logo text

LIHAM NI ALLIYAH

Hi,
I'm sorry for leaving you guys again. Alam ko na sa oras na nakita at binabasa niyo na ang letter na ‘to ay siguradong nakaalis na ako. I don't know where to go, pero alam kong kailangan kong gawin to. I was hurt, and I know that I am still hurting. I've already forgiven all of you guys, Misty, Jack, Matteo, Monica, and to everyone who kept a secret. And I am also sorry for the trouble I caused you guys. Cause I know that I have to accept the fact that it already happened. I don't want to rewind things and happenings to tell you what I am talking about, because I know that you already knew what I was pointing.
Ang daming nangyari, and I couldn't imagine na nalagpasan ko yon lahat with all of this unique and very magical creatures like you, or even me. Ang dami ko paring kailangang alalahanin because I think ang dami niyong binurang alaala sa isip ko. It's actually challenging for me, but at the same time, ang hirap. Pero don't worry, gusto ko munang magpagaling at tanggapin ang lahat nang masasaklap na mga nangyari.
Before I can forget, I finally figured out what was the golden key's role. And I am very happy dahil sa tagal-tagal kong hinanap ang purpose niyan, I finally found it. I want Misty to show everyone what I have left for you guys. Misty, please go to the master bedroom where my father and mother sleep. May secret door sa gilid ng pinto ng kwartong yan, on the right side, where there's carved letters saying ‘right place’. Itulak mo yan and try to find the keyhole to use the golden key.
And now that I have found the Right place for you everybody, I am ordering all of you to leave Paradise as soon as possible. But before leaving Paradise I want Laurin to give Alexander, the son of Yvvon, the authority to lead Paradise, protect, and promote peace. I want all of us to unite.
Keep safe everyone. Before putting an end to this message, I want to thank Tita Amanda and Misty for taking care of me until now. I won't ever forget your goodness to me. And please know that I am not leaving all of you, again for good. Gusto ko lang munang mapag-isa, to heal, para ayusin at kilalanin pa ang sarili ko.
I shall be back soon.
Your soon to be ruler, Alliyah.
Matapos basahin ni Misty ang sulat na iyon ay ginawa niya ang pinapagawa ni Alliyah sa kaniya. Hinanap niya ang nakaukit na mga salita sa gilid ng pinto ng masters bedroom, habang dala-dala ang gintong susi.
Sinubukan niya itong itulak papasok dahilan para bahagya itong umatras, lumihis na sa tamang anggulo ng pader. Laking gulat ni Misty sa nasaksihan kasama ang ina niya at ang ibang mga kasama, hindi rin nawala roon si Laurin.
“It's true!” Hindi makapaniwalang sigaw ni Misty! Mabilis na itinulak niya pa ito, at sa tulong ni Laurin ay tuluyang lumantad sa harap nila ang blankong pader.
Kumunot ang noo ni Laurin, “What's next?”
“Sabi dito, we have to fine the keyhole.” Paliwanag ni Misty at agad na naghanap ng keyhole na sinasabi sa letter na iniwan ni Alliyah.
“Here!” Bulalas ng ina ni Matteo, hindi nila namalayang pumasok rin pala ito! Nakita nito ang keyhole na hinahanap nila, kaya nagmadali si Misty na magpunta roon!
Maingat na pinasok ni Misty ang gintong susi sa butas at nagulat pa nang malakas na tumunog ang kung anomang mga makina sa likod nito! Napaatras silang lahat dahil sa kawalan ng kaalaman kung anong nasa likod niyon, at bilang pag-iingat na rin.
Nang tumahimik na ang pader ay naglakas loob si Laurin na lapitan ang parte niyong may hiwa na parang yon ang kailangan nilang buksan para makita ang kung anomang nakatago sa pader na yon.
Mag-isang itinulak ni Laurin ang pinto at napapikit nang sumalubong sa kaniya ang kakaibang liwanag, amoy ng hangin at kakaibang pakiramdam!
Nang umayos na ang paningin ay nagulat siya sa nakita, hindi kapanipaniwala kung sino ang kaharap at katitigan niya ngayon!
•••••
Author's Note:
Hii! So this is the end of this! Thank you sa lahat ng nagbasa, alam kong hindi perfect ang story ko, maraming errors, bitin, kulang sa details, at hindi pa consistent yong updates. Sorry po sa mga yon, tanggap ko po ang kakulangan ko bilang manunulat. Isa rin po ay ang pagiging busy sa school po kasi, since pasukan na. Pero maraming salamat po talaga sa inyo, I really appreciate you guys.
May chika lang sana ako. Actually may theme song sana ako nito eh, kaso nga nang malapit nang matapos ang SL ay hindi na siya tumutugma sa story ko, kumbaga lumihis siya ng story line, kaya hindi ko na lang tinuloy HAHAHA.
Curious ba kayo sa ‘Right Place’ na sinasabi sa liham ni Alliyah? Hehehe.

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    Angela Beatriz Enriquez

    sobrang ganda ng kwento i hope na magsulat ka ulittt i love it

    19/06/2022

      0
  • avatar
    OsoteoBeth

    nice

    03/05/2022

      0
  • avatar
    Jerson Magsino

    wow

    02/05/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo