logo text

Kabanata 4: Mga Magnanakaw

Gabi na. Natapos na ang working hours ni Kassie.
Kasalukuyang naglalakad sila ni Brandon sa parking lot. Nakakapit siya sa braso ng lalaki. Nakasukbit ang shoulder bag niya sa balikat. Pauwi na siya at hinahatid lang siya ni Brandon sa kotse.
"Thank you so much for this wonderful day. Busy man pero nagiging magaan ang trabaho kapag nandiyan ka," malambing na sabi ni Brandon na huminto at hinawakan ang kamay ng dalaga.
Si Kassie naman ay uto-uto. Ang laki ng ngiti sa labi. Kinikilig ang g*ga.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Pasensya na kung hindi kita maihahatid kailangan pa ako rito sa hospital eh," sabi ng binata.
"Okay lang naman sa akin. Saka nag-enjoy talaga ako ngayong araw Brandon!" malanding sabi ni Kassie na hinampas pa ang balikat ni Brandon. Mukhang t*nga lang.
Tatawa-tawa lang naman si Brandon. Mukhang sanay na siya sa ka-weirduhan ng babae. "Sige na. See you tomorrow," ngiti niya na hinaplos ang pisngi ng dalaga.
Samantala, napadaan naman si Frederick sa parking lot. Nakita niya sina Kassie at Brandon sa 'di kalayuan. Nagtago siya sa likod ng pulang kotse at nagmanman sa dalawa.
Nakita niya na unti-unting lumalapit ang mukha ni Brandon kay Kassie. Dito pa sila maghahalikan sa parking lot.
Nairita si Frederick sa nakikita. Naikuyom niya ang palad. May nakita siyang yuping lata sa lupa. Kinuha niya iyon at binato sa gawi nila.
"Boing!" Natamaan si Kassie ng lata. "ARAY!" sigaw niya na napahawak sa gilid ng ulo.
"Oh! Are you alright? Sino 'yon?" nag-alalang sabi ni Brandon na hinawakan ang ulo ng kasintahan. Luminga-linga siya sa paligid pero wala naman siyang nakitang ibang tao bukod sa kanila.
Nagsumiksik si Frederick sa likod ng kotse. Halata sa mukha niya ang guilt. "Sh*t. Hindi ko sadya. Si Brandon ang binabato ko," sabi niya sa isip.
Ilang saglit pa ay nakita niya na nagpaalam na si Kassie kay Brandon at bumalik na si Brandon sa loob ng hospital.
Nakahawak pa rin si Kassie sa nasaktan na ulo. Akma niyang bubuksan ang pinto ng kotse nang may maalala. Kinapkap niya ang bulsa.
"Ah! Sh*t! Nakalimutan ko 'yong susi ng kotse at 'yong remote!" bigla niyang naalala at bumalik siya sa loob ng mortuary.
Nagtataka na napatayo si Frederick. Hindi niya alam kung bakit bumalik ang babae sa loob ng building.
***
Pumunta si Kassie sa coroner's office. Nakita niya ang susi at remote ng kotse sa table. Kinuha niya iyon at lumabas sa opisina. Aalis na sana siya pero natigilan nang may narinig siyang kalabog na nagmumula sa morgue.
Nahulog ang mga tools sa sahig at nag-echo ang tunog niyon sa kwarto.
Nagtataka na napalingon siya roon. Sa pagkakaalam niya ay walang tao sa morgue nang ganitong oras.
Nakauwi na rin ang assistants niya na sina Rica at Mauro.
Ang tatlong mortician na sina Nicole, Aaron at Keith wala na rin doon.
Ang janitor na si Jobert ay maagang umuwi. Si Frederick ay hindi niya alam kung nasaan. Sino ang nandoon?
Si Dr. Lambert ba? o si Dr. Pierro? Iyong dalawang pathologist lang ang nandito sa St. Luis Mortuary kapag ganitong oras. Pero nandoon sila sa examination room.
Walang ilaw sa morgue at nakasara rin ang pinto. Dahil sa curiosity ay naglakad siya sa hallway patungo roon. Titignan niya kung ano ang mga nahulog.
May nakita siyang lalaki sa loob ng morgue na tumalon sa bintana.
"Ha!" Napasinghap siya at napatigil sa paglalakad. Namilog ang mga mata niya. Sino iyon?
Nagmadali siyang tumakbo at hinabol niya kung sinuman ang pumasok sa loob ng morgue. Padabog niyang binuksan ang pinto at ilaw.
Sumilip siya sa bintana na nakabukas. Madilim sa labas pero nakita niya ang dalawang lalaki nakasuot ng itim. May bitbit ang mga ito na body-bag.
"Hoy! Anong ginagawa n'yo?!" sigaw niya at galit na tinuro ang mga ito.
Lumingon ang dalawang magnanakaw sa kaniya. Nakatakip ng facemask ang mga mukha nila. Nagmadali ang mga ito na ipasok sa loob ng sasakyan ang body-bag.
"Holy shit!" sigaw ni Kassie at tumakbo palabas sa morgue. Sa hallway ay nakabunggo pa niya ang co-worker niyang si Dr. Lambert Isidro Jr.
"Oh! Kassie ano ba?!" reklamo ng pathologist.
"Sorry Dok, pero may intruder sa morgue! Tumawag ka ng pulis!" sigaw ni Kassie habang tumatakbo pa rin sa hallway.
"Ano?!" Nagtaka si Dr. Lambert sa narinig pero napalingon siya sa morgue. Naglakad siya papunta roon.
***
Lumabas si Kassie sa building at nakasalubong niya si Frederick.
"Oh? Bakit nagmamadali ka?" pansin ni Frederick sa mukha niya.
Hinihingal na nagsalita siya, "M-May magnanakaw na nasa likod! D-Dali hulihin natin! Makakalayo sila!"
Hinila niya ang binata. Hindi man maintindihan ni Frederick pero sumunod na lang siya.
Tumakbo silang dalawa paikot sa building pero natigilan sila nang makita ang isang itim na van na galing doon.
"Hayun ang sasakyan nila!" sigaw ni Kassie na tumingin sa plate number ng sasakyan.
Wala na silang nagawa dahil nakaalis na ang van. Hindi na nila ito mahahabol.
***

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Iri Sh

    nice story

    07/10/2023

      0
  • avatar
    Kathleen Joy Valeriano

    🤍🤍

    03/07/2023

      0
  • avatar
    MissDreamer

    ang Ganda kahit maikli lang. pero in fairness naman kay Jobert spokening dollar hahahahhahahaha

    06/05/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata