logo text

Batangas Escapade [Pt. 2]

Chapter 43: Batangas Escapade
Seraphina's POV
Natapos na namin ang pag aayos para sa birthday party ni Jin, at nag pasya na rin kaming mag palit ng aming mga swimsuit para naman mag enjoy.
Sayang din ang oras ano. Tsaka maaga aga pa naman, balak kasi ni Jin na gabi na i-celebrate ang bday niya. Nag papatanggal stress din siya eh.
Nandito kami ni Jin, Ky, Ren, Miyu at Ally sa kwarto ko. Nakapag palit na kasi sila, at ako at si Ren nalang ang hinihintay.
(A/N: btw guys. Yung 'Ally', hindi alay yung pronunciation. 'Aly' or 'ali' po. Tas yung 'Allysa' niya. Hindi po alaysa. 'Alyssa' or 'alisa' ang pronunciation. Kung bakit po ganun? Dedicated po ito sa bestfriend kong nasa canada. Na ganun ang pangalan at ang pronunciation ng pangalan niya. Ayun lang po. Thank you, sana naintindihan niyo.)
"Cleng? Ok ka na ba?" Rinig kong tanong ni Jin sa labas ng cr. Hindi na ako sumagot at lumabas nalang.
"Shetness bessy. Ang sexy mo, kahit na naka see through ka pa. kitang kita ko pa rin ang maganda mong katawan." Manghang sabi ni Miyu. Napatawa naman ako.
"Baliw ka na bessy." Natatawang sabi ko naman. Simple lang naman suot ko. Naka two-piece talaga ako, pero yung baba, naka shorts ako, maong shorts. Tas yung bra tas naka see through. Para syempre makita nila yung ka sexyhan ko. Hahaha.
"Grabe talaga katawan mo Cleng! Sexy mamsh! Halatang halata ang dede. Yummy!" Natatawang sabi ni Ren. Binatukan ko naman dahil sa sinabi niya.
"Tangna mo bes! Bunganga mo talaga." Sabi ko naman sa kanya. At tinawanan lang ako ni gaga.
So ayun, after kong mag palit. Sumunod naman si Ren. Ang tagal ngang nag palit eh. Mga halos 10 minuto sa cr, ayaw pang lumabas, nahihiya si gaga.
"Ok na yan, ang ganda mo nga eh. Sexy na sexy." Sabi ni Jin kay Ren nang makalabas na kami ng kwarto.
Nahihiya kasi si Ren, palibhasa, ngayon lang nag suot ng two-piece. Oo naka two-piece din siya. Naka shorts tas crop top.
Si Jin, Ky at Ally, same lang din ng outfit ko. Samantalang si Ren at Miyu naman ang magkaparehas ng style.
Pagkatapos namin mag palit, syempre lumabas na rin kami ng bahay. Nakita namin yung kambal at si Zack. Oo nga pala, after namin mag ayos kanina, nauna nang lumabas yung boys na tumulong. Tas syempre kaming girls nalang ang nag ayos ng sarili.
So ayun, lumapit kaming girls sa kanila. "Wow! Miyu babes! Ang sexy mo talaga, kaso sana hindi ka na nag ganyan. Maraming maakit sayo." Sabi ni Louie kay Miyu. Hinapas naman ni Miyu si Loue sa braso at syempre kinilig ang lola mo.
"Allysa labs. Sa akin ka lang titingin ah. Ang sexy sexy mo talaga." Sabi naman ni Luis kay Allysa.
"Naku Luis, tigil tigilan mo nga ako. Mga bolero talaga kayo." Sabi naman ni Ally kay Luis, tas may pa irap pa. pero alam ko, deep inside kinikilig yan hahaha.
Napatingin naman ako kay Zack na nakatingin din pala sa akin, yung tipong nakatulala na.
"Hoy Zack! Tutulo na laway mo! Naku ah, nasesexyhan ka nanaman sa bestfriend namin ah!" Mapangasar na sabi ni Jin. Napatawa naman kaming mga babae, kasama na ang kambal.
Samantalang napaiwasan naman ng tingin si Zack. "You look very dashing Sera." Sabi ni Zack.
Napangiti naman ako at kinurot siya sa braso. "Sus, bolero." Sabi ko habang nakangiti.
Landi ko ane? Pero atleast hindi sing landi ng jowa ko. Ni hindi ko pa nga nakikita yun, simula kaninang umalis. Hindi man lang ako pinuntahan. Ni walang text or call na galing sa kanya eh. Galing niya talaga ah. Landi landi.
Oo nga pala, nasan na kaya yun? Ni hindi ko yun nakita buong magdamag, simula nang makarating kami dito sa bahay.
"Cleng! Tara, puntahan natin yung iba. Nandun sila oh." Sabi ni Jin habang nakaturo sa isang maliit na kubo.
Ah.. nandun pala sila. Ok. Sige.
So ayun, sumama na ako sa kanila. Kesa naman mag paiwan ako diba? Kawawa naman ako.
"Guys! You're here na pala." Bungad sa amin ni Nicole.
Feeling close amputs.
Nginitian nalang namin siya.
"Enjoy kayo guys. Kung ayaw niyo naman mag babad sa beach, meron namang pool." Sabi ko sa kanila.
Umupo na ako sa tabi ni Zack.
"We need to talk Sera." Sabi ni Zane sa akin tas hinila ako sa paalis ng kubo.
Leya, kauupo ko lang eh.
"Ano ba Zane? Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya at pumupumiglas sa pagkakahawak niya sa wrist ko.
Hindi siya nagsalita. Patuloy niya lang akong hinihila hanggang sa huminto kami sa may gilid ng bahay.
Nang makahinto kami ay tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa wrist ko. "The eff Zane? Ano bang problema mo?!" Sigaw na sabi ko sa kanya.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Kaya naman tinutulak ko siya palayo.
I'm really confused right now.
Binitawan niya ako at hinawakan sa balikat. "I'm sorry Sera. I'm really sorry. I was so insensitive, hindi ko man lang inisip yung nararamdaman mo kanina." Sabi niya.
"Sana narealize mo ng mas maaga. You just left me a while ago. Kasama mo nanaman yung tatlong epal na babae. Lalong lalo na yung Nicole na yun. Akala ko ba may pinag usapan na tayo?" I said to him.
"I was wrong love. And yes, may pinag usapan tayo. But I saw you, kanina, kasama mo si Zack. Dapat mag papaiwan ako kaso hinila na ako ni Nicole palabas. Pero, sinabi ko sa kaniya na hindi kita pwedeng iwan, so, I went back to the house. Kaso naabutan ko kayo ni Zack na papuntang kitchen. I am so fcking jealous!"
"So you wanted to get back at me, dahil sa nakita mo? So, you went to Nicole and just leave me out here. Yun ba?" Galit na sabi ko.
Umiling iling lang si Zane at dahan dahang hinawakan ang pisngi ko.
"No love. Hindi ko siya kasama, wala akong kasama kanina. Because after ko kayong makita, lumabas muna ako. Hindi ko sila sinundan, I went outside because I need some air. Hindi ko kayang makitang may kasama kang iba. Even kanina sa van. I'm sorry kung hindi kita nasamahan kanina, I'm sorry kung ang insensitive ko, I'm sorry kung napaka possessive ko pag dating sayo. I just don't like it when I'm seeing you with some other guys. I just want you mine. All mine. Yung sa akin ka lang titingin, sa akin lang nakatuon ang atensyon mo. I'm really sorry love." He said with sincerity. Then he hugged me tight.
Hindi ko na alam. Nawawala talaga galit ko sa kanya kapag nagiging sincere siya eh. Hindi ko alam kung bakit ang bilis lumambot ng puso ko, kapag sa siya na kaharap ko. Ganto ba talaga nagagawa ng love?
Niyakap ko nalang siya ng mahigpit din. "Hayst... ano pa bag magagawa ko? Sige na, ok na tayo. Basta wag mo akong iiwan ah. Langya ka eh, iniwan mo ako kanina. Tas hindi mo man lang ako tinignan nung nakatulog ako sa van kanina. Sobrang sakit tuloy ng leeg ko." Sabi ko na para bang nag rereklamo.
Syempre nakakatampo eh. Halos buong araw niyang kasama yung Nicole na yun eh. Tas ako, iniwan niya lang. Saya diba?
So ayun, niyakap ako ni sira at hinalikan sa noo.
"I promise you, hindi na kita iiwan." He said at saglit na hinalikan ako sa labi.
"Tara na, baka hinahanap na nila tayo." Sabi ko. Tumango naman siya bilang sagot.
At ayun nga, mag kahawak kamay kaming pumunta sa bahay.
***
"Oh ayan! Kumpleto na tayo. Kantahan na natin si Ate Jin ng happy birthday." Masayang sabi ni Miyu. Nandito na pala kami sa dining area.
And we sang happy birthday to Jin.
"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Jace we lab you! Jace wilab ka!" Kanta namin kay Jin, well except kila Nicole, Angelica at Zia. What do we expect from them?
(Wilab = baliw)
"Blow mo na candles mo, pero wish ka muna bago mo i-blow." Sabi ni Ky at iniharap yung cake ni Jin sa kanya para hipan ang kandila.
Jin closed her eyes then blow out the candles. At hindi dun natapos yun, nag labas din kami ng party popper pinasabok iyon.
"Happy 18th birthday Jinjin! Legal ka na!" Sabi ko kay Jin at niyakap siya.
"Habadu Jin! Pwede ka nang makulong!" - Ky.
"Pwede ka nang mag drive!" - Ren.
"Pwede ka nang mag pa kasal!" Sabay na sabi ni Miyu at Ally.
At pare parehas kaming napalingon sa kanila.
"Hoy! Iyong dalawang ito! Mga utak niyo!" Nag hyhysterical na sabi ni Jin. At dahil dun, napatawa kami.
"Joke lang naman ate hehe." Sabi ni Miyu na may pa peace sign pa.
"Anyways, thank you guys sa pag sama dito para i-celebrate yung 18th birthday ko." Sabi ni Jin.
"Syempre naman, bebe ka namin eh. Hala sige, kain na muna tayo, bago gumawa ng gulo." Sabi naman ni Ky.
And ayun, nag simula na kaming kumain. By the way, katabi ko si Zane sa kanan ko tas si Ky sa kaliwa ko. At sa kasamaang palad, katabi ni Zane si Nicole. Naku, subukan lang mag landi niyang si Zane, puputulin ko ang dapat putulin. De char lang, pero talaga kapag nag landi nanaman yang bebe ko, sasapakin ko na talaga siya. Hala sige, kakain muna kami.
After dinner...
***
After naming kumain ay nag pasya kaming lumabas sa may pool area. Gusto daw nilang mag swimming eh. Tsaka alam ko namang mas magandang mag jinuman sa labas.
Magkasama pala kami ngayon ni Jin, nasa gilid kami pool nakasawsaw yung paa namin sa pool habang may hawak kaming beer.
"Jin? Kamusta ka na? Kayo ni Kiel?" Tanong ko sa kanya.
"Well, ok naman ako. Pero kami ni Kiel? Ewan ko, medyo complicated pa rin kami eh." Sagot ni Jin tas tinungga niya yung beer na hawak niya.
Hay... kailan kaya sila magiging ok? Kung hindi lang kasi playboy itong si Kiel eh. Eh di sana ok na sila. Bahala na sila, basta ako support lang sa kanila.
"Guys! Halikayo, laro naman tayo." Napalingon kami ni Jin nang biglang nagsalita si Quinn.
"Oo nga, maglaro naman tayo. Masyadong tahimik ehh." Sangayon naman Luis.
"So, anong lalaruin naman natin?" Tanong ni Jin.
"Tagutaguan. At ang taya ay ang birthday girl natin. Oh, ano? G ba kayo?" Sabi ni Quinn habang nakangiti ng nakakaloko.
Nag katinginan kami nila Ren, Ky, Miyu, Ally at ang buong DA at napangiti nalang. "G kami!" Sabay sabay na sabi namin. Hahaha! Sabi na eh!
"Ang daya niyo naman!" Nag tatampong sabi ni Jin. At tinawanan lang namin siya.
"Isn't too childish to play hide and seek? Like seriously?"
Napalingon kami kay Angelica nang mag salita siya bigla.
"Eh di kung ayaw mong sumali, wag ka nang sumali. Ito trip namin eh." Inis naman na sabi ni Ky tas inirapan si Angelica. Hahaha lavern!
"The clash! Isa laban sa lahat!" Biglang sigaw ni Quinn gamit ang pinaka matinis niyang boses.
Lintek hahaha.
"Naku! Bumabalik ka nanaman sa pagiging girlalu mo ah. Baka maturn off na niyan si Ren. Hahaha." Tumatawang sabi ni Jin.
"Hoy hindi ah." Sabi naman kaagad ni Quinn, hahaha. Nafall na nga si gaga sa aming bestfriend, mabuti naman.
"Sige ganto. Kung sino yung ayaw sumali, wag nalang sumali." Sabi ni Ren.
"So ayun nga, simulan na natin. Reminder lang guys, bawal lumayo sa bahay ah. Bawal sa may taas ng bahay, at bawal din umalis ng bahay. Baka mamaya yung iba nag lalangoy na dun sa dagat. So yeah! Let the game begin!" Paalala ni Quinn sa lahat.
At ayun, nag simula na kaming mag laro. At ang mga hindi pala sumali ay sina Zia at Angelica.
Nag simula nang mag bilang si Jin at ako naman ay kanda ugagang mag hanap ng tataguan.
Mag tatago na sana ako sa may loob ng bahay nang biglang hatakin ni Kiel ang braso ko. Papaluin ko sana siya kaso bigla siyang nag sign ng wag maingay.
"Ano bang trip mo?" Bulong na sabi ko sa kanya.
"Wag kang maingay, tulungan mo nalang akong i-surprise si Jin. Nandiyan sa garden niyo yung surprise ko." Explain niya. Huh? May surprise si Kiel kay Jin? Himala ah.
"Ano bang gagawin ko?" Tanong ko.
"Ganto, pagkatapos ni Jin mag bilang, piringan mo siya. Tas ipasok mo siya sa loob ng bahay papunta sa garden. Nandun na ako. Tas wag niyo na kaming istorbuhin, enjoyin niyo nalang gabi niyo ngayon. Dahil marami kaming paguusapan. Maraming salamat. Atsaka nga pala, alam na rin nila Ky yun." Bulong na sabi niya sa akin at inabot din ang panyo na ipangpipiring ko kay Jin.
Wow lang ah. Maka wag istorbohin, akala mo naman talaga. Pero I'm proud of him. Buti naisip niya yun. And yeah, kailangan talaga nila mag usap. Pagbigyan na natin.
Bumalik na uli ako sa pool kung saan nandun pala silang lahat, except pala kay Kiel. Mga litsi, ako lang ata ang wala alam sa surpresa na gagawin ni Kiel. Kaya pala after dinner biglang nawala ang boys. Mga litsi talaga sila.
"Tanginamers niyong lahat." Bulong na sigaw ko sa kanila. At ayun, mga nag pipigil lang sila nangtawa, well, except kina Zia, Angelica at Nicole.
"49. 50! Tapos na ako! Ready ko na kayong hanapin!" Sigaw ni Jin habang nakataklob pa rin ang mga kamay niya sa mga mata niya.
Nagulat namin kami kaya ayun nag tatakbo ako papunta sa likod niya, kasi baka makita niya kami.
At hindi naman ako nabigo dahil naipiring ko kaagad yung panyo sa mata niya.
"Ano ito? Hoy! Sino ka ba! Saan mo ko dadalhin!" Sigaw ni Jin.
Sinenyasan ko naman si Kris na siya na ang mag dala kay Jin sa garden, dahil baka masapak ako. Bang likot kasi. At ayun sinunod naman ni Kris. Siya na ang nag hatid. Tinatamad din ako ehh, haha.
After ihatid ni Kris si Jin sa garden ay nag patuloy na uli ang saya sa pool.
Ang sabi pala sa akin ni Ky. Romantic Candlelight ang surprise ni Kiel kay Jin. At matagal na palang napausapan ng DA yun, at mabuti naman para naman matuwa si Jin sa kanya. Effort effort din kasi pag may time.
So ayun, nakaupo ako ngayon sa gilid ng pool at nakasawsaw yung paa ko sa pool. At ako lang mag isa. Si Zane kasi kasama ang mga lalaki sa may mini kubo namin, at mukhang may pinag uusapan. Napapansin ko kasi, kanina pa wala sa sarili si Kris. At parang hindi ata sila nag uusap ni Zia. May away siguro. Si Ky naman, ayun ok lang naman siya, kasa-kasama niya nga si Zeke ngayon eh.
Hayst... ano kaya mangyayari sa amin kung hindi kami nag kalayo dati ni Zane? Magiging ganto ba kami, na mag jowa o hanggang kaibigan lang talaga?
Napatungga nalang ako ng beer sa mga iniisip ko.
I was thinking something nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Kaya tinignan ko kung sino.
It was only Nicole.
"I'm still wondering kung bakit ikaw ang pinili niya. Bakit nga ba?" Tanong niya habang nakatingin sa beer na hawak niya. Alam kong tanong niya yung sa akin. Malamang naman diba? Sino pa bang ibang nakaupo sa tabi niya kundi ako, wala rin namang tao sa harap niya.
I looked at the beer that I'm holding and took a sip before answering her. "Alam mo kung bakit? Kasi, I'm Seraphina Claire Parker. At ang pangalan ng taong mahal at pinili ni Zane ay walang iba kundi, Seraphina Claire Parker. And that's me." Mataray kong sagot sa kanya. Totoo namam diba? Ako ang mahal ni Zane, ako ang pinili, ako ang original na girl best friend at ako lang ang girlfriend niya. Ako lang, ako lang at ako lang. Bitch.
Nakita kong inirapan ako ni Nicole. I don't care, maduling sana siya kakairap niya. Dukutin ko yung mata niya eh.
"You're so confident girl. Baka nakakalimutan mo, I'm his bestfriend since we we're in states. And for sure makikinig siya sa akin kapag sinabi kong iwan ka niya. You're just his slutty fling." She said.
Aba!
"Oh yes bitch. I'm fcking confident alright. And baka nakakalimutan mo. I'm the GIRLFRIEND, and you're just his FCKING BITCHY FRIEND who always clings around him, assuming to be his girl. And bitch, for your information. I'm his childhood FRIEND, childhood LOVER, childhood CRUSH and his BESTFRIEND since we we're in our mom's womb. And another bitch. I'm not his 'slutty fling.' I'm his lover since the day we met, and to remind you bitch. We met the day our mom gave birth to us. You understand bitch? Any more question?" I said with my bitchy tone. Iniinis ako nitong babaeng ito ah. Pakabusog ka sa bitch ko, bitch!
At ayun, nabwisit na siya ng tuluyan at umalis siya sa tabi ko habang nag dadabog at iniirapan ako.
"Dukutin ko yang mata mo eh. Kinaganda mo teh?" Sabi ko kay Nicole nang makaalis siya.
Saya talaga mangaway hahaha. Lakas ng loob niya rin ano? Ang kapal pa ng mukha. Haynako, 'bat kasi ang pogi ng jowa ko eh. Dami tuloy nababaliw sa kanya.
Hayst... need mo beer. Makakuha nga.
So ayun, umalis ako sa inuupuan ko at lumapit sa mga boys na hanggang ngayon nag uusap pa rin.
Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa may cooler kung saan nandun ang mga alak. Binuksan ko iyon at kumuha ng hard drinks. Yoko na ng beer, too mild. Gusto ko naman yung hard, para wooh! Haha. Bawal green ahh! Hahaha.
After kung kumuha ng kung anong nadampot ko na hard drinks sa cooler ay tumabi ako kay Zane.
"Oh Cleng, mukhang may tama ka na ah. Ano ang sadya mo dito?" Tumatawang anong ni Luis sa akin. Hindi na ako nag salita at tinaas nalang yung hawak ko na alak bilang sagot sa tanong niya.
"Love, don't drink too much. Mahirap na, baka kung anong mangyari sayo." Rinig kong sabi ni Zane.
Umiling iling ako habang nakatingin sa kanya. "Ano ka ba, hindi naman ako ganun kabilis tinatamaan like duh." Sabi ko sa kanya.
Well, yes malakas ata ako. Mataas ang alcohol tolerance ko 'no. Pwera naman kay Ren na mabilis malasing.
"Ano nga pala ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kasama sila Ren at Ky?" Tanong ni Zane.
"Wala lang. Nag uusap kasi si Ky at Ren. Tas sila Miyu at Ally naman nasa room na. Pagod ata sila kaya nauna nang nag pahinga. Pero pupuntahan ko na rin sila Ky at Ren. Gusto lang talaga kita makita." Sabi ko sa kanya habang nakatingin din sa kanya. And I saw him smile and he pinched my cheeks.
So ayun, kinilig po siya, kaya iiwan ko muna siya. I kissed his cheeks before going out to our kubo. Pinuntahan ko si Ren at Ky na nag uusap sa may kabilang table. Kasi yung isang table ay occupied na ng mga babaeng ayaw kong makita.
I sat between Ky and Ren, and looked at them. "What's the p?" Tanong ko.
"Hoy Cleng! Baka nakakalimutan mo, may sakit ka. At masama sayo ang alak. Ang kulit mo din eh." Pangangaral sa akin ni Ky.
"Kayo naman. Minsan lang naman ito. Pagbigyan niyo na ako." Sabi ko sa kanila.
"Haynako, sige na. Wala na rin naman kaming magagawa, nakainom ka na rin eh. Basta know your limitation ah. Nag aalala lang kami sayo." Sabi naman ni Ren.
"Yiiieee. Sweet sweet talaga ng mga kaibigan ko. So ayun nga, back to the topic. So ano na nga?" Sabi ko.
"Haynako, ito kasing si Ren may problema. Gusto niya na daw sagutin si Quinn kaso hindi niya alam kung paano." Said Ky.
"Just say it to him Ren. Have confidence ano ka ba." Sabi ko naman.
"Hindi ko nga alam kung paano o ano sasabihin. Kinakabahan ako eh." Sabi ni Ren habang nakatingin sa amin na animo'y parang natatae ang mukha. Kinakabahan nga ito.
"Ano ka ba. Diretsuhin mo nalang siya. Pwedeng sabihin mo na. 'Oo' o di kaya 'tayo na'. Pero it depends sayo." Sabi ko.
"Hay ewan. Bukas nalang, mag preprepare pa ako ng sarilim wag muna ngayon, kinakabahan talaga ako eh." Sabi ni Ren.
"Well. It's up to you." I said.
"By the way pala, change topic tayo. Narinig pala namin kayo ni Nicole kanina. Ang bangis mo ah. Walk out si gaga eh." Biglang sabi ni Ky. Waleya, ganun ba talaga kalakas boses ko para marinig nila yung sinabi ko? My goodness.
"Oo nga Cleng. Bangis mo girl ah. Nabusog si ateng sa kakabitch mo sakanya eh. Bawat sentence ata na binibitawan mo may bitch na nababanggit eh." Sabi naman ni Ren habang tumatawa. Nakitawa na rin ako.
"Well girls. Ganun talaga kapag ako ang binabangga. Tsaka makapanalita wagas eh. Porke hindi gusto ni Zane mag wawala. Haynako. She's such a brat. Kaya girls, kapag meeong gustong sumira ng relationship niyo with your boys. Laging ipagtanggol ang sarili at ang relationship niyo. That's just trials between the both of you." I said to them. Ata yun nag tatango tango sila bilang sagot.
"So, girls, kwentuhan naman tayo ng iba pang nangyayari sa mga buhay natin." Ren said.
So ayun, wala kaming ginawa kundi ang mag kwentuhan at mag inuman.
---
Zane's POV
We we're in the middle of our 'boy's talk' na sabi ng kambal kanina. Mga ugok kasi eh, may problema nanaman sila with their girls. Basta ako, ok na kami ni Sera. Dinadamayan ko lang sila.
"Boys. Naku kunin niyo na ang mga girls niyo. Mga lasing na sila eh." Napalingon kaming lahat sa nag salita. And it was Jin with Kiel.
"Nakabalik na pala sila. So, how's the honeymoon?" Tanong ni Luis habang tumatawa. And Kiel just showed his middle finger to him. Kaya napatawa kami.
"Haynako mga sira kayo. By the way, Sera, Ky and Ren are drunk. And the other 3 girls went to their room. Kaya mga jowa or what so ever nung tatlo puntahan niyo na dun. Kasi parang nababaliw na sila. Kung ano-ano na ang sinasabi nila." Sabi ni Jin. Kaya napatayo ako, kasama sina Quinn at Zeke. At pinuntahan ang tatlong babaeng mga lasing na.
Haynako, sinabi ko na sa kanya na wag mag iinum ng marami eh. Tigas talaga ng ulo.
"Naku naman. Mabilis pa namang malasing si Ren. Ang kulit naman kasi eh." Sabi ni Quinn habang papunta kami kila Sera.
At pag dating namin sa table nila. As what we expected. Ky is sitting at the cement and murmuring something. Ren is currently still drinking and Sera is still drinking and laughing like a crazy woman.
We went to our girls and pick them up.
"Ayam mo bya Ashel! Shinashagot na kita! *hik* I want to be your girlfriend. *hik* Davat kanyinya pa nga kita shinagot eh, kasho kinakabahan ko. *hik* Hehehehe. Shaka pala *hik* kahit vakla ka. Lab na lab kita hihihi. *hik* I wav you! Muwah!" I heard Ren said to Quinn. And after she said that, she fell asleep in Quinn's arm, and I saw Quinn smiled while holding Ren. Well, I don't fcking care about them. I just care for Sera.
And then, I saw Ky fell on the floor. She's asleep for sure. Kaya binuhat na siya ni Zeke.
And yeah, for my Sera. She's still drinking.
I went to her and looked at her. She saw me and looked at me too.
"Oh! Zane, you're here! Ayam mo ba hahaha! Shinagot ko yung beshpren mong panget! Yung Nyicole hahah. The look in her face while I'm saying that you chose me because, I'm the one you love. That I'm Seraphina Claire Parker, Zane's one and only true love. That Zane chose me for being me. That Zane cares for me. That Zane loves me for who and what I am. That Zane will never leave me, ever again. That we love each other, kahit na iniwan mo ako dati." She said while crying. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, assuring her that I will not leave her. I hate to see her cry. Then after she cried, I carried her and went inside the house.
Nung nasa tapat na kami ng room door niya, naramdaman kong umiiling siya. I looked at her, her eyes were shut and tears are falling from her eyes. She's still crying. I really fcking hate myself for making her cry. I know that it was because of me. I fcking hate seeing her cry, lalong lalo na kapag dahil sa akin.
"Ayoko diyan. Ayokong makita ako ng makasama kong umiiyak, just go to my parents’ room." She said while whipping. Sinunod ko naman ang sinabi niya. I went to her parents’ room and put her into bed.
Pagkatapos ko siyang kumutan paalis na sana ako sa kwarto nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Don't leave me. Don't ever leave me again. Natatakot na akong maiwan Zane. Nung iniwan mo ko dati, natakot na maiwan. Lagi nalang ako iniiwan." Sabi niya habang umiiyak. Napatigil ako dahil sa mga sinabi niya. Fuck! Ang laki kong tanga! Tangina, ang laking epekto sa kanya ng pagiwan ko. And I was fcking stupid for leaving her. But I have no choice but to leave her. Kaya tangina ngayon hinding hindi ko na siya iiwan pa, kahit na anong mangyari.
Hindi na ako nag dalawang isip na tabihan siya. Kaya nang matabihan ko siya, I hugged her tight and so is she.
"Natatakot na ako Zane. Natatakot na akong iwan mo uli ako. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag iniwan mo uli ako. I'm scared." She said still crying. So, I even hugged her tight. And caressed her hair.
"Don't be scared. Hinding hindi na kita iiwan. Kaya tumahan ka na at matulog nalang." I said to her.
"Promise?"
"Promise." Sabi ko sa kanya.
Naramdaman ko namang lumuwag na ang yakap niya sa akin, meaning na nakatulog na siya.
Tangina. Napaka swerte ko sa babaeng ito. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag iniwan niya ako. Mahirap makahanap ng isang katulad ni Sera. She's one of a kind. I'm really blessed for being with her. Lord, sana siya na hanggang sa huli. Hanggang sa kunin niyo kami Lord. Sana Lord hindi niya ako iwan. I wish that she's the one for me Lord. Sana.

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Chloe Mo

    needs

    05/07/2024

      0
  • avatar
    Jakyla Belale

    pogi dw ako

    05/07/2024

      0
  • avatar
    KiraraJamiya

    nice story ❤️❤️

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata