Homepage/Loving My Possessive Bestfriend/
Pwede bang...?
Chapter 25: Pwede bang...?
Seraphina's POV
Friday na ngayon and time really flies fast. Lumipas ang dalawang linggo. Mas naging close kami ni Zack. Minsan hinahatid sundo niya ako, minsan naman kasama namin siya mag lunch with my girls and Jin's fiance. Minsan nga tinatanong ako ni Kuya kung nililigawan daw ba ako ni Zack. Syempre ang sagot ko kay Kuya, no. Kasi yun yung totoo.
And parang feel ko nga, totoohanin niya yung sinabi niya nung nasa tagaytay kami. Na, he will take it slow. At ito pa pala. Minsan may dala siyang flowers and chocolates. Parang manliligaw lang. Pero sinasabi ko naman sa kanya na he doesn’t have to do that kasi we're friends lang naman.
Ang sasabihin niya lang naman. 'I don't care. Masamang bang bigyan ng flowers and chocolates ang isang kaibigan? Hindi naman diba?' Yan ang sasabihin niya. Pero alam niyo guys, crush ko na siya. Sa sweet niyang yun? Hindi ko nga in-expect na ganun pala yun eh. Kaya ayun hindi ko din in-expect na mamaging crush ko siya. Crush lang ah! Walang other feelings katulad ng like or love. That's a no no no.
And one thing. Bumalik nanaman ang secret admirer ko. Si 'My King. BFZ' diba bongga? Nagbabalik siya. nung nakaraang linggo kasi nakatanggap ako ng chocolates sa locker ko. May sulat pa nga, ang sabi 'My Queen, this is for you. I know you love sweets. Enjoy those chocolates. Taker care, My Queen. From Your King BFZ.' diba memorize ko?
Hindi ko nga alam na may nakakaalam pala na mahilig ako sa sweet eh. Siguro stalker ko na talaga siya. Nakikita niya siguro akong laging kumakain ng chocolates tuwing break. So ayun nga. Araw araw na yun. Kundi chocolates, flowers.
Kung hindi yung mga yun. Mga poems, tagalog and english. Minsan naman teddy bear na maliliit. Pero kahapon lang nakatanggap ako ng malaking pink bear na may toto, na galing pang 'Blue Magic'. Hindi ko naman tinatapon mga bigay niya. No harm naman eh. So inuuwi ko sa bahay yung mga bears, nasa kwarto ko nga eh. And yung pink bear na may toto. Pangalan niya is 'Akira'. Cute, isn't it?
So ayun back to the story. Nandito ako ngayon sa school. Room to be exact. And for your information si Gayle pala may bff. She's busy kaya hindi kami ganun nag kikita. She's 2 years older and 3 years naman ang gap namin pagdating sa year. I'm a freshman at college while she's graduating. Nadamay sa k12 eh.
By the way, nandito na ang prof namin. And FYI hindi na pala kami masyadong naguusap ni Zane.
"Good morning class. Get a partner and I'm going to give you 10 transactions. Kailangan niyong i-balance yung sampung yun. You need to finish it before dismissal. And I'm expecting that you all get a perfect grade sa activity na yan. It's just a basic accounting. Grade 11 palang pinagaaralan na uyan. Understood?" Sabi ni Ma'am Cristobal. Huhuhu, I hate accounting talaga. Basic nga lang yun pero ang hirap.
Anyways, sino ba partner ko? Tumingin ako kay Jin, pero for sure si Kiel ang partner niya. Kaya si Ky naman ang tinignan ko.
"Ky!" Tawag ko sakanya.
Lumingon naman siya. "Po?" Tanong niya.
"Partner?" Tanong ko naman.
"I'm sorry, naunahan ka na eh. Hehehe." Sabi niya. At tinuro si Clarisse na partner niya ata.
I pout and said. "Okie."
Sino na ang partner ko?
"Hey Sera? Don't have any partner yet?" Nilingon ko yung nagsalita.
"Waley pa eh. Ikaw ba?" I said to Zane.
"None. Tayo nalang partner." Sabi niya. Tumango nalang ako.
Lumipat siya ng pwesto at tumabi sa akin. Nasa likod ko kasi siya nakaupo.
After ng hanapan ng partner, may ibinigay si Ma'am Cristobal na paper. Nandun daw ang transactions. Inilabas ko na ang mga papel na kailangan ko para dito.
Tinignan naman ni Zane ang papel. At sinabing 'Easy.' Waleya, siya na, siya na matalino.
Nagsimula na kami ni Zane na magsagot.
After 30 mins.
"Bakit ganun?! Bakit hindi balance?" Sabi ko sabay kamot sa ulo, nakakaano naman 'to.
"Ano ba yan? Chineck mo ba ng mabuti yung mga transactions kung tama?" Sabi naman ni Zane.
"Oo, dinouble chech ko na. Bakit ganun?" Mangiyak ngiyak na sabi ko. Hindi ko talaga gusto ang accounting eh. Bakit ba ako nandito?
"Ako nga. Pitikin kita sa noo kapag may mali ah." Kinuha naman ni Zane ang papel.
"Sure naman ako eh." Mahinanh sabi ko sabay yuko. Huhuhu, baka nga may mali akong na compute. Mahina na nga sa accounting mahina pa sa math. Waleyang buhay 'to.
"Tch." Sabi ni Zane at nakaramdaman ako ng pitik sa noo na alam kong siya ang may gawa.
Tinignan ko siya ng naka pout. "Bakit?"
Pinakita niya sa akin yung papel at may itinuro. "Ayan oh. Mali ka ng compute. May mali ka din na nainsert na amount. Tsk, ako na nga tatapos." Sabi niya at nagsimula nang ayusin yung mali kong nagawa. Sabi sainyo eh, matalino yan eh. Nasabi ko na bang, minsan siya ang gumagawa ng homework ko ng elementary kami? Kung hindi. Ayan nasabi ko na. Matalino kasi talaga siya. Laging Top 1 sa klase. Pinakamagaling sa math yun.
Nagulat ako nang inabot sa akin ni Zane ang papel. "Oh ayan, tapos na. Balance na lahat. Ikaw nalang mag pasa kay ma'am." Sabi niya. Kaya ayun ako na ang nagpasa.
"Yiiieee. Thank you! Buti nalang magaling ka." Sabi ko kay Zane habang nag papacute. Hihihi.
"Tch." Sabi niya lang at umalis na sa tabi ko.
Napa-pout tuloy ako.
**Kriiinnggg**
Ayan na nag ring na. Yehey!
"Ok. Class dismissed." Sabi ni Ma'am Cristobal at umalis na.
Lunch na pala.
Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko, lumapit ako kila Jin. "Girls. Caf tayo?" Tanong ko.
"Kami nalang, mukhang may nagiintay sayo." Sabi ni Jin. Huh? Nagiintay?
"Ehh? Wala ah. Sino naman?" Sabi ko.
"Ayun oh, nasa labas ng room. Kanina ka pa hinihintay niyan." Sabi ni Jin at ngumuso sa may pinto.
Si Zack.
Anong ginagawa niyan dito? Lumapit ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"May kailangan lang akong sabihin sayo." Sabi niya.
"Ano yun?"
"Private. Samahan mo nalang akong sa garden. Doon ko nalang sasabihin sayo." Sabi niya.
"Ok?" Sabi ko na may alinlangan. Ano naman kaya ang sasabihin nito at kailangan private pa. "Girls. Una na ako ah." Sabi ko kila Jin at Ky.
Paalis na kami ng may biglang dumaan sa harap namin. "Tch." Si Zane, siya ang dumaan.
"Problema nun?" Tanong ko ng mahina sa sarili ko.
"Hala lagot ka. Nagseselos si Master." Sabi naman ni Kiel. Napakunot naman ang noo ko.
At bago pa ako magsalita hinila na ako Zack papunta sa garden. Raulo kasi si Kiel. 'Bat naman yun magseselos?
Patapos ng mahabang paglalakad nakarating na rin kami sa garden. Umupo kami sa may damuhan.
"Anong bang sasabihin mo?" Tanong ko nang makaupo na kami.
"It's just that..."
"What?"
Nagulat ako nang humarap siya sa akin at lumuhod sa mismong harap ko, baliw ba siya? May estudyante pa naman dito tas hinawakan pa ang kamay ko. "Seraphina Claire Parker. I want to confess my love for you. Alam kong panget ang una nating pagkakakilala. At nung oras na umamin ako sayo na sinabi kong gamitin mo ako para kalimutan siya. I'm sorry, I'm such an ass. Pero for the second time. Aamin ako sayo na mahal kita at gusto kitang ligawan. I know I'm a jerk and you've known me as a playboy pero sayo lang ako seryoso. My love for you is like Edward Cullen. Mabilis man pero tapat na nag mamahal. So, Sera. Can I court you?" Shookts. I didn't expect that.
"Zack. Look, I'm sorry but I'm rejecting your offer... again. I'm sorry."
"What? I thought? I thought that you like me too? Akala ko magugustuhan mo na ako. You we're happy when you're with me. Yung mga ginagawa ko for you. Akala ko magugustuahn mo yun. Umasa lang pala ako sa wala." Sabi niya at yumuko.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak din sa kamay ko. "Zack, alam mo naman ang tunay kong nararamdaman diba? Oo nga, I may be happy when I'm with you, pero that doesn't mean that I like you too. Oo crush kita, pero yun lang. Tsaka nagustuhan ko naman yung mga ibinibigay mo at mga ginagawa mo for me eh. Tsaka sinabihan na kita na tigilan mo na yung pagbigay bigay nang bulaklak at chocolate, pero you refused. And hindi sa pinaasa kita. Ikaw lang ang umasa. I'm sorry. Alam nating dalawa kung sino ang laman ng puso ko. And it's him. I'm really sorry. I'm sorry kung na ramdaman mong pinapaasa kita or pinaasa kita. Para sa akin kasi, you're just a friend to me. I'm sorry." Sabi ko.
"Yeah. I'm just only your friend. It's okay. I'm expecting this. Ako lang naman ang umasa. Umasang baka may nararamdaman ka na sa akin. Don't worry, I'm fine but, if you need someone to talk to, I'm here. I'm only one call away. You still made me happy, at least nalaman kong crush mo pala ako. Sige na. Kumain ka na." Sabi niya at iniwan akong mag isa sa garden. Hayst...
Ano ba yan? Tama naman ginawa ko diba? Ayoko lang naman na paasahin siya sa wala. Parehas lang kaming mag mumukhang tanga.
I feel bad for him. Being his friend is the only thing I can offer.
Hayst... makapunta na nga lang ng caf at makakain.
Umalis na rin ako sa garden at dumiretso na sa caf para kumain.
--
Third Person's POV
"Bakit ka kaagad umalis?" Tanong ng babae sa lalaki habang hinahabol ito paalis ng garden.
"I don't want to listen to what she's gonna answer." Sabi naman ng lalaki.
"Dapat pinakinggan mo kung ano yung sagot niya." Sabi ng babae sa lalaki.
"Ayoko Ky. Alam ko na kung anong isasagot niya. Alam kong gusto niya rin si Zack." Sabi ng lalaki kay Ky.
"Malay mo naman hindi diba? Kung pinakinggan mo lang kasi eh."
"Am I too late?" Tanong ng lalaki kay Ky.
"Kali, hindi pa. I'ts never too late. Sige sabihin nating pumayag siya, pero hindi pa naman sila. You still have a chance. Sinabi ko na kasi sayo eh. Make a move man." Sagot naman ni Ky kay Zane.
Hindi alam nila Zack at Sera na may nakikinig pala sa usapan nila. Kaso umatras na si Zane nung nagtanong si Zack kay Sera kung pwede ba itong lagawan. Ayaw niya kasing malaman ang isasagot ni Sera. dahil msasaktan lang naman siya. Alam naman niyang nagkakagusto na si Sera kay Zack. Hindi naman siya tanga para hindi iyon makita.
"Kung gusto mo siyang makuha. I'll help you. Just make your choice. If you'll let her go with another man or be with her, only you. It's up to you men." Sabi ni Ky at naglakad na.
*********
A/N: Short update for today. Hope you liked it! Thank you and Godbless! Muwah muwah. Lovelots!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
needs
05/07/2024
0pogi dw ako
05/07/2024
0nice story ❤️❤️
14/07/2022
0Tingnan Lahat