logo text

Chapter 20: The Question and The Call

I was catching my breath when we stopped in a mini garden. I unconsciously looked down at our intertwined hands. And when Xavier noticed I was looking at our hands, he cleared his throat and gently released my hand even though I could see the disappointment on his face.
"Ayos ka lang?"
I sighed. "Yeah. Medyo hiningal lang."
"Sorry."
Umiling ako. "No, it's okay. Mabuti na lang at tinakas mo ko roon. I was really uncomfortable earlier."
He shifted his weight and stared at me. I couldn't stand his stares, so I looked away. Napalunok ako at pilit na pinapakalma ang aking puso.
"It's been a long time, Sab. Kumusta ka na?"
"I'm good, Xav."
In my peripheral vision, I saw him nod and smiled a little. "Good to know that. . ."
Natahimik ako roon at hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin. It's been four years . . . and things have changed. Hindi ko nga lubos akalain na sa ganitong sitwasyon kami magkikita ulit. Actually, I never thought that our paths will cross again.
Ramdam kong marami pa siyang gustong sabihin pero halatang pinipigilan niya ang sarili. Maybe he thinks I am not comfortable talking about what happened ages ago.
"Sab."
"Xav."
Natigilan kaming dalawa at kalaunan ay sabay na tumawa.
"You first."
"Ikaw muna."
Napailing ako. Nagkasabay na naman kami. Just like before. 
"Lady's first," he said while adjusting the strap of his camera. Pansin ko naman ang mga ugat niya sa kamay. 
"Well, salamat nga pala kasi tinulungan mo 'kong makatakas doon."
Tumango siya. "I told you that my priority is your comfortability. Hindi ata napansin noong lalaki na naiilang ka na."
Lihim akong napangiti roon. Maybe there are still things that haven't change, huh?
"Maybe. Anyway, that was Levi."
Tumaas ang kanyang kilay. "Boyfriend mo?"
My brows met. "Of course not!"
He chuckled. "So defensive, Sab."
I rolled my eyes. "Hindi mo ba siya naaalala?"
"Hindi."
"Nakasama natin siya sa activity na inorganisa ni Olivia dati. Iyong katabi ko."
Nagtagpo ang kanyang mga kilay at saglit na nag-isip. Tila ba kinakalkal niya sa kanyang isipan ang memoryang iyon. 
"Nevermind. Mukhang hindi mo na siya naaalala."
He smiled. "Ikaw lang kasi 'yong naaalala ko, eh."
My lips parted a bit. Umiwas ako ng tingin at kinalma ang sarili kong nagwawala na naman. Damn! I didn't expect that banat from him. 
"Um, m-mauna na 'ko sa 'yo. You can go back to the hall."
"Uuwi ka na?"
"Yes."
"Bakit? Hindi pa tapos 'yong--"
"I'm tired. Gusto ko nang magpahinga."
Tumango siya at ngumiti ng kaunti. Tumango rin ako at tinuro ang labas. My gosh! Hindi ko na alam kung paano magpaalam.
"Um, it was nice seeing you again, Xav."
Maglalakad na sana ako palabas nang tawagin niya ang pangalan ko. I bit my lower lip when he said my whole damn name.
"Sabrina Angeli. . ."
Tanging si Angelique lang ang bumabanggit sa buong pangalan ko since siya lang naman ang kaibigan ko bukod kina Harper at Emma. And I never thought that I would hear it from him. It felt so good when he called me by my full name. 
Natigilan ako at dahan-dahang lumingon sa kanya. "What is it, Xavier Angelo?"
He licked his lower lip and ran his fingers through his hair. He shifted his weight and looked down. I noticed that he looked so problematic. Bigla ko namang naalala iyong nangyari dati kung saan hinatak niya 'ko papunta sa ibang direksyon. He was so problematic that time, too. Gusto niya raw akong kausapin pero hindi naman siya mapakali. He kept on murmuring something and ended up sighing. 
