TAOZ- 31

Gio Pov.
Ilang oras rin ang naging byahe namin bago kami nakarating. Nag ikot ikot pa kasi kami para tumingin kung may iba pang survivors. Nakita rin namin ang grabeng epekto ng Epidemya na ito sa City namin.
Pagkarating namin ay agad kaming hiniwalay sa isa't isa. Kada isa saamin ay may sariling tent na tinutuluyan. Hindi naman daw dito kami manunuluyan. Dito lang muna kami sa loob ng ilang araw para maghintay sa test na gagawin saamin.
Araw araw ay Dinadalhan lang kami ng pagkain at tubig sa Tent. Minsan nag uusap rin kami. Magkalapit lang kasi ang mga Tent namin kaya rinig namin ang bawat isa. Masasabi kong mabuti narin naman ito keysa sa sitwasyon namin noon.
Kahit papaano ay nakakatawa na kami at wala na kaming pinoproblema sa Pagkain, Tubig at sa kaligtasan namin. Noon talaga ay akala ko mamamatay na ako doon. Nawawalan rin ako ng pag asa pero tuwing nakikita ko ang mga kasama ko na lumalaban ay tumitibay rin ang loob ko.
Masaya ako at Ligtas na kami. Minsan naiisip ko rin si Mari. Kahit madalas kaming mag away noon at palagi ko siyang inaasar ay hindi ko ma deny sa sarili ko na gusto ko siya. Masakit man ang pagkawala niya pero alam ko na Masaya na siya ngayon kung nasaan man siya. I'll try to enjoy my life for her.
Isang Linggo rin ang inantay namin para sa result ng mga test namin. Sabi nila ay may dalawa saamin na nadevelop ang antibodies. Kahit wala nang vaccine ay pwedeng maging kagaya namin ang mga ibang survivors. Sa pamamagitan ng plasma nila. At ang dalawang iyon ay sina Olivia at Alex.
Pinagpaalam muna nila sa mga magulang nila ang tungkol sa pagkuha ng plasma ng dalawa. Pumayag rin sila gayundin sina Alex at Olivia. Dinala sila sa isang kwarto at doon kinuhanan.
.
.
.
Rex Pov.
(1 year Later)
Inayos kona ang buhok ko at sinuot ang eyeglasses ko. Maaga akong nagising dahil sabay kaming papasok ni Lian sa school. Sabay kaming nag enroll para sa Nursing. Sabi kasi niya gusto niyang bumalik sa pag aaral para maging nurse at sinamahan ko nalang siya. Paglabas ko ay nakita kona agad siya. Nakatayo siya at nakataas ang kilay na sinalubong ako.
"Ano ba, Rex! Late na tayo!" Ani niya. Napangiti ako ako.
"Tara na? Sorry na.." ani ko. Kinuha ko ang bag niya at hinawakan ang kamay niya. Nakasimangot naman siyang sumunod sakin.
Isang taon narin ang nakalipas nang mangyari ang kaguluhan na iyon. Anim na buwan rin kaming nanatili doon. Hindi kami pinabalik ng mga sundalo kasi aayusin daw muni ang lugar at sisiguraduhin daw muna nila na ligtas na para sa lahat. Sa pagbalik namin sa ating bansa ay nakikita parin namin ang bakas ng epdidemya.
Hindi na kagaya ng dati ang lahat. Malaki rin ang nabawas sa populasyon ng bansa ang nawala dahil sa nagdaan na Crisis. Kahit ganoon ay nakikita parin sa mga Tao na gusto nilang magpatuloy sa pamumuhay. Marami man ang nawala sa mga mahal namin sa buhay ay Marami parin ang rason para magpatuloy.
Pagkatapos nang Klase namin ay napagkasunduan namin na magkita kita sa dating paaralan nila Olivia. Hindi na inayos ang paaralan dahil sa malaking damage nito. Kaya sa ibang paaralan nalang nagpatuloy sa pag aaral sina Olivia.
Pagdating namin ni Lian ay sinalubong kami ng mga ngiti ng mga kasamahan namin. Lahat kami ay andito: ako, Lian, Gio, Sir Dale, Sir Mark, Olivia, Shelly, Mike at Alex.
.
.
.
Olivia Pov.
Unang pinuntahan namin ay ang Gym  kung saan kami unang nag sama sama nina shelly. Pagpasok namin ay Nakita namin agad ang sira na Gate at Sobrang gulo ng Gym. Naalala ko agad ang mga nangyari dito.
"Pumunta kami dito dahil inutusan kami na Kumuha ng mga natitirang Boxes para sa Donation ng School. Mabuti nalang pala at pumunta tayo dito. Kung hindi siguro, hindi tayo magkakasama sa araw na 'yon" ani ni Mike.
Lumabas kami sa Likurang bahagi ng Gym at pumunta sa unang Classroom na Pinagtaguan namin.
"Dito namin unang nakita si Adriana, Umiiyak siya dito nagtatago.." ani ko. Hindi ko mapigilan na maiyak nang maalala ang pangyayaring iyon.
Sinabi rin namin na sa itaas ay doon namin nakita sina Yuna at ang mga kaibigan niya. Nakakalungkot nga lang kasi Walang nakaligtas sa kanilang apat.
Sunod naming pinuntahan ay ang ikalawang Kwarto na pinagtaguan namin sunod nito ay ang Rooftop. Sinabi namin sa kanila ang lahat na pinagdaanan namin. Bago kami umalis sa building na iyon ay inalayan namin ng dasal si Alice kung saan siya Namatay.
Pagkatapos noon ay Lumabas na kami ng Campus at napadaan kami sa Police Station. Naiayos ito pero hindi na ito kagaya noon. Huminto rin kami at inalala ang pagkamatay nina Ivan. He betrayed us but also thanks to him ay nakasama namin sina Ate Lian. Dumaan rin kami sa Supermarket na Pinagtaguan namin. Naiayos rin ito at pinupuntahan narin nang mga Tao.
Marami man ang nangyari pero ang importante ay magkakasama na kaming lahat. Kahit gaano man katagal ay siguradong makakabangon rin ang lahat. At ang lahat nang nangyari ay maibabaon rin sa Limot.
The End~
THANK YOU EVERYONE FOR SUPPORTING THE ATTACK OF Z!😊

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    Iri Sh

    super Ganda😍

    16/09/2025

      0
  • avatar
    歌う ル

    Yes

    26/09/2024

      0
  • avatar
    Nimrod Selma Gambe

    sarap

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo