logo text

Chapter 16: The Messages She Never Read

I yawned and rubbed my left eye. Nag-unat ako atsaka humalumbaba sa portable table habang nakatitig sa aking laptop. Abala ako sa pag-e-edit ng aking manuscript ko ngayon dahil malapit na ang deadline ng pagpasa. I deleted the novel I wrote four years ago and wrote a new one. It was challenging to start a new but my inner voice said so. And it took me almost a year to finish it. 
Kasi naman hindi ko alam kung bibigyan ko ba ng happy ending 'yong characters ko e hindi naman naging maganda ang hiwalayan nila. I mean they're not together in the first place. They're just strangers who fall in love in an unexpected place and fall apart because the girl needs to go back from where she truly belongs.
It wasn't a very sad ending because, in the end, they met again. But they were both in a happy and healthy relationship. 
I sighed and read the last paragraph of my epilogue using my eyes. 
Just like the horizon where the blue sky almost kissed the turquoise seas, some people also met, but they were not meant to be. Although we're filled with almost, our story is still beautiful. I fell in love with him in the most unexpected place. But just like the horizon, that gets closer and closer, but in the end, we can't be together. And it's okay. Because sometimes. . . that's how life works. 
I smiled sadly. If by chance he would read this book. It was like he was reading what had happened between us in Bantayan Island four years ago.
Hindi ko nga alam kung bakit iyong nangyari sa aming dalawa ang naisipan kong isulat. Maybe because it was one of the most unforgettable moments of my life. Honestly, I couldn't let go of the memories I had with him. May makita lang akong camera ay bigla ko siyang naaalala. Even the theme song of Camp Sawi reminds me of him. The beach, sunset, coffee, movie theater, and the plane--I remember it all too well. 
It's like a vivid dream whenever I see those things.
Somewhere On The Horizon, was a blast. In my entire writing journey, I didn't expect that many people would read my story. Dati, nakakaramdam pa 'ko ng inggit sa mga kapwa ko manunulat kasi maraming reads 'yong stories nila. But the moment I stopped minding the reads and just focus on writing and finishing my story, that's the time I gained a lot of readers. 
Nakakataba ng puso kahit hati ang reaksyon ng readers ko sa Gemstone ay naging matunog pa rin naman ang kwentong isinulat ko. As they say, you need to take the good with the bad. A lot of readers understand why the ending was like that, and I was happy because they learned something from Ianna and Ronan's love story. 
I sighed again and glanced on my wrist watch. We've been flying for seven hours now. At sa loob ng pitong oras ay ang pag-e-edit lang ang ginawa ko. Tiningnan ko naman si Silver na ngayon ay nasa kandungan ko at natutulog na naman. Hay! Nilingon ko aking mga katabi. Tulog din sila. I blinked thrice and stretched my arms. Humikab ako ulit.
"Ma'am, here's your coffee," the flight attendant said.
My lips parted and my brows met. "What? I'm sorry but I didn't order a coffee, Miss."
"Oh, someone gave this for you, Ma'am."
For a moment, I lost my tongue to speak. Nakangiti niyang nilahad sa akin ang medyo umuusok pa na isang tasa ng kape. Kahit na guguluhan ay tinanggap ko pa rin naman. 
"Uhm, may I know who gave this?"
"I don't know, Ma'am. But I think he's one of the passengers."
I pursed my lips and nodded. "Okay. Thank you."
She bowed a little and smiled before walking away. I closed my eyes and the aroma filled my nose. Maingat akong sumimsim at tumango-tango pagkatapos kong malasahan iyon. 
"It's good," I whispered and smiled before sipping again.
Bumaba ang tingin ko kay Silver nang ngumiyaw siya at nagmulat. Tatanungin ko pa sana siya nang bigla siyang tumalon at nagsimulang gumala. I cussed and put down my coffee and followed her. Mabuti na lang ay nasa gitna ako nakaupo at nasa gilid kaya hindi ako makakaabala kapag lalabas ako.
She started to walk like she was just strolling around the house! My gosh, Silver!
"Hey, Silver. Come back here."
Ngumiyaw lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. I frowned and I was about to catched her when she suddenly ran to the other side! 
"Silver! Come back here!" Bulong ko pero bakas sa aking boses ang inis.
Mabuti na lang at agad ko siyang nahanap kaya nagmamadali ko siyang damputin. Ngumiyaw siya ulit. I caressed her head and sighed. Nakakaloka kang pusa ka!
"Mr. Vier is here. Did you see him?" 
"Vier? You mean the famous photographer from Paris?" 
"Yes! I saw him earlier. He was so hot!" 
Hindi ko naman napigilan na lingunin ang dalawang foreigner na nagdadaldalan hindi malayo sa kinatatayuan ko. They continued talking about Mr. Vier, a famous photographer from Paris, whom I didn't know. Dahil hindi naman ako mahilig makinig ng usapan ay tumalikod na 'ko para sana bumalik sa aking puwesto nang may mabangga ako. 
"Shit. I'm sorry."
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nabangga ko. He was wearing a hoodie and a face mask kaya hindi ko makita ang mukha niya. Ang kanyang mga mata ay medyo nanlalaki dahil siguro sa gulat. I bowed a little and apologize again. 
"It's okay." Mahina niyang sabi. 
Tumango lang ako at naglakad pabalik sa aking upuan habang mahinang pinapagalitan si Silver. 
"Welcome back, Sabrina Angeli!" sigaw ni Angelique habang may hawak na tarpaulin.
Umawang ang labi ko nang makita ko ang itsura ng tarpaulin. Pamilyar sa akin ang picture. Right! It was my photo in Bantayan Island four years ago. Uminit ang aking pisngi at hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil ang background na ginamit niya ay langit! Tapos may nakalagay na 'Welcome back, Sabrina Angeli Larracas!' 
I licked my lower lip. Jesus Christ!
"Seriously, Angelique Laurene?!" I exclaimed and grabbed the tarpaulin. Nilingon ko ang mga taong nandito at ang iba sa kanila ay weirdong nakatingin sa amin. Tumawa siya habang si Ace ay umiiling lang dahil sa kakulitan ng girlfriend niya. Dumapo ang tingin ko sa kaibigan na ngayon ay nakangiti lang at bigla akong niyakap.
"I miss you!" 
I sighed and hugged her back. "Damn you, bitch. Ano'ng akala mo sa 'kin, patay na?"
She chuckled. "Oo, patay na patay pa rin kay Xa--"
She groaned when I pinched her waist. Agad siyang bumitaw sa yakap at nakangiwi habang hinihimas ang kanyang beywang na kinurot ko. Lumapit naman si Ace at nag-aalalang dinaluhan ang girlfriend. Tumaas ang kilay ko nang tumingin siya sa akin.
"Oh? Tingin tingin mo riyan? Noong ginawan niya 'ko ng ganito hindi ka nagalit?" wika ko sabay taas ng tarpaulin.
He cleared his throat and averted his gaze. "Pinagsabihan ko na, Sab, pero ayaw pa rin makinig. Ang tigas talaga ng ulo nitong kaibigan mo."
Inirapan ko siya. "Weh? Talaga ba? Pinagsabihan mo? Ang alam ko under ka sa kanya, eh."
Angelique giggled and clung her arms. "Uwi na nga tayo. Babe, ikaw na ang magdala ng maleta ni Sab, ah? Love you!"
Parang asong sumunod naman si Ace sa utos ng girlfriend niya. Ipinagkatiwala ko na rin sa kanya ang carrier kung nasaan si Silver na kakagising lang. 
I rolled my eyes again and frowned. "Cringed mo."
"Sus! Bitter ka lang kasi wala kang jowa. Ano ba 'yan! Apat na taon ka sa New York tapos ni isa wala talaga?"
"I told you, I was fucking busy with studying."
She smirked. "Paano 'yan ngayon e graduate ka na? So, pwede na?"
I made a face. "Shut up. I'm busy with writing. Marami pa 'kong ongoing stories na kailangan tapusin."
"Grabe ka naman! Hindi ba uso sa 'yo ang makipagdate?"
I shrugged. "Tinatamad ako."
Magsasalita pa sana si Angelique nang magsalita si Ace. "Babe, kukunin ko lang 'yong sasakyan. Hintayin niyo na lang ako rito."
Tumango si Angelique. "Okay!"
Pinaalalahanan ko naman siya na ingatan si Silver. Tumango lang siya at naglakad papunta sa kung saan siya nagpark. Gabi na pala. Kaya sure ako na medyo matatagalan pa kami bago makauwi dahil sa traffic. Nanatili naman kaming dalawa ni Angelique sa labas ng airport, nakatayo at nagchi-chismisan--siya lang pala.
"Siya nga pala, naalala mo si Maricar?"
"Who's that?"
"Iyong kaklase natin noong senior high school, 'yong sinabihan kang malandi kasi nagka-crush sa 'yo 'yong boyfriend niya?"
Nagtagpo ang kilay ko at hinalughog sa kasulok-sulukan ng aking memorya ang babaeng nagngangalang Maricar. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na ang babaeng isa rin sa nambully sa akin noon. She even humiliated me on social media, accusing me that I stole her boyfriend. My gosh! Ang pangit nga noong boyfriend niya tapos aakusahan niya 'kong mang-aagaw?
"Right! Naalala ko na. Bakit?"
Humalakhak siya bago nagsalita. "Hindi ba sinabihan ka niya dati na nasa loob ang kulo kasi tahimik ka tapos mabubuntis ka raw nang maaga kasi malandi ka raw."
"I don't . . . remember she said that."
"Tangina mo kasi paano mo maalala e naka-earphones ka noon! Kaya abot langit ang galit noon sa 'yo kasi wala kang pakialam sa kanya, eh. Tapos ayon na nga, alam mo bang nabuntis siya noong third year college?"
My forehead creased. "Really?"
"Oo! Nakakaloka. Ang yabang niya kasi e ayan tuloy siya pa 'yong nauna."
Umiling na lang ako. "Pabayaan mo na 'yon."
She continued talking. Grabe. Ang dami niyang baon na chismis, ah. Ganoon ba talaga 'ko katagal na nawala? Huminga ako at nakinig na lang sa mga chismis niya. Nang may pumaradang puting sasakyan sa tapat namin ay agad naman na binuksan ni Angelique ang backseat. Nasa passenger seat kasi si Silver kaya sa backseat na lang kami umupo. She continued talking. Ilang minuto ang lumipas ay tumahimik na rin siya at nag-insist na ako naman daw ang magkwento.
I sighed. "Halos na kwento ko na sa 'yo ang mga nangyari sa akin, Gel. Ano pa bang ikukuwento ko?"
She twitched her lips. "Sa eroplano?"
I looked at her weirdly. "Natulog lang ako buong byahe."
She scoffed and picked out her phone from her pocket. "Picture tayo!"
Nakailang take rin kami bago siya tumigil. She scribbled on her phone. Ako naman ay sumandal sa kanyang balikat at pumikit. Pagdating namin sa bahay ay agad akong sinalubong nina Mommy, Daddy, Manong at Manang. Niyakap ako nang mahigpit ni Mommy kahit kakakita lang namin last month, sa graduation ko. 
"Naku! Mas lalo kang gumanda, anak!" wika ni Manang.
I chuckled. "Thank you po."
Pagkatapos ng kaunting batian at yakapan ay kumain na kami. Napuno ng tawanan ang dining table kasi nandito si Angelique. Umiiling na lang ako kasi ang ingay niya talaga habang si Ace naman ay nakatingin lang sa kanya at nakangiti. Mukhang nasisiyahan din sa kwento ng girlfriend niya. Since Angelique is the only friend I have, my parents treat her as their daughter, too. Ilang oras din na nanatili si Angelique at Ace bago sila nagpasya na umuwi na. Gusto ko sanang dito na siya matulog pero kailangan siya bukas sa trabaho niya. Tsaka malayo rin talaga rito sa amin ang pinagta-trabahuan niya. 
I sighed and waved my hand. "Text me if you're not busy anymore. Let's have a date!"
"Oo naman! Magle-leave ako para sa 'yo!" aniya at tumawa pa.
Nang makaalis na sila ay bumalik ako sa loob. Agad namang hinanap ng mata ko si Silver na ngayon ay pinakapakain ni Manang. 
"Siya nga pala, malapit na 'yong kasal ng pinsan mong si Amara. She's inviting us, Sab," wika ni Mommy.
Napalingon ako kay Mommy. "Really? Kailan po?"
"Next week, hija. May binigay na siyang invitation at isa ka sa mga abay."
Tumango ako. Amara is my cousin on my Dad's side, and she's a year older than me. We're not close but not distant either. Nagkakausap naman kami pero hindi tulad sa mga pinsan ko sa side ni Mommy na close ko talaga. Dalawa lang din naman ang pinsan ko sa father side kasi dalawa lang din naman sina Daddy. Iyong kakambal niya na si Tito Mack. 
"Okay po. Akyat na po ako sa taas, My."
She nodded. Lumapit ako sa kanya at humalik pati na rin kay Daddy na ngayon ay abala sa harap ng kanyang laptop. Nag good night na rin ako kay Manang bago pumanhik sa taas. Pagpasok ko sa room ko ay ganoon pa rin ang itsura. My eyes dropped on my bed and smiled. I miss my bed so much, but I need to clean myself first before lying down.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pinatuyo ko muna ang buhok ko and I did my skin care too. Kinuha ko ang aking phone bago humiga sa kama. Nagdadalawang isip pa 'ko kung bubuksan ko ba ulit ang social media accounts ko. Huminga ako ng malalim at para bang may sariling utak ang mga daliri ko at nagdownload ng application. I still remember my email and password. And in a heart beat, I was able to recover my account again. 
I bit my lower lip because I received a lot of notifications and messages on my Facebook account. Para na 'kong mawawalan ng hininga. I gulped the lump in my throat after clicking the message button. Umawang ang labi ko nang bumungad sa akin ang napakaraming messages galing kay Xavier. Hindi ko alam kung paano niya nahanap ang account ko pero hindi rin naman talaga mahirap hanapin ito. 
I licked my lower lip and my fingers were shaking while clicking his messages. My heart was beating so freaking loud when I noticed a lot of messages. Yes, a lot. Since makikita rito kung ilan ang unread messages. Para akong nahilo nang makita kung ilan iyon. A total of 945 messages! My eyes widened a fraction when I noticed the date of his recent message. 
Damn. It was one week ago.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    22/08/2024

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    02/06/2024

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata