Chapter 48

MATTEO'S POINT OF VIEW
“What is this conference for?” I narrowed my eyes at Juliana. She was in a hurry nang makita ko, can't really tell her emotions right now, but it seems like a bad news.
“Pumayag lang namang magpakasal ang taong hinihintay mo sa anak ng kalaban natin. Now tell me, sinong hindi magagalit sa kaniya? Nagpapadalos-dalos na naman siya!” Dagdag ni Juliana and rolled her eyes.
What was it again? Pumayag si Alliyah na magpakasal kay Alex? Is this for real? How? Why? What is happening? May kailangan pa ba akong dapat alamin?
“Ano, Matteo? Araw-araw ka na lang bang aasa sa babaeng yan? Pagod na pagod na akong kumalma sa harap niya, pero wala akong ibang magawa kundi yon lang! Ang insensitive niya, grabe!” She shouted, she's frustrated.
“Juliana, kumalma ka nga. Maybe she has a better plan for us, na mas maganda pa kaysa sa plans natin. We don't know, Jul. We never listened to her, remember? Nakikinig lang siya sa atin, we didn't even gave her the chance to explain.” Cian said while calming down Juliana.
“I want to talk to her.” I said, dumbfounded. I didn't know how to react. After the pain, there is pain, again. And I don't know what kind of pain I'll go through this time. Maybe it's the same way, or maybe…it will hurt more.
“No—”
Agad ring naputol ang akmang pagtutol ni Juliana sa sinabi ko nang pigilan siya agad ni Cian, “Yeah. Maybe you should, Vanem Vend.” Tumango lang ako sa sinabi niya at nakinig nalang sa kanila.
Masyadong ukopado na ang utak ko. Kakamatay pa lang ni Layla after the situation I thought that was the worst, and now this happened. Hindi ko masyadong naintindihan ang pinag-uusapan nila, they're planning, but I am too.
If Alliyah was really over me, well, I am not. I'll stop her from marrying that Alex. She deserves better, not him or maybe not me, but a ‘better’ person. I've said this before, and I'll remind myself again.
‘The perfect girl for me, but I'm not the perfect man for her.’
“We have to talk to her as soon as possible, Jul.”
“I'm so tired of facing her, Cian. Pagod na akong makipag plastikan sa kaniya, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko—”
“Okay. I'll talk to her, you don't have to say a thing, but if needed, of course you'll speak. So you come with me, okay?” Malambing na sabi ni Cian at hinimas pa ang likod ni Juliana.
Napapansin ko tuloy that lately, mukhang may something sa kanila. But I can't be sure kasi sa tagal nilang magkasama sa misyon, naging close na rin sila.
“Fine.” Napabuntong-hininga nalang na tugon nito.
Ilang oras pa ang dumaan ay tuluyan nang umalis sina Juliana at Cian. While I was realizing how I should feel and react after what I've learned.
I know, wala akong karapatan, because there was never us. Hindi ko siya niligawan, it was just clear to the both of us that we have feelings for each other, yon lang. But what can I do? I can't stop my feelings even if there is no label.
I'm mad. I feel betrayed. I don't know if this is normal, but it hurts. She's literally so insensitive. Akala ko ay naparamdam ko sa kaniya ang nararamdaman ko, even if there is no communication, but… I really couldn't understand her now. This is too complicated, but I have to talk to her.
A day passed, I learned that Alliyah was planning for a sabotage. Yon ang napag-usapan nila ni Cian at Juliana together with Alex yesterday. But after that, I told them that I am going to talk to Alliyah and they agreed.
I am walking to the hallway, to Alliyah's room. I know that she's not expecting me to be here, but I don't care anymore.
Kumatok ako ng paulit-ulit, and after a few seconds nang tanongin niya kung sino ang nasa likod ng pinto niya ay nakarinig ako ng yapak papalapit sa kinatatayuan kong pinto. “Sino nga kasi yan?” Inis na tanong niya at binuksan ang pinto.
Blankong tingin ang ibinigay ko sa kaniya saka siya napapaatras habang umaabante naman ako. “Until how, Alliyah?” Sinusubukan ko na huwag lumabas ang galit at sakit nararamdaman ko sa harap niya.
Just imagine, ilang taon nang ganito ang sitwasyon namin, ilang taon na akong nagtiis sa sakit, because I know that I can't just give up on her. She is different.
“Bakit ka nandito? P-pano ka nakapasok?” Utal-utal na tanong niya. Naguguhit sa mukha niya ang gulat. She wasn't expecting to see me.
Umiling ako, “Tinatanong pa ba yan, Alliyah? After all this years, alam mong ikaw lang ang—”
“Kasi hindi mo pinaparamdam sa akin na mahalaga ako sayo! Parati mong ipinapakita na wala kang pakealam sakin, Matteo!”
“Pero ang pumayag ka sa kasal?! What was that, Alliyah?! Are you trying to get revenge?! Alam mong halos mabaliw ako nang umalis ka! You left, and now that you're here again, I wasn't expecting you to double the pain!” Halos lumuwa na ang mata ko sa pagkakasipat sa kaniya, umigting na rin ang panga ko dahil sa galit habang pinipigilan na mahawakan siya dahil baka masaktan ko pa siya.
“Alam mo? Ang buong akala ko ay wala ka nang pake sakin, I already gave up, dahil palagi mo nalang ipinaparamdam sa akin na hindi ako importante sayo.” Umagos na ang mga luha niya.
Malalim na napabuntong-hininga ako. If I can just steal the pain, I would. If I can just bring back time, I would. But I can't.
I wanted to hug her, kiss her, and comfort her, but I can't, because she's mad at me. Now I am feeling the pain again, and it was trice the pain I felt before.
“Pagod na ako dito, Matteo. Pagod na akong magpaka-superhero na alam ko namang hindi ko kaya. Pagod na akong magpanggap na ayos lang ako rito, dahil ang totoo ay hindi naman. Napipilitan akong kumain, makipaghalubilo, at gawin ang mga bagay na kailanman ay hindi ko inisip nagagawin ko…” tuluyan siyang humagulhol sa harap ko kaya walang pagdadalawang-isip na inalalayan ko siya paupo sa kama niya.
“Oo…nagsisi na akong pumayag sa kasal na yon. Ayokong magpakasal sa kaniya, napilitan akong isipin na mas ligtas ako at kayo kapag ganoon ang nangyari. Ramdam ko sa puso kong mali ang naging desisyon ko kaya nagsisisi ako. Sa totoo lang nalilito na ako, Matteo, nahihirapan, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.” Hindi ko na makita ang mata niya dahil nakayuko lang siya habang nagsasalita.
Hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko. “Shhh…enough. We are both hurt dahil sa mga naging desisyon natin. Please, stop crying, you're hurting me too.” Malambing na sabi ko at niyakap siya.
“I can't do this anymore, Matteo. Tulungan mo ako.” sa pagkakataong ito ay niyakap niya ako pabalik. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil magula na ang buhok niya ngayon. Niyakap ko siya ng mahigpit, feeling that this would be the last time.
“I will…b-babe.” hindi ako sigurado kung tama bang sabihin ko yon sa sitwasyon namin ngayon, pero sisiguruhin kong tutulungan ko siya.
I have my plan.
Umiyak pa siya ng umiyak bago umalis sa pagkakayakap sakin at hinarap ako. Namamaga na ang mga niya sa kakaiyak, habang pumupula pa ang ilong nito. “N-no‘ng niyakap mo si Layla…bakit ganon mo siya tinitigan?”
Mabilis na kumunot ang noo ko sa tanong niya! “When and why?”
“Nong nandito kayo. Yong huling sumugod kayo dito. Bakit ganon ka makatingin sa kaniya?”
Napabuntong-hininga na naman ako nang malalim. “She was dying, Alliyah. Of course I'm sad.”
“Mahal mo pa rin—”
“No! She was part of my life that's why I was sad! Are you thinking that I'm still inlove with her?” Napagtaasan ko siya ng boses kaya bahagya siyang napaatras sa gulat. “Sorry..but who told you that?” hindi kaagad siya nakasagot at nag-iwas ng tingin.
“Si Y-yvvon…” pahina nang pahinang sabi niya.
“And you believed?” Sinilip ko ang mukha niya nang yumuko siya. “Alliyah? Please answer me.” Hindi siya nagsalita pero kitang-kita ko ang dalawang makakasunod niyang tango.
Wth?! Is this real?!
“You're starting to trust him more than us?” napailing ako, “This is so confusing, Alliyah. I—I don't understand.” napatayo ako at tumalikod sa kaniya.
Lumapit ako sa bintana niya para suminghap ng preskong hangin at hindi inaasahang makita si Alex sa ibaba. He was staring at me, I'm sure alam niya na kung ano ang ipinunta ko dito.
“He is your enemy, our enemy, Alliyah.” binanggit ko ang mga salitang yon habang nakatitig pa rin kay Alex na hanggang ngayon ay hindi rin maalis sa akin ang paningin.
“Alam ko. Kaya nga binawi ko na ang desisyon kong yon. It was a big mistake. Nagkamali ako, at ayaw kong maulit pa yon.” Doon ko pa lang siya hinarap,
“I have to go, baka mahuli pa ako. And please be careful. I love you.” Bago ko siya tuluyang iwan ay yumuko ako para abutin ang noo niya at iwan ng matamis na halik. “I've been wanting to do this before, ngayon lang ako nakahanap ng matinong tyempo.” Nginitian ko siya at niyakap sa huling pagkakataon bago ako umalis.
Hindi siya nakakibo o nakagalaw man lang kaya tuluyan ko nang isinara ang pinto ng kwarto niya. Mabuti nalang pala talaga at lumabas na ako dahil nasalubong ko maagad sa hagdanan ang mga bantay sa kwarto ni Alliyah.
Agad na tinungo ko ang sa tingin kong kinatatayuan ni Alex kanina, hindi ako nagkamali, naroon pa rin siya.
“How was it?” pasimula ni Alex.
“It went fine. I want to talk to you.”
“As we should. I have plans.”
“I have mine too. That wedding won't be successful.” Matapang na sabi ko, hindi ako papayag na maipakasal siya sa lalaking ito at matali habang-buhay sa kanila ng ama niya.
“I want you to do what you want to do at the wedding, Matteo. I know that you're the only one that can kill him.” Salubong ang kilay na sabi ni Alex.
“I will kill him for you.” tumango ako.
“Be at the wedding and do what is needed to be done. Ia have to go.” Iniwan ako ni Alex dahilan para planuhin ko na sa isip ko ang gagawin ko sa araw mismo ng kasal nila ni Alliyah.
Ilang minuto pa akong napatulala roon at wala sa sariling nag-angat ng tingin sa kwartong kinatatayuan ko kanina lang. Hindi ko inaasahang makita roon si Alliyah na nakadungaw, kunot ang noo nito at nagpapalitan ng tingin sa palalayong si Alex at sa akin.
Napangiti nalang ako dahil sa reaksyon niya. Matagal na rin noong huli kong titigan ng pangmatagalan ang mukha niya. I missed her, so much.

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    Angela Beatriz Enriquez

    sobrang ganda ng kwento i hope na magsulat ka ulittt i love it

    19/06/2022

      0
  • avatar
    OsoteoBeth

    nice

    03/05/2022

      0
  • avatar
    Jerson Magsino

    wow

    02/05/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata