Homepage/Loving My Possessive Bestfriend/
Zane's Birthday
Chapter 30: Zane's Birthday
Seraphina's POV
Hmmm... bango talaga ng unan ko.
Sarap sarap yakapin bango bango pa. Amoy CK Be. So cozy.
Mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa unan ko. Pero may napansin ako, bakit matigas? Ang pagkakaalam ko malambot ang unan ko eh.
Kinapakapa ko pa yung unan ko.
o_O
May buhok?
May ilong?
Putik...
"Ahhhh!" Sigaw ko at napaalis sa kama. Si Zane naman, napabangon.
Waaaahhh! Nasa kwarto pala ako ni Zane huhu. Bakit nakalimutan ko yun? Angat mo Cleng!
Naramdaman kong lumapit si Zane sa akin. Napatakip ako ng mukha. Huhuhu, nakakahiya. Ano ba yan!
"Hey what happened?" Nagaalalang sabi niya.
Nakakahiya talaga. Alam niyo yun? Yung sobrang higpit pa yung pagkakayakap ko sa kanya, na akala ko eh unan ko. At akala ko nasa kwarto KO ako.
Hinawakan niya kamay ko at sinusubukang tanggalin ito sa mukha ko. "Hey Sera, what happened?" Sabi niya pa.
Huhu. Ayoko, mukhang tomato siguro ang mukha ko ngayon. Parang si Incheon gal lang. Ayoko talaga, nakakahiya yung ginawa ko.
"Sa nangyari ba kanina? Kung sa nangyari kanina, wag kang mahiya. Hindi mo naman siguro sinasadya. Hoy, pansinin mo naman ako." Sabi pa niya. Oo! Yung kanina nga huhu.
"Hey." Sabi niya at natanggal niya na yung kamay ko sa mukha ko, Wala na, kita niya na yung mukha kong mapula. Kaya yumuko nalang ako, nahihiya ako eh.
He chuckled. "Hahaha, ok lang yun. Dapat nga masanay ka na eh. Para kapag naging tayo, sanay ka na." Confident na sabi niya. Pinalo ko naman yung braso niya. At ayun, tumawa naman ang sira.
"Ewan sayo. Balakajan!" Sabi ko at lumabas sa kwarto niya.
Teka nga, anong oras na ba?
Time check. 6pm.
Walangjo. 6 na pala, kailangan ko nang umuwi.
Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ni Zane. Pababa na siguro siya.
"Why did you leave me?" Sabi niya. Siya kamo ang nangiwan. Chos, past is past.
Tinignan ko siya. "Zane, kailangan ko ng umuwi. Anong oras na eh." Diretso kong sabi sa kanya. Mag rereview pa kaya ako.
Medyo lumungkot yung mukha ni Zane. "Kailangan na as in?" Tanong niya. So, I nodded. Narinig ko namang bumuntong hininga siya.
"Kailangan na eh, mag rereview pa ako eh. Tsaka baka hinahanap na din ako nila mom." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin, pero makikita mo sa mga mata niya yung lungkot at tumango.
Hala bakit? May problema ba siya? Ayaw pa ata niya ako pauwiin eh.
Gustuhin ko man mag stay muna pero hindi pwede eh. May exam pa bukas. Kailangan mag review. I'm a good student yah know.
"Ok, kunin mo na yung gamit mo. Hahatid na kita sa inyo." Sabi niya at kinuha yung susi ng kotse sa loob ng kwarto niya.
Kinuha ko naman yung bag ko sa sofa at hinintay na dumating siya.
Wala pang isang minuto nakabalik na si Zane, "Let's go." He said.
Nauna siyang lumabas ng unit at sumunod ako. Nauna din siyang naglakad at ako nakasunod hanggang sa makarating kami sa harap ng kotse niya.
Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at pumasok na ako sa kotse. Hindi ko din naman kakalimutan na mag seat belt.
Si Zane wala pa sa loob. Nasaan naman yun?
Tinignan ko sa may salamin.
Ayun! Nasa labas may kausap sa cellphone.
"Sino kausap mo?" Tanong ng makapasok na si Zane sa kotse.
"Ah, wala. Si Kiel lang." Sabi niya. "Let's go?" Tanong niya pa. Tumango naman ako bilang sagot.
Pinaandar niya na yung kotse at umalis na kami.
"Kamusta naman yung tulog mo?" Tanong niya.
Sharap. Nayakap kita eh. Hihihi.
"Ok naman. Sorry pala kanina. Akala ko kasi unan kita eh. Tsaka akala ko nasa bahay ako." Nahihiya kong sabi. Kapag naaalala ko yun, yiie. Makes me cringe yet kilig kllig. Kasi naman eh. Nakakhiya eh. Hihi.
"That's ok. Sanay na ako diyan." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya na nakakunot yung noo ko.
"Saang sanay?" Tanong ko.
"Wala. Sige na, kung gusto mong matulog ulit, tulog ka muna. Alam kong inaantok ka pa eh. Sa susunod kasi matulog na ng maaga ah. Sige na, gigisingin nalang kita kapag nasa inyo na tayo."
Wala nanaman akong nagawa. Totoo naman kasi ang sinabi niya, inaantok pa ako.
So ayun, matutulog muna ako ah.
--
Zane's POV
We arrived at Sera's house. I took a glimpse of her, and she's sleeping. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at I looked at her. Still beautiful as ever. Her reddish cheeks and reddish lips that attracts me. But her eyes and heart that captivated me.
I don't want to wake her up because she's in a deep sleep. Lumabas ako sa kotse ko at binuksan ang pinto niya. I carried her in my arms and rang the doorbell.
A few seconds passed and I saw manang elsa opened the door.
"Good evening manang." I said to manang.
"Ay jusko ko pong bata ito. Magandang gabi rin iho. Hali ka at ilapag mo na si Phina sa kwarto niya." Manang said and lead me to Sera's room.
Manang opened the door for me and I thank her. Pumasok na ako at inilapag si Sera sa higaan niya. I took off her shoes and put blanket on her.
I looked at her for a minute, mesmerizing her beauty. She looks angelic when she's sleeping.
Lalabas na sana ako ng may naalala ako. Pumunta ako sa study table ni Sera at nag hanap ng sticky note at ballpen. And when I finally found one, nagsulat ako sa sticky notes at idinikit ito sa may lamp shade.
Before I went out of the room, lumapit ako kay Sera at hinalikan ito sa noo. And said 'I love you.' Sounds gay right? I don't care, I love her and I want to show that to all.
Lumabas na ako ng tuluyan sa kwarto niya at bumama. Nag paalam na rin ako kay manang elsa. She bid goodbye to me too and said that mag ingat daw ako sa paguwi. I thank her and went to my car.
I went in, put my seat belt and started the engine. Aalis na sana ako ng mag ring ang phone ko.
Incoming Call from Kiel...
"What?"
[Saan ka na master? Nandito na kami sa unit mo.]
"Pauwi na ako. Wait me there."
[Sige master.]
End of convo...
Today is my birthday, kaya may beer sa ref. And she forgot. Ok lang, atleast nakasama ko siya kanina. Remembering how tight her hug is? Fuck, kinikilig ako. Tch, so gay. But yun ang nararamdaman ko.
So yeah. I started to drive.
***
"Happy birthday master!" Said Kiel and gave me a can of beer. Tinaggap ko naman at ininom ito.
"Happy birthday master! Wala bang pambara diyan?!" Sigaw naman ni Luis. Walang ibang alam kundi ang lumamon.
"Ayan oh! May pizza, yan ang kainin mo." I said.
"Birthday mo pala? Kung birthday mo nga, happy birthday." Jace said. Fiancée of Kiel.
"Thanks." I said to her.
"Happy birthday Kali." Said Kris.
"Oy! Happy birthday!" - Ky.
"Thank you sa pag bati." I thank them. We are almost complete. Si Sera nalang ang kulang.
After nilang mang bati nagsimula na ang sayahan. But before that, Jace reminded us not to drink too much. May pasok pa kasi bukas.
"Oh, cheers na!" Sabi ni Louie habang nakataas ang kamay niya na may hawak na beer in can.
"Para kay master na birthday ngayon! At para sa master naming nakaamin na rin ng kanyang nararamdaman para sa aming prinsesa!" Sigaw naman ni Luis. So, we all rise our beer in can and we all said cheers.
"Hoy tandaan niyo, unti lang ah! Bawal mag lasing ng sobra sobra. May exams pa bukas, sige kayo." Rinig kong bilin ni Ky.
Hindi naman namin makakalimutan iyon. Of course, we know that. We still needed to review for tomorrow.
"By the way. Bakit pala wala si Cleng dito?" Biglang tanong ni Kiel. Nalungkot ako nang magtanong siya.
"Oo nga pala. Akala namin kasama mo siya ngayon." Said Ky.
I looked at them. "Umuwi na siya. But I'm with her a while ago. She even cooked me kaldereta, and she slept here for almost 3 hours. Tas paggising, gusto niya nang umuwi. Hindi ko naman mapilit na mag stay muna, ayaw mag pa pilit eh. She really needs to go home. Study first siya eh." I said to them.
"What? Didn't you tell her that it's your birthday today?" Jin asked.
"Nope." I told her.
"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong naman ni Kris sa akin.
"I thought she'd remember. But I only just thought. Maybe because she's really focusing in study that's why she forgot. Or... maybe she really forgot." Malungkot kong saad.
"Awww, wawa naman ang master namin. Birthday na birthday lungkot lungkot." Mapangasar na sabi ni Louie. Pinaningkitan ko naman ng mata. At ayun ang ugok tumawa lang.
"That's fine. Atleast I'm with her a while ago. And she cooked me kaldereta." I said.
"Pero it doesn't change the fact na nakalimutan ni Cleng ang birthday mo." - Luis. Binato ko naman siya ng can, yung wala nang laman. Nakalilag naman si gago, at biniletan pa ako.
"Fuck you to death." I said to Luis. Tumawa naman ang sila. Well, even me.
After an hour.
"Tara na uy! Lasing ka na ata eh! Mag d-drive ka pa! Let's go home." Jin was almost shouting at her fiance. Kiel was kind of tipsy.
"Hindi. Nahihilo lang ako. Just give me 5 minutes. I-idlip lang ako, then after that. We'll go home." Kiel said and he rested his head on Jin's lap and closed his eyes.
While the others. The twins, they left already. Hinahanap na ng mama nila eh. Si Kris naman he's scolding Ky for drinking too much. While me, I'm ok. I didn't drink that much, but I can feel the dizziness. Si Ky lang talaga ang uminom ng marami sa amin.
"Wuhut iz your problem ba?!" I heard Ky shouted. Napatingin naman ako sa kanya. And she's shouting at Kris.
"Lasinggera ka ba Kyla?! Ang dami mong ininom oh! Tapos mag reremind ka pa sa amin ng wag uminom ng marami. Ikaw naman pala itong iinom ngmarami! Ano bang problema mo ah?!" Halos pasigaw na sabi na ni Kris kay Ky.
Ky looked at him teary eyed. "My problem? My problem is you!" Sigaw ni Ky at biglang nag walk out. At biglang napabagon si Kiel dahil sa sigaw ni Ky.
Kris was about to follow her, pero pinigilan siya ni Jace.
"No, ako nalang. And kami nalang ni Kiel ang mag hahatid sa kanya. Let's go Kiel. Thank you, Zane for tonight. Happy birthday ulit. And sorry." Sabi ni Jin at umalis na kasama si Kiel.
So, kami nalang ni Kris ang naiwan.
Kris messed his hair because of frustration. "Fuck. Sige na Kali, I need to go. Thank you and happy birthday." Said
Kris. He tapped my shoulders before leaving me.
And now that I'm alone, I headed straight to my bedroom. Hayaan nalang yung kalat sa salas, papapuntahin ko nalang isa sa mga maids sa bahay para mag linis.
I took a quick shower and lay down to my bed. Gusto ko nang matulog. Pero nasasaktan din ako kasi nakalimutan ni Sera na birthday ko ngayon. Pero mahal ko pa din siya. That won't change.
--
Seraphina's POV
Ay tanga! Bakit ba nakalimutan ko yun? Angat talaga. Paano na yan?
Huhu, nakalimutan ko yung isa kong reviewer sa bahay. Malas diba? Pero sana lang hindi talaga. Hindi ko pa naman nachecheck sa ibang parte ng bag ko eh.
Teka check ko lang.
Hanap
Hanap
Hanap
"Ayun! Yes!" Sigaw ko. Nahanap ko na! Nakaipit pala sa isa kong book. Huhu, thank you Lord!
"Anong sinisigaw sigaw mo diyan?" Biglang may nag salita sa likod ko. Tinignan ko na kung sino. Of course, si Zane yun.
Humarap ako sa kanya. "Wala, nahanap ko lang yung reviewer ko." Sabi ko. Teka, 'Bat parang may mali? Bakit namumula ang mata nito? Omygash!
Pinalo ko ang braso niya. Napatingin naman siya sa akin. "Hoy! Umamin ka nga sa akin. Gobas ka ba? Hah?!" Sabi ko sakanya.
Napakunot naman yung noo niya. "What are you saying? Ako? Gobas? Are you kidding me? Hindi ako gumagamit." He said.
"Eh kung hindi ka gobas. Ano nangyari diyan sa mata mo? Bakit namumula?" Tanong ko naman.
"Inaantok. Hindi nakatulog ng maayos kagabi." Sabi niya.
"Bakit naman hindi ka nakatulog ng maayos kagabi? Sasabi-sabihan ako ng matulog ng maaga at wag mapuyat. Ikaw naman itong hindi gagawa. "
"Tanongin mo yun oh." Sabi niya at tinuro niya sila Jin, Kiel at Ky. Si Ky at Kiel na mukhang natutulog.
At dahil mabait ako na bata, sinunod ko nga sinabi niya. Mag tatanong ako sa mga ito.
Lumapit ako kay Jin. "Jin?" Kumalabit ko sakanya.
"Hmm?" Sabi niya.
"Anong nangyari kay Zane? Tsaka yan kila Ky at Kiel?" Tanong ko.
"Ahh. Uminom kasi kami kagabi. Mailiit na celebration kay Kali. Birthday niya kasi kahapon." Oh shoot! Bakit nakalimutan ko yun?!
"Ah sige hehe." Sabi ko kay Jin at bumalik na sa pwesto ko.
Nakalimutan ko na birthday niya kahapon. Hindi ko napansin na Oct 30 pala kahapon huhu. Kaya pala nung uuwi na ako, mukhang malungkot siya.
Tas siya pa pala nag hatid sa akin sa kwarto. Huhu, anu ba yan!
Lumapit ako kay Zane. Tas kinalabit siya. Lumingon naman siya sa akin. "What?" Sabi niya.
"Sorry! Sorry huhu. Nakalimutan ko na birthday mo pala kahapon. Sorry talaga huhu." Sabi ko sa kanya. Tas tinutusok tusok yung balikat niya gamit ng index finger ko.
"That's fine. Don't worry. I still love you." He said. Huhu, hindi ko alam, kinikilig ako.
"Ihh. I'll make it up for you. Pagbabake kita ng cake promise." Sabi ko tas tinaas yung kanang kamay ko na parang nanunumpa.
"Ok then. I'm expecting that. Sige na, magreview ka na." He said.
Kinilig naman ako kaya bumalik na ako sa upuan ko.
At saktong damating na ang prof namin. Hala sige, mag eexam muna kami.
***
Nandito na ako ngayon sa bahay. Hinatid pala ako ni Zane. Of course, nanliligaw eh. Haha. So ayun nga. At dahil nag promise ako sa kanya na ipagbabake ko siya. Mag babake ako ngayon ng chocolate cake. Pero mamaya pa pala muna yan.
Pupunta muna akong mall para bumili ng regalo niya.
"Manong meji? Ok na po ba yung kotse?" Tanong ko sa driver namin.
"Opo maam."
"Sige po, tara na po." I said at pumunta na sa labas ng bahay.
I'm here na sa M Mall. At ito nagiisip kung ano bang magandang iregalo sa kanya.
Pabango kaya?
Watch?
T-shirt?
Ano ba?
Ahh! Alam ko na! Perfume and watch nalang.
Pumunta ako sa MK store para mag hanap ng relo na panglalaki.
I was roaming around when something caught my eyes. Ang ganda. Isang all black na relo. Perfect color for Zane. Tutal mahilig naman siya sa black.
Isang Michael Kors Brecken Chronograph MK8482. Though medyo mahal. 16k eh. Pero kakayanin naman. May ipon naman ako na nasa bangko. Kaya ayun nalang bibilin ko.
At saktong may lumapit sa akin na saleslady.
"Hmm, ate. Kukunin ko na po itong watch na 'to." I said to her. So kinuha niya naman at inayos na sa box.
Pumunta na ako sa counter at binayaran.
So, may watch na. Perfume nalang. Eh ano nga bang perfume ang bibilin ko? May CK na siya. Yun kasi yung naamoy ko kahapon. Gusto ko yung iba naman. Kasi yung perfume niya na CK Be, mala cozy cozy. Gusto ko naman yung mala mature.
At dahil wala naman akong maisip na pabango. In-open ko yung phone ko at naghanap sa youtube ng mga perfume reviews. And most complimented is yung Giorgio Armani Acqua Di Dio Profumo. So yun nalang ang bibilin ko. Pero syempre bago naman ako magdesisyon, hinanap ko muna kung magkano iyon. Yung pinakamalaki is 7k. so keri naman. May allowance naman eh.
Tinawagan ko na si manong meji para puntahan ako. Meron kasi sa makati na store ng Armani. Kaya doon ako pupunta.
***
Natapos ko na din ang pagbili ng regalo para sa aking Bebi Zane. Yiieee. Char!
Anyways, nandito na ako sa bahay. Nagsisimula nang mag bake.
After 2 and a half hours, natapos ko din ang cake. Simple lang naman yung ginawa ko.
At dahil maaga pa, mga 4pm palang naman. Titixet ko si Zane para pumunta dito sa bahay.
To: Bebi Zane ko <3
Zaney! Punta ka bahay. May ibibigay ako sayo!
Ayan na text ko na. Wag niyo nalang pansinin yung pangalan niya sa contacts ko. HIhi.
*Toot toot*
May nag text, baka si Zane.
From: Bebi Zane Ko <3
Ok. I'll be there in 10 mins.
Yun ang sabi sa text.
Ligo muna ako, puno ng flour yung mukha ko ehh.
After ilang mins. Natapos na ako mag ayos. Tinawag na din ako ni manag elsa para sabihin na nasa baba na daw si Zane.
At pagbaba ko nga, nandun na siya sa may salas.
Dumiretso ako dun at sinabi sa kanyang hinatyin niya ako. So kinuha ko yung cake, na nasa box at ibinigay sa kanya.
"Ayan na yung cake mo. Sana magustuhan mo yan. I put lots of efforts diyan hahaha. And belated happy birthday din." Sabi ko sakanya ng makaupo na ako sa tabi niya.
He smiled. "Thanks for this. Effort lang? Wala bang love?" Mapangasar na sabi niya.
"Oh sige. Kahit papaano may love diyan." I said ang looked away. Hihi, kilig kilig ako. Baka maging incheon gal nanaman yung mukha ko.
"Tch. But anyways thanks."
"By the way. Ito, regalo ko sayo. Sana magustuhan mo." Sabi ko tas ibinigay yung regalo niya na nasa box.
"Ikaw talaga. Sana hindi ka na nag abala pa. Ok nanaman sa akin kahit batiin mo lang ako ok na." Being sweet ang koyah niyo.
"Ayaw mo? Sige, akin na lang." Sabi ko at akmang kukunin yung box. Pero inilayo niya naman sa akin yung box.
"Wala akong sinabing ayaw ko ah." Sabi niya.
Binuksan niya na yung box. Nang makita niya yung laman, tinignan niya ako.
"Seriously? MK watch and Armani perfume? Don't you know how expensive this are?" Sabi niya sa akin.
"Alam ko naman eh. Ayaw mo ba?" Medyo malungkot kong sabi.
"No, I love it. Iniisip ko lang na ang laki ng ginastos mo dito."
"Ok lang naman eh. Nakaipon naman ako eh."
"Hays. Next time wag ka nang bibili ng gantong kamahal na regalo ah."
"Ok." Naka pout kong sabi.
"But still, thank you. I'll use this. Hindi ko na gagamitin yung CK Be ko." Sabi niya. Napangiti naman ako.
So ayun, wala nanaman kaming ginawa. Ibinigay ko lang naman yung regalo ko sakanya, tas unting kwentuhan. At umalis na siya. And before siyang umalis, I gave him a hug.
Ngayon, 30 mins phone muna ako. Bago review.
Nag log in ako sa facebook.
Tas may nakita akong post ni Zane.
5:00pm
Kali Smith added a new photo
12mins ago
A gift from Mi Amor Seraphina Claire Parker 😘💕
Jaceanna White, Luis For and 150 others like this.
View all comments:
Kyla Williams
Wow yummy naman niyan. Penge ako.
Louie Ford
Penge master! Masarap yan! Lalo na kapag shinishare!
Jaceanna White
Hoy ikaw Cleng ah! May pa ganyan ka pa! Armani? MK? Yaman!
Renesmee Hastings
Bongga mamahalin!
Kyle Sebastian Parker
Hoy Kali at Phina. Ano yang Mi amor na yan hah?
Hala, walangjo itong si Zane. Tinag pa ako. May mi amor pa. Paktay na ito kay Kuya.
Magtritripan nanaman ako nun for sure.
Haynako. Sa twitter na nga ako titingin.
Nag log in naman ako ngayon sa twitter ko. At ito kaagad ang bumungad sa akin...
ErinWhite
Tigilan mo nalang kasi ako. Ayoko sa taong nangtritrip lang. Tsaka wala kang maloloko boy. Kasinungalingan lang yan. Ikaw na playboy? Seryosong maiinlove? Psh. Don't me.
Reply:
EzekielBlack
Please, maniwala ka naman sa akin. Try to at least open your heart for me.
KylaWilliams
Tigilam mo na ang bestfriend ko Kiel.
KrisScott
Wag mo nalang silang pakeelaman KylaWilliams. It's their problem.
KylaWilliams
Eh bakit mo pa ako pinakekeelaman? She's my bestfriend, and I'm trying to protect her. Bakit hindi mo nalang pakeelaman yang girlfriend mo KrisScott.
KrisScott
Wag mong isali si Zia sa usapan natin KylaWilliams.
KylaWilliams
Pwes, wag mo akong pakeelaman.
Kris Scott
Ok fine! If that's what you want!
Hala! Anong nangyayari sa tropa?
Hayst.. simula nang dumati yang Zia at Angelica na yan. Wala na, nagkagulo na. Hayst..
Bahala na, bukas ko nalang sila kakausapin. Mag rereview nalang muna ako. Sige na.
*********
A/N: Hello guys! Medyo lame noh? Pero thank you for all the support. Neks! Pero thank you talaga. I hope you liked it! God bless!
Daily Reminder: Don't forget that God loves you so much! And keep smiling even you have a worse day. Just pray to God all of your problems. Surrender your problems to Him. He'll always be there for you. Thank you and God bless!
Psalms 62:8
"Trust in God at all times, my people. tell him all your troubles for he is our refuge."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
needs
05/07/2024
0pogi dw ako
05/07/2024
0nice story ❤️❤️
14/07/2022
0Tingnan Lahat