sobrang nagulat lang talaga 'ko sa sagot niya sa akin kanina. Nahihiya ako, at the same time-- oo na, aaminin ko na, kinikilig ako roon sa sinabi niya. I don't know what to response with what he said! Ang maliit niyang mga mata ay mas lumiit pa nang ngumiti siya. He combed his hair and nodded. "Okay. Saan mo gustong pumunta?" "I want to go ice skating." "Sigurado ka? Baka masaktan ka lang doon kapag hindi maayos ang pagkakabalanse mo." I pressed my lips and looked him straignt into his eyes. "Hindi mo naman siguro ako pababayaan, 'di ba?" He shook his head. "Syempre hindi ko hahayaan na masaktan ka roon." I smiled. I knew it. "So, let's go na?" "Wait." "What?" He bit his lower lip and run his fingers through his hair. Nagbuntong hininga siya bago ibinalik sa akin ang kanyang mga mata. "Sab. . . pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" My eyes widened a fraction and felt like my chest was going to explode! Nang hindi ako magsalita ay napakamot siya sa kanyang batok at awkward na tumawa. He was about to say something when I lifted my right hand in front of him. His lips parted. Nagpabalik-balik naman ang kanyang tingin sa kamay ko at sa akin. Napairap ako kasi hindi siya gumagalaw. Kusa kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya papunta sa ice skating rink. Mahaba pa ang lalakarin namin kasi nasa level 3 pa iyon at ang bagal niya. "Come on, Xav." Nilingon ko siya na ngayon ay abot tainga ang ngiti habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Nang mapansin niya 'kong nakatingin sa kanya ay tumikhim siya at umiwas ng tingin. Natatawa akong umiling nang higpitan niya ang kapit sa kamay ko. Pagdating namin doon ay napangiti ako noong makita ko iyong archery. Nakakamiss din pumana. "Afternoon pass ba ang gusto mo, Sab?" "Ikaw? Do you want that?" Dahan-dahan siyang tumango. "Hmm. Para sana maturuan kita nang mas matagal." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Marunong ka?" "Varsity ako nito, Sab," he replied and winked at me. "Duda." Nagreklamo siya at sinabi niya pang papatunayan niya sa akin na varsity nga siya. I checked the time and it's already 4:32 pm. Sinabi ko na lang sa kanya na iyong 2-hour pass na lang kasi kapos na kami sa oras. Pagpasok namin sa loob ay sinukat na namin ang mga paa namin para sa sapatos na gagamitin. I heard him chuckled when he saw my foot size. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Ang cute ng size ng paa mo." "Kapre ka pa rin talaga, 'no?" "Dwende ka, kapre ako. E 'di bagay tayo." I made a face. Tumahimik naman siya at inaya na niya 'kong pumila para makuha na namin 'yong shoes na gagamitin. Kukunin ko na sana 'yong akin pero pinigilan niya 'ko. Hawak niya sa kanyang dalawang kamay ang shoes namin. Magkatabi kaming nakaupo sa bench kasi papalitan ko na ng ice skating shoes iyong ordinary shoes ko. "Naks! Girl scout ka, Sab?" he said when he noticed that I bought a pair of socks. "Ako lang 'to, Xav." Tumawa lang siya at nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at siya na mismo ang nagsuot sa sapatos ko. I insisted na kaya ko naman pero nag-insist siya na siya na lang daw. Pambawi roon sa pang-aasar niya sa akin kanina. Nang matapos siya ay siya na ang nagpresenta na ilagay sa locker iyong gamit namin. I roamed my eyes around. Maraming tao. May iba pa sa kanila na may tinutulak na bear para mapanatili ang balanse. Pagbalik ni Xavier ay may dala na siyang helmet para sa akin. "You need this, Sab." Pipigilan ko na sana siya kasi hindi ko na naman kailangan niyon pero noong makita kong seryoso siya sa sinabi niya kanina na ayaw niya 'kong mapahamak ay hindi na lang ako nagsalita. Pagkatapos niyang maikabit ang helmet ko ay hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa ice rink. "Be careful," aniya noong nakatapak na 'ko sa ice. I smiled and stared at his serious face. "Try to glide your feet, Sab. Dahan-dahan lang para hindi ka madapa. Huwag kang mag-aalala kasi kasama mo naman ako." "Bitiwan mo 'yong kamay ko, Xav." Agad naman siyang tumingin sa akin. "What? No. Paano kung--Sab!" Naputol niya ang kanyang sasabihin nang binitiwan ko ang kamay niya at nag-glide paatras. His lips were parted and I could see fear in his eyes. I laughed and did the grapevine trick. Napansin ko naman na lumingon sa akin ang ibang tao kaya I did the moonwalk trick pabalik sa kanya kasi nahiya ako. He blinked several times and stared at me with disbelief. "Akala mo ikaw lang 'yong varsity, ah." "Ang angas mo roon, Sab! Pero pinakaba mo 'ko!" "I'm sorry." "Okay lang pero pinakaba mo talaga 'ko. Dapat sinabi mo sa akin kanina na marunong ka pala." "Surprise?" Umiling lang siya. Tinanggal ko naman ang helmet ko kasi sagabal lang sa ulo. Inilagay ko muna iyon sa bench bago bumalik sa pwesto ni Xavier. Inilahad niya ang kanyang kamay na agad ko namang hinawakan. We did some stunts and dance like we were both professional. Kulang na lang talaga ay background music. Nakaramdam ako ng hiya noong marinig ko ang palakpakan ng tao pagkatapos ng ginawa namin. We utilized the 2 hours, and I kid you not, I wanted more. But we don't have much time. I sighed. Just like before. Time was my opponent. "Here," he said and handed me a bottled water. "Thanks." Agad ko naman iyong ininom. Nilagay ni Xavier ang bag ko sa upuan habang umiinom din siya ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay kinuha ko ang panyo ko sa bag. Nagdadalawang isip pa 'ko kung ibibigay ko ba ito sa kanya o ako na mismo ang papahid sa pawis niya. Kahit pawisan siya ay lamang na lamang pa rin ang bango niya. "Xav." tawag ko atsaka ibinigay sa kanya ang panyo ko. Kitang kita ko ang pagdadalawang isip sa kanyang mukha. "Paano ka?" "I have extra. You can use this." Ngumiti siya at kinuha sa kamay ko ang panyo. "Salamat." Pagkatapos naming mag-skating ay nagpunta naman kami sa may archery. I insisted na ako naman ang magbayad kasi siya 'yong nagbayad sa ticket kanina pero umiling lang siya at inutusan akong itago ang pera ko. Nang ibigay sa amin ang equipments ay nakita kong napakamot ng ulo si Xavier habang nakatitig sa bow and arrow. "Varsity ka rin ba nito?" tanong niya sa akin nang mahuli niya 'kong nakatingin sa kanya. I shrugged. "Sakto lang." "Ikaw na lang kaya maglaro nito, Sab. Mukhang mapapahiya ako nito, eh." Lima lang kaming nandito tsaka sigurado naman akong iyong ibang nagpunta rito ay hindi naman mga pro. They just want to try and experience archery. My brows met. "If you're a first timer, you don't have to feel ashamed if you can't hit the bullseye. At least you tried." Tumayo ako nang maayos atsaka kinuha mula sa quiver ang arrow atsaka pinuwesto ito nang maayos para tumama sa target. In my peripheral vision, I saw him staring at me. Hindi ako nagpaapekto kahit parang lalabas na sa dibdib ko 'yong puso ko. I focused on my target. . . and released! Bullseye. Narinig ko naman ang sunod-sunod na pagpalakpak ni Xavier. "Nice one, Sab!" I felt like my confidence heightened because he was cheering for me. Pero natahimik din siya agad kasi sinita siya ng babae dahil ang ingay niya. He apologized and cheered for me, but he only whispered it. I focused on my target again and released. Ilang beses ko iyong inuulit hanggang sa maubos ang four arrows ko. When I looked at him, he was now holding his camera while taking pictures of me. I smiled and did a peace sign while my eyes were close. Nang marinig ko ang pagclick ng camera ay nagmulat na 'ko atsaka naglakad papunta sa target para makita ang resulta nito. Kukunin ko na sana iyong mga arrow pero naunahan ako ni Xavier. "Grabe! Ang galing mo, Sab, halos bullesye lahat, oh. " I smirked when I got 38 points. "Easy." Humalakhak siya at ibinigay sa akin iyong papel. "Hawakan mo 'to tapos kukuhanan kita ng picture." I nodded and do what he said. After that, I encouraged him to play. Pumalakpak ako at naunang pinuntahan ang target niya para mas makita ko ng malapitan kung saan tumatama ang arrows niya. "Not bad for a first timer." Napakamot siya. "24 lang 'yong score ko." "It doesn't matter. Did you enjoy playing it?" Nakangiti siyang nilingon ako. "Syempre. Magaling 'yong coach ko, eh." Nang makalabas kami roon ay nakaramdam ako ng gutom. I checked the time and it was already past eight. May nakita akong Korean restaurant. Tinanong niya 'ko kung saan ko gustong kumain kaya sinabi ko na gusto ko ng samgyupsal. Tumango siya at pumasok na kami roon. I roamed my eyes around and found a nice spot for us. Kinalabit ko siya at itinuro ang lamesa na malapit sa bintana. "Ano'ng gusto mo, Sab?" he asked while looking at the menu. "Bulgogi." "Okay. Ano'ng side dish ang gusto mo?" I pressed my lips and stared at the menu. Napaangat ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang pag-click ng camera. I sighed. "Why do you kept on capturing me, Xav?" "Kahit saang anggulo, Sab, ang ganda mo. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na kuhanan ka ng litrato." Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Sinabi ko sa kanya na gusto ko ng kimchi, cheese, at mash potatoes para sa side dish ko. Tumango naman siya at tinawag iyong waiter. Nang makaalis iyon ay ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin. Bigla tuloy akong ginapangan ng kaba. Calm down, Sabrina. Tahimik lang kaming dalawa at hindi ko alam kung magsasalita ba 'ko. It's been four years and we don't have communication at all. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. I wanted to strike a conversation, but I don't know what to say. I looked at him and he looked away when I caught him. I could see on his face that he wanted to talk to me and ask so many questions, but he was afraid to do so too. Maybe that's the reason he invited me over because he wanted to ask me why I left with a note four years ago. But I think he was stopping himself to do it because I might get uncomfortable. "Xav. . ." Agad siyang lumingon sa akin. "B-bakit?" "How are you? It's been four years. . ." He licked his lower lip and gulped. "Ayos naman ako, Sab. Ikaw?" "Ayos din naman. I was in New York for four years." His eyes widened. "Talaga?" "Hmm. I studied there." "Akala ko ba ay sa St. Benilde ka nag-aaral?" I rested my arms on the table. "I stop attending Civil Engineering and flew to NYU and took up creative writing." Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "T-talaga? Tinuloy mo 'yong pagiging writer?" "Hmm. May nakapagsabi kasi sa akin na dapat ko raw sundin 'yong inner voice ko. And my inner voice said that I should shift on creative writing." He bit his lower lip and refrain himself from smiling, but he failed. Mas lumiit ang mga mata niya at natawa ng mahina. "Gwapo ba 'yong nagsabi niyan sa 'yo, Sab?" Umirap ako kaya mas lalo siyang natawa. Dumating naman iyong waiter at nagpasalamat siya. Ibinigay niya sa akin iyong side dishes ko. Kukunin ko na sana iyong meat ko kaso umiling siya at nagpresenta siyang siya na raw ang magluluto. "So, kumusta ka naman doon? Sino'ng kasama mo?" tanong niya habang niluluto ang meat namin. "It was fine. I was fine. Well, sa umpisa mahirap kasi ako lang mag-isa pero kinaya ko naman. At first, I thought that the people there were like my classmates before. But they were really nice. I loosen up and tried my best not to look masungit anymore so they could approach me. I met Emma and Harper and we became friends. I was friends with my classmates and. . ." I paused and looked at him. He was looking at me too and listening to me attentively. "Tapos, Sab?" I blinked. "Um, sorry kung ang dami kong sinasabi. Baka. . . baka ma-bored ka." Umiling siya. "Kahit umabot pa tayo ng madaling araw, willing akong pakinggan lahat ng sasabihin mo. Go on, Sab, continue. I badly want to know what happened to you for the past four years."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
5.0
22/08/2024
0I like it
02/06/2024
0lAb
04/11/2023
0Tingnan Lahat