Homepage/Loving My Possessive Bestfriend/
Bond [Pt. 1]
Chapter 55: Bond
Seraphina's POV
It's a wonderful day today, cuz kasama ko ang tropa, hindi nga lang kami buo dahil hindi pa rin umuuwi ang mag pinsan na sina Ally at Miyu, kaya hindi ko maituturing na buo ang trop dahil wala pa sila.
So ayun nga, nandito na kami sa penthouse nila Zack, kasama ang mga tropa. Nag didistribute na si Zack ng room keys sa amin, nag assign na rin siya ng mga mag kakasama sa kwarto. At syempre, mag kahiwalay ang room ng mga lalaki sa babae. Well, except sa mag fiance na sina Jin at Kiel. Ayaw mag pahiwalay ni Kiel eh.
So bale, kasama ko sina Ren at Ky. Sa mga lalaki naman ay Mag kasama sina Zane, Kris, Quinn at Luis sa isang kwarto at sa isa naman ay sina Zack, Zeke at Louie. Yan ang napag usapan.
At first nga ayaw ni Zane na humiwalay sa akin eh. Pero wala, nagagalit sina Ren, Ky at Jin. Dapat hindi daw kami mag kasama sa iisang kwarto dahil masama daw yun, baka may milagrong mangyari kapag kaming dalawa lang ang magkasama, which is partly true, knowing Zane? Wild beast yan eh. Malibog pa.
Pero eto, si Jin naman ang sumaway sa amin, kasama niya ngayon si Kiel sa iisang kwarto. Wala na kaming magagawa eh. Hayaan nalang natin sila, hayaan natin silang gumawa ng milagro basta mag proteksyon lang sila haha.
So ayun nga uli. After maibigay ng room keys nag siakyatan na kami para mag ayos dahil aalis pa ata kami.
"Sira ulo talaga yang si Jin eh 'no? Siya 'tong nagalit kay Kali at Quinn dahil gustong nating mag solo kasama ang mga jowa natin. Pero siya rin pala itong nag solo kasama ang fiance niya. Sira ulo talaga." Natatawang sabi ni Ren sa amin. Oo, siya din. Sila din ni Quinn gusto na mag kasama kaso ayaw din ni Jin. Sira talaga.
"Wala eh, hayaan niyo na. Tsaka kung sumama naman kayo sa mga jowa niyo. Ako naman ang iniwan niyo. Ganyan kayo eh. Iniiwan niyo ako eh. Porke may mga love life na, iiwan niyo nalang ako. Nakakatampo kayo ah." Malungkot na sabad naman ni Ky. Kaya nilapitan namin siya ni Ren at sabay na niyakap.
"Asus, tampororot ang Kyla namin. Hayaan mo, babawi kami sayo. Tsaka wag kang mag alala. Nandyan naman si Kris kapag naiwan ka namin mag isa. Ayyyieee. May pag asa na uli." Tukso na sabi ko kay Ky at tinusok tusok ang tagiliran niya.
"Naku! Tigilan niyo nga ako. Move on na ako sa kanya 'no. Tanga kasi siya eh. Nandito na sa harap niya eh, iniwan niya pa. Para lang sa babaeng iiwan din naman pala siya. Haynako, bahala siya sa buhay niya. Basta ako, masaya na ako sa kung anong meron sa akin. Masaya na ako na naka move on na ako sa kanya."
"Madaling sabihin pero mahirap gawin. Tignan lang natin yan Ky. Hindi naman natin masasabi, lalo na't wala na sila ng bwisit niyang girlfriend. For sure na lalapit uli yan sayo. Kaya ihanda mo na ang sarilli mo." - Ren.
"Ano yun? Lalapit lang siya sa akin kapag may kailangan lang siya? Kapag iniwan na siya ng panget niyang girlfriend? Ano ako? Gagawin niyang laruan na hahanap hanapin at lalaruin lang para sumaya siya? No way! Bahala na siya sa buhay niya. Pag katapos niya akong iwan sa ere? Pag tapos niyang makipag FO sa akin? Lalapit uli siya dahil iniwan na siya ni Zia? Tang'na lang."
"Kung sakali mang lapitan ka niya uli. Wag mo nang pansinin, kung wala ka na talagang nararamdaman sa kanya at kung talagang friendship over na kayo. Na totally strangers na kayo. Hayaan mo siyang lumapit sayo pero wag mo nang i-entertain." - Me.
"Hayst... Pero sana wag na talaga siyang lumapit sa akin at mang hingi nanaman ng tulong. Sawa na ako eh. Sawa na akong maging taga ayos ng gusot niya sa mga problemang hindi niya kayang ayusin. Tsaka siya na mismo nag sabi na FO na kami. And to me, FO is FO. Wala nang balikan ng friendship. Ginusto niya yan eh. Panindigan niya."
Naawa din ako kay Ky eh. Lalapitan lang siya kapag may kailangan, pero kapag wala. Hindi siya nito gaanong pinapansin. Hayst... at oo, wala na si Kris at Zia. Hindi ko alam ang pinaka rason kung bakit sila nag brake, ang alam ko lang ay, na fall out of love si Zia kay Kris. At siguro karma na yun kay Kris, sa mga pinaggagawa niya kay Ky, sa mga sinabi niyang masasakit sa kaibigan ko. Ang gulo kasi ni Kris eh. Bahala na siya sa buhay niya. Basta kung saktan man niya si Ky. Malilintikan yun sa akin.
And by the way. Si Gayle pala? Yung bestfriend for so so long, ang pumalit kay Zane dati. We're good. Sadyang hindi kami masyadong nag kikita ngayon kasi wala siya dito sa manila ngayon eh. Nasa California siya ngayon, doon niya na kasi tatapusin ang college niya, kasama ang father niya at ang new boyfie niya. Mabuti nga at hiniwalayan niya na yung unang boyfriend niya eh. Sobrang toxic kasi ng relasyon nila. And look now, sobrang saya niya na ngayon sa bago niya. Sobrang understanding nung lalaki, loving and caring. Yung wala ka nang masasabi na masama sa kanya. Sobrag opposite ng ex niya. And how did I know? Nag chachat sa akin yung bago niya kapag may nag aaway sila, nanghihingi ng advise kasi alam niyang mas kilala ko si Gayle dahil mas nakasama ko siya at nakilala ko siya for so many years. So yeah, yun ang update sa bestfriend ko na si Gayle. Happy and contented siya ngayon.
Anyways. Nag si-babaan na kami at dumiretso sa salas para mag usap usap muna ng mag kakasama.
"So, guys. Ang gagawin natin ngayon ay mag papaintball game tayo. Natawagan na namin ni Kiel ang office nila at nakareserve na tayo. Pag usapan na natin kung sino sino ang mag kakalaban at mag kakakampi. Tutal 12 naman tayong lahat, so 6 verses 6. At napagisapan namin na ang dalawang captain ay si Kali at Zack. At ang gagawin nila ay mag babato bato pick at sa bawat panalo ng isa, mauunang siyang pipili ng maging kakampi. Ano? Keri boom boom ba?" Explain ni Jin sa amin.
"KERI BOOM BOOM!" Sigaw naming lahat at sabay sabay din nag sitawanan.
And as if a cue, nag laro na si Zane at Zack.
At ang naunang nanalo ay si...
"Sera." Pili niya sa akin.
Shooketh, paktay tayo nito.
Sumama ang tingin ni Zane kay Zack at sa akin. Like dude? What did I do wrong? Eh sa natalo siya at nanalo si Zack eh.
"Kris." Pili naman ni Zane habang nakatingin pa rin ng masama kay Zack.
"Unahan lang yan bud." Sabi naman ni Kris nang makalapit siya kay Zane at tinapik ang balikat.
At nag laro uli sila hanggang sa maubos na ang natitirang tao na wala pang kakampi.
So bale, ito ang mag kakakampi.
Zane's Team: Kris, Kiel, Ren, Jin and Luis
Zack's Team: Me, Ky, Quinn, Louie and Zeke
And after the 'pilian ng kakampi'. Umalis na kami papunta sa Paintball Field. And yes, katabi ko si Zane ngayon. Hindi kasi kami nag convoy, dala uli namin ang Van ni Kris. Mas maganda daw kasi kung mag kakasama kaming lahat para mas safe, kesa naman mag iisa isa pa kaming kotse, mas delikado daw yun. Kaya ito. Nasa pinakahuling row kami, and this time hindi nanain kasama ang mga obsess na babae, and I'm feel great about that.
And ito nga, nilalambing ko si Zane, hindi kasi namamansin, dahil nga naiinis siya na hindi ko siya kasama sa team niya. Eh kasalanan niya naman eh. Kung pinanalo niya yung unang round, edi sana nasa kanya ako ngayon. Shunge lang eh.
"Baby, dali na. Pansinin mo na ako. Hindi ko naman kasalanan yun eh. Kung pinanalo mo lang ang unang laro niyo. Edi nakuha mo ko kaagad. Ikaw kasi eh." Paglalambing ko sa kanya, pero mukhang paninisi pa. You can't blame me. Wala naman akong kasalanan.
At dahil sa mga sinabi ko sa kanya, nakangangang nilingon niya ako, like he was shocked to hear that from me. “Why? Wala naman akong sinabing mali, ‘bat gulat na gulat ka? Wala naman akong ginawang masama.” I-iling iling na sabi ko sa kanya.
He then looked at me seriously. “Akin ka lang Sera. Akin.” Mautoridad na sabi niya sa akin, habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
I chuckled and cupped his face. “Sino nag sabi? Eh pag kakaalala ko, pag aari ako ng nanay ko eh. Siya kaya nag ire sa akin.” Tumatawang biro ko sa kanya. Mas lalo tuloy sumama ang mukha niya. Mas natawa tuloy ako sa mukha niya.
Nakangiti ko siyang tinignan at saglit na hinalikan ang labi niya. “Ito naman ‘di na mabiro. Syempre sayo lang ako. Ikaw lang naman ang boyfriend ko eh. Magulat ka nalang kung sumulpot bigla si Chanyeol at agawin ako sayo. ‘Di, char lang baby. I love you hihi.” Malambing na sambit ko sa kanya at niyakap siya. At syempre, marupok ang bebe ko kaya niyakap niya rin ako pabalik.
“I love you too so much Sera. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may umagaw pa sayong iba. Akin ka lang.” Napaka possessive talaga nitong bebe ko, kaya love na love ko eh.
At nagpatuloy ang pag lalambingan naming hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin na field.
Isa isa na kaming bumaba sa van at dumiretso sa office ng paglalaruan namin. Si Zack at Jin na ang nakipag usap sa magiging instructor namin.
“Guys, ok na. Tara na at maglagay ng gear, para makapag simula na tayo.” Ani Jin at sumunod na kami sa kaniya kasama ang instructor para tulungan kaming isuot ang gears.
AFTER namin isuot ang mga protective gears at camouflage na pangitaas ay tinuruan naman kami kung paano gamitin yung baril na gagamitin at kung paano ang flow ng laro. So bale, and Team Zane ay Black at ang Team Zack naman ay Blue.
So ang mechanics ng laro ay, kung sino ang unang makakuha ng flag ay yun ang winning team. Pero kung hindi pa nahahanap ang flag at ang isang team ay naubos na, that means panalo na ang kabilang team dahil wala nang natira sa kabila para makipag laban pa. So ang ginawang punishment nila Jin at Zack sa natalong team ay, sila ang magluluto ng dinner ng lahat, at sila rin ang mag lilinis. Kaya dapat manalo kaming Team Zack kasi ayokong magluto at mag linis.
“Ok, start na tayo. Go to your respective teams and we’ll start.” Sabi ng instructor naming, kaya naman nag hiwahiwalay na kami. Nag si-puntahan na kami sa mga team namin.
At nang makapunta na ako kay Zack ay nag usap usap muna kami. “Ok, team. Ganito, wag kayong pakalat kalat. Make sure to hide, and if you’re going to shoot at the enemy, make sure to aim perfectly para hindi saying sa bala. Tsaka wag niyong pababayaan ang isa’t isa. Tulungan tayo. And I’m expecting a lot from you Sera, archer ka. Kaya magaling kang pumuntirya. So, you’ll be the team’s sniper. Alam kong ayaw niyo din mag luto at mag linis kaya dapat manalo tayo.” Sabi ni Zack sa amin. I feel pressured tuloy. Pero I’ll do my best.
Nung makita ng instructor na ok na kami, pati ang kabilang team ay pinaalis na kami para mag tago.
Nang makatago na kaming lahat ay sumigaw uli siya. “Everyone ready?”
“Ready!” Sigaw naman naming lahat.
Itinaas niya ang kamay niya na may hawak na baril. “Ok! Start!” Sigaw niya uli at pinaputok ang maliit na baril na hawak niya, na syempre hindi naman bala laman nun.
At ayun nga, nag simula na kaming magtago, maghanap at tumakbo.
Nagtatago ako ngayon sa parang malalim na part ng lupa, yung parang gawa na talaga siya para sa larong ‘to. Nakatalikod ako sa open area kasi tinitignan ko yung harap, kasi baka may kalaban.
Then, I heard some footsteps coming from my back. Hindi muna ako lumingon at pinakiramdaman ko muna. At nang maramdaman kong may tao nga ay kaagad akong lumingon. Pero sa gulat ko ay, wala pala. At doon ko naisip na, nag tatago ito. Kaya ang ginawa ko ay, lumpat ako ng pwesto para mailto siya sa pag tutok sa akin.
Pumwesto ako sa isang di kalakihan na pader at hinanap ang kung sinong gustong bumaril sa akin. Then, nahagilap ng mata ko si Ren, na mukhang hinahanap ako kung nasaan.
I smiled and fixed my aim. At nang nakuha ko na ang pag tutok ko ay binaril ko na kaagad siya, I didn’t hesitate kahit na kaibigan ko siya. Sadyang ayoko lang matalo. Napasigaw siya ng matamaan ko siya sa may tyan niya, alangan naman sa ulo edi foul na yun.
Sorry Ren.
One down.
Kaagad na umalis ako sa pwesto ko at naghanap ng mas magandang mapag tataguan.
At habang nag hahanap ay nahagip ng mga mata ko ang kambal, parehas na nakatutok ang baril nila sa isa’t isa. Kaya naman nagtago muna ako sa maliit na pader na nakatayo di kalayuan sa kanila.
“Luis, sumuko ka na. Hayaan mong manalo kami.” Dinig kong sabi ni Louie sa kakambal.
“Ayoko Louie. Kilala mo ako, hindi ako mag papatalo. Lalo na sayong kumag ka.” Sabi naman ni Luis.
“Pwes, unahan habulin mo ako!” Sabi ni Louie na nag tatakbo na. At ang ending nila ay nag habulan habang parehas na bumabaril. Si Luis na bumabaril pa harap at si Louie na bumabaril patalikod. Ang tanga lang ni Louie, edi nahirapan siya. Mas may advantage si Luis na mabaril siya. Haynako.
At hindi nga ako nag kamali, dahil nabaril ni Luis si Louie sa likod.
“Ang daya mo naman!” Sigaw na sabi ni Louie kay Luis.
“Sino bang tangang tumakbo bigla?” Sabi naman ni Luis. At ayun, nag bangayan na sila.
Natawa nalang ako sa nasaksihan ko. Mag kambal na baliw talaga. Hindi ko rin tinulungan si Louie na barilin si Luis dahil alam kong gusto niyang siya ang bumaril sa kakambal niya. Pero siya naman ang nabaril. Haynako talaga haha.
So ayun, nag hanap na uli ako ng matataguan. At habang nag hahanap ako, nakita ko naman si Ky na nagtatago sa maliit na pader din at parang nakatutok ang baril niya sa isang posisyon, at dahil na curious ako, tinignan ko naman kung saan naka tutok iyon. At hindi na ako nagulat pa, dahil naka tutok iyon kay Kris na nag tatago sa mga barrels na kaharap nitong pader na medyo malayo layo ng kaunti sa pwesto ni Ky at dahil nakatalikod din it okay Ky kaya madaling naitutok ni Ky ang baril kay Kris.
Hindi muna ako umalis dahil gusto kong makita kung anong gagawin ni Ky.
At nang makuha na ata ni Ky ang tamang posisyon at binaril niya kaagad si Kris.
I was shocked. Ky didn’t hesitate. Well, that’s my girl.
Iniwan ko na sila nang makita ko ang ginawa ni Ky.
At sa matagal na pag hahanap ay nakahanap rin ako ng magandang taguan. Yung parang unang taguan ko lang kanina. Pero mas malalim ng unti ang hukay nito.
Sumilip silip ako sa paligid kung merong tao roon. And I was right on time. I saw Luis walking around. I think he’s finding a place to hide. Well, baby. There’s no need anymore. I fixed my aim at walang alinlangan na binaril siya. At nakita kong nagulat siya at nag palinga linga upang hanapin kung sinong bumaril sa kanya. Kaya naman yumuko ako.
Sumilip uli ako para tignan kung wala na dun si Luis, o kung may bago pang kalaban. And again, nandun naman si Jin kasama si Luis. Pero what? Bakit mag kasama ang dalawang yun? At mukhang nag uusap sila. Kaya naman hindi na ako nag saying pa ng pagkakataon. I aimed my gun to Jin and didn’t hesitate to shot her. At napatili siya sa gulat. I chuckled and hid. Kasi baka makita nila ako.
“Diba? May sniper ang kabilang team! Sino naman kaya iyon?” Dinig kong tanong ni Luis.
“Sira ulo ka. Sinama mo ako para patunayan sa sarili mo na may sniper? Ewan ko sayo Luis. Isa ka pa Cleng!” Rinig ko namang sigaw ni Jin. Natawa ako sa huling sinabi niya.
Yeah right, she knew it was me. She knows me well.
“Mi amor.”
Napalingon ako sa nagsalita. And shit. Mabilis kong i-tinutok ang baril ko sa kanya.
“Surprised?” Nakangisi niyang tanong sa akin habang nakatutok ang baril niya sa akin.
“Not really.” Nakangisi ko ring tugon sa kanya.
“My baby is such a brave girl.” Ngiti ngiting sabi niya naman.
“What are you waiting for? Just shoot me already!” Sabi ko sa kanya. Strategizing lang. Tignan natin kung itutuloy niya.
Nagkatitigan kaming dalawa ngunit biglang nag bago ang ekspresyon ng mukha niya.
Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Niyakap niya ako at nakarinig nalang ako ng putok ng baril, at doon ko na pag tanto na nasa likod ko pala si Kiel. Kaya bago pa niya ako tamaan ay inunahan ko na siya. At hindi naman ako naduling kaya natamaan ko talaga siya.
Ngunit, nabigla ako dahil napaupo si Zane sa lupa, I got worried, kasi baka nasaktan siya or what.
“Nasaktan ka ba?” Nag aalalang tanong ko sa kanya, pero umiling lang siya.
“Why did you do that? Why? You’re so stupid! Dapat binaril mo na ako. Handa naman akong mamatay para sayo.” Sabi ko sa kanya.
“You must live. I give the world to you as a gift.” Nasasaktan niyang sabi. Tas hindi pa nakuntento. Yumakap pa sa akin, na parang mawawala na siya.
“Nue nigagawa niyo?” Rinig kong sabi ng mga tao sa likod ko. Sabay sabay pa.
“Ang drama niyo.” Rinig kong sabi ni Ren. Kaya napalingon ako sa likod ko at nandun na silang lahat. Hawak na ni Zack ang flag.
“Shet Kali. Ikaw ba yan? Ang drama mo pala master.” Ani Luis.
At dahil nahiya na ako, tumayo na ako kasabay si Zane. Sira kasi itong lalaking ito eh. Lumalabas nanaman ang pagka childish.
“Shut the fuck up.” Sabi niya sabay walk out. At ayun, sabay sabay naman nagsi-tawanan ang tropa, pwera sa akin. Nahihiya pa rin ako. Nakapa ano kasi eh. Napaka lantod eh.
“Tama na nga yan! Balik na tayo. Panalo na kami, bleh!” Biglang sabi ni Ky. At sumunod naman na ang lahat, sabay sabay na kaming bumalik sa office para mag bihis.
To be continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
needs
05/07/2024
0pogi dw ako
05/07/2024
0nice story ❤️❤️
14/07/2022
0Tingnan Lahat