logo text

Chapter 21: Wasted Opportunity

Wasted Opportunity
"Congratulations, Mare!" Sigaw ni Angelique pagkapasok niya sa loob ng bahay at may dala pa itong cake.
Behind her was Ace, holding a bouquet of flowers. Binigay niya naman iyon sa akin at binati ako. I smiled and thanked him. Masaya ako kasi mukhang naayos na nila 'yong misundertandings nila.
"Thank you. Nag-abala pa kayong dalawa."
"Naku! Wala 'yon. Tsaka congratulations ulit sa pagkakapasok mo sa Elipses Entertainment!"
Umawang ang labi ko. Ang laki talaga ng bibig niya! Siya pa nga lang atsaka si Xavier ang nakakaalam na natanggap ako. Dapat ay i-su-surprise ko sina Mommy at Daddy ngayon pero mukhang nasira na kasi sinabi na ni Angelique.
"Tama ba ang pagkakarinig ko, hija?" Gulat na tanong ni Mommy nang makababa siya mula sa kwarto.
Angelique did a peace sign. Inirapan ko siya atsaka nilingon si Mommy. Tumango ako. "Yes po. I am going to tell you later po sana para masurprise kayo kaso ang laki rin talaga ng bibig ni Angelique, eh."
Naramdaman ko naman na niyakap ako ni Gel sa gilid. "Sorry na," she said while pouting.
Pabiro ko siyang inirapan. "Kung hindi lang talaga kita kaibigan. Naku!"
Mommy laughed and called Daddy. "Honey, come down here! May good news si Sabrina sa atin." Ibinaling niya naman sa akin ang atensyon niya. "Huwag mo na nga awayin 'yang si Angelique, Sab. Hali na kayo at kumain na tayo."
Nakayakap sa aking braso si Angelique habang naglalakad kami papunta sa dining table. Sabay-sabay kaming kumain lahat. Katabi ko ay si Angelique at katabi niya naman si Ace na tahimik lang. Kaharap ko ay si Mommy at katabi niya ay sina Manang at Manong.
Last night, I told my parents about the status of my books and they were thrilled. They ordered too because they wanted to read my work. Kinabahan tuloy ako. Paano kapag nabasa nila iyon at isipin nilang iyong isinulat ko ay base sa karanasan ko noong nagbakasyon ako? Bahala na nga. Siguro naman wala ng oras sina Mom at Dad na basahin iyon kasi masyado silang busy sa panibagong project nila sa Batangas.
"So, what's the good news, hija?"Tanong ni Dad.
Binitiwan ko ang kubyertos at sinulyapan si Mommy na nakangiti ngayon. Napansin ko namang nabitin sa ere ang pagsubo ni Manang habang si Manong Luis naman ay nakatingin sa akin.
"Um, natanggap po ako sa Elipses Entertainment."
Ngumiti si Daddy at narinig ko naman ang masayang pagbati nina Manong at Manang. Mommy smiled while Angelique and Ace clapped excitedly. Nagcheer pa nga si Gel kaso pinatahimik ni Ace kasi nasa harap kami ng pagkain. It was one of the happiest dinners of my life. Kaunti lang kami pero puno naman ng saya lalo na at kasama namin si Angelique na hindi nauubusan ng kwento.
"I'm so happy for you, Sab. Kukumbinsihin ko rin 'yong mga katrabaho ko na mahilig magbasa na bilhin ang libro mo," wika ni Angelique habang hinahatid ko sila papunta sa gate. It's already past 11 and they have work tomorrow, so they need to leave.
I chuckled and shook my head. "Don't force them to buy my book. Let them discover it, Gel."
"Sab, ikaw 'yong author ng Before The Sunset, 'di ba?" singit ni Ace.
"Yes. I published that ages ago. Why?"
"Well, nakita ko kasi na binabasa iyon ng isa kong katrabaho."
My lips parted and my eyes widened a bit.
"Really?!"
Nakangiti siyang tumango. "She must be your fan."
Niyugyog ako ni Angelique. "Grabe ka na talaga, mare! Maganda ang takbo ng career, may pera, maganda, at matalino! Naku! Isa na lang talaga ang kulang sa 'yo."
Kumunot ang noo ko. Okay. I'll take that as a compliment, but I'm a bit confuse. "Why? Ano ba ang kulang sa akin?"
She encircled her arms around Ace's waist. "Boyfriend!"
Napairap ako. "I'm complete, with or without a boyfriend, Angelique."
She frowned. "Wala ka naman sigurong balak na maging matandang dalaga, ano?"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ace. "Stop it, babe. Don't pressure her. Darating din naman 'yan kay Sabrina, eh. She's still 24."
"Iyon na nga, eh! She's already 24 pero NBSB pa rin siya! Kahit man lang afam wala siyang nakuha roon sa New York."
"She has too much on her plate right now, babe. She's building her name in the writing industry. Makakapaghintay naman 'yong pag-ibig, eh."
Humalukipkip ako at tinaasan ng kilay si Angelique. "Oh, makinig ka riyan sa boyfriend mo. Mabuti pa siya naiintindihan ako."
Gel pouted. "Pinagtutulungan niyo 'kong dalawa, ah!"
Napangiwi ako nang dinampian siya ni Ace ng halik sa mismong harapan ko! My God! Nakakairita, ah. Seriously, guys? May single rito!
Gel giggled and Ace looked at me suspiciously. "Huwag mo na nga kasi siyang pilitin, babe. Malay mo. . . baka bukas may ka-date 'yan."
Napalunok ako. Shit! Bukas pa naman ng gabi pa naman 'yong schedule ng labas namin ni Xavier. Dahil medyo napipikon na 'ko sa dalawang ito ay tinaboy ko na sila paalis.
"Have a great night, Sabby! I'm so proud of you, girl! I love you!" pahabol ni Gel.
I smiled and waved my hand. "Take care! I love you, too!"
"Bye, Sab! Congrats ulit!"
"Thanks! Drive safely, Ace!" Sigaw ko at nanatili muna ako roon habang tinatanaw silang umalis.
When I went inside, I saw my Mom sitting on the balcony. And there were three cups of coffee on the table. I noticed that my Dad was walking outside while scribbling on his phone. But when he saw that Mom was watching and tapping the chair near her, Dad kept his phone inside his pocket and sat down. I chuckled and sat down, too.
"Are we going to have an open forum tonight?"
Dad sipped on his coffee while Mommy was staring at me. My brows met. "Okay? What's with the stare, Mommy?"
Mom blinked thrice and gave me a small smile. "Nothing. I just. . . I don't remember the last time we had gathered like this. You know, just the three of us. You're gone for four years, hija, and now that you're here, you're busy building your name in the writing industry. Masyado ka nang abala sa buhay mo."
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, hon, sundan na natin si Sabrina, eh."
Natawa ako nang hampasin ni Mommy si Daddy. "Ikaw kaya 'yong magbuntis, Angelo. Tingnan natin kung gusto mo pa ba ng isa!"
Dad was about to kissed Mom when I frowned. "Dad, stop."
"What?" He replied smirking.
Ngumiwi ako. "Not in my watch, please."
They laughed. I shook my head and sipped on my coffee. Napatango ako. Katulad ng dati, hindi pa rin pumapalya si Mommy sa kape na gustong gusto ko. Napansin ko naman na ang tasa na ginagamit ni Dad ay iyong binili ko sa Bantayan Island.
"So, kailan ka magsisimula sa pagtatrabaho?" Dad asked.
"Next week. May pina-plano silang movie and they want me to be part of it."
"Bakit ayaw mo sa New York, anak? You can be a writer in Hollywood," Mommy asked before sipping her coffee.
"Well, Noah invited me to write a script for a Hollywood movie, and he was the director at that time. Hindi pa naman po ako gan'on kagaling kaya umayaw po ako. I know it was a great opportunity. . . but I was still doubting myself if I can do it po."
Nagbuntong hininga ako n'ong maalala ko iyon. I admit that I regret it, and I wasted the opportunity because of my lack of confidence. Pero kung hindi ko iyon inayawan ay hindi ako magkakaroon ng Best Screenwriting Award sa contest noong nasa NYU pa lang ako. I was nervous back then. Kasama ko sa play sina Harper at Emma at that time. They were the directors, and I was the scriptwriter. They even did a screening for the casting. They were so serious about it, so as the scriptwriter, I did my best to write a script that they would never forget. If I am not contented with the scenes or the lines, I would rewrite them until I feel confident about them.
And my sleepless nights paid off when I was awarded as the Best Screenwriter. I was really overwhelmed. Sobrang daming magagaling na writers pero ako pa rin 'yong nanalo.
Dad tapped my shoulder. "Doubting is normal, hija. But you must learn to trust yourself. Maraming opportunity ang nasasayang dahil lang natatakot at nahihiya ang isang tao. Tsaka kung magkamali ka man, hindi naman doon natatapos ang buhay. You can always try and be better every day."
I smiled. "Thanks, Dad."
"Excited na 'ko sa pelikula na ikaw ang magsusulat. Naku! Papanoorin ko talaga 'yan nang paulit-ulit sa sinehan."
"I'll do my best po. I'll make you proud."
"You already made us proud the moment you chose what you really want, hija. At wala ka dapat na patunayan sa amin kasi kahit anuman ang gawin mo--we will always support you."
I bit my inner cheek just to stopped myself from crying. Nang mapansin ni Mommy na namumuo ang aking luha ay bigla siyang tumayo at niyakap ako. Dad joined us, too. Natatawa naman akong pinahiran ang aking mga luha. I couldn't ask for more. They are the best parents God gives me.
***
I bit my lower lip and stared at my closet. Sobrang dami kong damit pero hindi ko alam ang susuotin ko para sa date namin mamaya ni Xavier--wait! Wala naman siyang sinabi na date ito, hindi ba? Sinabi niya lang na lalabas kami. Um, maybe it's a friendly labas because we were friends naman, 'di ba?
'Sige, kumbinsihin mo pa ang sarili mo, Sab!' a little voice shouted at the back of my head.
Umiling ako at kinuha ang aking cellphone. Tatanungin ko muna siya kung saan kami pupunta para akma naman sa lugar iyong susuotin ko. Paano kung hiking pala ang gusto niya tapos nakasuot ako ng dress at heels, 'di ba?
I gulped the lump in my throat and type in a message for him. He's online but I think he's kinda busy right now. Nakita ko kasi sa IG story niya na may shooting siyang ginagawa.
Ako:
Saan nga pala tayo pupunta?
Akala ko'y matagal siyang makakareply sa akin pero isang segundo pa lang na nasesend ay nagreply na siya agad.
xvryuzon:
Amusement park?
Ako:
Why are you asking me? Hindi naman ako ang nag-aya, eh.
xvryuzon:
oo nga pala HAHAHA sorry, Sab. Kagabi pa kasi ako nag-iisip kung saan tayo pupunta kaso naglo-loading ang utak ko. Sabihin mo na lang sa akin kung saan ka komportable at magpapareserve ako.
I twitched my lips. Well, going to amusement park isn't a bad idea tho. Isa pa, ilang taon na rin akong hindi nakakapunta sa amusement parks kasi noong nasa New York pa lang ako ay minsan lang ako sumasama kina Harper at Emma. Tapos kapag lumalabas naman ay palagi lang kaming nakatambay sa Time Square, Broadway and the Theater District, at sa Little Collins na paborito kong tambayan.
Kung kasama ko lang si Angelique roon baka nasermonan na naman ako kasi ang boring ng buhay ko. Anyway, kaniya kaniyang trip naman iyan. We could still enjoy our life if we would only drink a cup of coffee with a cinnamon roll. Kung trip nilang magpakalasing e 'di bahala sila. Enjoying life doesn't only revolve around clubs and alcoholic drinks, anyway.
sablarrcas:
Okay. Amusement park na lang. Is it okay if we will watch a movie, too?
xvryuzon:
Sure! Ano'ng gusto mong panoorin?
sablarracas:
Tsaka na lang kapag nandoon na tayo.
xvryuzon:
okay! :)
I pressed my lips and battled with myself if I should reply him. I bit my lower lip while typing.
sablarracas:
Um, you look kinda busy. Ayos lang talaga sa 'yo na lumabas tayo mamayang 3 pm?
xvryuzon:
I can always make time for you, Sab. Don't worry.
Napahawak ako sa mga labi ko. I tried to kept my poker face while reading his text.
Don't smile, Sab. That's dangerous.
sablarracas:
Okay.
xvryuzon:
See you this afternoon, then? Sa MOA ba tayo?
sablarracas:
Gusto mo ba roon?
xvryuzon:
Kahit saan basta kasama kita.
Napapikit ako at napahiga sa kama. What the hell! Bakit ako kinikilig? I bit my lower lip while typing a reply.
sablarracas:
Sa MOA na lang tayo.
xvryuzon:
Okay, Sab. Do you want me to pick you up?
sablarracas:
Okay.
xvryuzon:
Pakisend na lang ng address mo, Sab.
I send him my address and when he replied 'thank you', I replied 'you're welcome'. Akala ko ay matatapos na pero nagreply siya ulit ng 'Okay'. Nag-react na lang ako ng heart. Tumayo ako at naghanap ng maisusuot. Pinili ko na lang iyong white square neck tank top, denim shorts, at short sleeve blazer shuit jacket. Sigurado akong malamig mamaya kaya magdadala na lang ako ng proteksyon sa lamig. I picked my favorite white Chuck Taylor All Star converse shoes and Louis Vuitton mini backpack.
Nagpaalam na 'ko kay Mom at Dad kanina na lalabas ako kasama ng isang kaibigan. They were delighted to know about it because I was going out with someone aside from Angelique. I was bewilthered because they didn't ask who. I checked the time and noticed that it was already two pm. Nagmamadali akong pumasok sa banyo atsaka naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na 'ko. I blow dried my hair and put on a light make up. Nilagay ko sa loob ng bag aking cellphone at wallet. Nilapitan ko naman si Silver at nagpaalam sa kanya na aalis muna ako.
Pagbukas ko ng pinto ay napatalon ako sa gulat dahil nakatayo roon si Dad. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Kape pa, anak."
"Sa 'yo naman po ako nagmana, eh."
Natawa siya at tiningnan naman niya ang suot ko. "I guess you have a date, huh?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi po ako makikipag-date."
"Huwag ka na mahiya, Sabby. Nasa tamang edad ka na rin naman. By the way, he's here."
Nanlaki ang mga mata ko. "Po?!"
He's here?! Nagmamadali naman akong naglakad pababa. Napalunok ako nang makita ko si Xavier na nakaupo sa sofa habang kinakausap naman siya ni Mom. Nang mapansin niya 'ko ay agad siyang tumayo. He smiled at me. Kabado akong naglakad papunta sa gawi nila.
"Hi," he said.
"Hi."
My Mom giggled like a teenager. Nakakunot naman ang noo kong nilingon si Mommy. Dad wiggled his brows and smiled. Seriously? Ano'ng nangyayari sa mga magulang ko?
"Umalis na nga kayo para hindi kayo gabihin," wika ni Mommy na para bang tinataboy na kami.
"Iuuwi ko po si Sabrina sa oras na sinabi niyo. Salamat nga po pala at pinayagan niyo po siya."
"Ano ka ba, hijo! Wala 'yon."
"Take good care of my daughter, Vier."
He bowed a little. "Yes, Sir."
Nakanganga lang akong nakatingin sa kanilang tatlo na para bang magkakilala na sila. Hinatid nila kami sa gate at napansin ko naman ang nakaparadang Territory sa labas. I kissed them goodbye. Binuksan naman ni Xavier ang pinto ng kotse niya kaya pumasok ako roon at kinabit ang seat belt. Una kong napansin ang kalinisan ng kanyang kotse. Nilingon ko naman siya na ngayon ay saglit na kinausap sina Mom and Dad. Pagkatapos niyon ay nag-jogged siya papunta sa driver's seat.
"I didn't know that you're close with my parents." Nakataas ang kilay kong sabi.
"Nagpaalam na 'ko sa kanila noong kasal ng pinsan mo. Akala ko nga ay hindi nila ako papayagan, eh."
I bit my lower lip. Bakit pumayag sina Mom at Dad agad e hindi pa nga nila kilala si Xavier? They only met on Amara's wedding, right? Pero bakit nagtiwala sila agad sa lalaking ito?
Sinulyapan niya 'ko atsaka ngumiti. Napansin ko naman ang pamumula ng kanyang tainga.
"Quit staring, Sab. Alam kong gwapo ako."
Inirapan ko siya. "Yabang."

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    22/08/2024

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    02/06/2024

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata