Homepage/Moon Embracing the Sun/
Book II: Introduction
Book II: Introduction
Umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa buong kagubatan dulot ng palitan ng atake nang dalawang taong naghahabulan. Dahilan para mabulabog ang mga ibon at iba pang nahihirahang mga hayop dito. Ngunit bukod sa kanilang dalawa ay wala ng ibang nakakaalam ng pangyayaring ito.
"Luciana, wala ka ng takas. Huwag ka ng magtangka pang tumakbo." sigaw ng lalaking humahabol sa ginang.
Habang pilit na ikinukubli ni Luciana ang kanyang sarili sa mga malalaking halaman sa loob ng gubat.
Hindi takot para sa sarili ang nararamdaman ni Luciana kung hindi takot para sa kanyang anak sa sinapupunan. Ilan oras na siyang hinahabol ng lalaki malabo sa kanyang paningin ang mukha ng lalaki ang tanging malinaw sa kanya ay paghihirap na kanilang nararanasan ng kanyang anak.
"Anak, kumapit ka lang. Hinding hindi kita hahayaang mapahamak. Mabubuhay ka anak," si Luciana habang hinahaplos ang kanyang tiyan na walang umbok. Hindi mo aakalain na nagdadalang tao pala ito.
Sinadya niya na itago ang kanyang pagdadalang tao dahil sa panganib na maari nilang kaharapin oras na malaman ng ibang tao ang tungkol sa kanyang pinagbubuntis.
Isang pagsabog muli ang nagpa lindol sa kagubatan. Muling nagpakawala ng atake ang humahabol sa kanya. Nagkalat ang maliliit na apoy sa mga puno. Isang pyrus-user ang humahabol sa kanya.
"Luciana, 'wag mo na akong pahirapan. Wala ka ng ibang matatakbuhan."
Nalilitong luminga linga sa paligid si Luciana, naghahanap ng pwede niyang daanan para makatakas dito. Pero kahit saan siya lumingon wala na siyang ibang pwedeng takbuhan. Bangin ang pinakadulo ng kagubatan.
"Anak, makakatakas tayo. Magiging ligtas ka."
Wala na siyang ibang paraan na maisip kung hindi harapin ang lalaking humahabol sa kanya. Hindi niya maintindihan bakit malabo ang mukha nito sa kanyang paningin. Hindi niya maaninang ang itsura nito.
'Sanctum Praesidium'
Isang haos spell ang kanyang inilagay sa kanyang sinapupunan upang magbigay ng karagdagang proteksyon sa batang kanyang dinadala. Hindi niya hahayaan na mapahamak ito. Gagawin niya ang lahat upang ligtas niyang mailuwal ang kanyang anak.
Huminga siyang malalim habang kinakalma ang sarili. Nang nakapag handa na siya para sa gagawing pagharap lumabas siya sa kanyang pinagtataguan.
'Pluvia Lucis'
She immediately casted an attack to surprise him. It's a multiple light attribute attack. And like what she wanted to happen he failed to dodge that surprise attack. The man fell on the ground with an injury in his head.
Ginamit ni Luciana ang pagkakataon na iyon para makatakas dito. Madali siyang tumakbo paalis sa lugar na iyon. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ng isang pag atake ang tumama sa kanya mula sa lalaki dahilan para magpagulong gulong siya sa bangin.
"Ah." Sanga ng mga halaman at puno ang tumama sa kanyang katawan habang gumugulong. Mahigpit niyang prinotektahan ang kanyang tiyan upang maiwasan tumama sa kung saan.
Binalot ng malamig na tubig ang kanyang katawan matapos nito gumulong sa bangin. Halos kapusin siya ng hininga ng lumubog ang kanyang buong katawan sa ilog. Inagos ng malakas na tubig ang kanyang katawan. Hanggang sa unti unting binalot ng dilim ang kanyang paligid.
Unti unting kinakain ng dilim ang paligid. Nagkakagulo ang mga tao sa downtown dahil sa kanilang paniniwala tuwing may nangyayaring kakaiba sa langit. Unti unting naglalaho ang araw sa kalangitan. Para sa mga taga Asgard ang ganitong pangyayari ay nangangahulugan ng sigalot at kaguluhan sa buong kaharian.
Kasabay ng mga nangyayari ay ang pananakit ng tiyan ni Luciana.
"Ahh…" daing nito nang simulang humilab ang kanyang sinapupunan. "Matii Loreta."
"Dumating na ang takdang panahon para iluwal niyo ang iyong sanggol."
"Ah… Matii Loreta, hindi ko na kaya." Hinihingal na saad ng ginang dahil sa contraction sa kanyang tiyan.
Mabilis na inihanda ng matanda ang mga kagamitan sa pagpapa anak sa ginang. Inihiga nito ang ginang sa isang komportableng higaan bago kinuha ang kanyang tungkod at nag usal ng mga kataga.
"Uterum ab utero"
"Uterum ab utero"
"Uterum ab utero"
"Ventilabis"
Isang mahabang ungol ang kumawala sa ginang nang banggitin ng matii ang kanyang huling kataga.
"Ahh!" Halos panawan ng ulirat ang ginang sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
"Ventilabis" muling banggit ng matii.
Naglalandas ang tubig sa mukha ng ginang mula sa kanyang pawis.
"Ventilabis"
Kasabay ng huling salita ng matii ay ang muling pagpalahaw ng sigaw ng ginang. Kasabay din nito ay iyak ng isang sanggol na kanyang iniluwal. At ang kumpletong pagtakip ng buwan sa araw.
"Ang anak ko," nanghihinang saad ni Luciana. Gusto niyang makita ang kanyang anak.
Buong husay naman na inabot ni Matii Loreta ang sanggol sa kanyang ina. Malaking ngiti ang mababakas sa mukha ng ginang. Sa kabila ng lahat ng kaguluhan sa kaharian, heto at isinilang na niya ang kanyang anak na babae.
"Ang ganda niya," bulong ni Luciana.
Masaya naman ang matii na paglingkuran ito hanggang sa panganganak nito.
"Nagsimula na ang propesiya. Sa ikalimang salinlahi sa ika pitong kabilugan ng buwan. Ang pagtatakip ng buwan sa araw ang hudyat na nagsimula na ang propesiya." wika ng Matii.
Alam ni Luciana ang lahat ng mangyayari. Kaya heto siya ngayon isina sakripisyo ang lahat para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Hindi niya hahayaan na mapahamak ang kanyang anak.
"Matii Loreta, kayo na po ang bahala sa aking anak at sa akin. Pinauubaya ko na po sa inyo ang mga susunod na hakbang."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍
14/04/2022
0my karugtong po ba ng moon embracing the sun?
25/11/2024
0I love it tha story
24/06/2024
0Tingnan Lahat