Homepage/The Attack of Z/
TAOZ- 29
Lian Pov.
Hindi pa ako nakakabawi ng lakas dahil sa pagkawala nina Mari ay may isa na naman kaming kaibigan na nawala. Hinding Hindi namin malilimutan ang Sakripisyong ginawa mo, Sir Carl.
Tumakbo kami agad pabalik sa Military base dahil papunta na ang mga Zombie. Hinarangan namin ang Pinto kasi Nasira ito. Kinuha ko ang mga Vaccine sa Bag ko at Itinurok ito kina Olivia. Pansin ko ang bakas ng Kamay sa Leeg ni Olivia. Pumupula parin ito at hindi parin gaano siyang nakakahinga ng mabuti.
Hinayaan muna namin silang makapagpahinga. Inalayan rin namin ng Dasal ang mga kasamahan namin na namatay. Tinanggal ko ang telang nakatakip sa kanilang apat at napaiyak ng makita sila. Iniangat ko ang ulo ni Mari at Niyakap siya. Lumapit rin si Olivia at Shelly at niyakap sina Nika, Yuna at Adriana.
Lahat ay nagluksa sa pagkamatay nila. Sobrang sakit mawalan ng mahal sa buhay. Hindi namin alam kung papaano namin sasabihin sa mga natitirang kapamilya nila na wala na sila. Hinawakan ko ang kamay ni Mari at Malamig na ito.
"Mari..." ani ko habang umiiyak.
.
.
.
Alex Pov.
Nakatingin lang ako kay Olivia habang umiiyak siya at yakap yakap si Adriana. Naawa ako sa lagay niya ngayon. Hindi ko manlang siya mailigtas kanina sa pagkakasakal sa kanya ng Infected. Nasasaktan rin ako sa pagkawala ng mga kasamahan namin. Naging parte rin silang lahat ng buhay ko. Lumapit ako kina Kuya Rex.
"Siya pala si Doc Marcus" ani ni Kuya Rex. Nakipag shakehands ako kay Kuya Marcus.
"Mabuti nalang ho at dumating kayo" ani ko.
"Bakit di mo sinabi saamin na Kapatid mo pala si Ocarus?" Ani ni Kuya Gio. Maga parin ang mata niya sa kakaiyak.
"Hindi kami gaanong close ni Kuya Ocarus, Hindi kasi kami sabay na lumaki. Maraming napagdaan si kuya kaya siya naging baliw na sa propesyon niya. Hindi ko sinabi sa inyo kasi ayoko na magdalawang isip kayo kung sakaling kailangan niyo siyang patayin. Matagal nang nawala ang Kuya Ocarus na kilala ko. Matagal na siyang nilamon ng galit niya." Ani ni Kuya Marcus. He smiled us saddly.
Lumapit ako kay Olivia at binigay ang panyo ko. Nakaupo siya sa Wooden Bench. Umupo ako sa tabi niya at umusog naman siya para magkasya kami.
"Okay kana ba?" Ani ko.
"Yes, Thank you" ani niya at binalik saakin ang panyo.
"Hindi ko talaga naisip na mangyayari to saatin. Masaya pa tayo kanina, tapos eto ngayon ang nangyari" ani ko.
"Hindi narin alam kung ano ang magiging kapalaran natin. Sana lang ay wala nang may mawala pa saatin." Inakbayan ko siya at Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Magiging maayos rin ang Lahat, Magtiwala lang tayo" ani ko. Ramdam ko na hinawakan niya ang kamay ko.
........
Nagising ako ng may narinig akong malakas na kalabog. Nagising rin si Olivia at kinusot ang mata niya. Lumapit saamin si Kuya Dale na tingin ng tingin sa Pinto.
"We need to go, guys. Hindi tayo pwedeng manatili dito." Ani niya.
"Yeah, Advantage narin naman satin to kasi pwede na tayong lumabas kahit maaga. Wag lang tayo mag ingay para hindi tayo mahuli ng mga zombies" ani ni Ate Lian.
Lumingon ako kay Olivia at napangiti ng makitang inaantok parin siya. Parang pipikit na yung mga mata niya. Nakita niya akong ngumisi kaya hinampas niya ang braso ko.
Naghanda na kami para sa paglabas namin. Balak namin maghanap ulit ng matataguan na maraming pagkain at tubig. Sabi ni Kuya Mark ay mas mabuti kung sa Supermarket kami ulit magtago kasi may mga pagkain at tubig doon.
Unang lumabas sina Kuya Dale, Kuya Rex at Ate Lian. Sumunod naman kami sa Likod nila. Dahan dahan lang kami sa paglakad para hindi makagawa ng ingay. Gaya ng sinabi nila saamin ay hindi kami nakikita o naamoy ng mga infected. Siguro dahil sa Vaccine na tinurok saamin.Nakarating kami sa parang highway. Kalat kalat ang mga sasakyan sa paligid. Walang Infected o tao.
"Tingnan niyo, doon.." mahinang ani ni Shelly at tinuro ang dulo ng kalsada. May bus na nakaharang sa daanan kaya hindi makakapasok ang mga infected. Hinawakan ko ang kamay ni Olivia at Tumakbo kami papunta sa bus. Sumunod rin saamin ang iba.
Nang nakarating na kami sa bus ay naghanap kami ng daanan na kakasya kami. Pumunta ako sa pinaka gilid na part ng bus may nakita akong maliit na daanan pero hindi naman kami kakasya. Dumapa ako at tumingin sa ilalim ng bus.
"Guys... pwede tayong gumapang dito" ani ko sabay turo sa ilalim ng bus. Lumapit silang lahat at isa isa na kaming gumapang. Pagkarating ko ay tinulungan ko agad na bumangon si Olivia na nakasunod lang sakin.
Nang nakalabas na kaming lahat ay napahinto kami ng makita ang paligid. Napakaraming Infected dito. Kung sakaling hindi kami naturokan ay siguradong infected na kaming lahat. Napahawak ng mahigpit si Olivia sa kamay ko ng may infected na lumapit saamin. Inamoy amoy niya kami pero hindi niya kami kinagat.
Nang nakalayo na siya ay dahan dahan kaming naglakad sa gitna ng maraming zombies. Lahat kami ay maingat sa paglakad upang hindi makagawa ng ingay. Sa pagkakataong to ay malapitan naming nakikita ng mga zombies. Sariwang sariwa ang mga sugat nila at ang lalangsa ng mga amoy nila. Kita kona ang dulo at may bus rin na nakaharang sa daanan.
Paano napunta ang mga zombies dito, at mukhang sadya ang pagkaka harang ng mga bus.Possible kayang may survivors rin na buhay at kinulong ang mga infected sa area nato?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (113)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super Ganda😍
16/09/2025
0Yes
26/09/2024
0sarap
09/09/2024
0Tingnan Lahat