Bond [Pt. 2]

“ANG daya kasi ng Team Zack eh. May pa sniper pang nalalaman eh. Madaya ka Cleng!” Ani Luis.
Nag babangayan lang naman kasi kami sa loob ng van matapos ang masayang pag lalaro naming kanina.
Paano kasi, nag rereklamo si Luis, madaya daw kaming team Zack. Wala naman kaming ginawang masama. Baliw talaga itong si Luis.
“Ang tawag dyan ay strategy. Tsaka nasa amin si Cleng, isang magaling na archer lang naman ang babaeng ito.” Depensa ni Ky.
"Wala lang kayong strategy. Tapos.” Pangbabara naman ni Zack, at nagsi-tawanan naman kaming lahat. Basag na basag si Luis eh.
“Pero, pag usapan naman natin ang nangyari kanina. Ano bang trip niyo ni master kanina? Para kaming nanonood ng teleserye kanina eh. Ang drama niyo parehas.” – Louie.
“Oo nga, may pa, ‘I give the world churva’ pa kayo.” – Jin.
Napakibit balikat naman ako. “Malay ko dito.” Sabi ko at tinuro si Zane na natutulog habang nakayakap sa akin.
And so, the kwentuhan goes on.
**
AFTER a long day, nakauwi na kami sa wakas. Ang dami kasi naming pinuntahan, nag punta kami sa arcade, sky ranch, art gallery, at kung saan saan pa. Sobrang nakakapagod.
Sa sobrang nakakapagod, sumasakit dibdib ko. Hindi ako makahinga, ang bigat ng nararamdaman ko. Too much strenuous activity for today, hindi na kinakaya ng puso ko ang emotions ko. I remember, sinabihan ako ng doctor ko na, bawal ang extreme emotions sa akin. It will only trigger my heart. Pero wala, hindi ko siya sinusunod. Ayoko namang pigilan sarili ko na maging sobrang saya, lalo na ngayon.
Kaya ito nangyayari sa akin ngayon. Pero kaya ko pa naman eh.
“Ok ka lang ba? Namumutla ka. Sabihin mo sa amin kung may nararamdaman kang masakit or what. Ayaw kong nag lilihim ka.” Diretsang sabi sa akin ni Jin. Nasa kwarto na kami, at pinnuntahan kami ni Jin, kasi napapansin niya hindi na daw maganda ang pakiramdam ko.
I smiled at them. “I’m fine, medyo hindi lang ako makahinga. But, I can handle it. Pahinga lang kailangan ko.” I said to them.
“Sure ka ba? Dala mo ba ang mga gamot mo?” Tanong naman ni Ren.
“Yeap, dala ko lahat ng gamot ko. Dala ko rin ang mini oxygen cylinder ko incase. Don’t worry, mag sasabi naman ako sa inyo eh.” I assured them.
Yes, I bring miny oxygen cylinder now. Yun ang advice sa aking ng doctor ko last 2 weeks na check up ko, kasi I’m always out of breath. Kaya sinabihan niya sila mom, dad at kuya na gumamit na ako ng oxygen tank ngayon. I have my large oxygen tank sa bahay, then may mini oxygen cylinder naman ako, na pwede kong dalin everywhere kasi maliit lang. At hindi alam ni Zane ang lahat ng ito. Hindi ko pa rin kayang sabihin sa kanya eh. It’s still not the time.
“Osige, iwan ka na muna namin dito. Mag pahinga ka muna tas tatawagin ka nalang naming kapag kakain na.” Sabi naman ni Ky. At tumango nalang ako bilang sagot. And they all went downstairs.
I should rest first.
NANG makapag pahinga na ako ay bumaba na ako. At saktong pag baba ko ay nakasalubong ko sina Ky at Jin.
“Oh. Ok ka na? Gigisingin ka sana naming para kumain, pero gising ka na pala. Ok na ba pakiramdam mo?” Tanong ni Ky sa akin.
“Hm-mm. Ok na ako. Tara na, para makakain na tayong lahat.” Sabi ko sa kanila. And we head straight to the dining area, kung saan nakaupo na ang lahat at kaming tatlo nalang ang iniintay.
Actually, hindi pa ako ganung ka-ok. Ayaw ko lang na mag alala sila sa akin. Kaya ko pa naman eh.
Umupo ako sa vacant chair sa katabi ni Zane. At nang makaupo ako ay tumingin sa akin si Zane, tinignan niya ako ng may pag aalala sa mata niya.
“Babe? Are you ok? Hindi ka na bumaba kanina. I asked Jin, and she just said that, you wanted to rest. Kaya hindi na kita pinuntahan sa kwarto niyo para i-check ka.” Nag alala niyag sabi sa akin.
I smiled at him and kissed his cheeks. “I’m fine babe, don’t worry.” Sabi ko nalang sa kanya. Ayaw ko din na mag alala siya sa akin. I don’t want to be a burden to them.
“Ok guys. Pray muna tayo bago kumain. Cleng, lead the prayer. Kung ok lang sayo.” Sabi ni Ren.
Tumango tango ako bilang sagot. And I started to pray.
Then after praying kumain na kami. Syempre hindi maiiwasan ang kaguluhan at agawan sa pag kain. Lalo na’t nandito ang kambal.
Then after our dinner feast nag tambay kami sa backyard nila Zack. Nag labas sila ng grill para sa bbq namin. Nag bbq and beer kami, pampatunaw daw ng kinain, pero kakain uli. Galing diba?
“Princess, pwedeng sub muna? Naiihi na ako.” I looked at Luis when he called me. Nag iihaw kasi siya kasama si Kris.
Tumayo ako sa pag kakaupo ko at pinalitan siya sa pag iihaw.
Minutes passed, natapos din kami sa pag iihaw, medyo hindi ako makahinga dahil sa usok, but I can still handle my breathing.
Lahat na kami ay naka upo sa damo, pabilog kaming nakaupo at pinagigitnaan ang bbq. Hindi ko muna pinalabas sa kanila ang beer kasi I’m going to share something to them about God, at ayokong umiinom kami habang nag uusap tungkol kay God. It’s bad, and I know drinking is a sin. But the Bible didn’t forbid about drinking alcohol, it’s still a personal decision of a person. Either you drink or not. Still your decision.
“Simulan mo na Cleng.” Jin said.
Huminga ako ng malalim at tinignan sila. “I just wanted to share you a little message about my devo last time. Gusto ko lang ishare ito kasi gusto ko lang may ipa-realize sa inyo. So ito, my devo is about the whole testament of Ecclesiastes. At natutunan ko dun is, LIFE IS USELESS. Why? Kasi lahat ng meron tayo ngayon ay walang kwenta, useless, tempopary at hinding hindi natin iyon mapapakinabangan pag namatay na tayo. All we have, is nothing. Kesyo mahirap ka, may kaya ka o mayaman ka. It’s useless. Kasi mamatay din tayo eh. Isa lang ang mangyayari sa atin sa dulo. We will all die, sa takdang panahon natin. At hinding hindi natin madadala ang kung anong meron tayo, money? Gadgets? Golds? Wala, hindi natin yan masasama sa kabilang buhay. It’s all nothing. Pero don’t be discouraged, just live and be happy sa kung anong meron ka ngayon. Pero be humble, be greatful. Lalo na tayong mayayaman. We should not be too boastful sa kung anong meron tayo. Be humble. At sa ngayong buhay pa tayo, gawin niyo na ang gusto niyong gawin, pero gawin niyo ang tama ang makakabuti. And you know what? Our life is boring kung walang God na nandyan para sayo.
“Because, God do things right and perfect lalo na kung siya ang mag papatakbo sa buhay natin. Atsaka, kung sino man ang mga insecures dyan. Don’t be. Walang kwenta yang insecurities na nararamdaman niyo. Kasi lahat naman tayo mamatay eh. Unahan nalang at patagalan. I’ve been insecure dati, inggit ako sa mga magaganda at sexy na babae sa mga matatalino. Pero, nang mabasa ko ang message na ito. Narealize ko na, wala palang kwenta ang pagiging insecure ko, kasi mamatay din naman ang mga kinaiinggit ko eh. Parehas lang din naman kaming mamatay eh. Kaya ayun. Don’t be insecure of others. Instead make you self a better version of yourself. At habang may buhay ka pa, do all the things you want but don’t forget to dedicate it to God, kasi siya ang nagbigay ng buhay natin eh, siya ang gumabay sa atin para maging ganun. We only need to accept God to ourselves that he died on the cross for our sins. Ayun lang, gusto ko lang i-share how great God is. Kung paano niya ako binago. Sana may natutunan kayo.” Mahabang kwento ko sa kanila. At si Jin, Ky at Ren ay lumuluha na. Ang iba naman ay nakatingin sa akin na nakangiti. And it overwhelms me.
Lumapit sa akin si Jin at niyakap ako. “I’m very proud of you.” She said still in tears. So I hugged her back. “Thank you.” I said to her.
I was about to say something nang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko at kasabay nun ang pag hirap kong huminga.
Napansin ata ni Jin na hindi na ako ok. “Cleng? Cleng? Ok ka lang?” Jin asked worriedly.
Wala akong nasabi sa kanya kundi ang umiling lang. Kaya naman naalarma siya.
“Ky! Ren! Tulungan niyo ako! Hindi na makahinga si Cleng!” Nag hihysterical na sigaw ni Jin, kaya naman napatayo ang lahat.
Nag aalala na lumapit sa akin si Zane. “Fuck! What’s going on? Sera. What’s happening to you?” Nag aalala niyang tanong sa akin at kinuha ako kay Jin. Niyakap niya ako sa likod ko at hinilig ang ulo ko sa dibdib niya.
“Ky! Kunin mo ang oxygen tank ni Cleng!” Sigaw uli ni Jin habang pinapaypayan ako.
“Guys, tubig. Kumuha kayo ng tubig.” Sabi naman ni Kris. Kaya naman mabilis na pumasok ang kambal sa loob ng bahay para kumuha ng tubig.
Bumalik na muli ang kambal na may dalang tubig at pinainom iyon sa akin. Pero wala pa rin. Hindi pa rin ako makahinga.
“Princess, ano bang nangyayari sayo?” Nag aalalang tanong ni Luis sa akin, pero hindi ko siya masagot.
“Zack? May sterilizer ba kayo? Yung parang umuusok kapag binuksan mo. Baka yun makatulong.” Sabad naman ni Louie. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero hindi ko magawa.
Kunot noong tinignan siya ng mga kasama naming.
Binatukan naman siya ni Luis. “Bobo! Sterilizer ka dyan. Traquilizer yun ulupong ka!” Sigaw ni Luis sa kakambal. Mas gustong kong tumawa sa mga pinag sasabi nila, pero di ko kaya. Mas mawawalan lang ako ng hininga.
And as if a cue, dumating si Ky na dala na ang mini oxygen cylinder ko na nakakabit na rin ang oxygen mask.
“Mga ulupong! Nebulizer yun! At para lang yun sa mga may hika, at wala namang hika si Cleng.” Sigaw na sabi ni Ky, kaya naman natahimik ang kambal.
Isinuot sa akin ni Zane ang oxygen mask at binuksan ang oxygen, at hindi katagalan ay gumaan na ang pakiramdam ko.
“Ano bang nangyayari sayo? Ano bang sakit mo? May nililihim ka ba sa akin Sera? Tinignan mo, may dal aka nang oxygen tank na maliit. Umamin ka nga sa akin. Are you hiding something to me?” Seryosong tanong ni Zane sa akin habang nakatingin ng diretso sa akin.
And I was speechless. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
To be continued…
****
A/N: Ok guys! Gusto ko lang pong sabihin sainyo na, ayaw kop o nang away, tungkol doon sa drinking is a sin. And I know, some of you readers, is a Christian. I am too, is a Christian. So gusto ko lang po mag explain ng side ko, para wala pong awayan. Yes po, drinking is a sin, kung may naoffend ka na fellow believers mo, or you got drunk. If you’re reading the bible, may mga verses po na sinasabi na, it’s ok to drink wine. Which is also an alcohol. Pero syempre you should not be drunk. Unti lang at hindi palagi. So, para sa akin, as of now. I believe that the Bible does not forbid drinking alcohol, but forbid drunkenness and the Bible still warns that drinking is dangerous and unwise. Pero sabi nga sa research ko, yes, nag research po ako. Sabi doon na, it’s still the person’s decision kung iinom ba siya, mag papakalasing or what. As long as wala kang natatapakan na tao. And I hope na maintindihan niyo side ko. Not that I drink, pero yun po ang pinaniniwalan ko sa ngayon. And if you want to say something tungkol dito, dm me and tell me. Iintindihin ko rin ang side niyo. That’s all! Thank you guys! Hope you understand my opinion. God Bless you all!

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Chloe Mo

    needs

    05/07/2024

      0
  • avatar
    Jakyla Belale

    pogi dw ako

    05/07/2024

      0
  • avatar
    KiraraJamiya

    nice story ❤️❤️

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata