Homepage/Loving My Possessive Bestfriend/
I Hate You
Chapter 38: I Hate You
Seraphina's POV
One week has passed after my birthday, and after what happened to my birthday. Hayst... and I really don't know what's happening now.
Napapaisip tuloy ako sa desisyong ginawa ko nung araw na yun.
And by the way nasa bahay ako ngayon, wala namang pasok kaya boring.
"Dobi, come here!" Tawag ko sa puppy ko na husky. Yes guys, tama kayo nang nabasa, baby husky. Nakuha ko na din ang isa sa dream dog ko. Her name is Dobi. Why Dobi? Nickname ni Chanyeol hahaha. Sorna guys ah. Chanyeol stan lang ako.
"Pst." Napatingin naman ako sa sumitsit sa akin, na nasa likod ko lang.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit masama bang gustohing makita ka?" Sabi naman niya.
"Hindi naman haha." Sabi ko naman sa kanya, at niyakap siya.
"Haynako Cleng, musta ka naman?" Sabi ni Jin sa akin at umupo sa sofa, dahil nasa salas kami.
"Hayst... ito ok naman ako." Sabi ko.
Then Jin tapped my back. "Kayo? Kamusta naman kayo?" Tanong niya. And she's referring to Zane and Zack.
Hay, kung alam niyo lang.
"Medyo awkward kami ngayon eh, lalo na nung after ng debut ko. Ang awkward talaga." Sabi ko kay Jin.
Pag naalala ko talaga yung nangyari nung debut ko... hayst... hindi ko na alam ang gagawin.
"Ano ka ba, magiging ok din kayo." Sabi naman ni Jin.
Hayst... sana nga...
"Sige na, una na muna ako, dumaan lang ako sainyo para kamustahin ka." Biglang sabi ni Jin sa akin.
"Ok, thank you sa pag aalala. Ingat ka." Sabi ko kay Jin at nag beso kami.
And after that. Jin left me and Autumn.
Buti pa si Dobi hayahay lang, samantalang ako, hindi ko na alam ang nangyayari sa akin.
"Haynako Dobi. Ano na bang gagawin natin?" Para na akong baliw dito. Pati ba naman aso kinakausap ko.
Nasa gitna ako nang pagiisip ng marinig kong tinatawag ako ni manag elsa. "Iha, kanina pa may nag hihintay sayo sa labas." Sabi niya.
Takte, oo nga pala. Pupunta pala kami ni Dobi ngayon sa kanyang vet.
"Sige po manag, pakisabi po, lalabas na ako." Sabi ko kay manang elsa habang inaayos si Dobi.
At nang matapos ko nang ayusan si Dobi at ilagay ang tali sa collar niya, umalis na kami ng bahay.
And there I saw him and his bumble bee car.
Nang makalapit kami ni Dobi sa kanya, kinuha niya si Dobi sa akin at hinalikan.
"Tagal niyo namang lumabas." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.
Pumasok na kami sa kotse niya at iniabot niya sa akin si Dobi.
"Inayusan ko pa si Dobi eh." Sabi ko sa kanya.
"Sus, ang sabihin mo lang, nag paganda ka pa para sa akin." Sabi niya at malokong ngumiti.
So binigyan ko naman siya ng isang poker face. "Kapal mo brad." Sabi ko.
"I know you, Sera." Sabi niya.
"Luh? Akala mo nakikipag biruan eh. Inayusan ko nga si Dobi. And excuse me, bago ka pa dumating ready na ako, sadyang si Dobi lang ang hindi." Sabi ko sa kanya. Well, totoo naman talaga.
Mahina namang tumawa naman siya. "Ok ok, I give up love." Sabi ni Zane at kinurot ang ilong ko.
"Tse, lablabin mo yang mukha mo." Inis na sabi ko.
"Whatever you say love." Natatawa niyang sabi at pinaandar na ang kotse.
Isang hayst nanaman. Napapaisip talaga ako kung bakit yun ang desisyon na ginawa ko eh.
*FLASHBACK*
"What Sera? Can I be your boyfriend?" Tanong ulit ni Zane sa akin.
Sana tama itong gagawin kong desisyon.
"Zane, no..." I said....
Nakita ko namang naging dismayado ang mukha ni Zane, kasama na rin ang mga dancer na kasama niya.
At pati ang mga crowd na kanina ay maiingay ngayon ay natahimik.
At dahil maganda ako, ngumiti ako. "Charot lang! Syempre! Yes Zane! Yes you can be my boyfriend!" Sigaw na sabi ko.
At dahil dun, nag hiyawan ang mga tao at nakita kong napangiti si Zane ng malawak.
Nilapitan niya at niyakap.
"Thank you, Sera. Thank you for saying yes to me. I love you so much." Masayang sabi niya sa akin.
Sa wakas masasabi ko na rin ang mga salitang matagal nang gustong kumawala sa bibig ko. "I love you too." Sabi ko sa kanya.
At sa wakas! Nasabi ko na rin sa kanya ang tatlong salita na gusto kong masabi sa kanya.
*END OF FLASHBACK*
Sinagot ko siya guys. Syempre mahal ko eh. Matagal ko nang mahal eh. Bakit pa patatagalin, kung alam kong sigurado na ako sa kanya. Sa tagal kong minahal yung abnong yun? Aayaw pa ba ako? Syempre hindi. Dapat go lang ng go!
And by the way. Sa pinag usapan naman namin nila Jin, Ky at Ren. Naiintindihan naman nila ako eh, and sabi nga nila. Kahit ano pang desisyon ko, susuportahan nila ako.
Tsaka. Ready na rin naman ako sa commitment na papasukin ko eh, and I know what could be the consequences kapag pinasok ko ang isang relasyon. And I'm ready for that. And ready na rin akong masaktan, simula pa nang payagan ko siyang ligawan niya ako.
Kaya ito, nag dadalawang isip tuloy ako kung bakit ko siya sinagot. Paano ba naman kasi, parang abno eh, kakaiba na nung naging kami eh, mas lalong naging abno. De char lang. Syempre hindi ako nag dadalawang isip. Mahal ko yun eh, kahit na sino at ano pa siya.
And kung nagtataka kayo kung sino ang pinaguusapan namin ni Jin kanina? Halos si Zack eh. Hindi naman kami ganun ka awkward nj Zane eh. Sadyang si Zack lang. Medyo awkward na kasi kami eh, pero hindi naman sa awkward talaga. Parang, nag tatampo siya sa akin. Hindi niya kasi alam na sasagutin ko na si Zane. Eh alam niyo naman na may something sa akin yun. Kaya ganun, pero sana maging ok na kami.
And another. Kung sino ang nagbigay ng baby husky? Si Zane, regalo niya sa akin nung bday ko. Kinabukasan kasi, pumunta kami ng condo niya, then suddenly nakakita ako ng isang cute little husky na nasa kulungan.
Then Zane said na, yun daw ang regalo niya sa akin. And yun din daw ang dahilan kung bakit nalate sila ng DA sa debut ko. Kinuha pa daw nila si Dobi sa pet shop. Tas yung surprise niya naman daw, yung pag aya niya sa akin na maging jowaers niya.
Swerte niya, may magandang jowa siyang ngayon. Hahahaha.
"Hoy! Ano yan? 'Bat ngingiti-ngiti ka nanaman diyan? Naalala mo nanaman siguro yung sumayaw ako para sayo ano?" Napalingon ako bigla kay Zane nang bigla siyang nag salita.
At nakita kong nakangisi na si loko.
Kinaltukan ko naman. "Excuse me. Hindi ako kinilig nung sumayaw ka. Iniisip ko lang na napaka swerte mo kasi may maganda kang jowa katulad ko." Confident naman na sabi ko.
Aba syempre, dapat confident ka na maganda ka.
Napangiti naman siya. "I'm really lucky to have you, Sera. Not just as a girlfriend, but as a best friend also. Alam mo bang matagal ko nang hinahangad na maging girlfriend ka. And now, here we are. Feeling each other's love. And I don't think that I can live without you. You're like my oxygen. Without you, I'm gone. Ikaw ang pinaka maganda, masipag, pinaka magaling mag luto, pinaka cute, at lahat na nang pinaka na positive, nasayo na lahat. Kaya ang swerte ko talaga sayo. Pero mas swerte ka sa akin, kasi ako ang pinaka pogi na lalaki sa boung mundo." Sincere at maloko niyang sabi.
Jusko, hindi ko alam kung tatawa ba ako, kikiligin o mandidiri sa mga sinasabi niya haha. Char lang Syempre kinilig ako dun, kahit na medyo corny siya.
So ayun, pinisil ko ang pisngi niya dahil sobrang cute niya kapag corny siya. "Uwu. Sige na, mag drive ka na diyan nang makapunta na tayo sa vet ni Dobi. Kawawa naman si Dobi, nandidiri na sa ka cornihan mo. Hahaha." Natatawang sabi ko sa kanya.
Napasimangot naman si loko. "Me too. I'm lucky that you're my boyfriend and bestfriend. Akalain mo nga naman, nag katuluyan tayo? Hahaha." Natatawa kong sabi.
So ayun, after ng pag lalandian namin sa kotse, nag focus na si Zane sa pag drive at ako naman, nilalaro ko si Dobi.
***
"Where do you want to eat love?" Zane asked as soon as I entered his car.
Katatapos lang kasi ng checkup ni Dobi, tas ayun. Nagutom ako, kaya gusto kong kumain.
"Condo mo nalang. Mag luluto nalang uli ako. Baka mamaya, hindi pa pwede si Dobi pumasok sa mga restaurant. Kawawa naman siya." Sabi ko naman.
Totoo naman eh. Limit lang yung mga restaurant o fast food chain na pumapayag na pwede an aso.
"Ok then. May point ka rin naman." Sabi niya. And he starts the engine and we drove off.
Nasa likod pala si Dobi ngayon, nasa cage niya, nag papahinga siya eh.
"Love? Nakausap mo na ba sila tita?" Biglang tanong ni Zane sa akin. And yung sila at yung tita na tinutukoy niya is si mom and dad.
Medyo against pa kasi sila ng unti. Para daw kasing ang bilis ng process namin ni Zane.
"Hindi pa love eh. Alam mo naman, minsan lang sila umuwi dito sa pinas. Pero I'll try to talk to them." Sabi ko naman.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Zane. And naramamdaman ko rin na hinawakan niya yung kamay ko na naka patong sa lap ko.
He interwined his hands to mine. Kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Don't worry, magiging ok din tayo sa parents mo." Sabi niya.
Napangiti naman ako dahil dun.
Hayst... lucky to have him. Nagiging positive na ulit siya pag dating sa mga gantong bagay. Paano kasi, nung una uli naming pagkikita. Napakasungit, tas napaka nega sa buhay. Dati naman kasi hindi, always positive siya mag isip. Siya nga lagi ang nag cocomfort sa akin kapag may problem ako. And syempre, ganun din ako sa kanya. Damayan kami.
And by the way pala, ok naman kami sa parents ni Zane. Syempre, ako pa ba? Boto sa akin eh. Tsaka para na talaga akong anak nila, you know. My second family, lalo na kapag wala o busy sila mom at dad sa busy. Sila lagi ang kasama ko tsaka syempre ni Zane, nung mga bata pa kami.
Hayst... time flies so fast nga naman.
***
"Hala siya. Seryoso nga ako, nasaan nga yung phone ko?" Inis na tanong ko kay Zane.
Paano ba naman kasi, tinago niya nung nag hugas ako nang pinagkainan. May importante pa naman akong tinitignan dun.
"I'll give it to you later. Kanina ka pa kalikot nang kalikot sa phone mo, kahit habang kumakain tayo. You know, I hate that kind of stuff. Kaya nga tayo nandito para mag karoon ng quality time. Hindi quality time sa phone mo, ok?" Ma-awtoridad naman na sabi ni Zane.
Napasimangot naman ako. Well, tama naman kasi siya. Alam niyo na, couples now a day. Mas gusto ilang naka focus sa pag cecell phone kesa sa pakikipag usap sa mga jowaers nila.
Kaya ito, susundin ko nalang siya. Kasi may point naman siya dun.
So, I sighed and looked at him. "Fine, you win." I said in surrender.
He smiled and kissed my forehead. "Good, now wait for me here. I'll just take a quick shower. No phones, ok? Nandiyan naman si Dobi eh. Play with her while I'm taking a shower. Kawawa rin naman si Dobi, walang kausap." He said.
"Oo na, dami mo pang sinasabi eh. Maligo ka na nga! Baho mo na!" Asar na sabi ko naman sa kanya.
So, he laughed and kissed my cheeks before going to his room.
Sweet namin ane? kiss sa forehead, tas kiss sa cheeks. Bongga. Pero hoy guys! Wala pa kaming first kiss nito hahaha. Awkward pa ako. Pero minsan, brebreezy siya sa akin. Kaso syempre ako iiwas haha. Hindi pa ako ready sa mga kiss sa lips na yan. Inosente pa ako hahaha. Pabebe muna ako sa ngayon.
So ayun nga, habang naliligo ang bebe ko. Binuksan ko muna yung veranda para makalanghap naman ng kaunting fresh air, malapit rin naman ako sa veranda, kasi nakaupo lang naman ako sa sofa, kasama si Dobi. Kaya naman pag tayo ko, napabango din si Dobi, kaya isinasama ko na din si Dobi papuntang veranda.
"Dobi! 'Bat ang cute cute mo?" Panggigigil kong sabi kay Dobi. Ang cute cute kasi ng baby Dobi ko eh.
"Teka nga. Dobi stay here. Mommy is just going to get some water." Sabi ko kay Dobi. At iniwan muna siya sa veranda at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.
And after ko kumuha, syempre babalik na ako kay Dobi.
"What the! Hahahaha!" Sa sobrang gulat ko, hindi ko na napigilan yung sarili kong mapatawa dahil sa nakikita ko.
Paano ba naman, si Dobi kasi. Yung mukha niya, nakadikit sa glass door ng veranda tas nakalabas pa yung dila. Diba ang cute niya?
"Dobi! Ano ba yan? Hahaha, my cute lil pup." Tumatawa kong sabi, tas nilapitan si Dobi.
Dobi and I were cuddling when suddenly we heard a door opened. "What's happening here?" At iniluwa nun si Zane. Wet look pa ang peg, na may bimpo pa sa leeg.
Yummy na hot pa. Hoh!
"Wala. Ang cute kasi ni Dobi eh." Sabi ko. Sayang nga hindi ko napicturan. Epal kasi si Zane eh. Tinago yung phone. Hayst....
"Ahh. Akala ko naman kung ano. By the way, mom texted me a while ago. She's inviting us for a dinner. At our house. And Jin texted you. She wants to talk to you tomorrow." He said. So yeah, kakain kami ng dinner sa kanila. Tas tom mag uusap kami ni Jin. Ok.
Lumabas na kami ni Dobi sa veranda at umupo sa sofa uli. And syempre sumunod na rin si Zane sa amin. "And by the way love. I saw my caller id in your contacts. Bebi right?" Mapangasar na sabi niya sa akin.
Hinampas ko nga sa braso. "Letse ka! Sabi ko sayo, wag ming bubuksan yung phone ko eh!" Inis na sabi ko sa kanya.
Langya, nalaman niya kasi kanina yung password ko sa phone. Ayan tuloy.
"Bebi pala ang nais ng love ko." Asar niya, sabay tawa.
"Tse! I hate you!" Sabi ko sa kanya, and iniwanan siya sa salas. Dumiretso nalang ako sa kwarto niya.
Arte ko 'no? Syempre pabebe eh. Haha.
Nangangalikot ako nang mga gamit ni Zane nang narinig kong bumukas ang pinto.
And syempre, sino pa ba? Malamang si Zane ang pumasok, alangan namang si Dobi.
Lumapit siya sa akin, sa may higaan at hinawakan yung kamay ko. "Love, sorry na." Pagmamakaawa niya.
Tinapik ko nga yung kamay niya. "Psh. Alam nang asar talo ako eh." Inis na sabi ko.
Ganto kasi talaga ako, pikunin. Napaka asar talo ko. Yun ang nakakainis sa akin. Pero minsan naman, nakakasabay ako sa mga asar nila, minsan naman hindi, lalo na kapag wala sa mood.
At ayun, niyakap ako ni Zane, at naglalambing. "Sus, alam ko naman eh. Ang cute mo kaya kapag lagi kasng naiinis. Sorry na Bebi. I love you." Paglalambing niya.
At ito ako ngayon, kinikilg. Bwisit siya. Nakakalambot ng puso eh. "Hala, sige na. Basta know your limits kapag sobra na akong maiinis ah, baka gusto mong iwan kita dahil sa inis ko." Sabi ko. Wala na, finish na. Give up na ako.
NIyakap naman ako ni mokong ng mahigpit. "Yes love. I know that. I love you so much." Malumanay na sabi niya. Tas yung feeling na, ang lapit pa nang mukha niya sa tenga ko. Yung rinig na rinig mo yung sincerity sa boses niya. Hay... shetness.
"I love you too bebi." Sabi ko. At napatingin ako sa kanya, nang nakarinig ako nang impit na tawa.
Sinamaan ko nga ng tingin. "Anong iniisip mo?" Sabi ko sa kanya, habang nakakunot ang noo ko.
Tumawa naman siya. "Wala, tara na. Baka mamaya halayin pa kita sa sobrang cute mo." Sabi niya at tumayo na.
Hindi ko naman na pigilan ang sarili ko at hinampas siya sa braso. "Kadiri ka Zane! I hate you! Yang utak mo talaga eh 'no. Tigil tigilan mo na nga yang panonood mo ng porn!" Sabi ko sa kanya. Hindi nanaman ako bata para hindi malaman ang kung ano ang porn. Kaya shhh nalang kayo.
Tumawa naman si mokong. "Tara na." Sabi niya lang at hinila ako palabas ng kwarto niya.
Nag ayos muna kami kasi pupunta na kami sa bahay ng parents niya, kasi nga diba, niyaya kami ng mom niya na dun na mag dinner. And by the way, kasama namin si Dobi. May playmatye naman siya dun eh. May aso kasi sila Tita Cali, isang golden retriever. Kung nagtataka kayo kung bakit wala yung aso nila ng pumunta kami sa kanila dati, is kasi daw, nasa bahay daw ng grandparents nila Zane. Kaya yun. Wala kaming naabutan na aso sa kanila.
So anyways. Iniisip ko pa rin kasi yung sa amin ni Zak eh. Yung friendship ah, walang something. Sana maging ok na kami.
*********
A/N: Hallow guys! I hope you enjoyed reading it! Thank you and God bless po!
Daily Reminder: Don't forget that God loves you so much! And keep smiling even you have a worse day. Just pray to God all of your problems. Surrender your problems to Him. He'll always be there for you. Thank you and God bless!
Ephesians 4:32
"Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
needs
05/07/2024
0pogi dw ako
05/07/2024
0nice story ❤️❤️
14/07/2022
0Tingnan Lahat