Homepage/The Attack of Z/
TAOZ- 27
Olivia Pov.
"Sa Tingin mo, Bakit kaya ganun si Adriana? Pwede kayang sa kanya magmula yung vaccine?" Ani ni Alex.
"Hindi ko rin alam eh, siguro hintayin nalang natin sina Kuya. Bakit ang tagal naman nila" kapwa kaming nakaupo sa labas nang Pintuan. Hinarangan naman kasi ni Adriana ang paligid ng mga sasakyan kaya hindi madaling makakapasok ang mga zombies.
"Wag kang mag alala sa kanila, Magagaling silang lahat. For sure, Safe ang mga yun" ani niya.
Tama nga naman siya. Nag stay kami doon pero hindi rin kami nagtagal. Niyaya niya na akong pumasok kaya tumayo na ako. Papasok na sana kami nang may narinig kami na yabag galing sa labas. Akala ko ay sina Kuya na iyon pero nagkamali ako. Isa itong Infected na naglalakad papalapit saamin. Iba itong maglakad hindi kagaya nang ibang infected.
"Pasok bilis.." ani ni Alex. Hinila niya ako papasok at sinara ang pinto. Dahan dahan kaming naglakad paatras at nakatingin lang sa pinto.
"Bakit? Anong problema?" Ani ni Ate Mari. Bago paman kami makasagot ay nasira na ang pinto. Hinila ako ni Alex papunta sa likod niya at ganun rin ang ginawa ni Mike kay Shelly.
"A-Ano yan..." ani ni Shelly. May Pumasok ang isang Infected. Pulang pula ang Mata niya at sobrang bakat ang mga ugat niya sa Mukha niya. Nakasuot siya ng puting damit at Brown na pants at may suot rin siya na Lab coat.
Binaril siya ni Ate Mari pero hindi man lang siya nasaktan. Palapit parin siya nang palapit saamin at pa atras kami nang paatras. Natigil lang siya sa paglapit saamin nang biglang sumulpot si Adriana at Tinulak siya.
"Adriana!" Ani ko. Hindi siya lumingon sakin at nakatuon parin ang tingin sa kaaway na Infected. Pulang pula ang mga mata niya at bumalik siya sa pagiging infected.
Ngumisi ang Zombie na kalaban niya at Tinulak siya nang walang kahirap hirap. Lalapit na sana si Nika kay Adriana nang bigla siyang Nilapitan ng Infected at Sinakal siya.
"Bitiwan mo siya!" Ani ni Ate Mari at Binaril ulit siya.
Binitiwan niya si Nika at Patakbong lumalakad naman samin si Nika. Napatigil siya sa pagtakbo at biglang may Dugo na Lumabas sa Bibig niya. Lahat kami ay nagulat sa nangyayari at hindi magawang magsalita. Natumba si Nika sa Sahig at Nakita namin ang Infected puno nang dugo ang Kanang Kamay niya.
"Hayop ka!" Kinuha ni Yuna ang Baseball Bat sa akin at Hinampas ito sa Infected. Nagalit siya at Tinulak nang buong lakas si Yuna at tumalsik ito sa Ding ding.
Tumingin ulit siya sa gawi namin at unti unti ulit na lumapit saamin. Natigil siya at tumingin sa paa niya. Pinipigilan si nang nakadapang Adriana ngayon. Hawak hawak ni Adriana ang Paa niya kaya hindi siya maka lakad.
"No... Adriana!" Ani ni Shelly. Hinila ng Infected ang Buhok niya at Tinadyakan ito sa Likod. Kahit ganoon na ang nangyayari sa kanya ay hindi niya parin binibitiwan ang paa ng Infected.Tumingin ako sa gawi ni Yuna at Hindi na Ito Gumagalaw. Lumapit ako sa kanya at inalog siya.
"Yuna? Yuna!" Wala na siyang malay at Duguan ang Kanang bahagi nang ulo niya. Pinwesto ko ang index fingger ko sa Ilong niya at wala na akong maramdaman na paghinga niya. Nanginig ako sa sobrang takot at Niramdaman rin ang pulso niya sa leeg pero wala narin. Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Shelly.
"L-liv, Kailangan na nating umalis.." ani niya. Lumapit rin sakin si Alex at itinayo ako.
"Liv, Let's go!" Hinila niya ako at sumunod samin si Shelly.
"S-si Adriana.." Inalis ko ang kamay ni Alex at lumingon sa gawi niya. Hawak hawak ng Infected ang Buhok ni Adriana at tumingin sa gawi namin gayundin si Adriana. May kinuha siya sa Likuran niya at itinutok ang Baril sa Ulo ni Adriana.
"Wag!" Sigaw ni Shelly. Tumingin si Adriana sakin at Ngumiti.
"Salamat sa lahat, Ate. Hinding hindi kita malilimutan..." Ani niya at Pumikit. Tuloy lang ang pag agos ng Luha sa pisngi ko habang nakatingin kay Adriana. Pinikit niya ang mga mata niya at sinundan iyon ng pag putok ng baril.
Lahat kami ay napahagulgol sa Iyak habang nakatingin sa wala nang buhay na si Adriana.
"Kailangan na nating Umalis." Hinila ako ni Alex at Hinawakan ang Kamay ko. Sabay kaming Tumakbo. Akay akay ni Ate Mari at Mike si Kuya Carl.
"Wag kayong lilingon, Tumakbo lang tayo!" Ani ni Nika. Nakarinig kami ulit nang putok ng baril at biglang natumba si Nika. " Wag kayong Lilingon! Tumakbo lang Kayo!" Ani niya. Naramdaman ko na hindi na sumusunod saamin si Nika.
"Sandali lang... Si Nika!" napahinto kaming lahat at lumingon. Nakita namin si Nika na nakadapa na sa sahig. Dumudugo ang tagiliran niya at may dugong lumalabas sa Bibig niya.
"T-Tumakbo na kayo!" Ani niya. Tumakbo na kaming Lahat habang umiiyak. Hindi ko inaakala na mangyayari saamin ito ngayon. Tatlo na sa mga kaibigan ko ang Nawala sa aamin. Pumasok kami sa isang bahay at sinarado agad ang Pinto. Umupo kaming lahat sa sahig at tinakpan ang Bibig namin. Rinig namin ang yabag ng paa na papalapit saamin. Pinikit ko ang mga mata ko at nag Dasal. Unti unting Lumapit si Alex sa Bintana at Sumilip.
"Wala na siya.." Napahinga kami ng Malalim at doon na Umiyak. Lahat kami ay di makapaniwala sa nangyari. Hindi namin matanggap na sa isang iglap ay nawala ang tatlong mga kaibigan namin. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (113)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super Ganda😍
16/09/2025
0Yes
26/09/2024
0sarap
09/09/2024
0Tingnan Lahat