Buong akala ko ay magiging katulad pa rin ng dati. Pero noong nagbuntong hininga siya at nag-angat ng tingin sa akin ay parang lalabas na ang puso ko. His stares were straight into my eyes, and he looked more confident than before.
"If . . . if you're not busy one of these days. Can I ask you out, Sab?"
I blinked thrice. Parang nawala yata ang boses ko sa tanong niya. Come on, Sabrina! It was just answerable by yes or no. Nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya ay biglang nawala ang confidence sa kanyang mga mata. He gulped and scratched his nape and laughed awkwardly. Magsasalita na sana siya nang may biglang dumating. I don't know him, but I think they know each other because the guy has a camera, too.
"Vier, nandito ka lang pala! Kanina ka pa. . .  hinahanap. . . ni. . . Sir Mack." Unti-unting bumagal at humina ang boses noong lalaking dumating nang dumapo sa akin ang kanyang paningin. 
Tiningnan ko naman si Xavier na ngayon ay namumula ang tenga. Nagbuntong hininga siya at nagpaalam sa akin na babalik na sa hall bago hinila iyong lalaki papalayo sa akin. Nilingon pa 'ko n'ong lalaki pero agad na tinakpan ni Xavier ang kanyang mga mata at magkasalubong ang kilay na binulungan iyong lalaki. 
***
Pagdating ko sa bahay ay nakatanggap na naman ako ng message galing kay Levi. Kahit noong nasa loob pa 'ko ng sasakyan at nagmamaneho pabalik dito ay panay text na siya sa akin. He kept on asking me where I was because I suddenly vanished into thin air. Nireply-an ko na lang na umuwi na 'ko. 
My phone rang and it was my Mom. Agad ko naman iyong sinagot. Kagaya ni Levi, tinanong din ako ni Mommy kung nasaan daw ba ako. I told her that I was already at home. Medyo nasermonan pa 'ko kasi hindi raw ako nagpaalam lalo na kay Amara. I sighed. 
"Sorry, Mom. Pagod na po kasi ako. I'll just call Amara and apologize to her."
"Oh, sige. Basta sa susunod ay magsabi ka. Kanina ka pa kasi hinahanap ng Daddy mo."
"Okay, Mom. Sorry po ulit. Pakisabi na lang kay Daddy na umuwi na po ako."
Nang ibaba niya ang tawag ay naglakad na 'ko palabas ng garahe. Nagulat pa nga si Manang kanina kasi maaga raw akong umuwi. Sinabi ko na lang na pagod na 'ko. Perks of being an introvert, huh? We get drained easily when we're in a huge crowd.
Pagpasok ko sa ng kwarto ay napansin kong natutulog na naman si Silver sa kama ko. Natawa ako nang mapansin ang itsura niya. She was lying on her back and her feet were wide open. I got my phone out of my pouch and took her a photo and post it on my IG story.
Kaka-upload ko pa lang ay nagreact na agad ng heart si Xavier. Ginapangan ako ng kaba nang mabasa ko ang conversation namin four years ago. I was about to put my phone down when he replied to my IG story.
xvryuzon replied to your story:
Cute naman, mana sa nanay.
Hindi ko alam kung ano ang i-re-reply ko kaya nagtype na lang ako ng "thank you."
After that, I didn't receive any reply so I decided to clean myself and change my clothes. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay binuksan ko ang aking laptop at inabala ko ang sarili sa pag-open ng mga email. I applied for a job the other day. Maraming entertainment companies ang naghahanap ng scriptwriters. Sinabi sa akin ni Daddy na sa kompanya raw ako ni Tito mag-apply pero tumanggi ako. Ayaw kong magkaroon ng issue. Baka kasi sabihin ng ibang tao na nakapasok lang ako kasi Tito ko iyong may-ari.
I want to be known because of my works and my name. Not because of my Dad or my Tito. Mas masarap sa pakiramdam na nagsumikap ka para maabot mo 'yong isang bagay. That would be priceless.
Abala ako sa pagbabasa nang may matanggap akong email mula sa Fresh Pages. Nagsimula na 'yong pre-order last week and it will last next week. Wala akong ideya kung ilang tao na ang nagpre-order. I kept on praying to the heavens that, at least, there would be 50 people who would order my book.
My hand was shaking while I was clicking the email. Napalunok ako nang mabasang report pala ito sa mga nagpre-order ng libro ko. Hindi na 'ko humihinga habang binabasa ko ang report gamit ang aking mga mata.
I gasped and my eyes widened a fraction. "Oh my God. . ."
Muli kong binasa iyong sentence kung saan sinabi roon kung ilang tao ang nagpre-order ng libro ko. But this time, binasa ko iyon ng malakas.
"We've printed 200 books, and we distributed them to 3 bookstores with discounted orders, and we didn't expect that there would be 525 non-writers who pre-order your book. Don't worry because we will print more."
I bit my lower lip and screamed at the top of my lungs. Tumalon ako sa kama habang sumisigaw at napansin kong tumalon din ang natutulog na si Silver. Napamura ako nang mahulog siya sa kama kasi sobrang lakas pala nang pagkakatalon ko. She hissed when I picked her up. Tumawa naman ako at niyakap siya habang sumisigaw pa rin sa tuwa. 
"We made it, Silver! We fucking made it!"
She meowed as if she understood what I said. Hindi pa rin makalma ang puso ko kaya sumigaw ako ulit. Narinig ko naman ang sunod-sunod na pagkatok ni Manang. Nang pagbuksan ko siya ay puno ng pag-aalala ang kanyang mukha pero napalitan ito ng pagkabigla nang yakapin ko siya habang sumisigaw pa rin.
"D-diyos ko, hija. H-hindi na 'ko makahinga."
Agad ko namang binitawan si Manang at nagsorry. Naubo siya atsaka marahang tinapik ang kanyang dibdib. "Ano ba ang nangyari sa 'yo, Sabrina? Kinabahan ako sa pagsigaw mo!"
I giggled. "Sorry po. Sobrang saya ko lang po talaga!"
"Ano ba iyon, hija? Buong akala ko'y may nakita kang gagamba kaya ka sumisigaw."
"Marami pong nag-order ng book ko! I didn't expect po talaga!" 
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. "O-order? Book? Teka. . . nagbebenta ka na ulit, anak?"
Impit akong sumigaw kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sunod sunod naman akong tumango. "Yes, po! When I was in New York, there was a publishing company that offered me a contract po para mapubslished po iyong gawa ko."
Masayang pumalakpak si Manang. "Naku! Sobrang saya ko para sa 'yo, hija! Alam na ba ito ng Mommy at Daddy mo?"
"I'll tell them as soon as they arrive po."
"Congratulations sa bago mong achievement, hija! May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita! Dapat nating ipagdiwang ang success mo!"
"Hmmm. I want cinnamon roll po!"
"Sige. Magluluto ako ngayon. Nasabi mo na rin ba kay Angelique ang balitang iyan? Papuntahin mo siya rito para makapagdiwang tayo."
Tumango ako. "Sige po. Text ko po siya."
Nang makaalis si Manang ay hindi pa rin nawawala ang saya ko. I was so overwhelmed. I only prayed for 50 people but God made it double . . . even triple! Muling bumalik sa alaala ko ang unang beses na nagpublish ako ng libro. Bilang na bilang lang sa kamay ang mga nag-order noon. I have a list of their names, and I even made a handwritten letter for them because I want to express my gratitude to them. I really appreciate them so much. 
Isa rin si Manang sa mga nag-order ng book ko dati. Kahit hindi siya mahilig magbasa ng novel ay bumili pa rin siya kasi gusto niya raw na i-display sa cabinet niya iyong libro ko. Dalawang copies pa nga ang binili niya para tag-isa raw sila ni Manong Luis. 
Nakangiti akong kinuha ang aking cellphone at uupo na sana sa aking swivel chair nang mapansin kong nakahiga roon si Silver. Ngumuso ako at ako na lang ang nag-adjust. Nakakahiya naman sa mahal na prinsesa. 
I tried to call Angelique, but she wasn't answering her phone, so I decided to send a message on her Instagram. I was still immersed in the idea that many people ordered my book, but I didn't notice that I'd sent it to the wrong person!
Napamura ako at nanlaki ang aking mga mata nang magreply si Xavier sa message ko! 
And yes, kay Xavier ko nasend iyong message! Buburahin ko na sana iyon pero nakapagreply na siya, eh! Nabasa na niya. Nakakaloka ka, Sabrina! Hindi pa naman siguro nanlalabo ang mga mata mo, hindi ba?
"You're stupid bitch, Sabrina." I murmured and put my phone down. Nakakahiya talaga! Halatang halata sa reply niya na nalilito siya. Tanging "ha?" lang iyong reply  niya!
Napa-face palm ako at narinig kong tumunog ulit ang cellphone ko. I bit my lower lip and read his second message. 
xvryuzon:
HAHA mukhang wrong send ka ata, Sab. Ngayon na lang ulit tayo nagkita pagkatapos ng apat na taon kaya imposibleng papapuntahin mo ako agad diyan sa inyo. Pero pwede ko bang malaman 'yong good news na 'yan?
I licked my lower lip. Should I tell him? Well, it's a good news. Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya iyong achievement ko. Pero paano kung bumili siya? Tapos kapag nabasa niya . . . shit! Oo nga! Paano kapag nabasa niya? E di malalaman niya na iyong sinulat ko ay iyong nangyari sa amin four years ago! Mas lalong nakakahiya 'yon!
Pinaypayan ko ang aking sarili at nag-isip ng pwede kong gawing palusot. I was about to type in a reply when I noticed that I received an email from one of the companies I applied to! Nagmamadali naman akong binuksan ang email na ipinadala sa akin ng Elipses Entertainment, ang isa sa pinakasikat na entertainment company rito sa Pilipinas. 
Narinig ko ang pag-ngiyaw ni Silver, halatang naistorbo ko na naman ang tulog niya. Marahan kong itinabi ang aking upuan at binasa ang email. 
My lips parted. "No way. . ."
Shit! Natanggap ako! Oh my god! My vision became blurry because I couldn't handle the emotions I felt right now. I think that the heavens poured a bucket of blessings for me today. Successful na nga iyong pagpublish ko ng book tapos natanggap pa 'ko sa trabaho. 
I couldn't thank the Lord for everything. 
I wiped my tears and picked my phone. Sa wakas! May irarason na rin ako kay Xavier. At dahil punong puno ng luha ang aking mga mata ay hindi ko sinasadyang matawagan siya. Umawang ang labi ko at papatayin ko na sana ang tawag nang sagutin niya ito! Holy cow!
Such a clumsy hand!
Napapikit ako at gusto ko na lamang iuntog ang ulo sa lamesa! I sighed and opened my eyes before I put the phone on my ear. Wala akong marinig na ingay kaya sigurado akong lumayo siya sa hall kung nasaan iyong reception area. Medyo nagtataka lang ako kasi online sa Instagram ngayong isa siya sa mga photographer ng kasal.
"Hello?"
I bit my lower lip when I heard his manly and deep voice on the other line. 
"H-hi."
"So. . . what's the good news, Sab?"
I pressed my lips. Oh my god! Bakit ang gwapo ng boses niya?
"Um. . . Natanggap ako sa trabaho. . ."
"Talaga? Wow! Congrats!"
I smiled. "Thank you."
And there was silence. Ibababa ko na sana ang tawag kasi nahihiya na talaga ko nang marinig ko siyang magsalita.
"Sab."
"Yes?"
"Iyong. . . iyong tanong ko kanina. Naalala mo?"
My brows met. Tanong? May tinanong ba-- "Oh. Yes, I remembered it. Why?"
I heard him heaved a deep breath. "Pwede bang. . . yayain kita na lumabas? Kung ayos lang sa 'yo?"
I gulped. Calm down, heart. "O-oo naman."
Narinig ko siyang napasabi ng "yes!" sa kabilang linya. I shook my head and hung up the call.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    22/08/2024

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    02/06/2024

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata