TAOZ- 30

Alex Pov.
Nauna ulit akong gumapang. Pagkatayo ko ay naramdaman kona agad ang pagtututok ng baril saakin. Tinaas ko ang kamay ko at napaatras. Unti unti naring nakadating sina Olivia at iba pa naming mga kasamahan at nagsi taasan rin ng kamay.
"Sandali lang!" Ani ni Kuya Dale at Pumunta sa harapan namin.
"Ibaba mo ang baril mo!" Ani ng Lalaki na may takip sa mukha. Dahan dahan na binaba ni Kuya Dale ang Baril at Tinaas ang kamay.
"Ibaba niyo ang mga baril niyo, Natatakot ang mga Bata..." tumingin saakin ang Isa pang lalaki at ngumisi. "..... isa akong sundalo, baka pwede muna nating pag usapan to" mahinahong ani ni Kuya Dale.
"Ibaba niyo ang mga baseball bat at baril niyo. Pagkatapos ay umakyat kayo sa bus." Ani niya.
Binaba namin lahat ng armas na meron kami. Isa isa kaming umakyat sa bus. Aakyat na sana si Olivia nang hilahin siya ng isa sa mga lalaki.
"Bitawan mo siya!" ani ko. Lalapit na sana ako pero tinutukan agad ako ng kasamahan niya ng baril sa ulo.
"Pasok!" ani niya. Tiningnan ko si Olivia at nakikita ko ang takot sa mga mata niya. 
"Sige na nga... Para Hindi ka malungkot.. Kukuha pa ako ng makakasama mo" ani ng lalaki na mayhawak kay Olivia at Ngumisi. Sumenyas  siya sa kasamahan niya at ngumisi naman ito. Lumapit siya kay Shelly at Hinila rin ito. Pipigilan rin sana ng mga kasamahan namin pero tinutukan rin sila ng Baril.
Hinila nila sina Shelly at Olivia sa isang sasakyan at pinapasok ito. Umupo na kaming lahat at umakyat narin ang ibang mga lalaki.
"Ano ang gagawin niyo sa kanila?" Ani ni Kuya Dale.
"Wala na kayong, pakialam dun. Paano kayo nakarating dito?" ani ng lalaki.
"Walang magsasalita saamin kapag hindi niyo binalik ang dalawang kasamahan namin" ani ni Kuya Marcus.
"Ahh Talaga ba?.." Ngumisi ang lalaki at tinutukan sa ulo ng baril si Ate Lian.
"Wag! Mga hayop kayo!" Ani ni Rex.
"Ano? Hindi parin ba kayo magsasalita? Wag niyo akong subukan.. ako ang may pinaka maikling pasensya dito.." ani niya. 
Bumuntong Hininga si Kuya Dale at nagsalita.
"Magsasalita kami, Basta wag niyo lang sasaktan ang mga kasamahan namin" ani niya.
"Sige, Madali naman akong kausap eh..." Tinulak ni si Ate Lian at umupo. "... So ngayon sabihin niyo sakin, paano kayo nakarating dito? Sa dami ng infected sa labas.." Tumingin si Kuya Dale kay Kuya Marcus na parang nagpapaalam. Tumango ito na ang ibigsabihin ay pumayag siya.
"May itinurok na vaccine saamin kung saan hindi kami maaamoy at makikita ng mga Zombies kaya madali lang kaming nakadaan sa maraming zombies sa labas.." ani ni Kuya.
"Vaccine? Saan niyo yan nakuha?"
"Sa Taong may gawa rin nitong virus nato. Unfortunately, Namatay na siya.."
"Meron paba kayo ng vaccine na yun?"
"Wala na, naubos na namin" 
"Hmmm. Sinabi mo kanina na Sundalo ka. Anong nangyari? Nasan na ang mga kasamahan mo?"
"Mukhang di niyo pa pala alam. Wala na silang lahat dito.. Dinala nila ang ibang survivors sa ibang bansa at hindi ko alam kung babalik pa sila dito."
"Kung ganon, Buong Pilipinas ay Infected na?"
"Hindi ko rin naman masasabi... Pero maaari rin, Nakita naman natin kung gaano kabilis maghawaan ang mga infected."
.
.
.
Olivia Pov.
Pinapasok kami ng mga lalaki sa isang sasakyan at pinaupo sa backseat. 
"Aray! Ano ba! Dahan dahan naman Manong!" Mataray na ani ni Shelly. Tinatalian kami ngayon sa kamay ng Lubid.
"Tumahimik ka nga Miss, Nakakarindi yang boses mo eh!" Ani niya. 
"Whatever" ani niya at inirapan ang lalaki. Ilang minuto rin kaming andito sa sasakyan. Binuksan lang nila ang Bintana para makahinga kami.
Tumingin ako sa Bus kung asan sina Kuya at nakita ko si Alex na nakatingin sa gawi namin. Mukhang nag aalala talaga siya saamin. 
"Ano kaya ang gagawin nila saatin?" Bulong ni shelly.
"Hindi ko rin alam. Pero sana wag nilang sasaktan ang iba pa nating mga kasamahan"  Sabay kaming Tumingin sa Bus at mukhang may pinag uusapan sila. 
"Lumalabas na siya.." ani ni Shelly. Lumabas ang lalaking may hawak ng baril at naglakad papunta sa gawi namin.
"Papunta siya dito..." Ani ko. Umayos na kami ng Upo. Bumukas ang Pinto at nakita namin ang Panget na lalaki.
"Hey, Young Ladies" Nakangising ani niya. Yuck dude, para kang Adik!
Hindi namin siya pinansin. Hinila niya ako palabas at ganun rin si Shelly. Dinala nila kami sa nakaharang na Sasakyan. 
"Tingnan natin, Kung totoo nga ang sinasabi ng mga kasamahan niyo" Ani niya. Tinulak niya kami at tumambad samin ang napakaraming Zombies. Napalunok ako ng makitang papalapit sila saamin. Inamoy ako ng Isang Infected pagkatapos ay Dinaanan lang ako. 
Alam naman namin na hindi kami maaamoy ng Zombies dahil sa vaccine. Siguro 'yon ang sinabi nila sa mga 'to. Tumingin uli ako sa kanila at sinenyasan kami na bumalik na. Tumingin ako sa bus kung asan sina kuya at lahat sila ay nakatingin saamin.
Lumapit kami ulit sa kanila at hinila nila kami papasok. Kami pa ang pinaharang pabalik ang sasakyan para hindi daw sila maamoy.
"So, Totoo nga?..." ani niya. Lumapit siya saakin at hinawakan ang mukha ko. "... iniisip kopa kanina na useless lang ang pagdakip namin sa inyo pero mukhang hindi pala."
"Bitiwan mo ang mukha ko.." may pagbabanta na ani ko. Isa sa mga kinaiinisan ko ay ang hinanawakan ng kung sino sino ang mukha ko.
"I'm Jay, by the way" ani niya at inalis ang kamay sa mukha ko.
"Walang nagtanong" ani ni Shelly. Napatawa lang yung Jay na 'yon at tinalikuran kami.
Hindi nila kami pinabalik sa sasakyan. Pinaupo lang nila kami sa maruming sahig. Nararamdaman ko narin ang hapdi ng pagkakatali sa kamay ko. Haystt, sana lang hindi magkapeklat.
"Ano na ang gagawin natin ngayon? Mukhang walang balak yung mga 'yon na palayain tayo" bulong ni Shelly.
"Sa una palang ay balak na nila tayong gawing pa-in sa mga Zombies, kaya lang eto nga at Vaccinated tayo. Mukhang gagamitin nila tayo upang maging taga protekta nila" ani ko.
"As if naman na Tutulongan natin sila noh." Inis na ani niya.
May lumapit saamin na isang lalaki at binigyan kami ng Tubig.
"Pano namin iinumin yan? Paano kung mag lason yan?" Ani ko.
"Wag kayong mag alala. Mahigpit na binilin ni boss na alagaan kayo ng mabuti.." ani niya.
"Inumin mo muna.." ani ni Shelly. Binuksan niya ang dalawang bottled water at uminon nag tig kukunti dito.
"Happy?" Ani niya at nilapag ang bottled water at naglakad papalayo.
"Don't drink it." Ani ko. Sinipa ko ang dalawang bottled water at natapon ito sa sahig.
.
.
.
Gabi na at andito parin kami. Nakaupo parin kami sa maruming sahig at nakatali ang mga kamay. May dalawang nag babantay saamin at yung iba ay hindi ko alam kung nasaan. Hindi narin kami dinalaw ng Jay na iyon.
"Let's go.." tumayo kaming dalawa at lumapit sa dalawang nag babantay.
"Hoy! San kayo-" hindi na niya natulog ang sinasabi niya ng sipain ko siya sa tyan. Ganoon rin si Shelly.
"Goodnight, Boys" i smirked. Sinipa ko ang Mukha niya at nawalan siya ng malay. Ganun rin ginawa ni shelly.
"Nice ha" nakangising ani niya. May nakasalubong pa kami na mga kalaban. Paa lang ang ginagamit namin na pang depensa kasi nakatali parin ang mga kamay namin.
.
.
.
Alex Pov.
Kanina pa ako tingin ng Tingin sa bintana ang Bus. Hindi ko na kasi nakita sina Olivia simula nang pinalabas sila. Sabi naman ni Jay ay pinapasok niya na ang dalawa. May dalawang nagbabantay sa amin. Andito parin kaming lahat sa bus.
Nagising sina Kuya Rex nang may narinig kaming kalabog sa labas. Mabilis na tumayo ang dalawang nag babantay saamin. Ilang minuto pa ay nakita sina Olivia at Shelly. Umakyat sila sa bus at sinipa ang unang lalaki na sumalubong sa kanila.
"Hi!" Nakangising ani ni Olivia. Sinipa rin ni Shelly ang pangalawang lalaki at pareho na natumba ang dalawa. Gaganti na sana ang dalawang lalaki pero mabilis na sinuntok sila nina Kuya Rex at Kuya Dale.
"Cool!" Ani ni Ate Lian at nag Thumbs up. Lumapit agad ako kay Olivia at tinanggal ang tali sa kamay niya. Masyadong mahigpit ang pagkakatali kaya bumakat ito sa balat niya.
"Thank you" ani niya. Lumapit rin si Kuya Dale sa kanya at niyakap siya.
"Hinintay niyo na sana kami, paano kung napahamak kayo" ani niya sa kapatid.
"Eto namang si kuya, papagalitan pa ako." Napakamot nalang sa ulo si Olivia.
"Tara, Kailangan na nating umalis. Siguradong alam na nina Jay ang nangyari sa mga kasamahan niya." Ani ni Ate Lian.
Sabay kaming bumaba sa Bus at tumingin muna sa paligid. Nagkalat ang mga walang malay na mga lalaki sa sahig. I still can't believe na sina Olivia at Shelly ang may gawa niyo.
Wag nga nating maliitin ang kakayahan ng mga Babae.
Dadaan kami sa ilalim ng Bus. Pinauna namin ang mga Babae. Sumunod ay sina Kuya Dale. Ako nalang ang natitira nang maramdaman ko ang pagtutok sakin ng Baril.
"Wag kang gumalaw, kung ayaw mong mamatay diyan mismo sa kinatatayuan mo" ani ni Jay.
Huminga ako ng malalim at Humarap sa kanya. Lalapitan na sana ako ng kasamahan niya ng biglang may narinig kaming malakas na busina ng sasakyan.
BEEEEEEEEEEEPPPPPPP!
"BILIS ALEX!" Rinig kong sigaw ni Olivia. Dali dali akong yumuko at gumapang sa ilalim ng Bus. Dahil sa ingay ng busina ay lumapit ang mga Zombies sa sasakyan na ginawang harang nila. Tumakbo kami sa gilid at tumingin sa nagkukumpulan na mga zombies. Dahil sa rami nila ay nasira ang harang at nakapasok sila. 
"Let's go guys..." Ani ni Kuya Dale. Hinawakan ko ang kamay ni Olivia at sabay kaming Tumakbo. Naramdaman ko rin na sumunod sila. Nakarating kami sa isang malawak na field. Umupo kami sa Damuhan. Wala naring Infected dito at mukhang tumakbo sila nang marinig ang busina. Lahat kami ay naghahabol ng Hininga. Humiga ako at Tumingin sa Langit. 
Bigla akong napabangon nang biglang lumakas ang hangin. Naririnig rin namin ang tunog ng paparating na helecopter. Napahawak sa braso ko si Olivia dahil sa lakas ng hangin. Dalawang Helecopter ang Lumapag sa Field. Ilang sigundo pa ay lumabas doon ang mga sundalo. Lahat sila ay may hawak na baril at tumatakbo papalapit saamin. 
Tumayo si Kuya Dale at Sinalubong ang mga Sundalo. Lahat sila ay sumaludo kay kuya at binaba ang mga baril. Hindi namin marinig kung ano ang pinaguusapan nila dahil sa ingay ng helecopter. Senenyasan kami ni Kuya kaya tumakbo kami at Sumakay sa Helecopter. Unti unting Umangat ito at gayundin ang paglapit ng mga infected.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Olivia at ngumiti. 

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    Iri Sh

    super Ganda😍

    16/09/2025

      0
  • avatar
    歌う ル

    Yes

    26/09/2024

      0
  • avatar
    Nimrod Selma Gambe

    sarap

    09/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata