Tampo

Chapter 44: Tampo
Seraphina's POV
Months has passed since matapos ang birthday ni Jin, ang christmas at ang new year. At 2019 na ngayon. At nag pasukan na rin. Same routine lang din. Aral, uwi, gala, aral, uwi, landi. Halos ganun lang nangyari sa akin. At syempre kami pa rin ni Zane, kahit na away bati kami. Strong pa rin kami. And Nicole? Bumalik na siya sa states, at mabuti na rin yun. Para naman mabawasan bawasan naman ang mga higad sa pinas.
At ang balita naman sa mga tropa, ayun, si Kris at Zia pa rin. Si Ren at Quinn na rin sa wakas, and going strong ang relationship nila. Si Kiel naman at Jin, medyo ok ok na rin sila, after nung surprise na ginawa ni Kiel, doon sila naging ok. At ang sabi ni Jin ay nanliligaw pa rin si Kiel, at napapansin din namin na unti unti nang nag babago si Kiel, medyo hindi na siya nagbabar at hindi niya pinapansin ang ibang girls bukod sa amin ng tropa.
About kay Ky naman and Zeke? Ang balita ko exclusively dating daw sila, pero not sure kasi sabi sabi lang naman. Hindi na kasi kami nakakapag kita ng lahat eh, kaya wala na akong masyadong balita sa iba.
Ang kambal naman at sina Miyu at Ally, nag liligawan na rin. At ok lang naman kay Kris, wala nanaman siyang magagawa kasi yun ang kaligayahan ng pinsan niya eh.
About naman sa amin ni Zack? Ok pa rin naman kami, actually close friend ko na nga siya eh. Classmate ko pa rin naman siya hanggang ngayon, kaya naging close talaga kami. While Zane, nag shift na pala siya. Kaya medyo busy siya this year kasi marami siyang hahabulin na lessons lalo na nung first sem. Kaya malimit nalang kaming mag kita kapag may time siya. At naiintindihan ko naman yun.
So ayun! Tapos na akong mag balita sa mga nangyari. And ngayon, nasa isang ice cream parlor ako, and I'm with Zack. Nag yaya kasi siya, sobrang naiistress na daw kasi siya sa mga school works namin.
"So ano na? Ano daw ba mali sa ginawa natin?" Tanong ko kay Zack. Actually kasi, gumagawa na kami ng thesis like months ago pa, binigay siya nung mga first week or second week of november pa, basta november na. So ayun nga, nag ka-problema kasi kami sa title namin, na which is hindi ko alam kung bakit, dahil sila Zack at ang ibang grupo lang namin ang nakausap ng prof namin, hindi ko nga alam kung nasan ako nun eh. Sorna na guys. So bale, magkasama kami ni Zack ngayon para pag usapan yun. Kasi ako nalang pala ang hindi nakakaalam kung bakit may mali.
"Ang sabi kasi ni Maam Cristobal, medyo malawak daw yung title natin. Kailangan daw more specific, kasi mahihirapan tayo sa mga respondents natin. So ang sabi niya eh, specific natin yung title natin. Pero hindi naman totally papalitan, i-sspecific lang." Sabi ni Zack. Jusko naman, nakakastress naman ito.
"So, kapag pinalitan natin yung title, may possibility ba na mabago yung mga iba nating ginawa?" Tanong ko.
"Actually meron. May parts na may mababago, may parts na hindi na. Katulad nalang ng Review of Related Literature natin. Kaya kailangan mapag usapan na natin yun lahat. Kasi mahirap mag hanap ng rrl and ng mga pwedeng mabago." Sabi niya. Napa buntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
Most stressful talaga ang thesis. Bukod sa nakakakaba mag defense, ang gastos pa, hay ewan ko ba 'bat naimbento yang thesis na yan. Nakaka stress.
"By the way, kamusta na kayo ni Kali? Wala na akong balita sainyo simula nang nag shift siya." Tanong ni Zack.
"Chismosa ka din eh 'no. Char lang. Pero ayun nga, ok naman kami ngayon, may mga tampuhan pero napaguusapan naman. At medyo busy na siya this year. Marami pa kasi siyang hahabulin na subjects, kasi nga nag shift siya this sem lang." Sabi ko.
"Ahh kaya pala. Pero Doctor ang kinuha niya diba? So, ilang years yun. Hindi pala kayo sabay na gragraduate."
"Ayun nga eh. Pero wala naman akong magagawa dun. The least I can do is to support him. Pangarap niya yan eh, basta nandito lang ako para sa kanya."
"Sweet naman pala nitong kaibigan ko. Kailang kaya ako makakahanap ng isang tulad mo?" Nakayukong sabi ni Zack. Pinalo ko naman ang braso niya, dahil sa sinabi niya.
"Ano ka ba! Makakahanap ka naman ng mas better sa akin eh. Tsaka darating din naman ang the one mo, mag hintay ka lang." Sabi ko sa kanya para naman ma cheer up ko siya.
"Sana nga." Sabi niya. Kaya naman hinapas ko uli siya.
"Kulit mo eh. Basta mag hintay ka nga lang. Wag kang atat kasi." Sabi ko naman sa kanya. So, he laughed and pinched my cheeks.
"Oo na nga, ang kulit mo din eh." Sabi niya habang tumatawa.
So ayun, after naming mag usap tungkol sa thesis namin at sa mga buhay namin, ay dumiretso kami sa S Mall, may kailangan daw kasing bilin si Zack at sumama na ako, kasi wala nanaman akong gagawin. Busy din naman kasi si Zane at may klase pa siya.
"Ano bang bibilin mo?" Tanong ko kay Zack nang makapasok kami sa department store.
"Bibili lang ako ng regalo para sa ka teammate namin sa soccer. Birthday niya na kasi next week." Sabi niya. At tumango-tango nalang ako bilang sagot.
Kaya ayun, sinamahan ko siya sa pagbili niya ng regalo para sa ka teammate niya raw.
Lumipas ang oras at natapos na rin si Zack sa pag bili niya ng regalo. Soccer shoes ang binili niya as a gift.
"Sera? Gusto mo bang kumain? Meryenda na eh. Baka nagugutom ka na." Alok ni Zack sa akin.
"Of course naman, pagkatapos mo akong pagudin sa kaka pili ng sapatos, aba syempre nagutom ako. Kaya dapat itreat mo ko." Sabi ko sa kanya habang tumatawa.
"Of course, it's my treat." Tumatawang sabi niya.
Kaya ayun, pumunta kaming food court para kumain, alangan namang mag shopping. De char lang.
"What do you want to eat? Ako nalang mag oorder." Sabi ni Zack nang makaupo kami.
"Hmm... Bibimbap nalang. Nag cacrave din ako dun eh." Sabi ko.
"Ok then. Wait for me. Mag oorder lang ako." He said and left.
After he left. I checked my phone if there are any missed calls or texts from Zane. But sadly, there's no missed calls from him, pero mat ext na galing sa kanya. So, I opened it.
From: Bebi Zane ko <3
Love, I'm sorry, I can't fetch you today. Hindi rin ako makakauwi sa bahay o sa condo ko. Dito muna ako sa school matutulog, sa private room ng DA, and by the way, kasama ko ang buong DA, to keep me company. And again, sorry love. Stay safe, I love you so much.
Yun ang laman ng text niya. Kanina pang lunch niya sinend. Ngayon ko lang nakita. Hayst... kawawa naman ang bebe ko. Sana naman kumakain siya ng tama at sa tamang oras. Teka nga, mareplyan nga.
To: Bebi Zane ko <3
Okay lang love. I understand. Basta kumain ka ng tama at sa taman g oras ah. tsaka pala nandito ako sa S Mall, just updating you. And sorry if late reply na. Take care and I love you too so much.
And I clicked send. Ayokong sabihin sa kanya na kasama ko si Zack, baka mamaya sumugod pa yun dito. tsaka ayoko rin na mag away kami.
***
After naming kumain ni Zack ay napag desisyunan na naming umuwi, a he insists na ihahatid niya na raw ako sa bahay. Kaya wala na akong nagawa. Tutal gabi na rin naman, bukod sa mahirap sumakay ay baka kung ano pang mangyari sa akin. Kaya accept the offer nalang. Atleast alam kong magiging safe ako kay Zack. So anyways...
Palabas na sana kami ng mall ng biglang may humatak sa akin. Napatingin ako kung sino yun and to my surprise it was Zane.
"Zane? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko kay Zane. Hindi naman niya ako sinagot at tinignan lang si Zack ng masama.
Shit.
"Ako na ang ma uuwi sa girlfriend ko." Zane said coldly to Zack. At hinatak na ako ng tuluyan papuntang parking lot kung saan nandun ang kotse niya.
After naming makapasok sa kotse niya ay, wala ni isa sa amin ang nag salita. He just started the engine and off we go.
Nang makaalis na kami ay, wala pa ring nag sasalita sa amin. Gusto kong mang mag salita, pero I can't utter a word. I know he's mad at me right now. Hindi ko naman siya masisisi kasi it's all my fault. Kung sinabi ko lang sa kanya na kasama ko si Zack, siguro, baka hindi pa siya gantong magalit sa akin. Ako naman ang may mali kaya naguguilty ako ngayon.
Tanga ko lang kasi eh. Lambingin ko malang siya. Para hindi na magalit.
"Love?" Sabi ko kay Zane. Na ngayon ay nag dadrive.
"What?" Sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan. Syempre, nag dadrive eh. Pero ramdam ko yung coldness niya.
"Sorry na. Sorry kung hindi ko sayo sinabi na kasama ko si Zack. Sorry kung late na akong nag sabi sayo kung nasan ako. Sorry kung ang selfish ko. Sorry talaga Zane. Please forgive me my love." Pag mamakaawang sabi ko kay Zane. Baka sakaling mag work yung pag papaawa ko. Hays, tanga mo kasi Seraphina eh.
He just looked at me and the next I knew, nasa tabi na pala kami ng kalsada.
Nakatingin lang kami sa isa't isa, walang nagsasalita ni isa sa aming dalawa at ang tanging ingay lang na maririnig ay ang makina ng kotse.
I've decided, ako na ang unang magsasalita. Tutal ako naman ang may kasalanan dito.
"Zane, look. I'm really sorry for what I've done. Sorry talag—" Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin ng bigla akong yakapin ni Zane. I was surprised.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin and he cupped my face. He looked into my eyes, and so did I. "You don't need to be sorry, ok? Actually, bago ka pa mag text sa akin, alam ko na kung nasan ka. Zack texted me that he's with you. Alam niya kasing hindi mo sa akin sasabihin na kasama mo siya. Because, you know I'll be mad at you. But, don't worry. We're cool, nag usap na kami. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag selos, dahil he still has a feeling for you. Just please Sera, whenever you're with him or Zack or sa kahit na kay ninong lalaki pa, please. Tell me, ayoko nang naglilihim Sera. Kaya next time, always text or call me kung nasan ka at sinong kasama mo. You know that I can't accompany you for now. Naiinindihan mo naman ako diba?" He asked, and I nodded as an answer.
Ok na pala sila ni Zack at ni Zeke, mabuti naman. Ayoko kasi ng may nakakaaway itong si Zane na close sa akin. Gusto ko world peace lang sa circle of friends ko. Basta except lang sa tatlong bitches na kilala niyo naman kung sino.
"Pero sorry pa rin Zane. Kasi hindi ko sinabi sayo na kasama ko si Zack. Feeling ko wala akong kwentang girlfriend." Sabi ko habang nakayuko.
Pero hindi eh. Hindi feeling yun Claire. Wala ka talagang kwentang girlfriend, kasi may nililihim ka sa boyfrind mo at hindi lang boyfriend kundi sa bestfriend mo.
Hayst... soon... masasabi ko din sa kanya ito. I just need time.
He cupped my face and kissed me in my forehead, then he looked straight into my eyes. "Don't say that, Sera. Hindi naman parke't hindi ka nag sabi, wala ka nang kwenta. I understand you. Inisip mo lang ako. But next time, please mag sabi ka na sa akin. And same goes to me. No secrets. We should always understand each other, and trust no matter what." He said and we hugged each other.
Hays, nagbago na ang bebe ko. Hindi na siya ganung kagalitin. Hindi na rin siya ganung ka bipolar.
Pero sana makagather na ako ng lakas ng loob na sabihin kay Zane yung tungkol sa nakaraan ko. I don't want to keep something to him. Kaso natatakot ako sa mga mangyayari kapag nalaman niya yun. Baka sisihin niya ang sarili niya. Na which is I never blame it to him, dahil it's all my fault. Kung hindi ko lang naging natigas yung ulo ko that time, maybe wala akong sakit ngayon. Kaso hindi eh, ang tigas ng ulo ko eh. Kaya ito ang naging consequence ko.
Anyways... after nang batian namin ni Zane, bumalik na uli kami sa kalsada.
"Love? Ihahatid na kita sa inyo ah. I still need to do something, para matapos na ako. At para magkaroon na ako ng vacant day, para naman makapag quality time tayo uli, namimiss na kita eh." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa kalasada.
"I miss you too love. Naiintindihan ko naman love. Basta take care of yourself always ah." Sabi ko naman.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. And he's still looking at the road.
"I love you so much Sera."
"I love you too so much."

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Chloe Mo

    needs

    05/07/2024

      0
  • avatar
    Jakyla Belale

    pogi dw ako

    05/07/2024

      0
  • avatar
    KiraraJamiya

    nice story ❤️❤️

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata