Homepage/Loving My Possessive Bestfriend/
True Reason
Chapter 28: True Reason
Seraphina's POV
Saan ba ako dadalin nitong lalaking 'to? Bigla bigla nalang nanghihila ehh.
"Uy, saan ba tayo pupunta?" Sabi ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako.
"Just shut up." Tignan mo 'to, biglang sungit eh.
So ayun, ginawa ko nalang sinabi niya, nanahimik nalang ako at hinayaang magpahila sa kanya.
"Sit." Sabi ni Zane ng makapunta kami sa isang mala bonggang garden.
"Ano akala mo sa akin aso? Makapagcommand ka diyan ah." Masungit na sabi ko. Bwisit kasi eh.
"Tch. Umupo ka nalang." Sabi niya. At sinunod ko nalang. Umupo kami sa isang bench. Kaming dalawa lang ang nandito.
"Ano ba kasing sasabihin mo?" Sabi ko sa kanya. May sasabihin daw siya eh.
"Fuck." Sabi niya. Aba.
Ako ba minumura nito? "Anong fuck? Yun lang ba sasabihin mo? Ako ba pinaglololoko mo?" Inis na sabi ko.
"No. It's just that, I don't know where to begin... aish!" Sabi niya at ginulo ang buhok niya na lalo pang pinamukha sa akin na ang hot hot niya. Yummy hihihi. Char!
"Eh ano nga kasi yun? Simulan mo na kaya, nakaka bagot ka. Iiwan kita dito, sige ka." Banta ko sa kanya. Ayaw pa mag salita eh. Nakakainis kaya yung ganun. Cliff hanger.
He sighed. "Damn. Ok. I'll begin." Sabi niya at humarap sa akin. Nakatigilid kasi siya sa gawi ko. "First, I want to say sorry to you, sa pagiging masungit ko. And second.... I love you, Sera."
"Sus, yun lang pala eh... Ano?! Paki ulit nga?!" Ano daw? Yung huling sinabi niya, ano daw?
"Seraphina Claire Parker. I fucking love you. And I don't want seeing you with other fucking guys. Lalo na yang Zack na niyan. He's always with you. And I don't want that. I don't want you to be with him. Fuck!" He said with his serious tone.
Shet. Tama ba itong naririnig ko? Is Zane confessing? Did he really say that he loves me? Baka naman panaginip lang 'to? O baka trip niya lang? I don't know. Shet lang talaga.
"I'm shookt." Yun lang ang nasabi ko. I'm really shookt you know. Isipin niyo naman. Mag confess sainyo yung crush or first love niyo na simula pagkabata eh mahal niyo na, hanggang ngayon. It's so shocking diba? Like, sana all diba? I really like, didn't expect this. I thought wala siyang gusto sa akin. And here, I'm hearing him saying he loves me.
"Really Sera?" He said with disbelief.
"I'm sorry, I don't know how to react from what you said. It got me surprised. And it's really unexpected. Why so sudden Zane? Anyare sayo?" I said. Like really. What happened to him?
"Look Sera, I know you're going to be like this. I want to explain to you something." He said.
"Ano ba yun? Please make it clear. It's really frustrating. You're confusing me too."
"Sa totoo lang. I've love you since we're kids. Ayoko lang umamin kasi baka wala ka namang gusto sa akin. I don't want to fucking feel rejected, and we are still young that time. Kaya hinayaan ko nalang itong punyeta kong nararamdaman para sayo. Until the day na iwan kita at pumunta sa US. Nung oras na kailngan kita, ng kaibigan. Gusto kong tumawag at sabihin sayo na gusto kita, nung oras na pumunta ka sa bahay. But I fucking can't. Kasi alam kong galit ka sa akin. Kaya hinayaan ko nalnag ulit. Then nung umuwi kami dito. The first time na nakita kita sa school. I want to fucking hugged you that time and tell you how much I missed you. But I controlled myself from doing that. Kasi alam kong baka mapahamak ka..." He said. Wait. May gusto siya sa akin since bata pa lang kami? Shookt. And ano daw? baka mapahamak ako? From what naman kaya iyon?
"Huh? Saan naman ako mapapahamak Zane?" Tanong ko.
He sighed. "Remember want I've told you? Yung pinakulong namin na ang anak niya is isang gangster din na nakalaban namin?" He said. I nodded, naaalala ko yun. "He threatened me. The leader, anak ng pinakulong namin. He said that he will take revenge because of what my family did to them. Bumagsak kasi ang negosyo nila, naghirap sila, at dahil yun sa amin. Dahil kasalanan nila iyon. They stole almost all of our money in the company, that's why we did that. And ayun nga. After namin sila kalabanin, kinausap ako ng leader ng kalaban namin na gang, who’s the son of the one we imprisoned. He said that he'd kill my family and my love ones, and damn, kasama ka doon. Gagawin niya daw iyon kapag hindi namin pinalaya ang papa niya sa kulungan. Pero hindi pa iyon alam nila mom at dad... hanggang ngayon. Dahil ayokong magalala sila at alam kong magagalit sila sa akin, dahil sa pinasok kong gulo. The gang, Demonic Hell. They followed me everywhere I go. Para ko silang anino. Kung nasan ako nandun sila. Minamanmanan nila ako. Binabantayan nila ako. At dahil nga alam nilang ikaw ang mahal ko. And, fuck. They can kill you. And that's why I've been rude to you to show that you're not the one I loved. Because I just wanted to protect you. Because I love you, Sera." Explain niya. Isa pang shet. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. So, my life is in danger? And it is all because of Zane?
"Pero alam ba ito ng mga gangmates mo?" I asked.
"Oo, I told them. That's why we are here. We flew here in Philippines because of you. We wanted to protect you. No matter what happens, we'll always be here with you. Fuck. I'll even risk my life for you Sera. That's how much I fucking love you. I'll do everything just to fucking protect you." He said. Another shet. Hindi ko alam, kenekeleg eke eh. Kahit na ganun ka tragic yung mangyayari sa akin kapag naging kami ni Zane. Kinikilg ako eh. HIhihi.
He looked into my eyes and held my cheeks. "Sera, you will be safer with me. Please Sera. Be with me, and dump that Zack guy." He said with a serious tone.
"Ganun ka na ba ka desperado? And you can risk your life for me?"
"I am. I want you. Only mine. I can do that Sera. You are my life."
"Well sorry Mr. Smith. Wrong number. I'm not 'that' girl who is easy to get. And do you think that I can just let you have me by those words? Zane I'm in danger you know?"
"Fuck. I know that you're not that easy-to-get Sera, I'm just testing you. And I can prove you that I really fucking love you. Just give me a chance to court you. And damn, I know that you're in great danger. But I will never let anything happen to you. Just trust me and my friends. We're all here to protect you. I'm here to protect you. I just don't want to fucking lose you with that fucking Zack guy. Kahit na nililigawan ka na ng lalaking yun. I will not give up. You know how competitive I am when it comes to you." Sincere na sabi ni Zane. Langya. Na touch ako dun.
Don't touch me, ok? I'm soft.
"Anong akala mo sa akin laro para ipaglaban?" Masungit na sabi ko sa kanya. Akala niya.
"Fuck, no. I never said that you're a fucking game. I just want to win you. And yes, ipaglalaban kita kahit na kanino pa yan. Kahit makipaglaban pa ako sa kamatayan at kay kamatayan. Ipaglalaban kita. I don't want to see you hurting Sera. Ganyan kita kamahal Sera. So please, can I court you? Kahit na alam kong nililigawan ka na ni Zack. I'm willing to wait Sera." My gosh! I'm really soft right now. Bakit ganyan siya? Ano ba yan. Kinikilig ako mga beshiwap hihihi. Tsaka ano daw? Nililigawan daw ako ni Zack? Saan niya naman niya nakuha yun?
And wait, isa pa. He is asking if he can court me? Shizz, I don't know what to say.
O-oo ba ako or hindi?
Syempre...
"Ok sige. Payag na ako, you can court me. Basta patunayan mo lang yang mga sinasabi mo. You know I hate paasa. And fot your info. Zack is not courting me." I said. Syempre sinong hindi o-oo diba? Ayan na eh. And kung aalalahanin ko ba yung buhay ko na delikao? Ofcourse oo, pero I don't want to lose him too. Our feelings are mutual. we don't want to lose each other. Ganto talaga nagagawa ng love hihihi. And siya nga nag sabi, siya na nag sabi na he will protect me. And I'm counting on that.
"Fuck!" He said and suddenly hugged me. I'm soft guys. So, I hugged him too. I missed this. I missed hugging him.
Bumitaw siya sa yakap namin at hinawakan ang pisngi ko. And now we are looking in each other's eyes. And he's smiling like an idiot, that makes my heart melts. That smile. I missed that. Yung matamis niya ngiti.
"Shit. Akala ko naunahan na ako nung Zack na yun. Bwisit talaga yang mga kaibigan mo. Ky and Jace told that you said yes to Zack." He said with a sad voice. Hahaha, raulo talaga yung dalawang yun. Wawa naman ang bebe Zane ko. Tampo tuloy. Char! Hindi ko pa siya bebe!
"Hey! Tama na yang landiaan na yan! Go inside na." Mapalingon kami ni Zane sa nag salita.
Si Ky lang pala.
"Sige na. Pasok na tayo, baka hinihitay na tayo ng iba." I said. Nauna na akong umalis at iniwan siya.
Pinuntahan ko si Ky at ayun, kinurot yung tagiliran ko. Napa-ouch naman ako.
"Ano yun hah?" She said.
"Wala."
"Anong wala? Sapakin kaya kita diyan." She said and threatened me.
"Si Zane kasi ehh.... nanliligaw na." Nahihiya kong sabi. Kilig kilig ako eh.
"Putik! Seryoso?!" Maka react naman 'to.
"Oo nga." Sabi ko.
"Naks naman! Hahaha. Hindi niya na pala kailangan ng tulong ko eh. Keri niya na pala."
"Ano pinagsasasabi mo?" Sabi ko sakanya. Hindi ko siya magets eh. Anong tulong?
"Wala, tinulungan ko kasi na umamin sayo eh. Kaso ayun nakagawa na pala ng move. Kaya shut up nalang ako." Said Ky.
What? May alam na pala si Ky dito. Wengya siya.
"Psh. Tsaka ano bang pinagsasasabi mo sakanya. Sinabi mo daw na nanliligaw si Zack sa akin." I said annoyingly.
"Para lang naman kabahan siya at matrigger na umamin sayo. Tignan mo, kung hindi ko pa siguro sinabi sa kanya na naliligaw si Zack baka hanggang nagyon nag iimagine ka pa rin na magiging kayo. Thanks to my help girl." She said at ayun hinili niya na ako papunta sa table namin.
Psh, pero ok lang naman. Nalaman ko na may gusto din pala sa akin si Zane. Sana all diba?
Nakaupo na kami ngayon at ako ay bagot na bagot na ako. Usap dito at usap doon nalang eh. Tungkol sa business. Eh wala naman akong alam diyan. Kabored. Si Ky naman kasama ang parents mukhang may pinaguusapan.
Ang DA namama minus Zane may kanya kanyang mundo. Si Kuya Kris na kausap ang jowa na si Zia, ang kambal na kasama at kinukulit ang mag pinsan na sina Allysa at Miyu, at si Kiel na kasama si Jin na fiancee niya. At si Ren at Quinn nag uusap. Si Zane naman wala, pinuntahan ang parents. At ako naman, wala. Walang kausap. Kabagot.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglibot libot.
"Uy!" May humawak sa kamay ko. At pagtingin ko si Zack pala.
"Uy Zack." Medyo awkward na sabi ko. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kahapon.
"Tara, doon ka muna sa table namin. Mukhang wala ka kasing kausap kanina pa." Sabi ni Zack at hinila ako papunta sa table nila.
"Oo nga eh. Nakakabored, may mga kanya kanya kasi silang mundo eh." Medyo malungkot na sabi. Syempre loner eh. SInong hindi malulungkot diba?
"Kawawa naman ang batang ito hahaha." Asar ni Zeke.
"Tse! Erica oh! Inaaway ako!" Sumbong ko kay Erica na nililigawan niya.
"Ano ba Zeke." Sabi naman ni Erica. Nanahimik naman si Zeke. Hahaha, under---standing ang koyah niyo!
Masaya kaming nagusap sa table nila Zack. Ako, Zack, Zeke at Erica na mag kakasama. Mabait naman si Erica hihi. Buti nga sila kinakausap ako eh. Sila Kuya Kris hindi. Hinayaan pa nga akong umalis eh. Psh. Tampo ako sa kanila.
We we're in the middle of a happy conversation when someone interrupted us.
"Let's go Sera." Sabi ni Zane at hinila na ako paalis ng venue. Dumiretso na kami sa kotse niya. Pinapasok niya ako at siya naman ang pumasok.
"What the heck is your problem, Zane?" Inis na sabi ko. Kasi naman, nakakabastos yung ginawa niya. Naguusap kami ng tao bigla bigla nalang nanghihila.
"Nothing. I'm sending you home." Cold na sabi niya. Ano bang problema nito? Parang kanina lang ah.
"Ano bang problema mo?" Inis na sabi ko sakanya.
"I said nothing." Matigas na sabi niya.
"Bahala ka diyan sa buhay mo." Sabi ko sakanya at pinikit ang mata ko. Matutulog ako bahala siya diyan.
Lumipas ang 15 mins. Wala pa ring nagsasalita sa amin. Pero nakapikit pa rin ako.
"Tch. Fine. I'm fucking jealous, ok?" He said. Ano daw? Jealous?
"Saan ka naman nag seselos?" Inis na sabi ko.
"I'm effin' jealous of that Zack. Bakit kausap mo siya?"
"Bakit? Masama ba? Masama bang kausapin ko siya?"
"Oo! I'm courting you pero nakikipaglandian ka sa iba!" Sigaw na sabi niya.
What the fuck?
"Anong sabi mo?" Naniningkit na matang sabi ko.
"Fuck. I'm sorry." Nagugulahang sabi niya.
"Puta Zane! Sino ka para sabihin sa akin na malandi ako?! Zane. Remeber, you're still courting me. Wala ka pang karapatan sa akin. Wala pa tayong label para sabihan mo yan! You know what, you're giving me a second thought about me accepting your offer of courting me. Akala ko ba proprotektahan mo ako? Akala ko ba ayaw mo akong nasasaktan? Well Zane, you are hurting me. Simpleng salita pero tagos sa puso. I never thought you've said those words to me. Nagbago ka na nga. I guess you proved me that you're an ass. Goodnight." Yun ang sabi ko sa kanya at bumaba na sa kotse. Nasa harap na kasi kami ng bahay.
"Fuck! Fuck this disorder! Shit!" Yun ang huli kong narinig sa kanya bago ako pumasok ng bahay.
Dumiretso na ako sa cr ng kwarto ko. Naiiyak ako shit.
Akala ko pa naman magiging masayang gabi ito ngayon. Well, I guess, I'm wrong.
Ang sakit lang kasi. Isipin niyo, sabihan kayo ng malandi ng taong mahal niyo, sa harap harapan pa. When in fact, nakikipag usap lang naman ako. Tsaka sana naman maisip niya na nasaktan ko yung tao. I rejected Zack because of him. Kasi siya ang sinisigaw ng puso ko.
Nakakagago lang kasi.
Ayoko na, gusto ko muna mag pahinga. I really have a rough night.
*********
A/N: Hello guyth! How's the ud? Hihihi. Short ud for today. But I hope na nagustuhan niyo! Thank you very kamsa! Godbless always!!!
Daily Reminder: Don't forget that God loves you so much! And keep smiling even you have a worse day. Just pray to God all of your problems. Surrender your problems to Him. He'll always be there for you. Thank you and God bless!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
needs
05/07/2024
0pogi dw ako
05/07/2024
0nice story ❤️❤️
14/07/2022
0Tingnan Lahat